You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III- Central Luzon
City Division of San Jose del Monte
SAN JOSE DEL MONTE HEIGHTS HIGH SCHOOL
Ikaapat na Markahan
Unang Lagumang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7
I. Multiple Choice: Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel. Ang anumang uri ng bura ay hindi pinahihintulutan.

1. Ang ________________ ay tumutukoy sa pagbibigay halaga sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing


pangangailangan ng tao at sa mga bagay na maituturing lamang na rangya o luho.
a. Pambuhay na halaga c. Ispiritwal na halaga
b. Pandamdam na halaga d. Banal na halaga

2. Ang ________________ ay tumutukoy sa mga pagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao sa kanyang


kaganapan upang maging handa sa pagharap sa Diyos.
a. Pambuhay na halaga c. Ispiritwal na halaga
b. Pandamdam na halaga d. Banal na halaga

3. Sa kabila ng pagiging abala sa trabaho, hindi kailanman nalilimutan ni Lonil na mag-ehersisyo at kumain ng
masusustansiyang pagkain. Hindi rin niya iwinawaglit sa kanyang isipan ang pagkonsulta sa doktor upang
matiyak na maayos ang kanyang kalususgan at pangangatawan. Nasa anong antas ng pagpapahalaga naroon si
Lonil?
a. Banal na Pagpapahalaga c. Ispiritwal na Pagpapahalaga
b. Pambuhay na Pagpapahalaga d. Pandamdam na Pagpapahalaga

4. Alin sa mga sumusunod ang angkop na pagkakasunud-sunod ng mga pagpapahalaga?


a. Banal, Ispiritwal, Pandamdam, Pambuhay
b. Pambuhay, Pandamdam Ispiritwal, Banal
c. Pandamdam, Pambuhay, Ispiritwal, Banal
d. Pandamdam, Pambuhay, Banal, Ispiritwal

5. Ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga ay tinaguriang ordo amoris na nangangahulugang:


a. Order of the heart c. Hierarchy of Values
b. Order of the brain d. Hierarchy of Needs

6. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na hindi nakikita ng ating mga mata, ngunit ating nararamdaman at naiisip.
a. Panloob na Salik c. Hirarkiya ng Pagpapahalaga
b. Panlabas na Salik d. Birtud

7. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na pagpapaliwanag ng kasabihan na, “The end does not justify the
means?”
a. Maaari mong gawin lahat ng paraan na alam at kaya mo kung ikaw ay may malinis at magandang
layunin.
b. Kahit gaano kaganda at kalinis ang layunin mo, ngunit kung ang pamamaraan mo ng pagkamit nito
ay mali, ito pa rin ay maituturing na mali.
c. Ang mali ay maaaring maging tama lalo na kung ito ay sinasang-ayunan ng nakararami.
d. Ang pagpapahalaga ang siyang nagbibigay katuturan o saysay sa buhay ng indibidwal.

8. Si Aling Norma ay nasa dapit-hapon na ng kanyang buhay. Kaya naman ibinubuhos niya ang kanyang oras sa
paglilingkod sa Diyos. Malimit siyang magbahagi ng salita ng Diyos sa mga taong naliligaw ng landas kaya
naman labis ang paghanga sa kanya ng kanyang mga mahal sa buhay at kapitbahay. Nasa anong antas ng
pagpapahalaga si Aling Norma?
a. Banal na Pagpapahalaga c. Pandamdam na Pagpapahalaga
b. Ispiritwal na Pagpapahalag d. Pambuhay na Pagpapahalaga
9. Ang pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat o kabutihang ng nakararami kaysa sa sarili ay naglalarawan
sa anong antas ng pagpapahalaga?
a. Banal na Pagpapahalaga c. Ispiritwal na Pagpapahalaga
b. Pandamdam na Pagpapahalaga d. Pambuhay na Pagpapahalaga

10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama?


a. Isinasaad ng Hirarkiya ng Pagpapahalaga na lahat ng bagay ay nararapat na pahalagahan.
b. Sa tulong ng Hirarkiya ng Pagpapahalaga, natututo ang indibidwal na mamili ng kanyang mga
pahahalagahan.
c. Ayon kay Max Scheler, mayroong limang antas ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga.
d. Ang Ispiritwal na Pagpapahalaga ay ang pinakamataas sa lahat ng antas ng mga pagpapahalaga.

11. Ang pahayag na “No man is an island.” ay may kaugnayan sa araling ______________.
a. Birtud at Pagpapahalaga c. Panloob na Salik
b. Hirarkiya ng Pagpapahalaga d. Panlabas na Salik

12. “Natatangi ka.” Ang pahayag ay nangangahulugan na:


a. Ang bawat indibidwal ay may natatanging kakayahan hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa
mundong kanyang ginagalawan.
b. Naiiba ang taglay mong ganda. Mas angat ka sa nakakarami.
c. May kakayahan kang mangarap; kaya kung mangangarap, lubusin mo na.
d. Mas mahusay mong nagagampanan ang mga tungkuling iniaatas sa iyo dahil sa natatangi mong
angking galing at kakayahan.

13. Sa paanong paraan mapapanatili ang moral na integridad ng isang tao?


a. Makiayon sa kung ano ang pananaw at opinyon ng nakararami.
b. Piliing gumawa ng tama kahit pa sabihin ng iba na ikaw ay hindi marunong makisama.
c. Paniwalaan ang kasabihang “Majority wins.”
d. Gawin ang ginagawa ng nakararami upang kagiliwan at huwag mapag-iwanan.

14. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na Panloob na Salik na nakaiimpluwensiya sa paghubog ng
pagpapahalaga?
a. Pagsasabuhay ng Birtud c. Konsiyensiya
b. Media d. Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan

15. Ang pinakamatinding katunggali ng tao ay ang _____________.


a. Media c. kaaway
b. Droga d. sarili

16. Naniniwala si Aljen na lahat ng kilos o pasiya ng isang tao ay may kaakibat na pananagutan o responsibilidad.
Kaya naman hindi niya ugaling maghanap ng taong mabubuntunan ng sisi upang gumaan lamang ang kanyang
pakiramdam. Anong panloob na salik ang lubos na nakaimpluwensiya sa kanya?
a. Konsiyensiya c. Disiplinang Pansarili
b. Pagsasabuhay ng Birtud d. Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan

17. Ang labis na kahirapan ang maaaring maging hadlang upang mapanatili o mas mapataas ang dignidad ng
isnag bata at maisabuhay ang mga halaga. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil ang kahirapan ang dahilan upang mabawasan ang tiwala ng isang bata sa kanyang sarili.
b. Tama, dahil sa kahirapan ay nababawasan ang panahon ng mga magulang upang bantayan at
paunlarin ang halaga ng kanilang mga anak.
c. Mali, dahil maging ang labis na karangyaan ay maaari ring maging hadlang upang maisabuhay ng
isang bata ang mga halaga.
d. Mali, dahil lahat ng mahirap ay nais na maging mabuting mamamayan ng lipunan at anak ng Diyos.
18. Ang mga sumusunod ay pamamaraan upang mahubog ang mapanagutang paggamit ng kalayaan maliban sa:
a. Gamitin ng lubusan ang kalayaan.
b. Maging mapanagutan sa lahat ng kilos.
c. Tanggapin ang kahihinatnan ng pasya at kilos.
d. Iayon ang kilos at pasiya sa tama at mabuti.
19. Naging ugali na ni Nick na magsabi ng pasasalamat sa tuwing siya ay nakatatanggap ng kahit anumang bagay
mula sa kanyang kapwa. Sapagkat alam niya na ito ay isang magandang asal na dapat taglayin ng isang
kabataang tulad niya. Naniniwala rin siya na magkakaroon lang ng saysay ang pag-aaral ng magandang asal
kung ito ay nailalapat sa pang araw-araw na buhay. Anong panloob na salik ang isinasabuhay ni Nick?
a. Disiplinang Pansarili c. Pagsasabuhay ng Birtud
b. Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan d. Moral na Integridad

20. “Ang bawat tao sa mundo ay nagtataglay ng mga pagpapahalaga, ngunit hindi nalilinang ang mga ito sa loob
lamang ng isang magdamag.” Ang pahayag ay nangangahulugang:
a. Ang paghubog nito ay dumaraan sa masusi at matagal na proseso.
b. Limang taon ang kailangang bunuin upang mahubog ang pagpapahalaga.
c. Mahuhubog lamang ang pagpapahalaga kung ang indibidwal ay may mataas na pang-unawa at pag-
iisip.
d. Lahat ng nabanggit

21. “Mas malala pa sa pagiging bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan.” Ano ang higit
na malapit na pakahulugan ng pahayag ni Helen Keller?
a. Mahirap maging isang bulag.
b. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin.
c. Hindi mabuti ang walang pangarap.
d. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay.

22. Ang sumusunod ay naglalarawan sa panaginip maliban sa?


a. Ang panaginip ay natatapos din kapag ikaw ay nagising.
b. Ang panaginip ay nangyayari lang sa isip habang natutulog.
c. Tinatawag ding “wish fulfillment”
d.

II. Panuto: Hanapin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita sa Hanay A. Hanapin ang sagot mula sa
Hanay B. Isulat ang MALAKING TITIK sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Disiplinang Pansarili A. Paulit-ulit na paggawa ng tama
2. Birtud B. Nagbibigay saysay o katuturan sa buhay ng tao
3. Pagpapahalaga C. Pinakamahirap na gawain o “task” ng isang indibidwal
4. Konsiyensiya D. loco parentis
5. Media E. gumagawa ng tama kahit ang nakararami ay gumagawa ng mali
6. Guro F. “The end does not justify the means.”
7. Pagiging Sensitibo sa Gawang Masama G. May pinakamalakas na impluwensiya sa kabataan dahil sa

makabagong/ modernong panahon.


8. Kapwa kabataan H.Batas na itinanim ng Diyos sa isip at puso ng mga tao.
9. Moral na Integridad I. Pundasyon ng lipunan at personalidad ng indibidwal
10. Pamilya J. Laging may kakambal na responsibilidad o pananagutan
K. May malaking impluwensiya sapagkat malimit makasama
at makahalubilo

You might also like