You are on page 1of 10

Aralin Pagpapaunlad ng Ispiritwalidad

Pagkakaroon ng Mabuting Pagkatao anoman ang


12 Paniniwala; Pagkakaroon ng Positibong Pananaw

Pamantayang Pangnilalaman- Naipamamalas ang pang-unawa sa


kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling
kapayapaan (inner peace) para sa pakikitungo sa iba.
Pamantayan sa Pagganap- Naisasabuhay ang pagkamabuting tao na may
positibong pananaw bilang patunay sa pag-unlad ng
ispiritwalidad.

Mga Inaasahan

Sa araling ito, babasahin mo ang isang kwento tungkol sa dalawang matalik na


magkaibigan na handang isakripisyo ang pagkatao para sa kaligtasan ng kanyang
kaibigan. Aalamin mo ang tunay na kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting
pagkatao anoman ang paniniwala at pagkakaroon ng positibong pananaw. Pag-
aaralan mo rin ang iba’t ibang paraan ng pagpapaunlad ng iyong ispiritwalidad.
Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito ay malilinang sa iyo ang mga
sumusunod na kasanayan :
1. Napatutunayan na nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad.
(EsP - K to 12 CG p. 89, ESP6PDIVa-i-16)
2. Napaliliwanag na ispiritwalidad ang pagkakaroon ng mabuting pagkatao
anoman ang paniniwala. (EsP - K to 12 CG p. 89, ESP6PDIVa-i-16)
3. Nagkakaroon ng positibong pananaw, pag-asa at pagmamahal sa kapwa at
sa Diyos.
(EsP - K to 12 CG p. 89, ESP6PDIVa-i-16)
Alam kong gustong gusto mo nang magsimula sa pag-aaral pero
sagutan mo muna ang unang gawain.

Paunang Pagsubok

Gawain 1.1 Basahin o awitin ang kantang may pamagat na “Sino Ako” ni Jamie
Rivera at sagutan ang mga sumusunod na katanungan

Sino Ako Kung di ako umibig


Jamie Rivera Kung di ko man bigyang halaga
Hiram sa Diyos ang aking buhay *Ang buhay na handog
Ikaw at ako'y tanging handog lamang Ang buhay ko'ng hiram sa Diyos
Di ko ninais na ako'y isilang Kung di ako nagmamahal
Ngunit salamat dahil may buhay Sino ako?
Ligaya ko Sino'ng may pag ibig?
Na ako'y isilang Sino'ng nagmamahal?
Pagkat tao ay mayroong dangal Kung di ang tao Diyos ang pinagmulan
Sino'ng may pag ibig? Kung di ako umibig
Sino'ng nagmamahal? Kung di ko man bigyang halaga
Kung di ang tao Diyos ang pinagmulan Ang buhay na…*

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
1
Mga Tanong
1. Ano ang pamagat ng awit?
a. Hiram sa Diyos b. Salamat sa Diyos c. Sino Ako d. Handog

2. Sino ang umawit nito?


a. Jamie Hirera b. James Rivera c. Jimmy Rivera d. Jamie
Rivera
3. Ano ang ipinapahiwatig ng awit?
a. Magpasalamat sa biyayang natatanggap
b. Magpasalamat sa buhay
c. Magpasalamat sa Diyos
d. Magpasalamat sa tao

4. Kung ang Diyos ang pinagmulan ng lahat, paano mo sya mapasasalamatan?


a. Ugaliing magsimba at magdasal. C. Magbahagi ng biyaya
b. Lumikha ng awit pasasalamat d. Lahat ng nabanggit

5. Sa papaanong paraan mo rin maipakikita ang iyong pagmamahal sa Diyos.


a. Tumulong sa nangangailangan na walang hinihinging kapalit.
b. Mahalin ang kapwa at huwag gumawa ng masama.
c. Ingatan at pahalagahan ang nilikha ng Diyos.
d. Lahat ng nabanggit

6. Kung walang nararamdamang pagmamahal ang bawat isa sa atin, ano na


kaya ang mangyayari sa mundong ating ginagalawan?
a. Puno ng pagkamuhi.
b. Laganap ang karahasan.
c. Walang katapusang paghihirap.
d. Lahat ng nabanggit

7. Ang mga sumusunod na gawain ay nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos


MALIBAN sa isa.
a. Pagbibigay ng pagkain sa walang makain.
b. Pagbibigay ng payo sa taong naliligaw ng landas.
c. Pagdamay sa pamilyang nawalan ng mahal sa buhay.
d. Pagtulong sa gawaing bahay kapag may gustong ipabili sa nanay.

8. Bilang isang anak, ano ang ginagawa mo para maipakita ang iyong
pagmamahal sa Diyos?
a. Tinutulungan ko ang aking magulang sa gawaing bahay.
b. Pinapahalagahan ko ang kalikasan kung may nakakakita.
c. Inaalagaan ko ang aking mga kapatid kapag gusto ko lang.
d. Inaayos ko ang aking pag aaral lalo na kung nakikita ni nanay.

9. Paano mo pahalagahan ang iyong buhay na pahiram ng Diyos.


a. Umiwas sa mga gawaing nakasasama sa kalusugan kung pinagsasabihan.
b. Kumain ng maraming pagkain kahit sobra na sa kabusugan.
c. Gawin ang mga bagay na nakapagpapalakas sa katawan.
d. Matulog palagi upang hindi mapagod.

10. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang masasabing nagpapasalamat ka sa


Diyos?
a. Pagdarasal
b. Pagsabi ng Salamat Panginoon.
c. Pamamasyal sa mga pook dalanginan.
d. Pakikipag kwentuhan sa mga namumuno sa simbahan.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
2
Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-
aral sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw

Gawain 1.2 Tingnan ang mga larawan ng simbahan. Sagutan ang mga sumusunod na
katanungan.

Mga Tanong

1. Ano ang ipinakita sa mga larawan?


a. pook pasyalan c. pook dalanginan
b. pook pahingahan d. pook libangan

2. Anong relihiyon ang kinabibilangan mo?


a. Katoliko c. Iglesia ni Kristo
b. Islam d. Iba pa

3. Iginagalang mo ba ang paniniwala ng ibang relihiyon?


a. Opo b. Minsan c. Hindi d. Kapag sinabihan

4. Ano ang nagagawa ng relihiyon sa buhay mo?


a. Napapasaya niya ako.
b. Nakakapagpapagaan ng damdamin.
c. Natututo akong gumawa ng mabuti sa sarili at sa kapwa.
d. Lahat ng nabanggit

5. Kung walang paniniwala sa Diyos ang mga tao, ano sa palagay mo ang
mangyayari?
a. Magulo sa mundo.
b. Walang direksiyon ang mga tao.
c. Puro kasamaan ang mangyayari sa paligid.
d. Lahat ng nabanggit.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
3
Pagpapakilala ng Aralin

Bawat tao ay may katangian na tumugon sa kabanalan ng Diyos. Nagiging


mapagkumbaba siya kapag nadarama niya kung paano pamahalaan ng Diyos ang
daigdig. Dahil may kababaang loob ang bawat isa ay kinikilala niya na ang lahat ng
bagay sa mundo ay nagmula sa Diyos kaya siya ay natututong magpasalamat at
magbigay ng pagluwalhati sa Diyos.
Ang ating ispiritwalidad din ang nagtutulak sa atin na magkaroon ng
pagmamahal sa kapwa. Dahil dito tumutulong tayo sa mga nangangailangan.
Ginagawa ka din nito na maging mapagkumbaba at marunong makibagay. Ito din
ang dahilan upang ang tao ay maging madamayin at makatarungan,
nakapamumuhay nang mapayapa at mapanatag, at nagkakaroon ng positibong
pananaw at pag-asa sa buhay.
Sa araling ito, matututuhan mo na ang tunay na magkaibigan ay hindi nag-
iiwanan. Ang tunay na kaibigan ay handang mag-alay ng kanyang buhay para sa
kapakanan ng kanyang kaibigan. Katulad ng pagmamahal ni Hesus sa atin.

Kaibigan: Nagdadamayan
Ni: Doc T.

Ni:

Si Colleen at Clare ay matalik na magkaibigan, higit pa sa magkapatid


ang kanilang turingan. Kahit magkaiba ang estado ng kanilang buhay, hindi ito
naging hadlang sa kanilang mabuting pagtitinginan bilang magkaibigan.

Sa araw ng kanilang
" Bakit ka may hawak ng kodego? "
pagsusulit, napansin ni Clare na may
Maayos na tanong ng guro.
kakaibang galaw si Colleen. Siya’y
"Binigyan ko kayo ng mahabang
hindi mapakali at pinapawisan ng
panahon upang pag aralan ang
todo. May hawak siyang kapirasong
ating mga aralin, bakit nagawa mo
papel na naglalaman ng mga
pang mangopya? Dahil diyan uulit
kasagutan sa pagsusulit.
ka ng pagsusulit." Sabi ng guro.
Binalak ni Clare na kunin ang
Napaiyak na si Colleen habang
papel upang makaiwas sa
humihingi ng pasensya sa guro
pagkakasala si Colleen, ngunit
nang lumapit si Clare at akuin ang
naunahan siya ng kanilang guro.
kodego.
“Colleen, tumayo ka at sumunod
"Doc T, ako po ang parusahan
ka sa akin mag-usap tayo
niyo dahil sa akin po ang papel na
sandali.”malambing na sabi ni Doc T.
may lamang sagot", pakiusap ni
Tumayo si Colleen at nagtungo siya
Clare.
sa silid ng guro. Sinamahan siya ni
Clare.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
4
Laking gulat ni Colleen sa Habang nagsasagot si Colleen, kita
ginawa ni Clare na pag ako na sa sa kanyang mukha ang pangamba.
kanya ang kodigo.“Clare, hindi mo Ipinagdasal siya ni Clare. Dumating ang
kailangang umamin sa bagay na resulta ng pagsusulit ni Colleen at laking
hindi mo naman talaga ginawa, ang gulat ni Clare lagpas pa sa kailangang
totoo po ma’am sa akin po talaga iskor ang nakuha niya. Dahil sa
iyong kodigo. Kaya ko lang po magandang resulta natuwa ang
nagawang mangopya dahil magkaibigan.
magkahapon kong sinamahan ang
aking nanay sa pagtitinda upang “Sabi ko saiyo kayang kaya mo ang
may makain ang buong pamilya. pagsusulit basta manalig ka lagi sa
Inabot kami ng madaling araw sa Diyos.” sabi ni Clare. “Salamat sa
daan kaya saglit lang ang aking pagtitiwala at sa panalangin mo para sa
pahinga bago pumasok sa akin tunay kang maasahan na
paaralan.” Malungkot na kwento ni kaibigan”, masayang tugon ni
Colleen.
Colleen.Natuwa ang guro sa ipinakita ng
dalawang matalik na magkaibigan.
“Ipagpaumanhin po ninyo ang
aking nagawa, alam ko pong mali Pinayuhan niya si Colleen na huwag
kaya malugod ko pong tatanggapin nang ulitin ang kanyang ginawa dahil
ang aking kaparusahan”, umiiyak na kahit saang anggulo tingnan hindi
sabi ni Colleen. “Ma’am ako na lang magiging tama ang pandaraya,
po ang inyong parusahan, kailangan maganda man ang hangarin ngunit sa
sya ng kaniyang nanay para maling paraan.
makatulong sa pagtitinda, aakuin ko
po ang parusa”. Pagsusumamong Gayun din pinayuhan si Clare na
sabi ni Clare. Ngunit hindi sumang huwag konsintihin ang maling gawain ng
ayon si Colleen. Dahil dito napag kaibigan. Humanga si Doc T sa
pasyahan ni Doc T na isailalim sa ipinakitang kabutihan ng magkaibigan,
panibagong pagsusulit si Colleen. handing dumamay sa anumang
pangangailangan. Masayang umuwi
“Kailangang maipasa mo ang pagsusulit,
sina Colleen at Clare.
kung hindi mananagot si Clare”. Maamong
tugon ng guro. “May tiwala ako sa iyo
Colleen, maipapasa mo ang pagsusulit”,
pagpapalakas ng loob ni Clare.

Maaari ka ring pumili ng iba pang kwento na nais mong gawan ng paglalahad.
Iminumungkahi ko sa iyo na basahin ang kwento tungkol kay Damon at Pythias mula sa
ating bansa na pinamagatang “Magkaibigan: Walang Iwanan”. Buksan lamang ang
link na ito: http://aralingpinoy.blogspot.com/Sundin ang mga pamantayan ibinigay.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
5
Mga Gawain

Gawain 1.3 Pagsagot sa mga Tanong


1. Ano ang nais iparating ng pangyayari sa kwento?
a. Pagtulong nang walang hinihinging kapalit.
b. Maayos na samahan ng magkaibigan.
c. Pagtitiwala sa kakayahan
d. Lahat ng nabanggit

2. Gagawin mo rin ba ang ginawa nila?


a. Siguro b. Opo c. Hindi d. Depende

3. Pinag-iisipan mo rin ba ang paggawa ng kabutihan sa iyong kapwa o kusa mo


lang itong ginagawa?
a. Opo pinag iisipan ko muna.
b. Minsan pinag iisipan ko muna.
c. Pinipili ko ang ginagawan ko ng kabutihan.
d. Kusa kong ginagawa ang kabutihan sa kapwa.

4. Nakaramdam ka ba ng inner peace (kapayapaang panloob) kapag


gumagawa ka ng kabutihan sa iyong kapwa?
a. Opo b. Hindi gaano c. Siguro d. Minsan

5. Para magkaroon ng peace of mind (kapayapaan ng isip), ano ang dapat


mong gawin?
a. Magdasal
b. Tumulong ng kusang loob
c. Gumawa ng kabutihan sa kapwa
d. Lahat ng nabanggit

Gawain 1.4 Tingnan ang mga larawan, pumili ng isa na nagpapaunlad ng iyong
ispiritwalidad na pagkatao. Ipaliwanag ito.

Nasalanta Pag-aruga sa
ng bagyo may sakit

Pagbahagi Pagbisita sa
ng pagkain kulungan

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
6
Rubrik para sa Gawain.

5 4 3

May kinalaman sa Malinaw na May kalabuan Hindi akma ang


aralin naisulat ang ang pagsulat ng isinulat na
pagpapakita ng pagpapakita ng pagpapakita ng
pag unlad ng pag unlad ng pag unlad ng
ispiritwalidad ispiritwalidad ispiritwalidad
May disiplina sa May disiplina sa Nakitaan ng Di nakitaan ng
pagsagot paggawa konting disiplina sa konting disiplina sa
paggawa paggawa
Nasabi ang mga Nasabi ang lahat May ilan na nasabi Hindi nasabi ang
gawaing ng gawaing ukol sa gawaing mga gawaing
nagpapaunlad ng nagpapaunlad ng nagpapaunlad ng nagpapaunlad ng
ispiritwalidad ispiritwalidad ispiritwalidad ispiritwalidad
Kabuoan 15 12 9

Magaling! Natapos mo ang mga gawain ibinigay. Patuloy mo pang palawakin


ang iyong kaalaman.

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling


kapayapaang panloob (inner peace) at pagkamabuting tao na may positibong
pananaw bilang patunay sa pag-unlad ng ispiritwalidad, narito ang mga dapat mong
tandaan.

1. Magpasalamat sa biyayang natatanggap.


2. Ang pagiging mabuti sa kapwa ay humuhubog sa ispiritwalidad ng isang tao.
3. Ang mabuting gawa ay magpapayaman ng ispiritwalidad ng isang tao.
4. Ang taong may positibong pananaw ay isinasabuhay ang pagiging mabuting
tao upang mapaunlad ang kanyang ispiritwalidad.

Isang gawain pa ang aking inihanda para sa iyo upang mailapat mo ang
iyong mga natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Gawain 1.5 Basahin ang mga sumusunod na gawaing nagpapakita ng pagpapaunlad


ng ispiritwalidad. Isulat sa inyong sagutang papel ang salitang Palagi,
Bihira o Hindi ayon sa kung gaano mo ito kadalas ginagawa.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
7
Gawain Palagi Bihira Hindi
1. Pagbibigay ng pagkain sa kaklase na walang baon.
2. Pagtulong kay nanay sa gawaing bahay.
3. Pagtulong sa pagbuhat ng gamit ng guro.
4. Pag-iwas sa masasamang gawain.
5. Pagsauli ng napulot na gamit sa may ari.
6. Inaalam ang mga ritwal na ginagawa ng ibang
relihiyon.
7. Nasagi ba sa isip mo na dapat isang relihiyon sa
buong mundo?
8. Nakikinig sa pangaral ng pinuno ng iyong simbahan
.
9. Tinutuligsa ang paniniwala ng ibang relihiyon
10. Nagbabasa ng bibliya o banal na kasulatan.

Pangwakas na Pagsusulit

Gawain 1.6 Sumulat ng isang talata na nagpapatunay na ang ispiritwalidad ay


nagpapaunlad ng pagkatao.

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________

Rubrik:
May kinalaman sa paksa ang nilalaman 6 puntos
Mekaniks sa pagsulat ng talata 4 puntos

Kabuoan 10 puntos

Pagninilay

Gawain 1.7 Gumawa ng portfolio o scrapbook ng mga gawaing nagpapakita ng


pagpapaunlad ng ispiritwalidad ng isang tao.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
8
Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na
Mga katangian ng sagot : puntos:
 Naaangkop ang ginawang 5 – taglay ang 3 pamantayan
scrapbook 3 – dalawang pamantayan lamang
 Maayos at madaling maunawaan 1 – isang pamantayan lamang
 Naipakita nang mahusay ang mga
larawang angkop sa paksa

Binabati kita at natapos mo ng matiwasay ang ating aralin.Ipagpatuloy mo ang


mabuting gawaing nagpapaunlad ng iyong ispiritwalidad na pagkatao upang maging
maayos at masaya ang iyong buhay at gagabayan ka palagi ng Puong Maykapal.

Sanggunian

 LM Edukasyon sa Pagpapakatao
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Mga Pahina 132-149

 Ugaling Pilipino sa MAKABAGONG PANAHON 6 – Zenaida R.Ylarte; Gloria A.


Peralta, Ed.D. pahina 132-149

 Ylarde, Zenaida Y. – Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 2016 Vibal group


Inc.
https://spiritualityandpractise.com/practices/practices.php?id=23)

 https://www.google.com/search?q=simbahan+ng+iba%27t+ibang+relihiyon&tb
m=isch&ved=2ahUKEwis9pWz4_bpAhUly4sBHcsJDR8Q2-

 https://www.google.com/search?q=sino+ako+lyrics&source=lmns&bih=657&biw
=1366&hl=en&ved=2ahUKEwivouiZ5PbpAhUXDJQKHerEAIcQ_AUoAHoECAEQAA

 http://aralingpinoy.blogspot.com/

 https://www.google.com/search?q=picture+of+two+best+friends+boy+drawing
&tbm=isch&ved=2ahUKEwjynp-eovfpAhWczIsBHZz6BHMQ2-

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
9
Sagutang Papel sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Ikaapat na Markahan Unang Linggo

Gawain 1.1- Paunang Pagsubok


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Gawain 1.2 -Balik Tanaw


1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 1.3
1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 1.4
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________________________.

Gawain 1.5 ( ang mga kasagutan ay maaaring maiba-iba)


1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Gawain 1.6 –Pag alam sa Natutuhan


Paggawa ng portfolio o scrapbook.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
10

You might also like