You are on page 1of 3

ADLAY NATIONAL HIGH SCHOOL

Adlay, Carrascal, Surigao del Sur


Summative Test 3rd Quarter sa ESP 8 S.Y. 2021-2022
Name: __________________________________ Score: ________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik
lamang ang isulat sa sagutang papel.

1.Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng _________________.


A. pagbibigay ng halaga sa isang tao.
B. pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.
C. pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay.
D. pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.
2. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?
A. Nabubuklod nito ang mga henerasyon.
B. Napagtitibay nito ang presensiya ng pamilya.
C. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib.
D. Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya.
3.Ang salitang paggalang ay galing sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay?
A. cactus B. spectus C. respectus D. scripus
4.Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula nang mahubog ang kilos-
loob ng isang bata, ang bata ay_____________.
A. kumikilos ayon sa mga ipinatutupad na utos ng kaniyang magulang.
B. madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos ng kaniyang mga magulang.
C. nagkakaroon ng pag-uunawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinatakda.
D. nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay.
5.Natututuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng sumusunod,
maliban sa:
A. pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda.
B. pangsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakauunawa sa
kaniya.
C. pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at
masunurin.
D. pakikinig at pagsasabuhay ng itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa
paggalang at pagsunod.
6.Paano makikita sa isang bata ang pag-uugaling magalang?
A. hindi pagsunod sa mga tagubilin
B. pag-alis ng bahay nang walang paalam
C. pagsagot ng pabalang sa mga magulang tuwing inuutusan
D. pagsunod sa mga alituntunin ng magulang, nakatatanda at may awtoridad
7. Paano mapauunlad ang pagiging magalang at mabuting kabataan?
A. maging mapili sa mga sasabihin
B. paggawa ng desisyong pinag-isipang mag-isa
C. sa pagkakaroon ng mabuting ehemplo o inspirasyon
D. sa pagkakaroon ng sariling pag-iisip para sa sariling kapakanan
8.Paano maipapakita ng kabataan ang pagmamahal sa magulang, nakatatanda at may
awtoridad?
A. paghingi ng payo C. may sariling desisyon
B. paglabag sa batas D. pagsasawalang bahala
9. Sinunod ni Lino ang itinakdang panahon ng guro sa pagpasa ng kanilang takdang-aralin.
Ang pag-uugali ni Lino ay nagpapakita ng paggalang kanino?
A. awtoridad B. kamag-aral C. magulang D. nakatatanda
10. Binigay ni Danica ang kanyang upuan sa pasaherong matanda dahil wala na itong
maupuan. Ang pag-uugali ni Danica ay nagpapakita ng paggalang sa:
A. awtoridad B. kamag-aral C. magulang D. nakatatanda

11. Matalik na magkaibigan sina Berto at Berta. Isang araw, habang naglalakad nang mag-
isa si Berta hindi sinasadyang masagi nito ang inaalagaang pananim ng kanilang guro.
Pinagalitan nito si Berta. Nagtampo si Berta dahil hindi siya natulungan ng kanyang matalik
na kaibigan na magpaliwanag sa kanilang guro dahil may iba rin itong lakad. Sa isip niya,
maraming pagkakataon na natulungan niya ang kanyang kaibigan. Subalit sa panahong siya
na ang nangangailangan wala ito sa kanyang tabi. Kakikitaan ba ng pagpasasalamat sa
kanyang kapwa si Berta?
A. Hindi, dahil matalik silang magkaibigan.
B. Oo, dahil alam niyang may trabaho pa ito.
C. Oo dahil nauunawaan niyang importante rin ang lakad ni Berto kaya hindi siya
natulungan.
D. Hindi, dahil sa kagustuhang niyang dapat na tulungan rin siya ng kanyang
kaibigan nararapat lamang na nasa tabi niya ito palagi.
12. Anong katangian ang nagpapakita ng kawalan ng pagpapasalamat ni Berta sa kanyang
kaibigan?
A. maunawain
B. mabait sa kanyang kaibigan
C. pagpakikita ng inggit sa kapwa
D. hindi paglimot sa kanyang nagawang tulong
13. Anong klase ng ugali ang ipinapakita ni Berta?
A. maaalalahanin B. maawain C. mapagbigay D. sakim
14. Mabait at mapag -arugang ina si Pastel sa kanyang mga anak. Lumaki ang mga itong
mapagkalinga sa mga taong nakapaligid sa kanila. Isang araw, napagbintangan itong
nagnakaw sa kanyang pinagtatrabahuan kahit hindi naman ito totoo. Isinaloob na lamang ito
ng ginang dahil ayaw niyang makagambala sa kanyang mga anak. Lingid sa kanyang
kaalaman, nalaman ng mga anak ang mga bagay na bumabagabag sa kalooban ng ina.
Habang umiiyak ito sa kanilang silid pinuntahan siya ng kanyang mga anak inaliw siya at
dinamayan ng mga ito at sinabing naniniwala silang hindi nito magagawa ang mga
ibinibintang na kasalanan dito. Anong paraan ang ginawa ng mga anak upang
mapasalamatan ang kanilang ina?
A. Binigyan ng papuri ng mga anak ang kanilang ina.
B. Inaway ng mga ito ang kanilang ina sa ginawang kasalanan nito.
C. Pagpapabaya ng mga ito sa problemang kinakaharap ng kanilang ina.
D. Pagsabi na nariyan ka palagi na handang makinig kung sakaling sila ay may
pinagdadaanan.
15. Makatarungan ba ang ginawa ng mga anak sa kanilang ina?
A. Hindi, dahil panlalamang ito sa kapwa.
B. Hindi, dahil masama ang pinaggagawa nito.
C. Oo, dahil wala naman itong ginawang kasalanan napagbintangan lamang ito.
D. Oo, dahil ito ang nagpalaki sa kanila dapat ay kinukunsinte na lamang nila ang
mga ginagawa nito.
16. Alin sa mga sumusunod ang nagpahahayag ng salitang ingratitude?
A. isang ugaling hindi dapat pamarisan
B. isang nakahihiyang gawi ng katauhan
C. isang mabigat na kasalanan sa lipunan
D. isang masamang ugali na nagpabababa sa pagkatao
17. Paano mo malalaman kung ang isang nilalang ay nagtataglay ng ingratitude?
A. kapag nandaraya sa kapwa
B. kapag kinalimutan ang pinagsamahan
C. kapag hindi kinilala ang tulong na natanggap
D. kapag hindi nagbabayad nang tama sa pinagbilhan
18. Bakit nagkakaroon ng entitlement mentality ang isang indibidwal?
A. dahil likas ito sa bawat tao
B. dahil hindi ito naturuan ng mga magulang
C. dahil iniisip niyang kailangan ito ng sangkatauhan
D. dahil iniisip niyang karapatan itong dapat matugunan
19. Alin sa mga sumusunod ang isang antas ng kawalan ng pasasalamat?
A. hindi pagtupad sa mga pangako
B. hindi pagtugon sa mga kahilingan
C. hindi pagbalik ng kabutihang loob sa kapwa
D. hindi pagbalik ng mga hiniram na kasangkapan
20. Tinawag si Ana ng drayber ng motorsiklong sinakyan at ibinigay ang payong na muntik
na niyang makalimutan. Paano maipakikita ni Ana ang pasasalamat sa drayber?
A. sa pamamagitan ng paglibre sa ibang pasahero
B. sa pamamagitan ng pagdoble ng kanyang pamasahe
C. sa pamamagitan ng pagbibigay ng liham pasasalamat
D. sa pamamagitan ng pagbigkas ng salita ng pasasalamat

You might also like