You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
CARPENITO INTEGRATED SCHOOL

ESP 7-SUMMATIVE TEST- THIRD QUARTER


Name:__________________________________ Date:______________ Score:_________
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.Isulat ang iyong
sagot sa may patlang bado ang aytem Bilang.
____1. Ito ay bunga nang paulit-ulit na pagsasakilos o pagsasagawa ng isang kilos.
A. gawi C. pagsasanay
B. pag-unawa D. Pagsasabuhay
____2. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapahiwatig ng wastong kahulugan
ng Pagpapahalaga (values) MALIBAN sa _________.
A. ito ay nagmula sa salitang Latin na valore.
B. ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin.
C. ito ay nababago depende sa tao, sa lugar at sa panahon.
D. ito ay nangangahulugang “pagiging tao”, pagiging matatag at pagiging
malakas.
____3. Sa paanong paraan nagkakaroon ng kaugnayan ang halaga at birtud?
A. Pareho lamang itong naghahangad ng kabutihan para sa tao.
B. Matatawag lamang na mahalaga ang isang bagay kung ito ay ginagabayan
ng lahat ng mga birtud.
C. Tutukuyin niya ang angkop na birtud na mas makapagpapayaman dito kung
nakikita ng tao na ang isang bagay ay mahalaga.
D. Pagyayamanin niya ito at pahahalagahan kung nakikita ng tao na ang isang
birtud ay may malaking tulong sa kanyang pagkatao.
____4. Bilang kabataan, maraming pangyayari sa buhay mo ang hindi naayon sa iyong kagustuhan. Maraming
pagkakataon na ikaw ay nakararanas ng kabiguan sa buhay. Anong birtud ang kakailanganin mo upang makayanan
mo ang mga pangyayaring ito?
A. pagtitimpi B. katarungan C. katatagan D. karunungan
____5. Ang mga sumusunod ay katangian ng ganap na halagang moral MALIBAN sa ___.
A. ito ay nagmumula sa labas ng tao.
B. ito ay pangkalahatang katotohanan na tinatanggap ng tao bilang mabuti at
mahalaga.
C. ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng
isang pangkat ng tao
D. ito ay ang mga prinsipyong etikal na pinagsisikapang makamit ng tao at
mailapat sa kanyang pag-araw-araw na buhay.
____6. Si Linda ay nasanay na magsauli ng sukli sa magulang tuwing pinapabili siya. Anong birtud ang nahuhubog sa
kanya?
A. masikap B. magalang C. pagiging matapat D. pagiging maalalahanin
____7. Ang araw-araw na pagdarasal ni Lucy habang siya ay may sakit ay nagdudulot sa kaniya ng kapanatagan. Ano
ang nalinang sa gawi ni Lucy?
A. makatao B. makadios C. makabansa D. makakalikasan
____8. Patuloy na ginagampanan ni Isko ang kaniyang tungkulin sa pag-aaral dahil sa
hangaring matupad ang kaniyang pangarap. Ano ang nais niyang patunayan
sa sarili?
A. Siya ay magaling.
B. Siya ay simpleng tao.
C. Siya ay ma-ambisyong tao.
D. Siya ay isang mapanagutang mag-aaral.
____9. Maliit pa lamang ay sinanay na ng pamilyang Delos Santos ang kanilang mga anak na asikasuhin ang kanilang
sarili sa pamamagitan ng maingat na pagbabahagi ng mga gawaing bahay. Paano masusukat ng pamilyang Delos
Santos na nalinang ang birtud sa mga anak?
A. Nakikita sa pagiging pagka-masunurin ng mga ito.
B. Kung ang bawat gawain ay mabigat para sa kanila.
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
CARPENITO INTEGRATED SCHOOL

C. Sa pagiging bagutin nito habang ginagawa ang itinakda.


D. Sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga itinakdang gawain.
____10. Napatunayanan ni Mauricio na habang sinusunod niya ang panuto ng magulang ay lumalim ang kanilang
mabuting samahan. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga panuto ng magulang sa lahat ng panahon?
A. upang hindi mapagalitan.
B. upang maipagmalaki ang sarili.
C. upang mapariwara at mapahamak.
D. upang magkaroon ng gabay habang pinapa-unlad ang sarili
___11. Ang ______________________________ ay tumutukoy sa pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon sa
pangunahing pangangailangan ng tao at sa mga bagay na maituturing lamang ng rangya o luho.
A. pambuhay B. ispirituwal C. pandamdam D. banal
____12. Ito ay halagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay.
Pinahahalagahan ito upang masiguro niya ang kaniyang kaayusan at
mabuting kalagayan.
A. pambuhay B. ispiritwal C. pandamdam D. banal
____13. Ang pinakamataas na antas ng Hirarkiya ng Pagpapahalaga ay _______
A. pambuhay B. ispirituwal C. pandamdam D. banal
____14. Sinasabing ang pera ay nakapagbibigay ng saya, ngunit may mga taong
maraming pera subalit inaaming hindi ito ang makapagpapasaya sa
kanila. Sa paglipas ng panahon, mahihinuha nila na ang pagkakaroon
ng buong pamilya at mga tapat na kaibigan pala ang tunay na mas
makapagpapasaya sa kanila. Ang halimbawang ito ay patunay sa anong katangian ng mataas na antas ng
halaga?
A. Habang tumatagal ang halaga, mas tumataas ang antas nito
B. Mataas ang antas ng halaga kung ito ay lumilikha ng iba pang halaga
C. Higit na malalim ang kasiyahan na nadama sa pagkamit ng halaga, mas mataas ang antas nito
D. Higit na mahirap mabawasan ang kalidad ng halaga kahit pa dumarami ang nagtataglay nito, mas mataas
ang antas nito
___15. Kadalasang mahalaga para sa mga nagdadalaga/nagbibinatang kagaya
ko ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang mga gadget katulad ng cellphone.
Nasa anong antas ito ng pagpapahalaga?
A. pambuhay B. ispirituwal C. pandamdam D. banal
____16. Sa panahon ngayon, nauuso na ang mga instant foods na mas mabilis
lutuin kumpara sa mga mas masustansiyang pagkain. Nasa anong antas
ito ng pagpapahalaga?
A. pambuhay B. ispiritwal C. pandamdam D. banal
___17. Kapag ang pinahahalagahan ay nasa Espirituwal na lebel, tinutukoy nito ang mga :
A. Diyos, simbahan/sambahan/mosque, banal na aklat
B. pag-eehersisiyo, pamamahinga, pagkain ng masustansiyang pagkain
C. pagmamahal, kapayapaan, katarungan
D. gadyet, mamahaling alahas, magarang sasakyan, malaking mansiyon
___18. Kung ang pagpapahalaga ay nasa pambuhay na antas, ang tinutukoy nito ay ang
A. Diyos, simbahan/sambahan/mosque, banal na aklat
B. pag-eehersisiyo, pamamahinga, pagkain ng masustansiyang pagkain
C. pagmamahal, kapayapaan, katarungan
D. gadyet, mamahaling alahas, magarang sasakyan, malaking mansiyon
____19. Ang mga sumusunod ay mga antas ng hirarkiya ayon kay Max Scheler, MALIBAN sa :
A. Pambuhay na halaga C. Makabansang halaga
B. Padamdam na halaga D. Banal na halaga
____20. Ano ang marapat na una mong pahalagahan?
A. Pambuhay na halaga C. Makabansang halaga
B. Padamdam na halaga D. Banal na halaga
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
CARPENITO INTEGRATED SCHOOL

____21. Sa papaanong paraan mapapataas ang antas ng iyong pagpapahalaga?


A. Isiping mabuti ang mas mahalaga at dapat na unahing gawain
B. Gayahin ang mga pinahahalagahan ng mga sikat/kilalang tao
C. Pumili ng gawaing higit na kinawiwilihan katulad ng paglalaro o pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan.
D. Ipagtanong sa mga mas nakatatanda ang nararapat mong gawin upang mapahalagahan ang mataas na antas
ng pagpapahalaga.
____22. Ang sumusunod ay mainam na hakbang upang mapanatiling mataas ang antas ng pagpapahalaga ng isang
indibiduwal, MALIBAN sa:
A. Isaisip na mas mataas ang pagpapahalaga kung ito ay para sa Dakilang Lumikha.
B. Higit na pahalagahan kung ano ang makapagpapasaya sa iyo.
C. Hayaan na tadhana ang magdikta ng iyong pahahalagahan sa buhay.
D. Unahin ang kapakanan ng kapuwa
____23. Kahit na naghihirap si Myca sa buhay ay hindi pa rin niya nakaliligtaang tumulong sa mga nangangailangan.
Ano ang maaaring kahinatnan niya?
A. Sisikat siya sa kanilang bayan
B. Magsasawa rin siya dahil sa dami ng kailangang tulungan
C. Makatutulong ito upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao
D. Magtatayo siya ng organisasyong makatutulong pa sa nangangailangan
____24. Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng mataas na antas ng pagpapahalaga?
A. Tumatagal at hindi nababago ng panahon
B. Ito ay nagiging batayan ng ibang pagpapahalaga
C. Mahirap pa ring mabawasan ang kalidad nito
D. Kung ito ay nakabatay sa organismong nakararamdam nito.
____25. Nararapat mapataas ang antas ng iyong pagpapahalaga upang ______.
A. mapasaya ang iyong pamilya.
B. maging sikat sa klase at paaralan.
C. magkaroon ng makabuluhang buhay.
D. may maipagmayabang sa mga kamag-anakan
___26. Ang ___________________na tumutukoy sa maingat na pagkilala at pagsusuri ng iyong mga kalakasan,
kahinaan mga kagustuhan, mga
hilig, at mga estilo ng trabaho ay isang mahalagang hakbang sa
pagpaplano ng iyong potensyal na landas sa karera.
A. Pananaliksik
B. Pag-ekspiremento
C. Pagsasagawa o pagsasabuhay
D. Pagtasa sa sarili (self-assessment)
___27. Ano ang katotohanang ipinapahayag ng kasabihang “Ang edukasyon ay kayamanang taglay na hindi
mananakaw ng sinoman”
A. Ang edukasyon bilang isa sa pangunahing pangangailangan ng tao
ay mahalaga at kinakailangang matamo ng bawat isa na magagamit
sa pagkamit ng mithiin sa buhay.
A. Ang bawat tao na may kakayahang linangin ang kanilang talento at interes sa pamamagitan ng edukasyon.
B. Maaaring umunlad ang isang tao sa pamamagitan ng edukasyon na kanyang nakamit sa pamamgitan ng
pag-aaral.
C. Makakamit lamang ng isang tao ang kaniyang mga mithiin sa buhay sa pamamagitan ng edukasyon at
kayamanan.
___28. Ang labis na kahirapan at kawalan ng suporta ng pamilya ang nagiging
hadlang upang hindi makamit ang inaasam na edukasyon at
minimithing pangarap ng isang indibiduwal. Ang pahayag ay
_____________.
A. Tama, dahil ang kahirapan at kawalan ng suporta mula sa pamilya ang ilan sa mga dahilan upang
mabawasan ang interes at tiwala sa sarili ng isang indibiduwal.
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
CARPENITO INTEGRATED SCHOOL

B. Tama, dahil sa kahirapan ay hindi naibibigay ng mga magulang ang mga pangunahing pangangailangan ng
kanilang mga anak.
C. Mali, dahil ang karangyaan ay hindi sukatan ng tagumpay ng isang indibiduwal.
D. Mali, dahil lahat ng tao anoman ang kalagayan sa buhay ay nangangarap magkaroon ng edukasyon at
makaahon sa kahirapan.
___29. Ang sumusunod na mga hakbang ay proseso sa pagpaplano ng career
MALIBAN sa ____________________________.
A. Pananaliksik
B. Eksperimento
C. Paggawa at pagsasabuhay
D. Pagtatasa sa saliri at pananaliksik
___30. Mahalaga ring maitakda natin ang ating mga layunin sa pagkamit ng ating mga mithiin o pangarap na
nakatuon sa nais nating maabot. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang layunin upang ito ay makamit?
A. Ang pagkakaroon ng makabuluhang buhay.
B. Tataglayin mo ang katangian ng isang produktibong manggagawa.
C. Magiging bahagi at magbibigay ambag sa pagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa.
D. Lahat ng nabanggit.

Test II
Panuto: Isulat ang letrang A kung ang sitwasyon ay nagpapatunay na
ang piniling uri ng pagpapahalaga ay gabay sa makatotohanang pag-unlad
ng ating pagkatao at letrang B naman kung hindi. Isulat ito sa iyong
sagutang-papel.

_____31. Si Gerald ay maagang nakapag-asawa kaya hindi siya nakapagtapos ng pag- aaral. Labis ang suporta na
kaniyang natatanggap mula sa mga magulang na naninirahan na sa ibang bansa. Dahil dito, madalas siyang lumabas,
uminom ng alak at
magsugal kasama ang kaniyang mga kaibigan.

____32. Dahil sa labis na kahirapan ay ipinangako ni Charise na siya ay magiging isang doktor balang-araw. Nagsikap
siya, nag-aral sa araw at nagtrabaho naman sa gabi. Ano pa at makalipas ang ilang taon ay natupad niya ang kaniyang
pangarap na maging ganap na doktor.
____33. Madalas mag-Facebook at maglaro ng online games si Sam kung kaya’t napapabayaan na niya ang pag-aaral
ng leksiyon. Dahil dito, siya ay bumagsak sa limang asignatura.
____34. Lumaki sa layaw si Mike. Lahat ng kaniyang naisin ay nakukuha niya. Ano pa at nagbinata siyang matigas
ang ulo at walang alam sa anomang gawain.
____35. Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Angelo, pinili niyang ilaan ang kaniyang panahon para sa pagtulong
sa mga batang lansangan. Iniwan niya ang kaniyang negosyo sa mga taong kaniyang pinagkakatiwalaan at ibinabahagi
niya ang kaniyang yaman sa mga batang kaniyang tinutulungan. Nakahanda siyang laging tumugon sa kagustuhan ng
Diyos na maglingkod sa kapuwa na walang hinihintay na anomang kapalit.

You might also like