You are on page 1of 4

D

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION VI-WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF LA CARLOTA CITY
LA GRANJA FARM SCHOOL
BRGY. LA GRANJA, LA CARLOTA CITY, NEGROS OCCIDENTAL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (ESP) 8
April 24, 2023
Pangngalan: Seksiyon–

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
BAWAL ANG MAGBURA NG SAGOT.

1. Ano ang tawag sa antas na naipapakita ang utang na loob?


a. Pasasalamat
b. Paglimot
c. Paggalang
2. Ito ay birtud na tumutukoy sa “paglingon o pagtingin muli” na ang ibig sabihin ay pagbibigay halaga sa
isang tao?
a. Pasasalamat
b. Paglimot
c. Paggalang
3. Salitang Latin na ibig sabihin ay libre o walang bayad.
a. Gratus
b. Gratis
c. Grace
4. Si Ana ay isang batang nasanay na sa tuwing may ibinibigay sa kanyang bagay ay hindi siya
nagpapasalamat. Ito’y nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat o _______________.
a. Ingratitude
b. Gratitude
c. Paggalang
5. Si Anton ay may pag-iisip na anumang inaasam niya ay karapatan niya na dapat bigyan ng daliang pansin.
Anong uri ng pag-iisip meron si Anton?
a. Entitlement Mentality
b. Ingratitude
c. Gratitude
6. Bakit ba mahalaga ang magpasalamat?
a. Dahil dito natin naipapadama at naipapakita sa taong tumulong sa atin ang ating kaligayahan at
utang na loob sa kanilang kabutihang idinulot.
b. Upang maging malakas pa ang relasyon sa isa’t-isa at makapagbigay din ng ligaya sa puso ng iba.
c. Lahat ng sagot ay tama.
7. Kadalasang nag-aaway ang pamilya o mga tao sa kadahilanang hindi _________________.
a. pagkakaintindhan
b. pagkain
c. sasaya
8. Si Roy ay nakasanayan na niyang magpasalamat at tumulong sa mga tao, kaya’t siya ay mayroon ng
____________ na ang ibig sabihin ng salitang ito ay pagkakaroon ng mabuting asal.
a. Birtud
b. Vir
c. Entitlement Mentality

9. Ang pagmamano ay tandan ng _________________ sa matatanda.


a. Pasalamat
b. Paggalang
c. Paglimot
10. Ito’y mga paraan ng pasasalamat maliban sa isa.
a. Simpleng pagtapik sa abaga
b. Pagbigay ng liham pasasalamat
c. Pagtalikod

II. Panuto: Isulat ang Titik T sa patlang kung ang pahayag ay tama at titik M kung mali.Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.

M 11. Ang pasasalamat ay pagiging handa sa pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa sa iyo ng
kabutihang-loob.
T 12. Ang pasasalamat ay isang gawi o kilos na kailangan nang patuloy na pagsasagawa hanggang ito ay maging
birtud.
T 13. Kapag kinilala at tinugon mo ang kabutihan na ginawa sa iyo ng iyong kapwa lalo na sa oras ng matinding
pangngailangan ikaw ay tumatanaw ng utang na loob.
M 14. Kapag nakagawa ka ng kabutihang loob sa iyong kapwa karapatan mo na maipagyabang ito upang ikaw ay
matularan
M 15. Kapag tumatanaw ng utang na loob dapat mo lamang matumbasan ang halaga ng tulong na nagawa sa iyo
kaya dapat ilista ang naitulong nila sa iyo.
T 16. Si Kris ay makabait at matulungin, kahit sa mga batang kalye siya ay nagbibigay ng anumang pagkaing
meron siya sa tuwing pauwi galing paaralan. Si Kris ay may mabuting kalooban.
T 17. Ang pasasalamat sa kapwa sa kabutihang nagawa ay tanda ng iyong pagkakaroon ng pagkilala sa tulong at
pagkakaroon ng utang na loob.
M 18. Hindi madaling magpasalamat sa kabutihang ginawa ng kapwa dahil kailangan natin itong tumbasan ng
isang regalo upang makabayad ng utang na loob.

III. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa inyong
sagutang papel.

19. Isang gawi o kilos na kailangan ng patuloy na pagsasagawa hanggang ito ay maging birtud.
a. Pasasalamat
b. Pagsagot
c. Pag-iisip
20. Ang pagkilala at pagtugon sa kabutihang ginawa ng kapwa sa iyo sa oras ng matinding pangangailangan.
a. Pagbati
b. Paggalang
c. Utang na loob
21. Kailan nangyayari ang pagtanaw ng utang na loob sa kapwa?
a. tuwing ginagamit sa maling paraan o pang-aabuso
b. kapag ginawan ka ng kabutihang loob ng iyong kapwa
c. tuwing may kailangan kang mapatunayan sa iyong kapwa

22. ___________ a. regalo b. kahon c. liham

23. ___________ a. panalangin b. yakap c. halik

24. ___________ a. panalangin b. yakap c. halik

25. Ang _____________ ay gawi ng isang taong mapagpasalamat.


a. pagpapasalamat
b. paggalang
c. pagtulong
26. Ang _____________ ay bukal sa kalooban at walang hinihinging kapalit.
a. pagpapasalamat
b. paggalang
c. pagtulong
IV. Panuto: Isulat ang salitang AKO kung ang pahayag ay totoo, at IBA naman kung ito ay hindi totoo.
AKO
27. Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon ay bahagi ng pagpapakita ng paggalang at pagsunod sa
magulang.
AKO
28. Pagtupad at pagpunta sa itinakdang oras ay isang magandang kaugalian.
AKO 29. Pagkuha ng gamit ng walang paalam.
AKO 30. Pagiging maalalahanin ay isang gawi na napakaganda.
AKO 31. Iparamdam natin sa matatanda na sila ay nirerespeto.
IBA 32. Tigilan ang pagiging mabuting halimbawa sa kapwa.
AKO 33. Lagi nating isa-alang alang ang pangangailangan ng ating mga pamilya at mga nakakatanda.
AKO 34. Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging
kaaya-aya.
IBA 35. Angkop na kilos at paggalang ang pagmamaktol sa magulang kapag may bagay na hindi naibigay sa iyo.
AKO 36. Kilalanin ang ating pamilya o nakakatanda bilang mahalagang kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng
pagsasama sa kanila sa mga karaniwang gawain.
AKO 37. Palaging nagpapasalamat kung may tumulong o regaling natatanggap.
AKO 38. Nagpapapaalam sa magulang kapag may pupuntahan.
AKO 39. Tumutulong sa gawaing bahay.
AKO 40. Gumagawa ng mga gawaing bahay ng walang utos mula sa magulang.
AKO 41. Ina-alagaan ang kasapi ng pamilya kapag may sakit.
IBA 42. Humihingi lagi ng suhol kapag may inu-utos ang magulang.

V. Panuto: Killalanin ang mga sumusunod kung anong paraan ang ginamit na pasasalamat. Piliin at isulat ang
letra ng tamang sagot.

43. Si Ana ay gabi-gabing nananalangin at nagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang natatanggap niya.
a. Liham pasasalamat
b. Ispiritwal na pasasalamat
c. Paghalik
44. Si Josh ay labis na natuwa sa malaking perang ini-abot sa kanya ng kanyang kapatid para sa pagpapagamot
ng kanyang anak na may malubhang sakit, kanyang niyakap mahigpit ang kapatid at nagpasalamat habang
umiiyak sa tuwa.
a. Liham pasasalamat
b. Pagyakap
c. Regalo
45. Si Ginoong Marquez ay nag-abot ng tulong na dalawang sakong bigas sa bawat pamilyang nasalanta ng
bagyo. Sa bawat taong nabibigyan niya ng bigas ay nakakatanggap xa ng tapik sa abaga na siyang
nagpapakita ng pasasalamat ng mga ito sa kanya.
a. Liham pasasalamat
b. Simpleng tapik sa abaga
c. Regalo

46. Ang pamilyang Alcala ay ipinagdarasal ang mga biyayang natatanggap at lalo na ang mga taong nagbigay
nito sa kanila.
a. Ispiritwal na pasasalamat
b. Regalo
c. Simpleng tapik sa abaga

47. Si Erlina ay humalik sa kanyang mga magulang dahil sa tuwa at pasasalamat sa regalong natanggap.
a. Halik
b. Regalo
c. Simpleng tapik sa abaga
48. Si Joshua ay isang working student, siya ay nakatanggap ng tulong mula sa kaniyang matalik na kaibigan
upang ipambayad sa kaniyang nalalapit na pagsusulit. Noong nagkasahod siya ay binilhan niya ng isang
magandang keychain ang kaniyang kaibigan tanda ng pasasalamat niya at ibinalik din niya ang perang
ipinahiram sa kaniya nito.
a. Halik
b. Regalo
c. Ispiritwal na pasasalamat
49. Si Leyla ay nagpadala ng sulat sa tiyahin na nagpapasalamat sa tulong na ipinadala nito sa kanilang pamilya.
a. Halik
b. Liham pasasalamat
c. Ispiritwal na pasasalamat
50. Si Karlo ay nadapa habang tumatakbo sa oval, siya’y tinulungan ni Kara na makatayo, nagpasalamat naman
si Karlo ky Kara. Nang sumunod na araw nakita n Karlo si Kara na kinakantiyaw ng mga kaklase dahil
lamang sa bitbit nitong lumang bag. Ipinagtanggol ni Karlo si Kara at agad niyang tinawag ang guro nila at
isinumbong ang nagnyari.
a. Pagtulong
b. Halik
c. Ispiritwal na pasasalamat

Study the past if you would define the future. ~ Confucius

Inihanda ni:
Gng. Romnia Grace D. Jayona

You might also like