You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
BUGTONGNAPULO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
BUGTONGNAPULO, LIPA CITY

THIRD QUARTER ASSESSMENT SA ESP 8

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon. Piliin ang titik ng pinakatamang
sagot. Isulat ito sa inyong sagutang papel.

1. Paano ka makakaiwas sapananakit ng taong dahilan ng iyong galit?


a. Suntukin na lamang ang pader.
b. Kumain ng paboritong pagkain.
c. Huwag na lamang siyang kausapin muli.
d. Isipin na lamang na sadyang may taong nakakasakit ng damdamin ng
iba.
2. Ito ang nagbibigay palatandaan sa ibang tao ng tunay mong nararamdaman.
a. Ang ating mga opinion.
b. Ang ating mga kilos o galaw.
c. Ang ating ugnayan sa kapwa.
d. Ang mabilis na pagtibok ng ating puso.
3. Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
a. Unawain na hindi lahat ng pagpapasya at mga bagay na dapat sundin ay
magiging kaaya-aya para sa iyo.
b. Ipaglaban ang iyong Karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.
c. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang pagkakamali.
d. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.
4. Natututuhan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng
sumusunod maliban sa:
a. Pagmamasid sa mga taong nasa paligid kung paano maging magalang at
masunurin.
b. Pagsangguni sa mga taong kapalagayan niya ng loob at nakakaunawa sa
kanya.
c. Pakikinig at pagsasabuhay ng itinurong aral ng mga magulang tungkol sa
paggalang at pagsunod.
d. Pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at
nakatatanda.
5. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
a. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit.
b. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat.
c. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang
niya ang trabaho nito.
d. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa.
6. Si Manuel ay isa sa kinikilalang mag-aaral na magaling sa pasulat na pagsusulit.
Minsan, nahuli siyang may kodigo sa pagsusulit at nalaman ito ng kaniyang mga
kamag-aral. Ano ang maaaring bung anito kay Manuel kaugnay ng pagtingin sa
kaniya na isang magaling na mag-aaral?
a. Hindi siya pagbibigyang makakuha ng pagsusulit
b. Mas lalakas ang loob ng iba na mangodigo upang maging magaling na
mag-aaral.
c. Hindi siya paniniwalaan at pagtitiwalaan.
d. Hindi na siya kakaibiganin ng mga kamag-aral.
Address : Bugtongnapulo, Lipa City, Batangas 4217
Telephone Number: (043) 417-5472
Email Address : bugtongnapulonhs74@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
BUGTONGNAPULO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
BUGTONGNAPULO, LIPA CITY

7. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng nakasanayang gawi o ritwal sa pamilya?


a. Nagpapatibay ito ng presensya ng pamilya
b. Naipagpapatuloy nito ang tradisyon ng pamilya
c. Napagbubuklod nito ang mga henerasyon
d. Naiingatan nito ang pamilya laban sa panganib.
8. Ano ang entitlement mentality?
a. Ito ay paggawa ng titulo o parangal sa isang tao
b. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay Karapatan
mo na bigyan ng dagliang pansin.
c. Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng
pamahalaan na tustusan ang kanilang pangangailangan.
d. Ito ay ang pagbibigay ng pangunahing pangangailangan ng mga tao.
9. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ng pasasalamat ayon kay Santo Tomas
Aquinas?
a. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa.
b. Pagpapasalamat
c. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik sa kabutihang
ginawa sa iyo.
d. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya
10. Ang pamilyang binuklod ng isang pananampalataya ay:
a. Buo at matatag
b. Palaging alam ang tama at mali
c. Magkakapareho ang paraan ng pagsamba
d. Hindi magkakaroon ng alitan kailanman

II. Maikling Sagot (10 puntos bawat isa)

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa hindi bababa sa limang pangungusap.

1.Ang panlabas ba na kaanyuan ang sukatan ng kagandahan? Ipaliwanag

2. Paano mo malalaman na ang isang tao ay may mabuting kalooban? Ipaliwanag

3. Magbigay ng mga paraan kung paano maipakikita ang kabutihan at kagandahang loob
sa kapwa.

III. Paggawa ng Liham Pasasalamat (10 puntos)

Gumawa ng liham pasasalamat para sa iyong nanay ngayong Mother’s Day.

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

Ma. Fatima B. Abacan Cristy M. Untiveros


Guro sa ESP 7 Punungguro
Address : Bugtongnapulo, Lipa City, Batangas 4217
Telephone Number: (043) 417-5472
Email Address : bugtongnapulonhs74@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
BUGTONGNAPULO INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
BUGTONGNAPULO, LIPA CITY

Address : Bugtongnapulo, Lipa City, Batangas 4217


Telephone Number: (043) 417-5472
Email Address : bugtongnapulonhs74@gmail.com

You might also like