You are on page 1of 7

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Department of Education
Region IV-A – CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
District of Lobo
LOBO
Nagtoctoc Elementary School
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYONG PANTAHANAN 5
Pangalan: ______________________________________________________Iskor:_________________
Baitang:_________________ Lagda ng Magulang: ________________________

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na mga pangungusap. Pilliin at isulat ang titik ng
tamang sagot.
1. Ito ay yugto ng buhay na nagsisimula sa 10 taong gulang hanggang 16 na taon na kung
kalian maraming pagbabagong naganap sa pangangatawan at pag-iisip.
a.pagdadalaga b.pagbibinata c.pagreregla d.a at b

2. . Masakit ang puson ni Mae dahil siya ay may regla. Alin ang mabuti niyang gawain?
a.Maligo c.Magpatong ng hot water bag sa ibabaw ng puson
b.Maglaro d. Maglinis ng bahay

3. Bakit tinutuli ang isang lalaki?


a.Upang maging macho c.Upang mabago ang kilos
b.Upang manatiling malinis ang dulo ng tunod d.Upang maging matangkad

4. Alin ang nagpapatunay na si Alden ay binata na?


a.lumalaki ang baywang
b. pumipiyok at lumalaki, tumutubo ang buhok sa kilikili
c. lumiliit ang braso
d.lumalapad ang balakang

5. Ang ng nagdadalaga at nagbibinata ay karaniwang _______.


a.lumalapad ang binti
b. pumuputi ang buhok
c.sumusulong ang timbang o sukat ng iba’t-ibang bahagi ng ka
d. bumababa ang timbang ng katawan

6. Alin sa mga sumusunod ang walang katotohanan kapag may regla?


a. pagkaloka ay sanhi ng pagliligo kung may regla
b.Ang maagang ehersisyo ay nakabubuti sa katawan
c.Balutin ng dyaryo o plastic ang napking ginamit bago itapon sa basurahan
d.Kumunsulta sa manggagamot kung parating nananakit ang puson.

7. Ang isang nagdadalaga at nagbibinata ay____________.


a.nagiging masungit c. nagiging pasaway
b. umiwas sa barkada d.nagiging palaayos sa sarili

8. Ang pagkaroon ng pagbabago sap ag-uugali ay pagbabagong_______.


a. pandamdamin b.pisikal c. pangkaisipan d. interes sa iba
9. Ang pagkaroon ng personal na interes,ambisyon,at pagpapahalaga sa buhay ay
pagbabagong_______.
a. damdamin c.pisikal d.interes sa Gawain d.pangkaisipan

10.Ang pagkahilig sa iba’t ibang isports tulad ng paglangoy,basketball,badminton,at chess


ay pagpapakita ng__________.
a.interes sa iba b.interes sa mga gawain c.pisikal d.pandamdamin

11.Ito’y ginagamit upang maging malinis at matibay ang ngipin.


a. Nail Cutter b.Sepilyo c.Tuwalya d.Suklay

12.Sabunin ang buong katawan. Gamitin ang basang bimpo sa pagkuskos sa iba’t ibang
bahagi ng katawan. Higit na bigyang pansin ang leeg, tainga at likod nito, braso, siko,
tuhod, kilikili, pusod at mga pag-itan ng daliri at paa.Anong gawaing pangkalinisan ang
ipinakikikta nito?
a.pagsisipilyo b.paliligo c.pagsusuklay d.paghihilamos

13 Ang pagsusulsi ng punit ng damit ay dapat gawin ________.


a. pagkatapos labhan b.bago labhan c.bago plantsahin d.pagkatapos plantsahin

14. Paraan ito ng pagkukumpuni ng butas ng kasuotan.


a. pagsusulsi b. paglilip c. pagtatagpi d. paghihilbana

15.Ginagawa ito upang maalis ang dumi at masamang amoy dulot ng pawis,alikabok,o
anumang mantsa na kumapit o natapon sa damit.
a.paglalaba b.pamamalantsa c. pangangasiwa d.pagsasampay

16.Paplantsahin ni Lanie ang kanyang polong uniporma na isusuot bukas. Anong bahagi
ang kanyang uunahin hahagurin?
a. Manggas b. harapan c. kuwelyo d.likuran

17.Ang maganda at kaaya-ayang tindig ay nakakamit sa pamamagitan ng sumusunod na


gawain maliban sa isa____.
a. Tamang pag-upo,pagtayo at paglakad c. Kumain ng sapat at Wastong
pagkain
b.Magkaroon ng sapat na oras ng tulog at pahinga d. Maglaro ng computer
maghapon

18.Magiging maayos, masaya, at matiwasay ang pagsasamahan ng mag-anak kung alam


ng bawat kasapi ang kanyang mga __________.
a.tungkulin b.karapatan c.pananagutan d.lahat ng nabanggit

19.Naghahanapbuhay upang magkaroon ng ligtas na tirahan, sapat at wastong pagkain,


maayos na pananamit, at masayang pagsasama.
a.lolo b.kuya c.tatay d.tito

20.Dito ang mga tao unang pumapasok, ang may-ari ng bahay at bisita
a.silid lutuan b.silid-tanggapan c.silid-tulugan d.silid-kainan

21.Walang pasok sa paaralan kaya’t si Aiza ay maglilinis ng bahay,ano ang dapat niyang
unahin upang ang paglilinis ay maging madali at maayos?
a. maunang magwalis ng sahig at magpunas ng mga kasangkapan at mag-aayos
b. simulang maglinis sa itaas patungong ibaba
c. simula sa ibaba,sa mga dingding at itaas
d. mga muwebles at kasangkapan ang unahin

22.Nakapitas si Myra ng mga pula,dilaw at puting rosas sa kanilang hardin kumuha siya
ng plorera at inayos na ang mga pulang rosas ay nasa_____.
a. nasa gawing itaas
b. nasa gitna
c.nasa gawing ibaba o ilalim ng ayos
d. sentro sa ibabaw o gitna

23.Ang cabinet ng mga palamuti at aklat,telebisyon,sala set,piyano at radio ay mga


kasangkapang karaniwang inaayos sa_______.
a. silid tulugan b. kusina c. balkonahe d.silid-tanggapan o sala
24.Sa maayos na pangangasiwa ng tahanan,ang mahahalagang malalaking muwebles sa
silid ay dapat ______sa dingding.
a. Nakaharap b.nakaayon c.nakatalikod d. nakaharang

25.May mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng palamuti para sa tahanan at


paggawa ng isang kagamitang pantahanan. Ito ay ang mga sumusunod:
a.Uri at laki ng silid na paglalagyan c.Tampulan ng pansin o focus of attention
b.Gamit o tungkulin d. lahat ng nabanggit

26.Alin dito ang halimbawa ng kagamitang pambahay (soft furnishing)?


a. Flower vase b.throw pillow c. figurines d.lampshade

27. Ito ang pagtatahi nang pinong- pino at paulit-ulit.


a. pagtatagpi b. Pagsusulsi C. Pagtatastas d. Pag-aayos ng butas

28.Ito ay tumutukoy sa mithiin sa paggawa ng plano sa pagbuo ng mga kagamitang


pambahay.
a.Hakbang sa paggawa. B.Talaan ng Materyales c.Layunin d.sketch

29. Ang pagkakaimbento ni ________ ng makinang panahi noong 1846 ay nagbigay ng


malaking tulong sa mga mananahi at sa larangan ng pananahi.
a. Elias Howe b.Elias Home c. Elias Howard d.Elias Hase

30. Ito ay nasa ilalim ng presser bar na pumipigil at gumagabay sa tela habang nananahi.
a. Feed dog b. stop motion screw c.presser foot d.spool pin

31.Ito ay papel na hinugis ayon sa disenyo ng kagamitang tatahiin na nagsisilbing


patnubay sa paggawa ng mga kagamitan at kasuotang tatahiin.
a.Epron b.Padron c.Dugtong d.Hilbana

32.Ito ay kailangan upang mapadali at maging maayos ang pananahi.


a.Pagpaplano at Paghahanda c.Pagsusukat at Pagtatabas
b.Pamimili at Pagbebenta d.Pagmamarka at Pananahi

33. Si Lorna ay magpapatahi ng bestida para sa kanyang kaarawan .Siya ay sinukatan ng


modesta upang makuha ang tamang sukat ng kanyang katawan gamit ang_____.
a. ruler b.metro c.medida d. meter stick

34.Ano-anong paraan ng pagbibigay ng mungkahi/suhestiyon ng iba sa proyektong nabuo


upang siyang magsilbing batayan sa pagpapaganda ng proyekto.
a.rubrics b.tsart c.scorecards d.a at c

35.Ano-ano ang dapat isaalang alang sa pag aayos ng proyekto?


a.kagamitan b.panahon at oras c.salapi d.lahat ng nabanggit

36. Ano ang ginagamit na pamunas at pagpaspas ng alikabok.


a. Bunot b. Mop c. basahan d. walis tingting

37. Isa itong silid para sa lahat. Malayang nagbabahaginan ng hindi lang pagkain dito pati
na rin ng mabubuti at masasayang karansan araw- araw.
a. silid- tanggapan b. silid kainan c. palikuran d. silid- tulugan

38. Alin sa mga sumusunod and unang dapat pagsikapan na magkaroon ang pamilya?
a. maraming damit b. maayos na tahanan
c. magarang sasakyan d. mamahaling sasakyan

39.Ito ay pagtatala ng mga pinamili,naipagbili at natirang paninda.


a.Pag-iimbentaryo b.Pagtitinda
c.Pag-aayos ng paninda d.Pagbabalot ng paninda

40. Lalagyan ito ng mga kagamitan sa pananahi.


a. Kahong Panahian b. Mga Panukat c. Mga Pantabas d. Mga Tela

41.Ang mag-anak na Delos Santos ay pawing masisigla at malulusog ang pangangatawan


dahil sa kasiya-siyang pagkain ng mag-anak.Laging may mga masustansiya at
mabitaminang pagkain kasama sa pang-araw-araw na hain sa hapag.
a. karne,manok,alimango,lechon at isda c. ice cream cake at softdrinks
b. gulay,isda at bungangkahoy o prutas d. mga de-lata at imported na pagkain

42.Ang mga sumusunod ay mga saligan na dapat tandaan sa pagbabalak at paghahanda ng


pagkain ng mag-anak maliban sa isa,alin ito?
a. gulang,kalusugan at katawan ng kasapi ng mag-anak
b.kagustuhan ng bunsong anak
c. kaugalian at pananampalataya
d. panahon at lugar ng paghahanda

43.Alin sa mga sumusunod na pangkat ng pagkain ang nagiging pananggalang sa sakit at


impeksyon ng ating katawan?
a. malunggay,saluyot,petsay c. isda,tinapa,karne ng baboy
b. kamote,mais,gabi d. ice cream,softdrinks,hamburger

44. Ang sampalok, kamatis, sibuyas, kangkong, okra, labanos, sitaw, gabi, sili, at
pampalasa.ay angkop na sangkap sa pagluluto ng anong resipe.
a.Adobo b.nilagang baboy c.sinigang na baboy d.menudo

45.Ang halaga ng 1 kilong baboy ay Php 190.00. Kung ikaw ay bibili ng ¾ kilo, magkano
ang iyong babayaran?
a.150.50 b.175.00 c.125.00 d.142.50
46.Bago maghanda o magluto ng pagkain,ang mga sumusunod na kaugalian ay aking
susundin.
a. aalisin ko muna ang aking relos at alahas
c. magsusuot ako ng apron at headband
b. maghugas ng kamay bago humawak ng pagkain
d. lahat ng nabanggit

47.Upang ang paghahanda ng pagkain ay mapabilis,dapat na gumamit ng mga angkop na


kagamitan para sa gagawin tulad ng maliit na kutsilyo sa pagtatalop at______ sa
pagdikdik o pagdurog ng pagkain o sangkap.
a. parilya b. salaan c. sandok d. almires

. 48.Ang mga kagamitan sa pagluluto, pagkatapos gamitin ay kaagad niyang linisin.Ang


paraang ginamit ay__.
a. sasabunin,iisisan,babanlawan at itago
c. sasabunin,iisisan,babanlawan,patuyuin at itago
b. sasabunin,patutuyuin at itatago
d. sasabunin,babanlawan at itatago

49. Mahalagang matutunana ang wastong paglalaba sa murang edad pa lamang.


a. Tama b. Hindi c. Maaari d. Siguro

50. Ano ang maaraing makatulong sap ag-aalis ng chewing gum?


a. Alkohol b. brush c. Yelo d. Asin
ANSWER KEY

H.E

1. D 46. D
2. B 47. D
3. C 48. C
4. B 49. A
5. A 50. C
6. C
7. D
8. A
9. D
10. C
11. B
12. B
13. B
14. C
15. A
16. C
17. A
18. D
19. C
20. B
21. B
22. C
23. D
24. B
25. D
26. D
27. C
28. A
29. C
30. B
31. A
32. C
33. D
34. D
35. A
36. C
37. B
38. B
39. A
40. D
41. B
42. B
43. A
44. C
45. D

You might also like