You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA Administrative Region
Division of Butuan City
AUPAGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Aupagan, Butuan City

Lagumang Pagsusulit, Bilang 4


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
UNANG MARKAHAN

Pangalan: ___________________________________________________ Pangkat: _________________ Petsa: _______________


Maraming Pagpipilian. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad ng tao?
a. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
b. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
c. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-aalinlangan.
d. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makakasama sa ibang tao.
2. Alin ang hindi tugma sa kasabihang: “Huwag mong gawin sa iba, ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo”?
a. Kung ano ang makakabuti sa iyo ay makakabuti din sa iba.
b. Kung ano ang makasama sa iyo, ito ay makabubit sa iba.
c. Kung ano ang makakasama sa iyo makakasama din sa kapwa.
d. Kung gusto mo na walang mangyayaring masama sa iyo huwag kang manakit sa iba.
3. Alin sa sumusunod ang hindi batayan sa dignidad ng tao?
a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapuwa.
b. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa bago kumilos.
c. Tumulong sa kapuwa kung may ibalik sa iyo.
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi mo makikita na nagbigay pagpapahalaga sa dignidad ng tao?
a. Maraming negatibong palagay at paghuhusga ang kanyang narinig.
b. Tulungan mong ma-iangat ang kanyang sarili, kaya bigyang panahon sa pag-uusap.
c. Huwag kang mapapagod hangga’t nakikita mo ang pagtitiwala sa kanyang sarili.
d. Makinig ka sa kanyang mga opinion, suhestiyon upang makikita niya ang kahalagahan ng kanyang sarili.
5. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
a. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
b. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang paggalang ng kapwa.
c. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa kanilang pagkilala
d. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian maayroon kundi sa karangalan bilang tao.
6. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang tao?
a. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
b. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa kanya.
c. Humanap ng isang instituyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng disenteng buhay.
d. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa kanyang sarili.
7. Para maiangat ang dignidad ng lahat ng tao, dapat tumulong ang lipunan dahil dito nagsisimula ang pagkakaisa. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.
b. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkikilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
d. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataas ang katungkulan sa pamahalaan.
8. Ang tunay na mensahe ng gintong aral (Golden Rule).
a. Siya ay iyong kapwa tao c. May karapatan ang bawat indibidwal.
b. Ang tao ay may dignidad d. Magkatulad ang inyong pagkatao bilang tao.
9. Sino sa mga sumusunod ang higit na nagpapakita ng tunay na kahulugan ng dignidad?
a. Si Ana na hindi lumiliban sa klase.
b. Si Tomas na mabait sa kanyang mga kaibigan.
c. Si Pedro na ginagawa ang anumang iutos sa kanya.
d. Si Juan na pantay ang pakikitungo sa tao mahirap man o mayaman.
10. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay
b. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at ang pakikitungo sa mga ito
d. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at pagpapahalaga
11. Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad, maliban sa:
a. Isa-isip ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
b. Respetohin ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
c. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
12. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
a. Kapag siya ay nagiging masamang tao
b. Sa sandaling nalabag ang kaniyang karapatang pantao
c. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
d. Hindi nawawala ang dignidad ng tao gaano man siya kasama.
13. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kapwa, maliban sa;
a. Si Tomas ay matulungin sa kapwa.
b. Si Ana ay hindi kinakalimutan magdasal.
c. Si Pedro na ginagawa ang utos sa kanyang magulang.
d. Si Juan na pantay ang pakikitungo sa tao mahirap man o mayaman.
14. Alin ang totoo tungkol sa Dignidad?
a. Bilang nilikha ng Diyos, ang tao ay may likas na dignidad.
b. Nagpapakatotoo na ang tao ay naiiba at natatanging nilikha ng Diyos.
c. Ang dignidad ay hindi nalalabag (inviolable), nakukuha, maaagaw o maipagkakait (inalienable).
d. Lahat ng nabanggit.
15. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
a. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking pera bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na.
b. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong.
c. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan.
d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng kapwa.
16. Ang mga pahayag ay mga obligasyon ng bawat tao upang mapangalagaan ang dignidad, maliban sa isa?
a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
b. Gamitin ang kapwa para sa kapakinabangan ng sarili.
c. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais gawin nilang pakikitungo sa iyo.
17. Ang mga sumusunod ay mga hakbangin tungo sa panghabambuhay na proseso ng pagpapatibay ng katatagang moral tungo sa ultimong
kabutihan, maliban sa isa?
a. Pagtanggap sa anumang puna ng ibang tao.
b. Pagtanggap sa sariling limitasyon.
c. Pagtawag sa isang moral na tagapayo.
d. Pagsasabuhay ng panghabambuhay na paninindigan sa kabutihan.
18. Ang sumsunod ay proseso para sa pagtataas ng dignidad ng tao, maliban sa:
a. Pagtanggap sa Sariling Limitasyon.
b. Pagtawag sa Isang Moral na Tagapayo.
c. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
d. Pagsasabuhay at Pagkakaroon ng Panghabambuhay na Paninindigan sa Kabutihan.
19. Ang tunay na mensahe ng gintong aral (Golden Rule).
a. Siya ay iyong kapwa tao c. May karapatan ang bawat indibidwal.
b. Ang tao ay may dignidad d. Magkatulad ang inyong pagkatao bilang tao.

You might also like