You are on page 1of 4

Ikatlong Markahang Pagsusulit

Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Pangalan: _________________________ Grado & Seksyon: ______________

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin at itiman ang bilog ayon sa napiling titik na sagot.

A B C D
O O O O 1. Ang birtud ng pasasalamat ay gawain ng:
A. Kalooban B. Isip C. Damdamin D. Konsinsensya

O O O O 2. Alin ang HINDI kasama sa tatlong antas ng pasasalamat ayon kay Santo Tomas Aquinas?
A. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
B. Pagpapasalamat
C. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo
D. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya

O O O O 3. Alin sa ibaba ang tanda ng isang taong may pasasalamat?


A. Si Maria ay kuntento na sa kaniyang simpleng buhay dahil pinahahalagahan niya ang
mabubuting natatanggap mula sa iba at sa Diyos
B. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang lumingon sa
kaniyang pinanggalingan.
C. Nag-aaral ng mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang pangarap.
D. Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa
kaniyang kalooban

O O O O 4. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?


A. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit.
B. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat.
C. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa niya lang ang trabaho nito.
D. Pagsasabi ng pasasalamat kahit salat sa gawa

O O O O 5. Para sa iyo, alin sa ibaba ang gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan?


A. Pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang
B. Pagtulong sa gawaing bahay ng padabog
C. Pagsagot sa magulang ng pabalang
D. Pag-uwi ng bahay ng gabing-gabi na

O O O O 6. Ito ay isang gawi ng isang taong mapagpasalamat.


A. Pagpapahalaga C. Pagpapakatotoo
B. Pagpapasalamat D. Pagpapakabuti

O O O O 7. Alin sa ibaba ang HINDI nagpapakita ng pasasalamat?


A. Magpadala ng liham-pasasalamat C. Magpasalamat sa bawat araw
B. Magbigay ng simpleng regalo D. Manghingi ng bayad sa itinulong

O O O O 8. Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, MALIBAN sa:


A. Kawalan ng panahon o kakayahan upang matumbasan ang tulong na natanggap sa abot ng
makakaya.
B. Pasasalamat nang hindi bukal sa loob.
C. Hindi pagkilala o pagbigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan,
D. Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangangailangan dahil menor de
edad

O O O O 9. Ang sumusunod ay may pakinabang na dulot ng pasasalamat, MALIBAN sa:


A. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinilala mo ang mga kabutihang-loob ng kapwa
B. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa
buhay.
C. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila
D. Pagiging maingat sa mga materyal na pagpapala buhat sa ibang tao.
O O O O 10. Para sa iyo, dapat bang magpasalamat sa taong nakagawa sa iyo ng kabutihan?
A. Oo, bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang natanggap
B. Hindi, dahil labag sa loob ang pagtulong sa kapwa
C. Oo, bilang pagpapahalaga at pagmamahal sa kapwa
D. Hindi, lalo na kung may kasalanan siya sa iyo

O O O O 11. Naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng_______________.


A. Pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan
B. Pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo
C. Pagbibigay halaga sa isang tao
D. Pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay

O O O O 12. Anong salita ang nagmula sa salitang Latin na “respectus” na ang ibig sabihin ay paglingon o
pagtinging muli?
A. Pagpapasalamat B. Paggalang C. Pagpapahalaga D. Pagmamahal

O O O O 13. Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula nang mahubog ang kilos-loob ng
isang bata, ang bata ay ____________.
A. Madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos na kaniyang mga magulang
B. Nagkaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay
C. Nagkakaroon ng pag-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinakda
D. Kumikilos ayon sa mga ipinatutupad na utos ng kaniyang magulang

O O O O 14. Nag-iisang itinaguyod ng biyudang si Aling Fely ang kaniyang tatlong anak. Subalit may
pagkakataon na nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila. Mas mapatatatag nila ang
kanilang samahan sa pamamagitan ng __________.
A. Sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses sa isang linggo
B. Pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone/email kung nasa malayong
lugar
C. Pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag-uwi nang maaga
D. Pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa kalagayan ng bawat isa

O O O O 15. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?


A. Napagtitibay nito ang presensiya ng pamilya
B. Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya
C. Nabubuklod nito ang pamilya laban sa panganib
D. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib

O O O O 16. Alin sa ibaba ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa pamilya?


A. Pagsusumikap na gumawa ng mabuti C. Pag-uwi ng bahay ng madaling araw
B. Pagkakaroon ng alitan sa kapatid D. Pagpapatawag ng magulang sa paaralan

O O O O 17. Alin sa ibaba ang naglalarawan sa pamilya bilang presensiya?


A. Umiwas sa paggawa ng masama C. Magpakita ng paggalang sa nakatatanda
B. Nagsisilbing proteksyon sa mga kasapi D. Iniisip ang pansariling interes

O O O O 18. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na “ Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at
kakayahang magpasakop”?
A. Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop.
B. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
C. Maipakikita sa pamamagitan ng pagsuko ng sarili at marapat na pagsunod sa mga ipinag-uutos
D. May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di kailangang
magpasakop at sumunod

O O O O 19. Kilala ang pamilya ni Vangie sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Ngunit siya ay kinakitaan
ng kawalan ng pagpapahalaga sa pag-aaral ayon sa isinasaad ng marka nito at hindi maganda ang
reaksyon ni Vangie kapag napagsasabihan. Ano ang nararapat na gawin ng mga kasapi ng pamilya
sa ganitong sitwasyon?
A. Ipaunawa kay Vangie ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon. Huwag magsawa
B. Kausapin si Vangie at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang marka. Nasa lahi
ang pagiging magaling.
C. Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga marka ni Vangie. Kumilos nang
naaayon sa natuklasang dahilan.
D. Isaalang-alang ang kakanyahan at pagiging bukod-tangi ni Vangie. Tanggapin siya kung ano
siya nang walang pagtatangi.

O O O O 20. Paano higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
A. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-aya
para sa iyo.
B. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran
C. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang pagkakamali
D. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa

O O O O 21. Anong salita ang nangangahulugang kaaya-aya, kaayusan at kabaitan?


A. Kabutihan B. Karunungan C. Kaligayahan D. Katatagan

O O O O 22. Ano ang tawag sa kakanyahan ng tao?


A. Inner self B. Oneself C. Themselves D. Self skills

O O O O 23. Alin sa ibaba ang nagpapakita ng kabutihan sa kapwa?


A. Tumulong si Angel sa gawaing bahay upang mabigyan ng malaking baon.
B. Tinulungan ni Bea ang pulubi na makatawid dahil may nagvivideo.
C. Namigay si Kim ng pagkain sa mga kaklase na buong puso.
D. Naglilinis ng silid-aralan si Miko upang tumaas ang marka.

O O O O 24. Anong gagawin mo kung nasaksihan mong gutom na gutom ang iyong kaklase at walang baon?
A. Aalukin na paghatian ang iyong pagkain upang mapawi ang gutom
B. Aasarin dahil wala siyang baon at ikaw ay maraming baon
C. Pahihiramin ng pera at sasabihang bayaran sa susunod na araw.
D. Pabayaan na magutom tutal pareho naman kayong walang baon

O O O O 25. Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa kapwa?


A. Dahil maaari silang makatulong sa iyo sa hinaharap.
B. Ito ang pinakamagandang paraan ng pakikipagkapwa
C. Ito ang nagbubuklod sa tao at sa Diyos
D. Pananagutan ng bawat tao ang isa’t isa

O O O O 26. Ano ang pagpapakatao ayon kay Aristotle?


A. Kahalagahan at silbi ng tao C. Magpakatao at ang kilos na may layunin
B. Pagpapahalaga at birtud ng tao D. Karangalan na maibibigay ng tao

O O O O 27. Saan nag-uugat ang kabutihan o kagandahang-loob ng isang indibidwal?


A. Isip B. Kilos C. Puso D. Pagkatao

O O O O 28. Alin sa ibaba ang nagpapakita ng kabutihan bilang ekspresyon ng magandang buhay?
A. Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos.
B. Ang kabutihan ay nakapagbibigay kaligayahan
C. May limitasyon ang paggawa ng kabutihan
D. Natatanging ugali at birtud ang kabutihan

O O O O 29. Ano ang mararamdaman mo sa napanood na pagsauli ng traysikel drayber ng wallet o pera ng
kaniyang pasahero?
A. Manghihinayang dahil pera na naging bato pa.
B. Matutuwa kung hindi sana isinauli ang pera.
C. Nagiging proud dahil may mabubuting tao pa rin
D. Nagiging emosyunal at iiyak sa nawalang pera

O O O O 30. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang kabutihan o kagandahang-loob sa kapwa?
A. Maging tapat sa lahat ng pagkakataon C. Tumulong sa kapwa paminsan-minsan
B. Bigyan ng baon ang kaklase sa lahat ng pagkakataon D. Laging umasa sa tulong ng iba

O O O O 31. Ano ang tawag sa pagbaluktot sa katotohanan at panlilinlang?


A. Pagnanakaw B. Pang-aabuso C. Pang-aaway D.Pagsisinungaling
O O O O 32. Anong uri ng pagsisinungaling ang madalas na nagagawa para sa isang taong mahalaga sa
kanyang buhay?
A. Prosocial Lying B. Self Enhancement Lying C. Selfish Lying D. Antisocial Lying

O O O O 33. Alin sa ibaba ang nagpapakita ng pananahimik bilang paraan ng pagtago ng katotohanan?
A. Pag-iiba ng paksang pag-uusapan C. Lilimitahan ang impormasyong ibibigay
B. Pinipiling manahimik at di makisaw-saw D. Iligaw sa pamamagitan ng pagtanong

O O O O 34. Bakit mahalaga ang pagsasabi ng katotohanan?


A. Mas magtitiwala sa iyo ang tao. C. Mabibigyan ng karangalan
B. Magiging kilala at sikat D. Gagaan ang pakiramdam

O O O O 35. Bilang isang mag-aaral, ano ang pinakamainam na gawin upang mahikayat ang mga kapwa
kabataan na maging tapat?
A. Ipakita na ikaw ay tapat sa lahat ng pagkakataon
B. Ipamalita na kahalagahan ng katapatan sa bawat tao
C. Magkaroon ng pagsasadula hinggil sa katapatan
D. Magsaliksik ng mga kwento na nagpapakita ng katapatan

O O O O 36. Anong paraan ng pagtatago ng katotohanan ang nangangahulugang pagliligaw sa sinumang


humihingi ng impormasyon?
A. Silence B. Evasion C. Equivocation D. Mental Reservation

O O O O 37. Alin sa ibaba ang HINDI kabilang sa dahilan kung bakit nagsisinungaling ang isang tao?
A. Upang makaagaw ng atensyon o pansin C. Upang mapasaya ang isang mahalagang tao
B. Upang makaiwas sa personal na pananagutan D. Upang maging sikat at kilala

O O O O 38. Ano ang ibig sabihin ng “Honesty is the best Policy”?


A. Dapat maging tapat sa lahat ng pagkakataon upang gumanda ang takbo ng buhay
B. Ang pagiging tapat sa lahat ng gawain ay mabuting ugali sa pang-araw-araw na pamumuhay
C. Ito ay isang gawain na nagpapakita at pagsasabi ng katotohanan sa kapwa
D. Ang katapatan ang pinakamahusay patakaran na dapat pairalin ng bawat isa

O O O O 39. Bilang isang mag-aaral, ano ang dapat gawin upang makaiwas sa pagsisinungaling?
A. Huwag makialam sa mga pangyayari ng iyong kapwa
B. Iligaw sa ibang usapin ang pag-uusapan
C. Maging tapat kung nakagawa ng pagkakasala
D. Umiwas sa mga taong laging nagtatanong

O O O O 40. Ano ang mahihinuhang mangyayari kung ang isang tao ay palaging nagsisinungaling?
A. Pagkakatiwalaan siya ng maraming tao C. Magiging ugali na ang pagsisinungaling
B. Pamamarisan ng kanyang kapwa tao D. Magkakaroon ng pagpapahalaga sa katotohanan

Inihanda ni:

JANEL P. DUBDUBAN

You might also like