You are on page 1of 2

ST. MARK COLLEGE of baliuag, Bulacan, inc.

JP. Rizal St. Sta. Barbara, Baliuag Bulacan


Email: stmark04@yahoo.com | Tel. No. 305-5264

EDUKASYONG PANGPAPAKATAO-7
3rd Summative Test

Pangalan: ___________________________ Baitang/Seksyon___________


Guro; Bb. Rona Pacibe Iskor: _____________
Panuto: Basahin ang bawat tanong at bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.(2puntos bawat isa)
1. Ang dignidad ay mula sa salitang Latin na dignitas. Ano ang ibig sabihin ng salitang dignitas ?
A. Kawang-gawa B. pagmamahal C. karapat-dapat D. magaling
2. Sinasabing nilikha ng Diyos ang lahat ng tao ayon sa Kaniyang wangis. Ano ang ibig sabihin ng
pahayag?
A. Ang tao ay nilikha ng lipunan at ito ay pangkalahatan.
B. Ang tao ay nilikha ayon sa anyo, katangian at kakayahan ng Diyos.
C. Ang tao ay may dignidad na likha ng Diyos.
3. Magkaiba ang lahat ng tao.Bakit may pagkakaiba ang tao? Bakit may mayaman at mahirap?
A. Ipinahihiwatig nito na kailangan natin ang ating kapwa.
B. Hindi ito kasama sa plano ng Diyos.
C. Nais ng Diyos na yakapin kung anong ipinagkaloob sa tao.
D. Hindi pantay-pantay ang pagmamahal ng Diyos.
4. Kung may pagkakaiba ang mga tao, saan tayo nagkakapantay-pantay?
A. Ang pagkakapantay-pantay ng tao ay nakatuon sa kaniyang dignidad bilang tao at ang karapatan na
dumadaloy mula rito.
B. Pareho tayong tatanda, magkakasakit at mamatay..
C. Nagkakapantay tayo sa kakayahan.
D. Pareho tayong may Kalayaan
5. Kung ihahalintulad sa ibang nilikha, bakit may mga katangian ang tao na nagpapabukod-tangi sa
kaniya?
A. sapagkat mayroon siyang isip na nagbibigay sa kanya ng kakayahang umunawa ng konsepto, mangatwiran,
magmuni-muni at pumili na Malaya.
B. sapagkat ang tao lamang ang maaaring makapag-aral
C. sapagkat espesyal ang pagkakalihka ng tao kaysa sa ibang nilalang ng Diyos
D. Lahat nang nabanggit
6.Lahat ng tao, anoman ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan ay may dignidad. Ano
ang ipinahiwatig ng pahayag?
A. Lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao.
B. Nangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos, pantay-pantay ang lahat.
C. Kailangan nating tuparin ang ating tungkulin na ituring ang ating kapwa bilang natatanging anak ng Diyos
na may dignidad.
D. Lahat nang nabanggit
7. Paano mapangangalagaan ang tunay na dignidad ng tao?
A. sa pamamagitan ng pagtingin sa bawat tao na kaugnay ng Diyos
B. sa pamamagitan ng paninira sa buhay ng may buhay
C. makilahok sa mga programang panlipunan
D. sumali sa mga rally sa kalsada
8. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paggalang sa sariling buhay at buhay ng
kapwa?
A. Magbenta ng kidney sa mga nangangailangan
B. Gamitin ang kapwa upang malinis ang sariling pangalan
C. Makitungo sa kapwa ng naaayon sa kanyang dangal
D. Magnakaw kung salat sa buhay
9. Ayon kay Propesor Patrick Lee, ano ang pinagbabatayan kung bakit obligasyon ng bawat tao ang
isa-alang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos?
A. dignidad B. ugali C. katangian D. karapatan
10. Pakitunguhan mo ang iyong kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo. Alin ang
nagpapatunay sa prinsipyong ito?
A. Anoman ang gawin mo sa iyong kapwa ay ginagawa mo rin sa iyong sarili.
B. Ang paggalang sa karapatan ng iyong kapwa ay walang kabuluhan tungo sa mabuting pakikipag-ugnayan.
C. Hindi na kailangang ipakita ang tunay na pagmamahal at pagpapahalaga sa buhay sa iyong kapwa.
D. Lahat nang nabanggit.
11.Ano ang kailangan upang mapapanatili mataas ang antas ng dignidad ng tao sa anomang uri ng lipunan?
A. Kailangan niya ang tulong ng kaniyang sarili
B. Kailangan niya ang kanyang kapwa
C. Kailangan niya ang Diyos upang maisagawa ito
D. Lahat nang nabanggit
12.Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban sa:
A. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapuwa
B. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos
C. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
D. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo
13.Sino ang HINDI tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
A. Isang employer na nagbibigay ng malaking separation pay sa kanyang empleyadong nag-retiro na
B. Isang taong handing magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng walang kapalit
C. Isang Mayor na labis ang pagmamahal sa kanyang posisyon bilang mayor
D. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng ibang tao
14.Bilang mag-aaral, paano mo matutulungang maiangat ng isang batang pulubi ang kanyang dignidad
bilang tao?
A. Lagi siyang bigyan ng pagkain araw-araw.
B. Hanapin ang kanyang pamilya.
C. Tumawag sa DSWD upang siya ay damputin.
D. Kausapin siya upang maitaas niya ang kanyang konsepto sa kanyang sarili.
15.Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa tao?
A. Magiging Malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili
B. Mapanaanatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao
C. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan
D… Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao
II. Piliin sa kahon ang tamang sagot.(3puntos)

Indivisibility Holy values Vital values Sensory values

Depth of Satisfaction Timelessness Spiritual values


_____1.Ang pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa pangpapahalaga ng pangkabutihan, pagbibigay ng karunungan at
kapayapaan.
_____2. Ito ang pinakamataas sa lahat ng antas ng pagpapahalaga sa kadahilanan ditto inihahanda ang tao sa
pagharap sa diyos.
_____3. Itinuturing na nasa pinakamababa antas ng pagpapahalag, tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang ng
dudulot ng saya.
_____4. Ito ay pagpapahalagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay ng tao (well being ).
_____5. May likas na kaugnayan ang antas ng pagpapahalaga at ang lalim ng kasiyahan nadarama sa pagkamit nito.
_____6. Mas mahirap mabawasan ang kalidad ng pagpapahalaga kahit pa dumami ang nagtataglay nito, masmataas
ang antasnito
____7. Tumatagal ang pagpapahalaga kung ihahambng sa mas mababang pagpapahalaga.
III. Ibigay ang hinihingi sa mga sumusunod. (2puntos)
A. Ibigay ang 3 obligasyon ng tao sa kanyang kapwa na dapat sundin ayon kay propesor Patrick lee.
B.. Ano-ano ang mga hirarkiya ng pagpapahalaga? Ayon akay max sheler.
C. Limang katangian ng pag pagpapahalaga o study on the hierarchy of values.

You might also like