You are on page 1of 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

DIAGNOSTIC TEST

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Itiman ang bilog na makikita sa
bawat numerong nasa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng hindi pa ganap na personalidad?


a. Nakibahagi si Kesz sa paglutas ng mga suliraning kinakaharap ng kabataan sa buong mundo.
b. Naitaas ni Kap Roger ang antas ng kabuhayan ng kaniyang pamilya at kapuwa magsasaka.
c. Naging instrumento ang mga painting ni Joey Velasco upang imulat sa mga tao ang epekto ng kahirapan at kawalan ng
katarungan sa bansa.
d. Nagpasya si Raffy na magsumite ng proposal tungkol sa Career Guidance upang mabigyang-solusyon ang problema
ng
job-skills mismatch sa bansa.
2. Alin ang dapat paunlarin ng tao upang maisagawa ang kaniyang misyon sa buhay na siyang magiging daan tungo sa
kaniyang kaligayahan?
a. Mga katangian ng pagpapakatao c. Mga talento at kakayahan
b. Mga pangarap at mithiin d. Kasipagan at katapatan
3. Anong katangian ng pagpapakatao ang ipinakita ni Buddha sa pangungusap? Noong nakita ni Buddha ang apat na lalaki-
isang matanda, may ketong, bangkay, at pulubi, nakabuo siya ng buod ng buhay: Ang buhay ay isang pagdurusa.
a. May Kamalayan sa sarili c. Umiiral na nagmamahal
b. Tumutugon sa tawag ng paglilingkod d. May kakayahang kumuha ng esensiya ng mga umiiral
4. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng
kahulugan?
a. mag-isip b. makaunawa c. maghusga d. mangatwiran
5. Ano ang nagtulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
a. kamalayan sa sarili c. kakayahang mag-abstraksiyon
b. pagmamalasakit d. pagmamahal
6. Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag?
a. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama
b. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip
c. Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan at isip
d. Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na naiihahatid dito.
7. Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng sitwasyon?
a. pagmamahal b. paglilingkod c. hustisya d. respeto
8. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral maliban sa isa:
a. Ito ay sukatan ng kilos
b. ito ay nauunawaan ng kaisipan
c. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat
d. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao
9. Paano mapalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?
a. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti
b. Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya
c. Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas Batas Moral
d. Kung magsasanib ang tama at mabuti
10. Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di-madaraig?
a. pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa masama
b. pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang ng rugby
c. pagpapainom ng gamit sa kapatid na may sakit di-tiyak kung makabubuti ito
d. pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid.
11. Pinag-iisipan ni Fe ang iba’t-ibang paraan upang mabili niya ang sapatos, hihingi ba
siya ng pera sa kaniyang mga magulang, mag-ipon, o magnakaw. Nasaan na kayang yugto ng kilos si Fe?
a. Intensiyon ng Layunin c. Pagka-unawa sa Layunin
b. Paghuhusga sa nais makamtan d. Masusing pagsusuri ng paraan
12. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamng naidudulot ng pasiya?
a. Dahil nagsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay
b. Dahil makakatulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos
c. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan at pananagutan
d. lahat ng nabanggit
13. Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Jimmy ay pumasok siya sa kanilang silid at kumuha ng 500
pesos sa loob ng cabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha ni Jimmy ng pera ay masama. Nadaragdagan
ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa dahil .
a. Kinuha niya ito nang walang paalam
b. Kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang.
c. Ang kinuhanan niya ng pera ay kaniyang mga magulang.
d. Ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto.
14. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?
a. Upang magsilbing gabay sa buhay
b. Upang magsilbing paalala sa mga gawain
c. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pagpipilian
d. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili
15. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
a. Tingnan ang kalooban c. Magkalap ng patunay
b. Isaisip ang posibilidad d. Maghanap ng ibang kaalaman
16. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin?
a. Isaisip ang posibilidad c. Maghanap ng ibang kaalaman
b. Umasa at magtiwala sa Diyos d. lahat ng nabanggit
17. Niyaya si Kanor ng kanyang kaklase na huwag pumasok at pumunta sa computer shop. Hindi kaagad siya sumagot
bagkus
ito ay kaniyang pinag-iisipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang maging epekto nito kung sumama siya.
Anong
proseso ng pakikinig ang ginamit ni Kanor?
a. Isaisip ang posibilidad c. Maghanap ng ibang kaalaman
b. Tingnan ang kalooban d. Magkalap ng patunay
18. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binigyang halaga mo kung ang iyong pasiya
makapagpapasiya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng hakbang sa moral na pagpapasiya?
a. Magkalap ng patunay c. Maghanap ng ibang kaalaman
b. Tingnan ang kalooban d. Umasa at magtiwala sa Diyos
19. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka nang umuwi galing sa kaarawan ng
iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ito?
a. Tama, dahil hindi ka naman humingi ng sagot, kusa mo lang itong nakita.
b. Mali, dahil hindi mo dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya.
c. Tama, dahil ang iyong layunin ay makapasa sa pagsusulit.
d. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman mo ang dapat mong isulat na sagot sa pasulit.
20. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Joy ang pagpapasiya, palagi niyang tinatanong ang kaniyang sarili kung ito ba ang
nais
ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan. Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si
Joy?
a. Tingnan ang kalooban c. Isaisip ang posibilidad
b. Maghanap ng ibang kaalaman d. b at c
21. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aritoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapuwa dahil sa galit
bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya?
a. Walang Kusang-loob c. Kusang-loob
b. Di-Kusang-loob d. Kilos-loob

22. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at nakapagbibigay ito ng
kasiyahan.
Ito ay sa kadahilanang ang niya ay nakatuon at kumikiling sa mabuti sa kanya na nakikita niya bilang tama.
a. Isip b. Kalayaan c. Kilos-loob d. Dignidad
23. Masipag at matalinong mag-aaral si Ali. Sa talakayan at pangkatang gawain ay hindi siya nagpapahuli. Marami siyang
mga
gawain na nagpapatunay ng kaniyang galing. Dahil dito, naging paborito siya ng kaniyang mga guro at lagi siyang
nabibigyan ng papuri sa magaganda niyang ginagawa. May pananagutan ba si Ali kung bakit nasa kaniya ang paghanga
at mataas na pagtingin ng kaniyang mga guro?
a. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot.
b. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot.
c. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral.
d. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase.
24. Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman ang mabuti ay dapat isinasakatuparan
niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon?
a. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.
b. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain.
c. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
d. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi pagsakatuparan nito ay
magdadala ng isang maling bunga.
25. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig ng kamangmangan?
a. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng takdang-aralin ang
kanilang guro.
b. Hindi pagsuot ni Mabel ng kaniyang ID kaya hindi siya pinapasok.
c. Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa pagpasok ang kanilang guro.
d. Pag-uwi ng maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang mga guro ng araw na iyon.
26. Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot?
a. Ang pagnanakaw ng kotse.
b. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera.
c. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit.
d. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok.
27. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapanagutan ang kilos dahil sa karahasan?
a. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos
b. Dahil sa kahinaan ng isip ng isang tao.
c. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip
d. Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob
28. Alin ang mas matatag na batayan ng pagiging mabuti o masama ng isang kilos ayon sa pananaw ni Immanuel Kant.
a. Ang mabuting bunga ng kilos.
b. Ang layunin ng isang mabuting tao.
c. Ang Makita ang kilos bilang isang tungkulin
d. Ang pagsunod sa mga batas na nagtataguyod ng mabuting kilos
29. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng makataong kilos?
a. Pagiging tsismosa c. Pangongopya sa katabi
b. Pagkurap ng mata d. Lahat ng nabanggit
30. Alin sa mga kilos sa ibaba ang tumutugon sa tunay na tawag ng tungkulin?
a. Ang pagbibigay ng regalo tuwing may okasyon.
b. Ang pagtulong sa kapuwa na may hinihintay na kapalit.
c. Ang pagtakbo upang maglingkod sa bayan.
d. Ang pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon.
31. Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa moral na pagpapasiya maliban sa:
a. Magkalap ng patunay c. Isaisip ang posibilidad
b. Maghanap ng ibang kaalaman d. Paggawa ng layunin

31. Sino sa sumusunod ang kumikilos bilang isang hilig at hindi pagganap sa tungkulin?
a. Isang saleslady na tapat sa mga mamimili tungkol sa kalidad ng produkto upang lalo itong tangkilikin.
b. Isang driver na nagbibigay ng discount o libreng sakay sa mga matatanda.
c. Isang lingkod-bayan na nagbibigay ng regalo tuwing Pasko sa mga mahihirap upang maalala siya sa panahon ng
halalan
d. Isang negosyanteng nagpapatakbo ng tindahan na maliit lamang ang tubo sa mga paninda.
32. Ito ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na malaman at tanggapin ang katotohanan
sa pagkatao.
a. Espiritwalidad c. Pananampalataya
b. Panalangin d. Pag-ibig
33. Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng tunay na diwa ng espiritwalidad?
a. Ang palagiang pag-aaral at pagbabasa ng salita ng Diyos.
b. Ang pagiging maawain at matulungin sa pangangailangan ng kapuwa.
c. Ang pananatili ng ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin sa araw-araw.
d. Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at pagtugon sa tawag ng Diyos.
34. Ang pagsasabuhay ng pananampalataya ng mga Muslim ay nakabatay sa Limang Haligi ng Islam. Ang sumusunod ay
sakop nito maliban sa isa;
a. Pagdarasal b. Pag-aayuno c. Pagninilay d. Pagsamba
35. Alin ang hindi kasali sa pangangalaga ng ugnayan ng tao sa Diyos?
a. Pag-aaral ng Salita ng Diyos c. Pagbabasa ng mga aklat
b. Panahon ng pananahimik o pagninilay d. Pagmamahal sa kapwa
35. Pananampalatayang nagsasaad na ang paghihirap ng tao ay nag-uugat sa kaniyang pagnanasa.
a. Budhismo b. Islam c. Kristiyanismo d. Taoismo
36. Ang tawag sa pinakamataas na kaligayahan ng mga Budhismo.
a. Kaliwanagan b. Langit c. Moralidad d. Nirvana
37. Aral ng mga Muslim na nagsasabing ang pamumuhay ay isang balanseng bagay na pangkatawan at pang-espiritwal.
A. Hajj B. Salah C. Sawm D. Zakah
38. Sa Diyos nagmula ang batayan kung bakit kailangang gumawa ang tao. Tinatawag natin ang batayang ito na:
A. Legal B. Moral C. Panlipunan D. Pangkabuhayan
39. Sinasabi sa Hebreo 11:1 na “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang
kasiguruhan
sa mga bagay na hindi nakikita. “Alin sa sumusunod na pahayag ang tama ukol dito?
a. Nagiging panatag ang tao dahil iniibig siya ng Diyos.
b. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos.
c. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay umaasa sa pagmamahal ng Diyos
d. Nagiging panatag ang tao dahil alam niya na hingi siya pinapabayaan ng Diyos.
40. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi ng tunay ng diwa ng espiritwalidad?
a. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa.
b. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay.
c. Pagpapabuti sa pagkatao sa pamamagitan ng pag-iwas sa materyal na bagay.
d. Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kagaanan at likas na pagsunod.
41. Ang pornograpiya ay naggaling sa dalawang salitang Griyego na nangangahulugang prostitute at pagsulat o paglalarawan.
a. “porne” at “graphos” c.. “porno” at “graphos”
b. “porne” at “grapg” d. “porno” at gras”
42. Ito ang pinakamatandang propesyon.
a. Prostitusyon b. Pre-marital sex c. Pornograpiya d. Tax Collector
43. Alin ang hindi kasali sa tinatawag na makapangyarihang nilalang?
a. Yahweh b. Allah c. Buddha d. Superhero

44. Alin sa sumusunod na pagpapahalaga ang susi sa pagbuwag ng Graft and Corruption?
a. Integridad c. Katapatan at pagkatakot sa Diyos
b. Kabaitan at pagkamasunurin d. Pagtitimpi

45. Ano ang kahulugan ng kapangyarihan?


a. Ang kapangyarihan ay pagkontrol sa batas
b. Ang kapangyarihan ay nakikita sa kaisipan, kilos, pananalita, lakas at tatag ng kalooban
c. Ang kapangyarihan ay tumutukoy sa proseso o pamamaraan sa pagpapalakad ng isang pinuno
d. Ang kapangyarihan ay tumutukoy sa pagkaka-impluwensiya ng pinuno sa kanyang nasasakupan.

46. Ang gawaing pagtatalik bago ang kasal ay isyung may kinalaman sa:
a. Pang-aabusong seksuwal c. Pre-maritel sex
b. Pornograpiya d. Prostitusyon

47. Kailan masasabing ang paggamit sa seksuwalidad ng tao ay masama?


a. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan
b. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso
c. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng seksuwalidad
d. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang pakay kasangkapan

48. Anong proseso ang iginasagawa sa modernong medisina upang wakasan ang buhay ng taong may malubhang sakit na
kailanman ay hindi na gagaling pa?
a. Suicide b. Abortion c. Euthanasia d. Lethal Injection

49. Ang sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag-inum ng alak maliban sa:
a. Nagpapabagal ng isip c. Nagpapahina sa enerhiya
b. Nagiging sanhi ng ibat ibang sakit d. Nababawasan ang kakayahan sa pakikipagkapuwa

50. Isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o posisyon na magkakasalungat at
nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas.
a. Balita b. Isyu c. Kontrobersiya d. Opinyon

You might also like