You are on page 1of 11

TOPIC 8: SHOW GRATEFULNESS

ARABIC LANGUAGE: LISTENING

GAWAIN 1:

Panuto: Sa bilang isa hanggang sampu, kung saan ang una ang pinakamahalaga,
isulat sa loob ng puso ang mga pinasasalamatan mo sa buhay ayon sa iyong
pagpapahalaga.

7 5

8 4
6

9 3

10 2

bodyshotperformance.com
GAWAIN 2:

Panuto: Basahin ang iba’t-ibang sitwasyon sa ibaba. Isulat ang paraan ng pagpapakita
ng pagpapasalamat mula sa biyayang natanggap.

1. Tinuruan ka ng iyong nakatatandang kapatid sa iyong


takdang-aralin sa Madrasah.

Paraan ng Pasasalamat:

2. Inihanda ng iyong ina ang mga gamit na iyong dadalhin para


sa inyong camping sa paaralan.

Paraan ng Pasasalamat:

3. Binigyan ka ng iyong kuya ng bagong libro dahil alam niyang


mahilig kang magbasa ng mga kuwento.

Paraan ng Pasasalamat:

4. Ibinalita ng iyong guro na nakapasa ka sa pagsusulit sa


Math.

Paraan ng Pasasalamat:
5. Guminhawa ang iyong kalooban nang paggising mo isang
umaga ay nalanghap mo ang sariwang hangin at binate ka
ng masayang huni ng ibon.

Paraan ng Pasasalamat:

GAWAIN 3:

Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Lagyan ng tsek (/) ang tanda
ng isang taong may pasasalamat at ekis (x) kung hindi.

_____ 1. Laging nagpapasalamat si Kenjie sa mga taong tumutulong sa kanya kahit


hindi bukal sa kanyang kalooban.

_____ 2. Si Mira ay kuntento sa kanyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang
pahalagahan ang mga mabubuting natatanggap niya mula sa Diyos at ibang tao.
_____ 3. Nag-aaral nang mabuti si Mav upang maiahon niya sa kahirapan ang kanyang
mga magulang.

_____ 4. Iniingatan ni Rian ang mga bagay na bigay sa kanya ng mga mahal sa buhay.

_____ 5. Si Jen ay humihingi ng kapalit o gantimpala sa nagawa niyang tulong sa


kapwa.

_____ 6. Si Aling Glenda ay mayroong positibong pananaw sa buhay sa kabila ng mga


nararanasang suliranin.

_____ 7. Hindi kinikilala o binibigyang-halaga ni Mr. Tan ang mga taong gumagawa sa
kanya ng kabutihan.

_____ 8. Laging tumatawag si Sabel sa Diyos sa mga kabutihan at pagsubok na kaloob


sa kanya.

_____ 9. Tinutulungan ni Nene ang kanyang mga magulang sa gawaing-bahay dahil


alam niyang pagod na sila sa kanilang trabaho.

_____ 10. Huminto sa pag-aaral si Harold upang magtrabaho at makamit ang kanyang
pangarap kahit may pangtustos ang mga magulang.

GAWAIN 4:

Panuto: Gumawa ng isang liham-pasasalamat sa Diyos sa mga biyaya at


talento/kakayahan na ipinagkakaloob niya sa iyo na makatutulong upang magtagumpay
ka sa iyong buhay.
clipart-library.com

GAWAIN 5:

Panuto: Isulat kung paano mo maipakikita ang iyong pasasalamat sa mga salitang nasa
loob ng bawat hugis.

Magulang Kapatid
GAWAIN 6:

Panuto: Maraming mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat an


gating narinig o nabasa. Ngunit mayroon din naming hindi marunong magpakita ng
pasasalamat. Suriin ang sumusunod na sitwasyon tungkol sa pasasalamat. Punan ang
tsart batay sa nabasang sitwasyon.

Sitwasyon 1
Si Matthew ay isang lumpong bata. Hindi siya nag-aaral dahil sa kahirapan.
Pangarap niyang makapaglakad, makapag-aral at makapaglaro kasama ang mga
kaibigan. Ngunit dahil sa kanyang kalagayan, alam niyang hindi niya iyon magagawa.
Isang araw, isang social worker ang nakaalam ng kanyang sitwasyon. Inilapit niya ito sa
kakilalang orthopedic surgeon upang bigyan ng libreng operasyon upang siya ay
makalakad. Laking tuwa ni Matthew nang siya ay makalakad. Bilang pasasalamat sa
social worker, ipinangako niya na gagamitin niya ang kanyang buhay nang may
pasasalamat at tutulong din siya sa mga taong nangangailangan.

Sitwasyon 2

Si Kylie ay naulila dahil sa isang aksidenteng ikinamatay ng kanyang mga


magulang. Dahil sa awa ng kanyang guro at kagustuhang makapagtapos siya ng pag-
aaral, hinanapan siya ng taong maaaring magpaaral sa kanya. Isang pari sa kumbento
ang nagpaaral sa kanya hanggang sa makapagtapos siya sa kolehiyo. Hindi naging
madali kay Kylie ang kanyang pinagdaanan dahil kailangan niya itong sabayan ng sipag
at tiyaga. Nakapagtrabaho si Kylie sa Amerika ngunit hindi niya makakalimutan ang
mga taong tumulong sa kanya upang maabot ang mga pangarap. Bumalik siya sa
Pilipinas upang pasalamatan ang kanyang guro at pari na itinuring na niyang ikalawang
magulang.

Sitwasyon Pangunahing Sitwasyong Paano Paano


Tauhan Kinakaharap Nalampasan? ipinakita ang
pasasalamat?

GAWAIN 7:

Panuto: Basahin at unawain. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang wastong pagpapakita ng pasasalamat?


a. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit
b. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat
c. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa paminsan-minsan
d. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa.
2. Ang sumusunod ay gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan MALIBAN sa isa.
Alin ito?
a. Pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang
b. Pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay
c. Paghahanap-buhay para buhayin ang sarili
d. Pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang
pagpapahalaga at pagmamahal sa kanya

3. Alin ang nagsasaad ng tamang paraan ng pagpapasalamat?


a. Pagdarasal
b. Pagbibigay ng maliit o simpleng regalo
c. Simpleng yakap o tapik sa balikat
d. Lahat ng nabanggit

4. Sino ang taong nagpakita ng pasasalamat?


a. Si Arnel na sumusunod sa utos ng nakatatanda kapag may gantimpala.
b. Si Grace na laging nagpapasalamat kahit labag sa kanyang kalooban.
c. Si Ryan na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya
d. Si Olga na walang utang-na-loob sa taong tumutulong sa kanya.

5. Ang sumusunod ay mga pakinabang dulot ng pasasalamat MALIBAN sa isa. Alin


ito?
a. Pagiging maingat sa mga materyal na bagay na natatanggap buhat sa ibang
tao
b. Pagkakaroon ng kagalakan dahil kinikilala mo ang mga kabutihang loob ng
kapwa
c. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka
sa pananaw sa buhay
d. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa
kanila

GAWAIN 8:

Panuto: Gumawa ng islogan tungkol sa pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa


mo sa iyo.
silhouettedesignstore.com

SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain 6
- Pangunahing Tauhan Gawain 8 Gawain 7
1. Matthew
2. Kylie - Depende sa sagot ng bata 1. B
- Sitwasyong Kinakaharap 2. C
1. Isang lumpo at hindi 3. D
makapag-aral 4. C
2. Naulila at hindi makapag- 5. A
aral
- Paano Nalampasan?
1. Nakatanggap ng libreng
operasyon upang makalakad
Gawain 5 Gawain 4
2. Pinag-aral siya ng isang
pari - Depende sa sagot ng bata - Depende sa sagot ng bata
- Paano ipinakita ang
pasasalamat?
1. Ipinangako ni Matthew na
gagamitin niya ang kanyang
buhay nang may pasasalamat
at tutulong din siya sa mga
taong nangangailangan.
2. Bumalik si Kylie sa
Pilipinas upang pasalamatan
ang kanyang guro at pari na
itinuring na niyang ikalawang
magulang.

Gawain 3 Gawain 2 Gawain 1

1. X - Depende sa sagot ng bata - Depende sa sagot ng bata


2. /
3. /
4. /
5. X
6. /
7. X
8. /
9. /
10. x

SANGGUNIAN
https://www.slideshare.net/jaredram55/modyul-9

You might also like