You are on page 1of 11

HIGH SCHOOL

GENERAL LUNA ROAD, BAGUIO CITY PHILIPPINES 2600

Telefax No.: (074) 442-3071 Website: www.ubaguio.edu E-mail Address: ub@ubaguio.edu

LEARNING PLAN
I. Time Frame: April 20 – 24, 2020 - (3 hours)
II. Subject: Edukasyon sa Pagpapakatao 10

III. Paksa: Aralin 14: Paninindigan sa Tamang Paggamit ng Kapangyarihan at sa


Kapaligiran (Google Classroom without Text Book)

IV. Mga Kasanayang Pampagkatuto/LearningCompetencies


Natutukoy at nasusuri ang mga isyu na kaugnay sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa
kapaligiran. (EsP10PI- IVc-14.1-2)
NaipaliLiwanag na ang pagkakaroon ng kaayusan, kaunlaran at maisusulong ang kabutihang
panlahat kung ang lahat ng tao ay may paninindigan sa tamang paggamit ng kapangyarihan at
pangangalaga sa kapaligiran. (EsP10PI- IVc-14.3)

V. Mga Gawain/Stages

A. Pagtuklas ng Dating Kaalaman


Sa aralin na ito, binigyang-diin ang mga isyu tungkol sa paggawa at paggamit ng
kapangyahiran. Ang pag-aaral ng mga isyung ito ay magbibigay sa iyo ng kahusayan at
paggamit ng kapangyarihan. Ang pag-aaral ng mga isyung ito ay magbibigay sa iyo ng
kahusayan sa pagsusuri ng mga moral na pagpapahalaga na nliabag sa bawat panig ng isyu at
maging mapanindigan sa piniling pasiya tungo sa pagiging mapanagutang nilalang. Magiging
sandata mo ang mga ito sa pagharap sa mga sitwasyon hahamon sa iyong pagsisikap tungo sa
pagpapakatao.
Kalimitan, kapag kapangyarihan ang napag-uusapan, negatibo ang konseptong
pumapasok sa ating isipan. Ito ay bunsod marahil ng katotohanang marami sa mga taong may
kapangyarihan ang mapang-abuso sa mga mahihina. Kahit alam nilang may hangganan ang
kanilang kapangyarihan, nagagawa pa rin nilang magmalabis. Ito ang kadalasang nagiging
sanhi ng pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan na humahantong sa pagkawala ng tiwala ng
mga mamamayan sa mga namumuno na kung masaklap ay nauuwi pa sa pagsiklab ng
kaguluhan at kawalan ng kapayapaan lalo na kung ang mga makapangyarihan ay ipinipilit na
sikilin ang mga karapatan ng kanilang nasasakupan. Sa pamamagitan ng aralin na ito, higit na
mapapalalim ang iyong pagpapahalaga sa pagkakaroon ng matibay na paninindigan laban sa
mga isyu tungkol sa pang-aabuso ng kapangyarihan.
Bilang mag-aaral sa Baitaing 10, hand aka na bang maging kabilang sa mga
manggagawang Pilipino ilang taon mula ngayon? Ano-anong katangian ang nais mong taglayin
sa pagpapamalas mo ng iyong mga kakayahan at galling? Marangal at maipagmamalaki ang
anumang Gawain kung ito ay ginagawa nang may katapatan. Sa pamamagitan ng mga gawin
sa araling ito, inaasahang matututuhan mong bigyang pagpapahalaga ang paggawa at ang
paggamit ng kapangyarihan.
Tayo ngayon ay magsusuri ng mga awit na nagpapakita ng mga kaganapan at
katotohanang nangyayari sa ating lipunan na may kinalaman sa paggamit sa kapangyarihan at
pangangalaga ng kalikasan. Tukuyin ang mga maling gawi o kasanayan na ipinakikita ng awit.
Gawain : Pagsusuri ng Awit (Song Analysis)
1. Ihanda ang awit na “UPUAN” ni Gloc 9, “TATSULOK” ni Bamboo at “MASDAN MO ANG
KAPALIGIRAN” ng Asin at ang lyrics ng bawat awit. Patugtugin ang awit at pakinggan
ang ito. Maaaring gamitin ang mga link sa ibaba. Ang liriko ng awit ay makikita sa
ibaba.
HIGH SCHOOL
GENERAL LUNA ROAD, BAGUIO CITY PHILIPPINES 2600

Telefax No.: (074) 442-3071 Website: www.ubaguio.edu E-mail Address: ub@ubaguio.edu

Links: https://www.youtube.com/watch?v=yvWVfYwpMD0
https://www.youtube.com/watch?v=hI3T_D8TCUk
https://www.youtube.com/watch?v=tNfz0vSHjEU
2. Pagkatapos mong mapakinggan ang mga kanta, sasagutan ang Song/Music Video
Analysis Worksheet Act #1 at sasagutan din ang mga sumusunod na tanog.

Gawin ito sa sa isang buong papel o bond paper. Maaaring handwritten o computerized
ang paraan na pagsagot. Pagkatapos, isubmite ang iyong gawa sa Google classroom o
messenger bilang document file (MS Word file) o Photo Document File (PDF) o Picture
file/Screen Shot sa Due date: April 24, 2020., Tahoma 11, single space)

Mga Tanong:
a. Ano ang paksa ng kanta?
b. Pumili ng isang linya o higit pa na nakakuha ng iyong pansin at ipaliwanag
paano ito natawag ang iyong pansin.

B. Paglinang
Ngayong nabasa at napakinggan natin ang mga awit, at naisagawa ang pagsagot sa Song
Analysis worksheet, magkaakroon naman tayo ng mas masusing pang-unawa sa tamang
paggamit ng kapangyarihan. Atin pag-usapan ang mga isyu kaugnay dito.

Mga Isyu na Kaugnay sa Paggamit ng Kapangyarihan:


Sa kabila ng mga parusang nakaatang, nagagawa pa rin ng ilan sa atin ang paglabag sa
mga batas na umiiral sa ating lipunan. Ang masaklap ay kabilang pa sa mga taong ito ang ilan
sa mga nanunungkulan sa pamahalaan at tagapaglunsad mismo ng mga batas. Sa halip na
tumalima sila sa mga batas at bigyang proteksiyon ng mga mamamayan, inaabuso nila ang
hawak nilang kapangyarihan upang makamit an gang kanilang mga pansariling layunin. Ilan sa
mga isyung kinasasangkutan nila na may kaugnayan sa paggamit ng kapangyarihan ay ang
mga sumusunod:
1. Graft – tumutukoy ito sa pagkamkam ng salapi at yaman sa pamamagitan na mali,
kaduda-duda, at illegal na pamamaraan. Karaniwan itong isinasagawa ng mga tiwaling
opisyal. Dahil siya ang nasa pwesto, madali para sa kanila ang pananamantala upang
makapagkamal ng salapi, magkaroon ng dagdag kita, makakolekta ng ponding higit pa
sa nakalaan para sa proyekto, makapaglipat ng bahagi ng pondo ng nasasakupan sa
sariling bank account, at makabili ng sariling ari-arian gaya ng kotse, lupain, at iba pa.
2. Korapsiyon (Corruption )– Tumutukoy ito sa kawalan ng mga katapatan ng mga taong
may kapangyarihan. Binabansagan silang “corrupt” dahil sa kanilang mga gawaing
hindi matuwid tulad ng panunuhol, pagtanggap ng suhol, at iba pang mga tiwaling
Gawain. Kadalasang isinasagawa ang mga ito nang may kasabwat na ibang tao.
*Basahin ang kwentong isang halimbawa ng korapsiyon: “Hello Garci”. (attached)
3. Panunuhol (Bribery )– Tumutukoy ito sa pagbibigay at pagtanggap gn salapi o ano
mang mahalagang bagay bilang suhol ng ano mang pabor. Kadalasang nadadawit ang
mga may katungkulan sa ganitong Gawain lalo na kapag sila ay nagbabayad o
binabayaran upang mapawalang bias ang isang paratang, mapawalang sala ang isang
akusado, o mapabilis ang isang serbisyong inaasahan.
HIGH SCHOOL
GENERAL LUNA ROAD, BAGUIO CITY PHILIPPINES 2600

Telefax No.: (074) 442-3071 Website: www.ubaguio.edu E-mail Address: ub@ubaguio.edu

4. Pakikipagsabwatan (Collusion )– Tumutukoy ito sa pagsasabwatan ng dalawa o higit


pang tao sa paggawa ng isang bagay na illegal gaya ng pandaraya at panloloko.
Ginagawa ito ng mga tiwaling opisyal upang makakuha ng kickback mula sa ponding
nakalaan para sa kanilang nasasakupan, mabili o masuhulan ang mga botante,
makapandaya sa eleksiyon, o masupil at mapaslang ang mga katunggali.
5. Nepotism – Tumutukoy ito sa hindi makatwirang pagbibigay ng pabor, tungkulin, o
trabaho ng mga taong may katungkulan o kapangyarihan sa sarili nilang kamag-anak.
Itinuturing itong hindi makatwiran dahil ito hindi ito dumaraan sa tamang proseso.
*Basahin ang karagdagang kwento ng halimbawa ng nepotismo, “Ang Kwento ni
Lando.” (attached)

Ang mga isyung nabanggit ay pang-aabuso sa kapangyarihan na kadalasang nagiging


sanhi ng kahirapan at kawalan ng katarungan sa lipunan. Ang mga ito rin ang
nagbubunsod sa mga mamamayan upang mawalan ng tiawala sa mga nanunungkulan sa
pamahalaan. Subukan natin ang iyong pagkaunawa:

Isang opisyal ng pamahalaan na may mataas na tungkulin ang nag-uuwi ng


mga kagamitan tulad ng bond paper at iba pang supplies na maaaring
gamiting ng kanyang anak sa paggawa ng proyekto sa paaralan.

Ito ba ay isang uri ng koapsiyon? Halimbawa ang magulang mo ito o kakilala, paano mo ito
haharapin? May karapatan ba ang opisyal na iuwi at gamitin ang hindi naman sa kaniya?

Ang Pondo ng Bayan ay Para sa Kaunlarang Panlahat, Hindi para sa Pansariling


Kapakinabangan
Isa sa mga kontrobersiyal na isyu na kadalasang lumilitaw tuwing “turn-over” o
pagpapalipat ng responsibilidad ay ang biglaang pagkawala ng pondo ng bayan. Dahil dito
natutuklasan at nabubunyag ang mga katiwaliang ginagawa ng mga may makapangyarihan at
nasa katungkulan. Bagama’t mulat sa mga ito ang ilan sa atin, mas minabuti nilang manahimik
na lamang dahil ayaw nilang makisangkot sa gulo. Hindi nila nararamdaman ang paghihirap na
dulot nito, kung kaya’t sa pag-aakala nila ay hindi sila naaapektuhan sa ganitong sitwasyon.
Ngunit sa katotohanan, ang pagkawala ng pondo ng bayan ay mayroong epekto sa ating lahat
bilang mga mamamayan na dapat ay nakikinabang ditto. Kung kaya’t sa abot n gating
makakaya, tungkuling nating makiisa sa pagsiwalat ng katotohanan at pagsupil sa ano mang uri
ng katiwalian sa lipunan.
Sa pagtanggap ng responsibilidad nf mfa nanunungkulan, mahalaga ang kanilang
mapanagutang pamamahala sa ano mang kaban at yaman ng kanilang nasasakupan.
Kinakailangan nilang panindigan ang mga pangakong sinumpaan nila sa publiko. Hindi dahil
naluklok na sila sa pwesto ay kayaat maaari na nilang gawin ang kanilang nais.
Higit sa lahat, ang isang mabuting pinuno ay sinisikap na maging huwaran ng kapwa
mamamayan. Naisasabuhay niya ang pagmamahal sa katotohanan sa pamamagitan ng
matapat na paglilingkod at marubdob na hangarin na mapabuti ang sambayanan. Makikita rin
sa kaniynag kilos at pananalita ang pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat, maasyos na
paggamit ng kapangyarihan, at pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran. Alam din niya na ang
pondo ng bayan ay nakalaan para sa ikauunlad at ikabubuti ng sambayanan kung kaya’t
nagsusumikap siyang i-budget ito at magamit nang may katuturan.
HIGH SCHOOL
GENERAL LUNA ROAD, BAGUIO CITY PHILIPPINES 2600

Telefax No.: (074) 442-3071 Website: www.ubaguio.edu E-mail Address: ub@ubaguio.edu

Kapakanan ng Kapaligiran, sa Ating Kamay Nakasalalay


Mula nang iniatang sa atin bilang mga tao ang kapangyarihang pamahalaan ang
kalikasan, naipamulat na sa atin na nakasalalay sa atin ang paglago nito. Gayundin, ang uri ng
ating pamumuhay ay may direktang epekto sa galaw ng kalikasan sa ating planeta at hindi
maglalaon, babalik sa atin at mararamdaman natin ang ano mang mangyayari sa kalikasan
sapagkat bahagi tayo ng sistema nito. Samakatwid, ang pagkasira ng daigdig ay maaaring
maging bunsod ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso nating mga tao sa kalikasan. Kung kaya’t
kinakailangang maging mapanagutan tayo sa ating responsibilidad na tiyakin at panatilihin ang
galaw at pagdaloy ng buhay sa ating daigdig, lalo sa ating kalikasan.
Malinaw na napakalaking isyu na ating kinahaharap sa kasalukuyan ang tungkol sa pag-
iipon nating ng basura at maling pagtatapon nito. Isa lamang ito sa maraming Gawain nating
mga tao na nakasisira sa halip na nagpapanatili ng kaayusan ng ating kalikasan. Samantalang
ang mga sakuna naman gaya ng pagbaha at pagguho ng lupa ay bunga ng illegal logging at
iba pang mga katulad na Gawain. Sa likod ng mga ito ay ilan sa mga taong nasa katungkulan
at may kapangyarihan. Dahil sa kanilang ganid na pag-iisip at pagiging gahaman, inaabuso nila
ang oagkakaroon ng kapangyarihan para sa kanilang pansariling kapakanan at interes. Ngunit
kung malinaw lamang sa kanila ang bigat at karangalan ng pananagutang iniatang sa kanila
bilang mga tagapaglingkod ng bayan, hindi nila hahayaang magkaroon ng pagtatambak ng
basura, pagbabara ng mga kanal at iba pang mga isyu tungkol sa kalikasan at kapaligiran.
Sa halip namagturuan tayo kung sino ang may kasalanan sa pagkasira ng mundo,
alalahanin natin na mayroon pa rin tayong kakayahan upang makatulong tayo sa muling
pagpapasigla ng kalikasan. Sabi nga ng mga manunulat na sina Daniel Maguire at Larry
Rasmussen na, “Kinakailangang nakatuon sa bisyon(vision) ng may kapangyarihan ang mga
mahahalagang saligan tulad ng environmental ethics sa pangangalaga sa kalikasanupang
mapanatili at matugunan ang pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon habang
naisasaalang-alang ang kalikasan”. Ang nasabing environmental ethics ang magpapaalala sa
atin ng pagbibigay-halaga sa paniniwala na may relasyon tayo sa ating kapaligiran sapagkat
ang tao ay bahagi ng kapaligiran at ang kapaligiran ay bahagi rin nito.

*Reference: Ginintuang Gabay sa Pagpapakatao 10

Tignan natin ngayon an gating pag-unawa. Magkakaroon tayo ng pagsasanay. Basahing


mabuti at sagutan ayon sa hinihingi. Isulat ang mga sagot sa isang buong papel o bond paper.
Maaaring handwritten o computerized ang paraan na pagsagot. Pagkatapos, isubmite ang iyong
gawa sa Google classroom o messenger bilang document file (MS Word file) o Photo Document
File (PDF) o Picture file/Screen Shot sa Due date: April 24, 2020., Tahoma 11, single space.
Aralin 14 : ( Mga Pagsasanay A at B- ANSWERS ONLY)

Sa ating pang-araw araw na pakikibaka sa buhay, gabay natin ang ating konsensiya sa
paniniguro sa kasamaan at kabutihan nh isang pasiya o kilos. Sa mga nabasa at nakitang
sitawasyon, nararapat lamang na gawin ang tama at sabihin ang totoo para sa kabutihang
panlahat.

C. Pagpapalalim
Pagkatapos natin maliwanagan ang mga isyung may kinalaman sa tamang gamit ng
kapangyarihan, sagutin ninyo ang mga sumusunod na tanong. Gawin ito sa sa isang buong
papel o bond paper. Maaaring handwritten o computerized ang paraan na pagsagot.
Pagkatapos, isubmite ang iyong gawa sa Google classroom o messenger bilang document file
(MS Word file) o Photo Document File (PDF) o Picture file/Screen Shot sa Due date: April 24,
2020., Tahoma 11, single space. Aralin 14 : Paglalahat/Fishbone Diagram Act #2)
HIGH SCHOOL
GENERAL LUNA ROAD, BAGUIO CITY PHILIPPINES 2600

Telefax No.: (074) 442-3071 Website: www.ubaguio.edu E-mail Address: ub@ubaguio.edu

1. Ano ang mga isyu sa paggamit ng kapanyarihan at sa pangangalaga sa kapaligiran ang


nailarawan o natukoy sa napakinggang mga kanta at sa mga nailahad sa mga nabasang
kwento?
2. Ilahad ang mga natuklasang isyu at ibigay ang iyong kaisipan tungkol sa mga isyu na ito
ayon sa iyong nakikita at napupuna sa kasalukuyan panahon dito sa ating lipunan.
3. Gamitin ang Fishbone Diagram para ipakita ang epekto at paraan upang
mapaglabanan ang mga isyung natukoy.

D. Transfer
Pagyamanin ang Kaisipan
Hindi lahat ng tao ay may kapangyarihang manungkulan o mamuno sa nasasakupan.
Kung kaya’t ang sino mang may kapangyarihan ay kailangang isabuhay ang mapanagutang
pangangalaga sa likas na yaman ng bayan, paggamit ng kapangyarihan ayon sa batas moral sa
paggawa ng ano mang desisyon, kahandaan sa pananagutan sa bawat kilos at desisyong
isasagawa, at paggawa ng nararapat upang maitaguyod ang kabutihang panlahat at
mapangalagaan ang kaban ng bayan at ang yaman ng mundo. Samantalang ang mga
pangkaraniwang tao naman, bagama’t walang taglay na kapangyarihan, ay maaaring
manindigan upang siguraduhing nagagamit sa tama ang kapangyarihan ng mga nasan
katungkulan o namumuno sa nasasakupan.

Bilang isang mag-aaral sa kasalukuyang panahon ng Covid-19 Crisis, ipaliwanag gamit ang
graphic organizer kung paano mo maisusulong ang paninindigan sa tamang paggamit ng
kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran.

Gawin ito sa sa isang buong papel o bond paper. Maaaring handwritten o computerized
ang paraan na pagsagot. Pagkatapos, isubmite ang iyong gawa sa Google classroom o
messenger bilang document file (MS Word file) o Photo Document File (PDF) o Picture
file/Screen Shot sa Due date: April 24, 2020., Tahoma 11, single space. Aralin 14 : Graphic
Organier Act #3)

VI. Remarks

Prepared by: Checked and Evaluated by:

Mrs. Esther Masielle P. Flores Mr. Renz M. Villacampa


Subject Teacher LAS- EsP

Reviewed by:

Mrs. Violeta F. Apiles


Assistant Principal

First Hour/Meeting Second Hour/Meeting Third Hour/Meeting


Lesson 14: Explore: Pakikinig sa Awit with Deepen: Transfer: Paggawa ng
Paninindigan sa Work Sheet # 1 *Paggawa ng Fishbone Graphic Organizer (Act 3)
Tamang Paggamit ng Diagram (Act#2)
KApangyarihan Firm-up: Talakayan/Pagbabasa *Pagsagot sa Pagsasanay A &
April 16-24 sa Notes at mga Kwento B
HIGH SCHOOL
GENERAL LUNA ROAD, BAGUIO CITY PHILIPPINES 2600

Telefax No.: (074) 442-3071 Website: www.ubaguio.edu E-mail Address: ub@ubaguio.edu

WS 1: EsP 10 Aralin 14: Paninindigan sa Tamang Paggamit ng Kapangyarihan at sa Kapaligiran

NAME:_________________________________ Date:___________
Sec.:___________________

Song Analysis Worksheet


Panuto: Gamit ang gabay na ito, surin ang music video para sa mas malalim na pakahulugan.

Pamagat ng Kanta (Pumili ng isang kanta lamang) :______________________________________________

NAGSASALITA (SPEAKER)
Anu-ano ang mga katangian ang maaari mong ibigay na taglay ng nagsasalita sa kanta?

Halimbawa: may malasakit sa kapwa


______________________________ __________________________________
______________________________ __________________________________
POINT OF VIEW
Sino ang nagkukuwento sa kanta? (manunulat, mang-aawit, ibang tao)

______________________________ __________________________________
______________________________ __________________________________
PAKSA (TOPIC)
Anu-ano ang mga pangunahing paksa sa kanta?

______________________________ __________________________________
______________________________ __________________________________

LUGAR (SETTING)
Saan nagaganap ang sitwasyon sa kanta? Kailan ?

______________________________ __________________________________
______________________________ __________________________________
MOOD
Anu-ano ang mga pakiramdam na dulot kanta? Ano ang pakiramdam mo sa kanta?

______________________________ __________________________________
______________________________ __________________________________
IBA PA (OTHERS)
Anu-ano ang mga suliranin o isyu sa lipunan na ipinakikita ng kanta? Nakaranas ka ba sa tunay na buhay ng
mga suliranin o isyung nabanggit sa kanta? Ipaliwanag

______________________________ __________________________________
______________________________ __________________________________
IPALIWANAG (3-5 pangungusap lamang)

“Ang pagkakaroon ng kaayusan, kaunlaran at maisusulong ang kabutihang panlahat kung ang lahat ng tao ay
may paninindigan sa tamang paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran.”
HIGH SCHOOL
GENERAL LUNA ROAD, BAGUIO CITY PHILIPPINES 2600

Telefax No.: (074) 442-3071 Website: www.ubaguio.edu E-mail Address: ub@ubaguio.edu

Activity #2: Paglalahat: Sagot sa mga Tanong Gamit ang Fishbone Diagram

Activity #3: Graphic Organizer : Bilang isang mag-aaral sa kasalukuyang panahon ng Covid-19 Crisis,
ipaliwanag gamit ang graphic organizer kung paano mo maisusulong ang paninindigan sa tamang paggamit
ng kapangyarihan at pangangalaga sa kapaligiran.

UPUAN ni Gloc9

Kayo po na naka upo, [Verse 2:]


Subukan nyo namang tumayo Mawalang galang na po
At baka matanaw, at baka matanaw ninyo Sa taong naka upo,
Ang tunay na kalagayan ko Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno
Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero
Ganito kasi yan eh... Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo
Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin
[Verse 1:] Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling
Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero
Malaking bahay at malawak na bakuran Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo
Mataas na pader pinapaligiran Ang aking inay na may kayamanan isang kaldero
At naka pilang mga mamahaling sasakyan Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo
Mga bantay na laging bulong ng bulong Pero kulang na kulang parin,
Wala namang kasal pero marami ang naka barong Ulam na tuyo't asin
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong Di ko alam kung talagang maraming harang
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon O mataas lang ang bakod
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon O nagbubulag-bulagan lamang po kayo
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan Kahit sa dami ng pera niyo
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan Kaya...
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan Wag kang masyadong halata
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan Bato-bato sa langit
Ang matamaa'y wag magalit
[Chorus:] O bato-bato bato sa langit
Kayo po na naka upo, Ang matamaan ay
Subukan nyo namang tumayo, Wag masyadong halata
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo Wag kang masyadong halata
Ang tunay na kalagayan ko Hehey, (Wag kang masyadong halata)
(Wag kang masyadong halata)
HIGH SCHOOL
GENERAL LUNA ROAD, BAGUIO CITY PHILIPPINES 2600

Telefax No.: (074) 442-3071 Website: www.ubaguio.edu E-mail Address: ub@ubaguio.edu

"Masdan Mo Ang Kapaligiran"


By ASIN

Wala ka bang napapansin May mga puno pa kaya silang aakyatin


Sa iyong mga kapaligiran May mga ilog pa kayang lalanguyan
Kay dumi na ng hangin
Pati na ang mga ilog natin Bakit 'di natin pag-isipan
Ang nangyayari sa ating kapaligaran
Hindi nga masama ang pag-unlad Hindi nga masama ang pag-unlad
At malayu-layo na rin ang ating narating Kung hindi nakakasira ng kalikasan
Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat Darating ang panahon, mga ibong gala
Dati'y kulay asul, ngayo'y naging itim Ay wala nang madadapuan
Ang mga duming ating ikinalat sa hangin Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag
Sa langit, 'wag na nating paabutin Ngayon'y namamatay dahil sa ating kalokohan
Upang kung tayo'y pumanaw man
Sariwang hangin, sa langit natin matitikman Lahat ng bagay na narito sa lupa
Biyayang galing sa Diyos kahit no'ng ika'y wala pa
Mayro'n lang akong hinihiling Ingatan natin at 'wag nang sirain pa
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan 'Pagkat 'pag Kanyang binawi, tayo'y mawawala na
Gitara ko ay aking dadalhin
Upang sa ulap na lang tayo magkantahan Mayro'n lang akong hinihiling
Sa aking pagpanaw, sana ay tag-ulan
Ang mga batang ngayon lang isinilang Gitara ko ay aking dadalhin
May hangin pa kayang matitikman Upang sa ulap na lang tayo magkantahan

Babasahing halimbawa ng Corruption: “Hello, Garci..”

Ang iskandalong Hello Garci ang krisis elektoral na lumitaw noong Hunyo 2005 sa Pilipinas. Ito ang krisis na kinaharap
ng dating Pangulong GloriavMacapagal –Arroyo sa di-umanony pakikipagsabwatan niya kay Virgilio Garcillano, isang
opisyal ng Komisyon sa Halalan upang manipulahin ang halalan ng pagkapangulo noong 2004. Lumabas ang
kontrobersiya sa paglitaw ng sinasabing wiretapped conversations sa telepono sa pagitan nina Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo at noong canvassing ng 2004 halalan sa pagkapangulo.

Sitwasyon Kaugnay ng Nepotismo: “Ang Kwento ni Lando”

Si Lando ay isa sa mga kwalipikadong aplikante para sa job hiring sa posisyon bilang Branch Manager na ginanap sa
inilunsad na Job Fair 2014 sa kanilang munisipiyo. Karamihan sa mga aplikante ay kaniyang kakilala at kabilang doon ay
pamangkin ng sikat na pulitiko sa kanilang lungsod. Bagaman may kumpiyansa siya sa magiging resulta, hindi pa rin
maialis sa kaniyang isip at damdamin ang mag –alinlangan.

Isang araw, tinawagan siya at pinag-uulat para sa kaniyang unang araw. Laking gulat niya dahil kasama sa newly hired
employee ay ang pamangkin ng pulitiko sa kanilang lungsod. Dagdag pa rito, mas mataas ang posisyon nito sa kaniya.

Hindi nagtagal, nadiskubre niya ang sistem ng pagtanggap ng mga bagong aplikante sa kanilang opisina. Ang mga
pasadong aplikante ay kinakailangang sumailalim sa pagsusulit at isapa ito. Napag-alaman niya na ang isa sa proctor ay
naging maluwag sa mga aplikante na magtanungan at magkopyahan sa isa’t isa. Ang mga ito pala ay tanggap na at
pormalidad na lamang ang pagkuha ng pagsusulit. Hindi niya matanggap ang ganitong kalakaran dahil siya ay dumaan sa
matinding proseso bago natanggap sa trabaho.

Ipinagbigayialam agad niya ito sa General Manager ng kanilang opisina. Ngunit pinayuhan siya na manahimik at
HIGH SCHOOL
GENERAL LUNA ROAD, BAGUIO CITY PHILIPPINES 2600

Telefax No.: (074) 442-3071 Website: www.ubaguio.edu E-mail Address: ub@ubaguio.edu

sarilinin na lamang ang lahat ng nalalaman. Paliwanag sa kaniya na ang mga ito ay rekomendado ng kanilang Alkalde
kaya wala ng dapat ireklamo. Dagdag pa nito sa kaniya kung ayaw niya ng ganong sistwasyon, mabuting mag-resign na
lamang siya sa trabaho.

Naiipit si lando dahil sa panahon ngayon ay mahirap ng maghanap ng trabaho. Mayroon pa siyang mga dating utang
at breadwinner sa kanilang pamilya. Kahit ilang buwan pa lamang siya sa kaniyang trabaho ay nagustihan na niya ito at
may kalakihan rin ang kaniyang sweldo kahit bago pa lamang siya. Sa kabilang banda, siya ay nakaramdam ng
pagkadismaya sa lawak ng katiwalian sa loob ng kanilang kumpanya. Isusuko ba niya ang kaniyang paninindigan kapalit
ng kaniyang pangangailangan? Kung ikaw si Lando, ano ang gagawin mo?
HIGH SCHOOL
GENERAL LUNA ROAD, BAGUIO CITY PHILIPPINES 2600

Telefax No.: (074) 442-3071 Website: www.ubaguio.edu E-mail Address: ub@ubaguio.edu

Mga PAGSASANAY –A at B (answers only)

A. Tukuyin kung tama o mali ang isinasaad ng bawat pahayag tungkol sa tamang paggamit ng
kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan.

_____ 1. Pagbibigay ng magaan na trabaho sa kamag-anak na nasa opisina


_____ 2. Pagbibigay ng mga pabahay o relief goods kahit sa mga taong hindi naman nasalanta
_____ 3. Pangangampanya para sa eleksiyon nang sobrang aga
_____ 4. Talamak na pag-iral ng nepotism sa pamahalaan
_____ 5. Paggamit ng mga sasakyan ng gobyerno para sa outing ng pamilya
_____ 6. Paggamit ng pangalan ng mga kakilalang nasa katungkulan upang maabswelto sa paglabag na
ginawa
_____ 7. Paggamit ng ID o ano mang patunay ng pagkakaroon ng posisyon sa pamahalaan para mabigyan
na espesyal na pabor
_____ 8. Paggamit ng pondo ng bayan para sa pangangampanya
_____ 9. Pagbabayad nang malaking halaga sa mga taong nakasaksi o nakaalam ng katiwaliang ginawa
para hindi sila tumestigo laban dito
_____ 10. Paggamit sa mga nasasakupang empleyado para sa mga personal na pabor.
_____ 11. Pagtatapon ng mga basura sa ilog at mga kanal
_____ 12. Pagsusunog ng mga basura
_____ 13. Labis na pamumutol ng puno sa kabundukan
_____ 14. Pag-aaksaya ng tubig sa gripo
_____ 15. Pagtatapon ng mga kemikal sa dagat mula sa mga factory
_____ 16. Paglalabas ng marumi at maitim na usok mula sa mga sasakyan
_____ 17. Paghihiwalay ng mga nabubulok sa mga hindi nabubulok na bansa
_____ 18. Pagsira sa natural na anyo ng lupa para sa pagtatayo ng mga komersiyal na gusali at
imprastraktura
_____ 19. Illegal na pagmimina
_____ 20. Paggamit ng dinamita sa pangingisda

B. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ang bawat isa ay nagpapahayag ng
tamang paggamit ng kapangyarihan. Pagkatapos, ipaliwanag ang iyong sagot.

1. Malapit sa inyong puso ang congressman ng iyong distrito dahil tagapaglunsad siya ng mga
batas hindi lamang para sa mga tao kundi para na rin sa kalikasan. Nangugnuna rin siya sa
pagpapatupad ng mga batas na ito at nakikiisa siya sa mga opisyal na nagpapatupad ng mga
ito. Minsan, isang kapwa politico ang nag-alok sa kaniyang makisosyo sa furniture making
business nito. Maraming kahoy ang kailangan sa negosyong ito kung kaya’t nagsasagawa ng
illegal logging ang kapwa politico upang matugunan ang supply. Dahil magkumppare ang
dalawang politico at may tono ng pagbabanta ang isa, napilitang sumusyo sa nasabing
negosyo ang inyong congressman.
Paliwanag:

2. Maraming infrastructure project ang kailangan sa isang munisipalidad sa Cagayan. Dahil


matalik na kaibigan ng alkalde nito ang tagapangasiwa ng Department of Public Works and
HIGH SCHOOL
GENERAL LUNA ROAD, BAGUIO CITY PHILIPPINES 2600

Telefax No.: (074) 442-3071 Website: www.ubaguio.edu E-mail Address: ub@ubaguio.edu

Highways (DPWH), ginamit ng alkalde ang kaniyang koneksyon sa tagapangasiwa upang


mapabilis ang pagpapagawa ng mga sirang daan sa munisipalidad na kaniyang nasasakupan.
Paliwanag:

3. Malaki ang nakalaang pondo ng pamahalaan para sa inyong lalawigan. Kung kaya’t isinabay
din ng inyong gobernador ang pagpapatayo ng kaniyang sariling mall sa pagpapatayo ng mga
paaralan at ospital upang ang ibang mga materyales na nabili mula sa nakalaang pondo ay
magamit sa kaniyang pinatatayong gusali.
Paliwanag:

4. Sa unang araw ni Warren bilang quality control personnel sa isang pabrika, sinabihan siya ng
kanilang manager na bahala na siyang dumiskarte sa pagpupuslit ng ibang supplies at
paghahati-hatian na lamang nila ang mga ito pagdating ng huling lingo ng buwan. Wala pang
isang lingo ang nakalipas, nagresign na sa trabaho si Warren dahil hindi niya maatim gawin
ang sinabi sa kaniya ng kanilang manager.
Paliwanag:

5.May lihim na relasyon ang iyong vice mayor at ang kaniang secretary kung kaya’t hindi
nakatatanggi ang iyong vice mayor sa pagbibigay ng posisyon sa sangguniang panglungsod sa
mga kamag-anak ng kaniyang secretary kahit hindi kwalipikado ang mga ito upang
manungkulan.
Paliwanag:

You might also like