You are on page 1of 5

BASIC EDUCATION DEPARTMENT

JUNIOR HIGH SCHOOL

Paaralan LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND Baitang at Baitang 10 – Shakespear


Lingguhang Tala ng Aralin ARTS Seksyon
Guro G. Tristan Keith N. Javier Tuon ng Disiplina Mga Isyung Politikal at Pangkapayapaan
Araw at Oras 1 araw sa isang lingo Semestre at Ikalawang Markahan
ng Pagtuturo 3 oras Panahunan 2021-2022
January 6, 2022

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipaliliwanag ang konsepto, uri at pamamaraan ng graft and corruption.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang maiwasan ang graft and corruption sa lipunan.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang kaugnayan ng graft and corruption sa aspektong pangkabuhayan at panlipunan. AP10IPP-IIe-9

Natataya ang epekto ng graft and corruption sa pagtitiwala at partisipasyon ng mga mamayan sa mga programa ng pamahalaan. AP10IPP-IIe-8
II. NILALAMAN Graft and Corruption
Kahulugan ng Graft and Corruption
Kategorya ng Graft and Corruption
Mga ilang uri ng Korapsyon
Epekto ng Korapsyon
Ilang mungkahing paraan o solusyon
III. Kagamitang Panturo Laptop, Power point presentation,
A. Sanggunian
Batayang aklat:
https://www.slideshare.net/Mikarosendale2296/ap-10-isyung-pampolitika-ang-graft-and-corruption-kahulugan-uri-at-mungkahi
https://www.youtube.com/watch?v=BXqtLCcnXEE
AP-CG.pdf
Araling Panlipunan MELCs.pdf
https://www.coursehero.com/file/82023009/Ap10Graftdocx/
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin BALIK-ARAL
at/o pagsisimula ng
bagong aralin SPIN THE WHEEL! (SHARE KO LANG!)
Magkakaroon ng spin the wheel na kung saan naandun ang lahat ng pangalan ng mga estudyante. Ang mekaniks ng activity ay kung sino ang mapili
sa wheel ay magbibigay ng kaniyang mga natutunan sa mga nakaraang paksang tinalakay. Maaaring ibahagi ang kanilang mga natutunan sa mga
paksang; “Kahirapan”, “Suliraning Teritoryal at Hangganan”, at “Migrasyon”. Ang layunin nito ay upang mag balik tanaw sa mga mahahalagang
paksa na natalakay sa mga nakaraang talakayan.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin MITING DE AVANCE! WYP? (What’s Your Plan?)


(Gawain o Aktibidad)
Sa activity na ito, hahatiin ang klase sa limang grupo. Ang kanilang gawain ay mag-isip ng mga solusyon o paraan upang masugpo ang Katiwalian at
Korapsyon sa gobyerno. Mayroon lamang silang 15 minuto para pag-isipan ito at 3 minuto para ipresenta ang kanilang mungkahing solusyon o
paraan.

Kailangan isa-isip ng mga mag-aaral na kunwari ay isa sila sa mga tatakbo bilang pangulo ng bansa. Paano nila makukumbisi ang taong bayan na
iboto sila sa pagbibigay ng mga paraan o solusyon sa pagsugpo ng Katiwalian at Korapsyon na isa sa mga problema ng bansa.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa QUESTION AND ANSWER
sa bagong aralin (Pag-aanalisa)
Sa mga mungkahing ibinigay ng inyong mga kamag-aral alin dun sa tingin ninyo ang mga dapat isakatuparan ng ating bansa? Alin naman doon ang sa
tingin ninyo ay hindi kayang isakatuparan ng ating bansa? At bakit?

Bilang estudyante, makakatulong ka ba sa pagsugpo sa katiwalian o korapsyon sa bansa? Sa paanong paraan?

Sa mga katanungang ito, masusuri sa mga estudyante ang kanilang kaalaman patungkol sa katiwalian at korapsyon. Nakakapag bigay mungkahi din
ang mga estudyante ng mga kaparaanan sa pagsugpo ng Katiwalian at Korapsyon bilang isang estudyante.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto Tatalakayin at bibigyang-linaw ng guro ang mga sumusunod na paksa:
at paglalahad ng bagong kasanayan
(Abstraksiyon) Graft and Corruption

Graft o Katiwalian
- ay pagkilos ng isang opisyal upang personal na makinabang sa kaniyang posisyon sa pamahalaan.
Corruption o Korapsyon
- tumutukoy sa sabwatan ng dalawang tao o partido para sa kanilang sariling interes na labag sa isinasaad ng batas.
Kategorya ng Graft and Corruption
- Grand Corruption- Korupsiyon sa pinakamataas na antas ng pamahalaan.Nagagawang baliktarin ang polisiya o gawain ng estado upang
makinabang ang nasa posisyon.
- Petty Corruption- Maliit na pabor o halaga ng mga kinauukulan mula sa mamamayan na kadalasang gumagamit ng mga serbisyong
pamahalaan.
- Systematic Corruption- sitwasyon ng halos lahat ng grupo ang kasabwat sa korupsiyon.
- Influence Peddling- Tumatanggap ng suhol ang mga opisyal.
Mga Uri ng Korapsyon
- Embezzlement o Paglustay – Ito ay pagnanakaw ng pera ng isang taong pinagkatiwalaan nito. Karaniwang ito ay ginagawa sa pamamagitan
ng paglustay o maling paggamit (misappropriation) ng pondo ng pamahalaan. Ang pangkaraniwang ipinapataw na parusa sa ganito ay
panghabambuhay na pagkakakulong.
- Bribery o Lagay System – Ito ay ang pag-aalok, pagbibigay, pagtanggap, o paghingi ng ano mang bagay na may halaga upang
impluwensiyahan ang mga aksiyon ng isang opisyal o empleyado ng pamahalaan. Isang halimbawa nito ay ang red tape. Ang mga fixer na
binabayaran upang mapabilis ang proseso ng dokumento.
- Fraud o Pamemeke – Ito ay tumutukoy sa pandaraya o panlilinlang (deception) sa layuning makalamang o makakuha ng salapi o iba pang
benepisyo. Ang ilang halimbawa nito ay ang paggamit ng mga palsipikadong dokumento o paglikha ng scam.
- Extortion o Pangingikil – Isang illegal na paggamit ng kapangyarihan. Ito ay tumutukoy sa panghuhuthot, panghihingi, o sapilitang pagkuha
ng salapi. Karaniwang ginagamit ang blackmailing o pangunguwalta sa pamamagitan ng pananakot.
Epekto sa pagtitiwala at partisipasyon ng mamamayan sa mga programa ng pamahalaan
- Nawawalan ng ganang makipagtulungan ang mga mamamayans a pamahalaan kahit na sila ay may pagnanais na umunlad ang bansa.
- Nakapag-iisip na makibagay o makiayon na lamang sa maling kalakaran.
- Lalong tumitindi ang puwang sa pagitan ng mayayaman at mahihirap
Ang kaugnayan nito sa aspektong pangkabuhayan at panlipunan (Mga epektong Panlipunan at Pampolitika)
- Unti-unting mauubos ang kaban ng bayan
- Mawawalan ng kredibilidad ang mga pampublikong institusyon at tanggapan
- Mawawala ang integridad ng mga opisyal.
- Kapag ito ay naging tradisyon na, patuloy na magkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan
- Ito ay maaaring magdulot ng mga rally at pag-aalsa sa mga taong nais kumawala sa ganitong sitwasyon.
Ilang mungkahing paraan o solusyon
- Matalinong pagpili ng mga ihahalal sa pwesto
- Pagkakaron ng transparency o regular na pag-uulat ng pamahalaan tungkol sa pondo ng bayan
- Pagsasabatas ng Freedom of Information Bill
- Paigtingin ang pagmomonitor ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) na isusumite ng mga opisyal at empleyado ng
pamahalaan
- Patawan ng mabigat na parusa ang mga napatunayang nangurakot
- Paigtingin ang pagtuturo ng kasamaan ng graft at corruption sa paaralan 

E. Paglalapat ng aralin sa Pagsasagawa at paglalapat ng kaalaman.


pangaraw-araw na buhay/ Paglalahat
ng aralin (Aplikasyon) Sa mga mungkahing paraan o solusyon, gumawa ng isang editorial cartoon na nagpapakita ng pag-iwas sa pagkakaroon ng Katiwalian at Korapasyon
sa gobyerno.

Maaari kayong gumamit ng kahit anong medium sa pahlikha ng inyog editorial cartoon. (Pencil, Color pencil, Digital)

Rubriks.

Pagkamalikhain 15
Kalinawan ng mensahe 25
Kalinisan ng gawa 10
Kabuuan 50 puntos
F. Pagtataya ng aralin Tukuyin ang mga hinihinging kasagutan sa bawat tanong.

1. Sa iyong sariling pananaw, paano mo maipapaliwanag ang “Graft and Corruption”?


2. Ibigay ang mga epekto ng pagkakaroon ng Katiwalian at Korapsyon sa gobyerno.
3. Bukod sa mga naibigay na mga halimbaa ng Korapsyon, magbigay pa ng tatlong halimbawa na ito at ipaliwanag ang bawat isa.

G. Takdang Aralin/ Kasunduan Takdang Aralin!


KANTA SURI (UPUAN by GLOC 9)
https://www.youtube.com/watch?v=HBpIVKyRoOg

Sa bidyo at kantang ipapakita, gumawa ng isang sanaysay patungkol sa kung ano ang inyong saloobin ng may kaugnayan sa paksang ating pinag-
aralan.

Nilalaman 25
Organisasyon ng mga ideya 15
Konklusyon 10
Kabuuan 50 puntos

NILALAMAN
Makabuluhan ang bawat talata dahil sa husay na pagpapaliwanag at pagtalakay tungkol sa paksa – 25 puntos
ORGANISASYON NG MGA IDEYA
Lohikal at mahusay ang pagkakasunud-sunod ng mga ideya; gumamit din ng mga transisyunal na pantulong tungo sa kalinawan ng mga ideya.
KONKLUSYON
Nakapanghahamon ang konklusyon at naipapakita ang pangkalahatang palagay o paksa batay sa katibayan at mga katwirang inisa-isa sa bahaging
gitna.

Inihanda ni:

G. Tristan Keith N. Javier


Inaprubahan ni:

G. Mark Christopher C. Malaluan

You might also like