You are on page 1of 37

Nilikom nina:

SUSAN M. TINDUGAN, PhD JOVERT R. BALUNSAY, PhD

Associate Professor IV Associate Professor I
College of Arts & Sciences College of Arts & Sciences
Department of Languages Department of Languages
E-mail add.: santindugan@gmail.com E-mail add.: bert_valy@yahoo.com
CP Number: 09091888639 CP Number: 09308800331

JAIME T. AMANTE JR., MAFE CHRISTIAN PAUL TABO

Instructor I Instructor I
College of Arts & Sciences College of Arts & Sciences
Department of Languages Department of Languages
E-mail add: jaimeamante2@gmail.com E-mail add: krischanalcantara@gmail.com
CP Number: 09126998527 CP Number: 09100778382

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 1

PAUNAWA

Ang kagamitang panturong ito na isang katipunan ng mga babasahin at pagsusulit ay

inihanda upang makatugon sa kahingian ng binagong pagdulog sa pagtuturo-pagkatuto na
binuo ng Komisyon sa lalong Mataas na Edukasyon bilang tugon sa pandemyang may
pandaigdigang epekto sa mga institusyong pang-edukasyon.

Ang kaguruang magtuturo ng asignaturang ito ay hindi nag-aangkin ng naturang

kagamitang panturo. Ang mga may-akda at palimbagan ng nilalaman ng Kagamitang
Panturong ito ay kinilala nang maayos at ang babasahing ito ay gagamitin lang sa
Pampamahalaang Unibersidad ng Catanduanes. Hindi ito ibebenta o ipagbibili sa sinuman.

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 2

Talaan ng Nilalaman
Dahon ng Pamagat………………………………………………………………………..1
Paunawa (Disclaimer)……………………………………………………………………..2
Talaan ng Nilalaman……………………………………………………………………….3
Yunit 4: Mga Napapanahong Isyung Lokal
at Internasyonal …………………………………………………………………………...4
A. Korapsyon at Iba pang mga Katiwalian sa Pamahalaan …………………….5
Gawain …………………………………………………………………………………….12
B. Kabayinahan at ang Konsepto nito ……………………………………...…….15
Gawain …………………………………………………………………………………….17
C. Usaping Kalusugan ……………………………………………………………...18
Gawain …………………………………………………………………………………….20
D. Rebolusyong Pangkalikasan …………………………………………………...22
E. Kahirapan …………………………………………………………………………24
Gawain …………………………………………………………………………………….26
Yunit 5: Mga Gawaing Pangkomunikasyon ……………………………………………28
A. Lektyur (Lecture) …………………………………………………………………29
B. Pantas-aral (Seminar) …………………………………………………………...29
C. Worksyap (Workshop) …………………………………………………………...29
D. Simposyum (Simposium) ………………………………………………………..31
E. Komperensya (Conference) …………………………………………………….31
F. Round Table Discussion ………………………………………………………...33
G. Small-Group Discussion …………………………………………………………33
H. Komunikasyong Gamit ang Teknolohiya ………………………………………33
Gawain ……………………………………………………………………………………..34
Sanggunian ………………………………………………………………………………..37

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 3

YUNIT 4
MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT
INTERNASYONAL
ni Dr. Mario H. Maranan

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 4

PANIMULA
Ipakikita ng bahaging ito ng pag-aaral ang paggamit ng wikang Filipino sa
kontekasto ng mga napapanahong usapin sa loob ng bansa katulad ng korapsyon sa
gobyerno, kahirapan at iba pa. sa ganitong paraan, ang module na ito ay magsisilbing
daluyan ng kaalaman at malayang kaisipan na mahalaga sa pagbuo ng isang
magandang lipunan at bansa.
Ang ayos ng pagtalakay ay idinesenyo sa paraan na higit na madaling
mauunawaan ng bawat mag-aaral ang bawat konteksto ng mga usapin: pagbibigay
ng depinisyon, pagpapaliwanag at pagbibigay ng halimbawa.

Korapsyon at iba pang mga Katiwalian sa Pamahalaan

Pangarap ng bawat Juan dela Cruz ang magkaroon ng sisang maayos na
lipunang ginagalawan hindi lamang para sa kanilang kinabukasan kundi maging para
sa kinabukasan na rin ng kanilang mga magiging anak at iba pang salinglahi. Subalit
ang mga pangarap na ito ni Juan dela Cruz ay nananatili lamang mga pangarap
bunsod ng maraming katiwalian sa pamahalaang kanilang pinagkakatiwalaan at
sinasandalan.
Maraming mukha ang katiwalian na patuloy na pumapatay sa itunuturing nating
kakampi sa buhay – ang pag-asa. Ang mga mukha na matatagpuan sa bawat sangay
ng gobyerno ay alinman sa sumusunod:
1. Pag-abuso sa kapangyarihan;
2. Pakikipagsabwatan;
3. Pandaraya sa halalan;
4. Pagnanakaw sa kaban ng bayan;
5. Sistemang padrino o palakasa;
6. Korapsyon sa iba’t ibang sangay ng gobyerno.

1. Pang-aabuso sa Kapangyarihan
Mahalaga ang kapangyarihan upang ganap na magampanan ng isang lider ang
tungkulin na inaasahan sa kanya ng mga tao sa kanyang kapaligiran. Kung wala ito,
walang pwersang makapagbibigay ng pangil para sa mabuting pagtanggap ng lipunan
sa maayos na implementasyon ng isang tungkulin. Ang kapangyarihan ay maaaring
ipatupad sa dalawang kaparaanan, ministerial na pagpapatupad at diskresyunal na
pagpapatupad.
Sinasabing ang kapangyarihan na ipatupad ang tungkulin ay ministerial kung ang
isang namumuno ay walang ibang nararapat na gawin kundi ipatupad ang isang
polisya. Halimbawa:
• Pagtupad sa tungkuling pangbatas trapiko para sa maayos na
transportasyon ng bawat mamamayang Pilipino;
• Ang mekanikong pagpro-proseso ng income tax return;

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 5

• Pagpro-proseso ng legal na titulo ng lupa mula sa orihinal na may-ari tungo
sa bumili nito;
• Pagtanggap ng pamahalaan sa buwi na ibinabayad ng mamamayan;
Ang diskresyunal na paggamit ng kapangyarihan ay tumutukoy sa paggamit ng
opsyon o diskresyon ng isang namumuno o kawani ng pamahalaan na ipatupad o
hindi ipatupad ang isang tungkulin subalit may pagsasaalang-alang sa mga legal na
pamantayan. Ang kapangyarihang ito ay kailangang gamitin nang ayon sa katwiran,
walang kinikilingan, at hindi mapang-api o nakapananakit ng iba pa. halimbawa.
• Pagpili ng Pangulo ng Pilipinas sa mga magiging kasapi ng gabinete ng
ehekutibo;
• Pagpasok ng Lokal na Pamahalaan sa kasunduan sa isang pribadong
kumpanya;
• Pagbili ng mga kagamitang makatutulong sa pagpapatupad ng isang
polisiya;
Mahalaga ang polisiya sa pagtupad ng tungkulin ng isang tao upang
siguraduhin na anumang diskresyon ng kaniyang nais gawin ay may sapat na
pamantayan at legal na basehan. Ito ang magsisilbing sukatan kung ang isang tao ay
lumalabis sa kapangyarihan na iginawad na sa kanya. (Tandaan: Walang tao sa
Pilipinas o sa ibang bansa man na labis-labis ang kapangyarihan. Mayroon itong
limitasyon at hangganan).
Ang pag-abuso sa kapangyarihan o diskresyon ay tumutukoy sa hindi angkop
na paggamit ng kapangyarihan o mga pasilidad sa mga desisyon na kailangan niyang
ibigay. Halimbawa:
• Pagtatalaga ng Pangulo ng Pilipinas sa kaniyang asawa o mga anak bilang
gabinete ng ehekutibo. Bagamat ang Pangulo ay may ekslusibong
kapangyarihan na pumili ng mga taong kanyang makakatuwang sa
pagpapatupad ng mahahalagang polisiya ng pamahalaan, ang pagtatalaga
ng kanyang asawa o mga anak ay mariing ipinagbabawal ng ating Saligang
Batas 1987 sa ilalim ng prinsipyo ng nepotismo.
• Ang kapangyarihan ng pamahalaan na pumasok sa isang kasunduan ay
mahalagang mekanismo para sa episyente at epektibong paglilingko sa
bayan. Subalit ang pagsasaalang-alang sa personal na interes sa
kasunduan ay mga sirkumstansyang naglalarawan ng pang-aabuso sa
kapangyarihang ipinagkatiwala ng taong bayan sa pamahalaan, local man
o nasyunal.
• Ang pagbili ng mga kagamitan o purchasing ay sistema sa isang
pamamahala na nangangailangan ng masusing pagsunod sa proseso
sapagkat ito ay maaaring maging ugat ng korapsyon sa gobyerno.
• Ang paggamit ng kapangyarihan upang makakuha ng pabor sa ibang tao
na karaniwan ay may kapalit na kabayaran.

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 6

2. Pakikipagsab’watan
Ang sab’watan ay tumutukoy sa ugnayan ng dalawa o higit pang indibidwal o grupo
na nagkaisa na isakatuparan nang palihim ang isang gawain na siyang ugat ng
limitasyon ng iba upang tupatin ang kinakailangan o nais nilang gawin. Ito ay isang
krimen ng pandaraya, panloloko sa iba para sa kanilang mga karapatan upang
makuha ang isang adhika na labag sa batas na karaniwan ay sa pamamagitan ng
pandaraya o paggamit ng hindi patas na kalamangan.
Halimbawa:
• Manipulasyon ng presyo ng isang produkto (product fixing) sa pamamagitan
ng kasunduan ng parehong panig ng pamilihan na ibenta ang produkto sa
itinakdang presyo na nagbubunga ng pagkontrol sa suplay at
pangangailangan;
• Pagsunod ng lehislatibong sangay ng pamahalaan sa dikta ng ehekutibo na
patalsikin ang mga hindi kapanalig kahit na walang sapat na batayan at
hayagan ang paglabag sa basikong karapatan katulad ng magpahayag
(expression) at karampatang proseso na malaman ang krimen at
maipagtanggol ang sarili (due process).
• Paggawad ng kontrata sa isang ahensya na may kaugnayan sa proyektong
pampamahalaan kahit na walang naganap na tamang pag-aalok o bidding.
(ang bidding ay isang sistema ng pag-aalok sa publiko na nagbibigay ng
pagkakataon sa lahat na maging kabahagi ng proyektong inisyatibo ng
pamahalaan. Mahalag ito upang iwaksi ang maraming katiwalian sa
pamimili o purchasing)

3. Pandaraya sa Halalan
Ipinahahatiwala ng taong bayan sa mga politico ag kinabukasan ng bawat
mamamayan sa pamamagitan ng kaniyang boto sa pambansa at lokal na halalan. Ang
bawat balota ay sumisimbolo ng pag-asa sa pagkakaroon ng magandang bansa at
pananalig na ang suportang kanilang ibinibigay sa pamamagitan nito ay makabuluhan
at kailanman ay hindi pagsisihan.
Ang karapatan ng bawat Pilipino na makilahok sa halalan bilang mga botante ay
kinikilala ng ating Saligang Batas sa ilalim ng Artikulo V.
Sa kabila ng kahalagahan ng bawat balota sa Pilipino at mandato sa Komisyon ng
Eleksyon na pangasiwaan ang malinis at maayos na halalan ay lantaran ang mga
pandaraya at anomalya na ginagawa ng mga politico at mga kasabwat na
nagbubunga ng paghalal sa mga taong hindi totoong napupusuan ng higit na
nakararami. Bunga nito ay ang maraming kilos protesta at kawalan ng tiwala sa isang
pamamahala.
Pinaniniwalaan ng may-akda na ang konsepto ng pandaraya sa halalan ay hindi
lamang umusbong sa kasalukuyan. Matagal ng kinakaharap ng bawat mamamayan

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 7

ang suliraning ito, na nagpasalin-salin at patuloy na magpapasalin-salin sa mga
susunod na henerasyon.
Narito ang ilang mahalagang konsepto na may kaugnayan sa pandaraya sa
eleksyon:
1. Pandaraya sa eleksyon (electoral fraud). Tumutukoy ito sa illegal na
panghihimasok sa proseso ng eleksyon sa pamamagitan ng pagdadag ng boto
sa pinaborang politiko, pagbabawas ng boto sa kalabang kandidato, o pareho.
Anumang akt na makaapekto sa bilang ng boto na magdudulot ng kaibahan ng
boto sa nararapat na resulta ay maituturing din na pandaraya sa eleksyon,
bagamat ang bawat bansa ay may kanya-kaniyang konsepto nito. Pumapasok
din sa konsepto ng pandaraya ang mga karahasang katulad ng pagsupil at
pagpaslang sa mga katunggali sa halalan, ang pananabotahe ng mga balota,
at ang pagbili o panunuhol sa mga botante kapalit ng isang boto.
2. Manipulasyon ng eleksyon (election manipulation). Ito ay isang uri ng
pandaraya na makikita bago maganap ang halalan kung ang komposisyon ng
mga manghahalal ay nabago. Ang lantarang manipulasyon ay itinuturing na
paglabag sa prinsipyo ng demokrasya.
3. Mahalaga ring matutnan ng mga mag-aaral ang konsepto ng
disenfranchisement o ang pagtatanggal sa karapatan ng isang tao na bumuto.
Isinasagawa ang metodong ito kung ang kandidato ay naniniwala na ang isang
botante o grupo ng mga botante ay sumusuporta sa kalabang panig o Partido.
Maaari itong makita sa anyo ng pagpapahina ng loob ng iba na magrehistro, o
kung sakali man na nakapagrehistro na, ay ang tanggalin sia sa talaan ng mga
botante sa pamamagitan ng animo ba ay legal na pagtanggal sa proseso ng
korte.
4. Manipulasyon ng demograpiya. Maraming pagkakataon na kayang kontrolin ng
mga kainuukulan ang komposisyon ng mga manghahalal upang matiyak ng
isang resultang pumapabor sa sinusuportahang politiko.
5. Intimidasyon. Tumutukoy ito sa lakas o pwersa na ibinibigay sa mga botante
upang sila ay bumoto paborsa partikular na kandidato o kaya ay pigilan sila na
makibahagi o makiisa sa pagboto.
6. Karahasan o Pananakot na Paghahasik ng Karahasan. Ipinakikita nito na ang
mga botante sa isang partikular na demograpiko o mga kilalang tagasuporta ng
isang partikular na kandidato ay direktang tinatakot ng mga tagasuporta sa
kalabang partido ibasura nito ang pagsuporta na hindi makabubuti sa
sinusuportahang kandidato. Inilalarawan ito ng mga krimeng katulad ng
pagpatay, pananakit, mga pagpapasabog at iba pa.
7. Mga Pag-atake sa Lugar ng Halalan. Madalas na nagiging target ng pag-atake
at mga karahasan ang lugar na aktwal na pinagdarausan ng lokal o nasyunal
na halalan. Inilalarawan ito ng bandalismo, paninira ng mga kagamitan o ari-
arian, mga pananakot na nagbubunga ng pangamba ng mga botante na
tumungo sa lugar na pagdarausan ng halalan.
8. Mga Pagbabantang Legal. May mga pagkakataong sinasamantala ng mga
politiko ang kawalan ng kaalaman ng isang indibidwal sa kanyang karapatan
na makiisa sa lokal at pambansang halalan sa pamamagitan ng pagboto. Sa

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 8

pagkakataong ito, ang mga botante ay pinaniniwalang sila ay walang legal na
karapatan na bumoto o kaya ay may obligasyon na bumoto gamit ang partikular
na pamamaraan. Ginagamit ng mga taong mapagsamantala ang kahinaan ng
isang indibidwal na ito ay matakot sa magigin resulta ng isang partikular na
aksyon.
9. Pamimilit. Ipinakikita rito na ang demograpiko na may control sa balota ay
sinusubukang hikayatin ang iba na sumunod sa kanila. Sa pamamagitan ng
pagtukoy sa mga lumlaban sa higit na nakararami, ang mga ito ay
naiimpluwensyahan na palitan ang kanilang mga naunang desisyon sa kung
sino ang kanilang iboboto.
10. Pamimili ng Boto. Ang isang akto ay maituturing na pamimili ng boto kapag ang
isang partido politikal o kandidato ay nanghihingi ng boto sa mga botante
kapalit ng salapi, mga kinakailangang kagamitan o kaya ay mga serbisyo. Ang
kasanayang ito ay karaniwang ginagamit upang hikayatin ang mga botante na
bigyan sila ng pabor sa araw ng halalan.

4. Pagnanakaw sa Kaban ng Bayan

Kadalasan na ang tiwalang ibinigay ng taong bayan sa mga politiko na kanilang
inuluklok sa pwesto upang mamahala sa bayan ay nawawalan ng saysay dahil sa
pagkasilaw sa mga kayamanag dapat sana ay ilalaan upang mapagsilbihan nang
wasto ang taong bayan. Ang suliraning ito ay matagal nang kinakaharap ng maraming
bansa sa mundo na pinaniniwalaang ugat ng pagkakalugmok sa kahirapan ng bawat
mamamayan.
Sa Pilipinas, hindi na rin bagong maituturing ang usaping ito. maraming isyu o
usapin ng katiwalian at pagnanakaw sa kaban ng bayan ang ipinukol sa mga politkong
pinagkatiwalaan ng bawat Juan.
Ang pagnanakaw ay matatagpuan sa marami nitong anyo at maituturing na krimen
sa ilalim ng Kodigo Penal ng Pilipinas at ilang mga umiiral na espesyal na batas
(special laws).
5. Ang Graft at Korapsyon
Ang konsepto ng graft at korapsyon ay mga usaping paulit-ulit na nagpapasakit
sa bawat Juan Dela Cruz. Ang usaping ito ay matagal nang hinahanapan ng solusyon
subalit hanggang sa kasalukuyan ay big pa ring napaglalabanan. Ang graft at
korapsyon ay dalawang magkaibang konsepto ng pagkuha ng personal na benepisyo
mula sa transakyong pampamahalaan. Ang korapsyon ay tumutukoy sa maling gamit
ng mga pinagkukunan ng pamahalaan para sa personal na benepisyo. Sa kabilang
dako, ang graft ay tumutukoy sa maling gamit ng impluwensya para sa personal na
benepisyo.
6. Mga Halimbawa ng Korapsyon sa Iba’t Ibang Sangay ng Pamamahala
Ang korapsyon ay isang epidemyang pumapatay sa isang magandang sistema ng
pamamahala hindi lamang sa mga pangunahing sangay ng pamahalaan kundi maging

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 9

sa mga maliliit nay unit nito. Ang sumusunod ay ilan lamang pagtataya sa mga
suliraning may kaugnayan dito:
Korapsyon sa Kapulisan at Hukbong Sandatahan
Hindi ligtas ang mga kapulisan at Hukbong Sandatahan sa usapin ng
korapsyon. Nababalot din ng kontrabersiya ang kanilang mga pagbili ng kagamitang
kinakailangan sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Pinaniniwalaan na ang korapsyon ay isang tiyak na anyo ng mga maling gawi
palasak sa loob ng ahensya ng mga kapulisan at hukbong sandatahan,
kinasasangkutan ito ng pananamantala sa benepisyong pananalapi at iba pang mga
kapakinabangang makapagsusulong ng kanilang karera. Sa kabila ng panunumpa sa
kodigo ng pag-aasal o etika, may mga pagkakataon pa ring nilalabag ng mga
kapulisan ang espisikong probisyon nito katulad ng sumusunod:
(a) Pagtanggap ng salapi bilang proteksyon sa illegal na gawain.
(b) Pagtanggap ng suhol kapalit ng pananahimik at hindi pag-akto sa isang kaso
na kailangan niyang gawan ng aksyon.
(c) Pagtanggap ng suhol bilang kapalit ng hindi pag-iisyu ng tiket kaugnay ng
paglabag ng motorista sa batas trapiko.
(d) Pagtanim ng ebidensya (planting of evidence).
Korapsyon sa Hudikatura
Ang Hudikatura (Judiciary) ay isa sa tatlon mahahalagang sangay ng gobyerno,
kasama ng Ehekutibo (Executive) at Lehislatibo (Legislative). Mataas ang pagtingin
ng lipunan sa sanagy na ito na may kapantay na kapangyarihan sa Ehekutibo at
Lehislatibo. Ito ang sangay ng gobyerno na siyang nagbibigay interpretasyon sa batas
nga ginawa ng Lehislatibo at ipinatutupad ng Ehekutibo.
Sa kabila ng ganitong kapangyarihan, hindi pa rin ligtas ang sangay na ito ng
pamahalaan sa mga alegasyon ng korapsyon at pagnanakaw sa kaban ng bayan.
May mga kurakot din na hukom (judge) ba tumatanggap ng suhol upang magbaba ng
desisyong pumapanig sa nagbigay ng suhol. May ilang mga hukom na pinatatagal
ang pagdesisyon sa isang kaso na nagbubunga ng inhustisya sa mga taong walang
kasalanan. Kaakibat ng mga maling gawi o akto ng hukom sa paglabag sa kanilang
Koda ng Etika (Code of Ethics) ay ang pagharap nila sa mga kasong administratibo o
maaari rin namang pagtanggal sa kanila ng lisensya bilang mga abogado.
Korapsyon sa Lehislatibo
Ang Lehislatibo ang sangay ng pamahalaan na namamahala sa pagbuo at
pagbabalangkas ng batas na nararapat namang ipatupad ng Ehekutibo. Malapit sa
usapin ng korapsyon ang sangay na ito ng gobyerno sapagkat maaaring
makapaglagay ng isang probisyon sa panunakalang batas na maaaring pumabor sa
may-akda nito. Mahalaga na maunawaan ng mga mag-aaral ang ilang prinsipyo
upang labanan ang katiwlaiang ito sa pamahalaan:
Hindi tugmang tanggapan (incompatible office). Ipinagbabawal ng prinsipyong
ito sa mga mambabatas na humawak ng tanggapan o posisyon sa anumang ahensya

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 10

ng pamahalaan kasama ang GOCC o Government Owned Corporations liban na
lamang kung ang iwawanan niya ang kanyang tungkulin bilang mambabatas.
Halimbawa: Hindi maaaring tanggapin ng isang Senador ang posisyon bilang kalihim
ng DILG kung hindi niya babakatehin ang kaniyang pwesto bilang Senador.
Tandaan na hindi lahat ng tungkulin sa gobyerno ay maituturing na
incompatible office sapagkat mayroong mga tungkulin na maaaring tanggapin ng
isang mambabatas batay sa pagkilala ng Saligang Batas. Halimbawa: ang pagiging
kasapi ng Electoral Tribunal at Bar Council of the Philippines.
Ipinagbabawal na tanggapan (forbidden office). Ipinagbabawal sa prinsipyong
ito ang pagtatalaga ng mga kasapi ng Kongreso sa mga tanggapan ng gobyerno na
nilikha o ang sweldo para dito ay nilikha sa panahon na siya ay nanunungkulan pa
bilang kongresista. Layunin ng prinispyong ito na maiwasan ang mga anumalya na
kung saan ang kongresista ay makikinabang sa batas na siya mismo ang nagbigau
ng inisyatibo.
Iba pang Korapsyon sa Pilipinas
Ang sumusunod ay ilan pa sa mga halimbawa ng korapsyon na palasak sa
Pilipinas:
(1) Pagtakas sa pagbabayad ng buwis
(2) Ghost project at Payroll – kadalasan itong ginagawa ng mga mataas na
opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo sa mga hindi
umiiral na proyekto ng pamahalaan habang ang mga hindi umiiral na tauhan
ng pamahalaan ay sinasahuran at binibigyan ng allowance. Lantaran ang
katiwaliang ito sa mga ahensya ng pamahalaan na may kaugnayan sa mga
pormulasyon o pagpapatupad ng mga programa sa imprastruktura at
nagbibigay ng sahod.
(3) Pag-iwas sa Subasta sa Publiko ng Pagkakaloob ng mga Kontrata –
mahalaga ang pagsusubasta sa publiko ng pagkakaloob ng kontrata upang
maiwasan ang paggawad ng kontrata sa mga negosyante o personalidad ng
makapagbibigay sa kanila ng personal na benepisyo.
(4) Pagpasa ng mga Kontrata mula sa isang kontraktor tungo sa iba pa
(subcontracting) – ang pagpapasa ng mga trabaho mula sa isang kontraktor
tungo sa ibang kontraktor ay maaaring magdulot ng paggamit ng mabababang
uri ng materyales o hindi matapos-tapos na mga proyekto.
(5) Pangingikil
(6) Panunuhol

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 11

Gawain # 1 ukol sa Korapsyon at iba pang mga Katiwalian sa Pamahalaan
(Halaw ang ilang gawain sa sa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino ni Dr.
Mario H. Maranan)
Pangalan: __________________________ Time/Schedule: _____________
Year/Course/: _______________________

Panuto: Sa pamamagitan ng Venn Diagram paghambingin ang sumusunod na

konsepto.

1. Graft Korpasyon

2. Magbigay ng napapanahong isyu ukol sa dalawang konsepto.

___________________________________________________________________

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 12

3. Ano ang magiging epekto ng mga isyung ito sa ekonomiya at hinaharap ng

bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 13

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 14

Kabayanihan at ang Konsepto Nito
Pinaniniwalaan na ang konsepto ng kabayanihan ay nagbabago batay sa
panahon at pagtanaw at sirkumstansya ng taong tumitingin dito.
Ang kabayanihan ay inilalarawan ng kagitingan at katapangan sa pagharap sa
mga hamon ng buhay. Sa mga mitolihiya at mga kuwentong bayan ipinapakita ng mga
pangunahing tauhan ang kaniang pagsasakripisyo at paglalagay ng sariling buhay
para iligtas ang higit na nakararami. Ang kabayanihan ay nagpapakita ng katapangan
na harapin ang panganib at kagipitan para sa kapakanan ng sangkatauhan. Sa
paglipas ng panahon ay higit na naging malawak ang konsepto nito sa puntong hindi
na lamang ito nakapukos sa pakikidigma bagkus ay ang pagsasama sa mas panlahat
na kahusayang moralidad.
Ang kabayanihan ng mga Pilipino
Kung pag-uusapan ang kabayanihan, tiyak na mangunguna sa talaan ng bawat
Pilipino ang pangalan ni Dr. Jose Rizal, bagamat wala namang batas na kumikilala
sa kaniya bilang pambansang bayani. Nakilala si Rizal dahil sa kaniyang mga
mapangahas na nobela na naglalarawan sa kanser ng lipunan at ang kaluno-lunos na
kalagayan ng bansa sa kamay ng mapang-abusong prayle at mahinang sistema ng
gobyerno.
Sinulat niya ang mga pamosong nobelang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo na may malaking papel na ginampanan upang mapukaw ang
damdaming Makabayan ng mga Pilipino. At dahil dito pinatunayan niya na hindi
kailangang gumamit ng punglo at punyal upang maipagtanggol o maipaglaban ang
bayan.
Sa kabilang dako, iba ang kabayanihang ipinakita ni Andres Bonifacio na
gumamit ng karahasan sa halip na panulat upang makipaglaban sa mga kaaway ng
mga Pilipino. Ang kaniyang kagitingan sa pagtatag ng Katipunan o ang Kataas-
taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan ay isa sa mga
instrument upang ganap na makamtan nating mga Pilipino ang kalayaang matagal na
ipinagkait sa atin ng mga Kastila.
Pambihira rin ang kabayanihang ipinakita ni Melchora Aquino o Tandang Sora
na sa kabila ng kanyang edad ay hindi ito naging hadlang upang siya ay makatulong
sa mga katipunero sa Panahon ng Himagsikan.
Makikita nating nasa iba-ibang anyong pinapakitang kabayanihan ng ating mga
ninuno. Tulad ni dating Pangulong Manuel L. Quezon na kinilalang Ama ng Wikang
Pambansa dahil sa inisyatibo niya sa pagkakaroon ng wikang Pambansa sa kabila ng
maraming pagtutol dito.
Ngunit hindi lamang mga kilalang tao ang maituturing nating mga bayani, dahil
kahit saan ka man tumingin mayroon kang makikitang bayani.
Iba pang mga Kabayanihan
Hindi lahat ng kabayanihan ay kinasasangkutan ng pagbubuwis ng buhay sa
himagsikan sa literal nitong kabuluhan. May iba’t ibang uri ng himagsikan na
Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 15
kinahaharap ang tao na kung kaniyang mapaglalabanan para sa kabutihan ng lahat
ay maituturing ding akto ng kabayanihan.
Ang pangingibang bansa ng mga OFW (Overseas Filipino Worker) ay isang uri
ng pakikipagsapalaran ng mga Pilipino sa ibang bansa, mabigyan lamang ng
magandang bhat ang kaniyang mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas. Kaya naman
tinatawag silang mga bagong bayani ng kasalukuyang panahon.
Ang paggawa ng kabutihan para sa iba sa kabila ng mga pasakit na maidudulot
nito para sa personal na sirkumstansya ay mga akto ng kabayanihan. Hindi inalintana
ni Efren Peñaflorida ang sariling kahirapan sa buhay para lamang sa kaniyang
natatanging pamamaraan (kariton) ay makapagbahagi siya ng karunungan sa mga
bata sa lansangan.

Larawan ni Efren Peñaflorida

habang tulak-tulak ang kaniyang
kariton.

Mula ang larawan sa

https://www.google.com/search?q=Efren+Pe%C3
%B1aflorida&sxsrf=ALeKk01tKz6YFc1vC2YgYyrL
5BQRr_LDmQ:1602485697530&source=lnms&tb
m=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiR1oi2vK7sAhWrF6
YKHQjACIoQ_AUoAXoECCYQAw&biw=1366&bi
h=618#imgrc=1njXI_ze4gcegM

Ang katapatang ipinakikita ng mga Pilipino sa kanilang gawi at ang hindi

pagkasilaw sa salpi sa kabila ng kahirapan ay tanda rin ng kabayanihan. Ibinalik ni
Junjun Mendoza sa NAIA ang kaniyang natagpuang wallet na may lamang malaking
halagi sa halip na ito ay ibulsa o gamitin na lamang.

Larawan Junjun Mendoza

ni
habang ikinapapanayam ng
Umagang Kayganda.

Mula ang larawan sa

https://www.google.com/search?q=Junjun+Mendo
za+&tbm=isch&ved=2ahUKEwjQmpi4vK7sAhXtxo
sBHUhZAD4Q2-
cCegQIABAA&oq=Junjun+Mendoza+&gs_lcp=Cg
NpbWcQA1C45xZYuOcWYNLsFmgAcAB4AIABp
QOIAaUDkgEDNC0xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpe
i1pbWfAAQE&sclient=img&ei=xf2DX5CkO-
2Nr7wPyLKB8AM&bih=618&biw=1366#imgrc=3fP
6e3p6UaENUM

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 16

Gawain # 2 ukol sa Kabayanihan at ang Konsepto Nito
Pangalan: __________________________ Time/Schedule: _____________
Year/Course/: _______________________

Panuto: Komprehensibong sagutan ang sumusunod, magbigay ng paliwanag kung

kinakailangan.
1. Pinaniniwalaan na ang konsepto ng kabayanihan ay nagbabago batay sa
sirkumstansya ng taong tumitingin dito. Kung ikaw ang tatanungin, “Para sa’yo,
ano ang iyong konsepto ng isang bayani?” Ipaliwanag ang iyong sagot.

________________________________________________________________

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 17

Usaping Pangkalusugan
Ano ang HIV?
Isa sa mga pangunahing usapin sa larangan kalusugan ay ang HIV o ang
Human Immunodeficiency Virus. Ito ay isang epekto ng kondisyon na sanhi ng
inpeksyon ng human immunodeficiency virus. Walang makikitang simtomas ng sakit
ang taong may inpeksyon nito maliban sa simpleng trangkaso. Habang patuloy na
kumakalat ang inpeksyon, higit nitong sinasalakay ang immune system, na lalong
nagpapataas sa tsansa ng pagkakaroon ng karaniwang inpeksyon katulad ng
tuberculosis, opportunistic infections, at tumor na bihirang dumadapo sa isang tao na
may maayos na immune system. Tinatawag na AIDS o Acquired Immunodeficiency
Syndrome ang inpeksyon sa pinakahuling estado nito na karaniwang
kinasasangkutan ng hindi inaasahang pagbaba ng timbang.
Nakukuha ang HIV sa alinman sa sumusunod na gawain:
(1) Pakikipagtalik na walang proteksyon (anal at oral);
(2) Kontaminadong paraan ng pagsasalin ng dugo;
(3) Hypodermic na karayom;
(4) Mula sa ina tungo sa anak sa panahon ng pagbubuntis ng ina;
(5) Pagpapasusu
Ang sumusunod na likido na nanggagaling sa katawan ng tao ay hindi
makatutulong sa pagsasalin ng HIV tungo sa ibang indibidwal:
(1) Laway;
(2) Luha
Maiiwasan ang HIV sa pamamagitan ng sumusunod na pamamaraan:
(1) Ligtas na pakikipagtalik;
(2) Programa para sa pagpapalitan ng karayom;
(3) Paggagamot;
(4) Pagbibigay ng antiretroviral medication sa bata sa panahon na ito ay
ipinagbubuntis. Tandaan na ang antiretroviral na gamutan ay makatutulong
lamang sa pagbagal ng pagkalat ng sakit upang magkaroon ng inaasahang
normal na pamumuhay ang bata.
Tinatayang nasa 36.7 milyong katao noong 2016 ang mayroong HIV na
nagresulta sa kamatayan ng nasa isang milyon.
Malaking usapin sa lipunan ang sakit na ito na nagiging ugat ng maraming
diskriminasyon at epektong pang-ekonomiya. Bunga ng maling edukasyon o
kakulangan sa kaalaman hinggil sa sakit na ito ay ang paniniwala na ang tao ay
maaaring mahawa kahit sa ordinaryong pakikipag-usap lamang. Kontrobersiya rin ang
sakit na ito sa posisyon ng simbahan na tutulan ang paggamit ng condom bilang
proteksyon sa pakikipagtalik.

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 18

Sakit na Dengue
Nanggaling ang sakit na dengue sa virus na dengue na dala ng kagat ng lamok
sa isang tropikong bansa katulad ng Pilipinas. Ang sumusunod ay ang mga
pinapakitang simtomas ng sakit mula tatlo hanggang labing-apat na araw matapos
ang inpeksyon:
(1) Mataas na lagnat;
(2) Pananakit ng ulo;
(3) Pagsusuka;
(4) Pananakit ng laman at kasu-kasuan.
Maaaring gumaling ang may dengue sa loob ng dalawa hanggang pitong araw
subalit may mga pagkakataon na ang kasong ito ay nauuwi sa nakamamatay na
lagnat na dengue hemorrhagic na nagreresulta ng pagdurugo, pagbaba ng platelets
ng dugo at pag-awas ng blood plasma, o ang dengue shock syndrome na kung saan
ay maaaring magdulot ng napakamapanganib na low blood pressure.
Mabibili sa merkado sa bawat bansa ang bakuna bilang panlunas sa naturang
sakit, subalit maituturing na pinakamabuting pananggalang dito ang pagiging malinis
sa kapaligiran na maaaring magresult ng pagbabawas ng pananahan ng mga lamok
at paglimita sa kagat buhat dito.
Ang adhikain ng administrasyong Benigno Aquino III na bawasan ang kaso ng
pagkamatay buhat sa dengue ay nabalot ng kontrabersiya nang ang pamahalaan ay
pumasok ng kasunduan o kontrata sa Sanofi, ang nag-manufacture ng gamot o
bakuna laban sa naturang sakit.

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 19

Gawain #3 ukol sa Usaping Pangkalusugan
Pangalan: __________________________ Time/Schedule: _____________
Year/Course/: _______________________

Panuto: Komprehensibong sagutan ang sumusunod, magbigay ng paliwanag kung

kinakailangan.
1. Paano makatutulong ang wikang Pambansa o ang wikang Filipino sa usaping
pangkalusugan? Pangatwiranan.

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 20

2. Gumawa ng isang islogan na makatutulong sa paglaganap ng kaalaman ukol
sa pagkakaroon ng malusog na pamumuhay.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 21

Rebolusyong Pangkalikasan

Isa sa napapanahong usapin sa loob at labas ng bansa ay ang

pakikipagsapalaran ng tao sa hamon ng kalikasan na mahirap labanan kahit pa ito ay
gamitin man nang makabagong kaalaman at teknolohiya. Ilang libong buhay ng tao
ang nawawala at bilyun-bilyong halaga ng ari-arian ang napipinsala sa tao at
pamahalaan dahil sa mga paghagupit na iginaganti sa tao ng kalikasan.
Walang pinipiling tao (bata o matanda; mayaman o mahirap; matalino o
mahina) at bansa (taga-Asya; Europa; Amerika o anumang kontinente) ang bagsik ng
kalikasan.
Ngunit ano mang hamon ng kalikasan ay makikita ang kultura ng
pagdadamayan sa buong mundo para sa agarang pagbangon ng isang bansa. Subalit
ang pagsusumikap ng makatulong ng iba ay kailangan din ng kasamang disiplina ng
taong tinutulungan at maayos na sistema buhat sa kaniyang pamahalaan.
Likas na dahilan ng Kalamidad
Inilahad sa http://www.earthtimes.org/encyclopedia ang tatlong mahahalagang
pangkat ng likas na dahilan ng kalamidad. Kinabibilangan ito ng sumusunod:
1. Paggalaw ng mundo;
2. Kalamidad na may kaugnayan sa panahon;
3. Mga pagbaha, pagguho ng putik, pagguho ng lupa, at taggutom.

Ang mga kalamidad na kaakibat ng paggalaw ng mundo ay maaaring alinman

sa sa halimbawa, subalit hindi limitado sa sumusunod na hilambawa: lindol, pagputok
ng bulkan at tsunami.
Sa kasalukuyan, wala pa ring teknolohiya na maaaring makatulong upang
matukoy kung kalian darating ang mga sakunang ito. Ang tanging magagawa lamang
natin ay maging handa o alerto kung sakali man na dumating ang panganib na ito sa
ating mga buhay. Sa ganitong pamamaraan ay maaaring mabawasan ang danyos sa
mga ari-arian at pagkawala ng maraming ari-arian, kung hindi man ito lubusang
maiiwasan.
Ang sumusunod naman ay ilan lamang sa mga halimbawa ng kalamidad na
may kaugnayan sa panahon: bagyo, ipo-ipo, el niño, la niña. Ang mga kalamidad na
nabangiit ay mga natural na mga pangyayari at hindi kayang iwasan. Ang tanging
magagawa ay ang paghandaan ang mga pangyayaring ito uang mabawasan ang
masamng dulot nito.
Ang pagbaha, pagguho ng lupa, putik at taggutom ay itinuturing na epekto ng
pangyayaring may kaugnayan sa pagbabago ng panahon. Ito ay resulta ng mga hindi
inaasahang kondisyon. Maraming pag-aaral ang nagsasabi na ang mga sakunang
nabanggit ay mga sakunang may malaking kotribusyon ang tao.

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 22

Pagbabago ng Klima o Climate Change
Ang pagbabago ng klima ay isinisisi sa pagtaas ng greenhouse gases na
siyang nagpapainit sa mundo. Sinasabing ito ay nakapagbubunga ng mga sakuna
katulad ng pagbaha at tagtuyot na dahilan ng kamatayan at sakit ng tao.
Dalawa ng ititurong dahilan ng pagbabago ng klima sa mundo at ito ay ang
sumusunod:
(1) Likas na pagbabago. Tinutukoy nito ang sama-samang epekto ng enerhiya
mula sa araw, pag-ikot ng mundo at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na
nagiging dahilan ng pagtaas ng temperatura sa hangin na nakabalot sa mundo.
(2) Greenhouse gases. Karaniwang sanhi nito ang paggamit ng mga kemikal sa
mga produktong ginagamit ng tao, pagbuga ng carbon dioxide buhat samga
sasakyan na gumagamit ng gasoline, paglapastangan sa mga puno na siyang
pananggalang sa carbon dioxide, at iba pa.
Ang pagbabago ng klima ay maaaring makapagdulot ng polusyon. Maaari rin
itong magdulot nang masama sa kalusugan ng tao katulad ng cholera at iba pang sakit
na may pagtatae; dala ng insekto na katulad ng lamok (malaria at dengue) at daga
(leptospirosis).
Pagkaubos ng Likas na Yaman
Nakasalalay sa pangangailanagn ng tao ang patuloy na pagsalaula ng mga
kapitalista sa likas na kayamanann. Dahil sa taas ng pangangailangan (demand), ang
mga kapitalista ay patuloy na sumusugal sa paglikha ng mga kalakal na maaari nilang
ibenta sa mga pamilihan. Ang pagnanais na makilala sa merkado at makakuha ng
malaking tubo ay nagbubunga ng napakabilis na pagsalaula sa mga kayamanang
likas sa mundo.
Ang pagkasira ng kalikasan ay hindi lamang maisisisi sa mga kapitalista
sapagkat maging ang taong bayan ay may kinalaman o may partisipasyon din dito.
Ang indibidwal na pagkakaingin na walang inisyatibo na palitan ang anumang nasira
sa kalikasan ay salik ding maituturing sa pagkasira ng kalikasan. Ang paggamit ng
dinamita at mga kemikal na panlason upang makapanghuli ng isda sa karagatan
upang magkaroon ng higit na maraming huli ay mga gawaing dapat din tutukan at
pagtuunan ng pansin sapagkat may malaking epekto sa ating kalikasan.
Bunga ng mga pananamantalang ito ay ang sumusunod:
(1) Madalas at higut na mapamuksang ulan
(2) Pagbaha
(3) Pagguho ng lupa
(4) Pagkasira ng ozone layer, at
(5) Marami pang ba

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 23

Kahirapan
Isa sa mga sakit ng lipunan na hanggang sa kasalukuyan ay hindi nalulunasan
ay ang kahirapan. Inilalarawan nito ang kawalan ng pag-aaring material o salapi na
maaaring gamitin upang magkaroon nang maayos o kaiga-igayang pamumuhay.
Ang kahirapan ay maaaring tingnan sa dalawa nitong kategorya, (1) ang ganap
na kahirapan, at (2) ang relatibong kahirapan.
Tinutukoy ng ganap na kahirapan ang mga sitwasyon na ang isang indibidwal
ay kakikitaan ng mga payak o basic na pangangailangang pantao katulad ng maiinom
na tubig, maayos na kasuotan, maginhawang tirahan, pangangalagang
pangkalusugan.
Sa kabilang dako, ang relatibong kahirapan ay inilalarawan ng sitwasyon o
pagkakataong ang tao ay walang sapat na salapi kung ihahambing sa ibang tao sa
paligid. Ang mga mapagkukunan o suplay ay naaapektuhan ng mga balakid tulad ng
lantarang pagnanakaw o korapsyon sa gobyerno, mga hindi makatwirang kondisyon
ng pagpapautang ng gobyerno at marami pang iba.
Dalawa ang kilalang teorya na may kaugnayan sa kahirapan. Ang mga ito ay
ang sumusunod: (1) inidbidwalitisko at (2) istruktural.
Sa indibidwalistikong pananaw, ang kahirapan ay isinisisi sa indibidwal na
kakayahan na pagbangon sa kahirapan tulad ng:
(a) Katamaran;
(b) Kawalan ng sapat ng edukasyon;
(c) Kamangmangan;
(d) Mababang pagtingin sa sarili
Kung ganito ang pananaw sa kadahilanan ng kahirapan ng isang indibidwal, ng
isang lipunan, at ng isang bansa, maaaring ipagpalagay na walang magaganap na
pagbabago sa antas ng kanilang pamumuhay kahit bukas at sa mga darating pang
panahon.
Sa pananaw na ang kahirapan ay isang istrukturang pananaw, nakikita ng
tao na ang kanilang pagkakasadlak sa kahirapan ay bunsod ng sistemang pang-
ekonomiya na lalong pinaligting ng kakulangan ng kanilang kita. Dahil sa pagiging
dinamiko ng bawat indibidwal, hindi nila ipinagkikibit-balikat lamang ang kahirapan,
bagkus ay humahanap sila ng paraan upang makaahon sa madilim na
kinasasadlakan.
Sa artikulo ni Dr. Bartle Phil (n.d.) na isinalin ni Vitan III. Dionisio, kaniyang
inisa-isa ang limang malaking sangkap ng kahirapan na kinabibilangan ng
sumusunod:
(a) Kawalan ng kaalaman
(b) Sakit
(c) Kawalang pagpapahalaga
(d) Hindi mapagkakatiwalaan, at
(e) Pagiging palaasa
Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 24
Sa kabuuan, kaniyang sinabi na ang limang nabanggit ay nagpapaalala sa
pangalawang sangkap ng kahirapan katulad ng kawalan ng palengke o lugar ng
mapagnenegosyuhan, kawalan ng mabuting imprastruktura (daan, tulay, gusali),
mahinang pamumuno, masamang pamamahala, kawalan ng trabahong may
pasahod, kawalan ng kasanayan, kawala ng perang gagamiting kapital at marami
pang iba.
Kaniyang binigyang-diin na ang solusyon sa pangkalahatang suliranin sa
kahirapan ay ang pangkalahatang solusyon sa pag-alis ng mga sangkap ng
kahirapan.
Malnutrisyon
Isa pa sa mga suliraning kinakaharap ng bansa ay ang malnutrisyon na bunga
ng kawalan ng sapat na sustansya ng pagkain sa pang-araw-araw na pamumuhay at
ang mahirap na maipamahagi ang mga nararapat na pagkain sa buong populasyon.
Dagdag dito ay ang kawalan ng sapat na kaalaman ng tao sa kahalagahan ng
nutrisyon.
Ang pamahalaan ay patuloy na nagsasagawa ng mga inisyatibo upang
mapataas ang antas ng kaalaman ng tao sa tamang nutrisyon. Nagsasagawa rin ng
tinatawag na feeding program ang pamahalaan upang makatulong sa pagpapababa
ng kaso ng malnutrisyon.
Sinabi sa isang link (http://kalusugan.ph/malnutrisyon, n.d.) na lumalabas sa
pag-aaral ng ilang respetadong institusyon na ang antas ng kawalan ng trabaho sa
Pilipinas ay ang salik na nakaaapekto kung bakit ang sustansyang kailangan ng isang
pamilya sa kanilang kinakain ay hindi sapat. Ang mataas na presyo ng bilihin sa
merkado ay mga salik din na nakaaapekto sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Dagdag pa rito ay ang panganib na nakaamba sa mga biktima ng kalamidad na
maging biktima rin ng malnutrisyon.
Kagutuman at malnutrsiyon ang pinakababahalang banta sa kalusugang
pandaigdig, samantalang malnutrisyon naman ang may pinakamalaking ambag sa
kamatayan ng mga bata na makikita sa kalahati ng lahat ng mga kaso batay sa ulat
ng World Health Organization (The Starvelings, 2011)

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 25

Gawain #4 ukol sa Kahirapan at Rebolusyong Pangkalikasan

Pangalan: __________________________ Time/Schedule: _____________

Year/Course/: _______________________

Panuto: Komprehensibong sagutan ang sumusunod, magbigay ng paliwanag kung

kinakailangan
1. Paano makatutulong ang wikang Filipino sa mga isyung Pangkalikasan at
Kahirapan? Ipaliwanag ang iyong sagot.

______________________________________________________________

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 26

2. Dahil sa mahilig ng ambag ang mga tao ngayon, partikular na ngayong
panahon ng pandemya. Bilang isang millennial at kabataan, sa paanong
paraan ka makatutulong sa pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa kahirapan
at isyung pangkalikasan?

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 27

YUNIT 5
MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON
ni Dr. Mario H. Maranan

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 28

Lektyur o Lecture
Ang lektyur o lecture ay tumutukoy sa oral na presentasyon ng mga
impormasyon o karunungan na kailangan ng tao para sa isang partikular na paksa o
asignatura. Kasama rito ang pagbabahagi ng mga kritikal na impormasyon,
kasaysayan, mga teorya, at iba pa. karaniwan na nakatayo sa harap ng maraming tao
sa loob ng isang silid o isang tiyak na lugar upang magsagawa ng pagtalakay sa paksa
ng kaniyang lektyur.
Sa Bligh (1972) ay naniniwala na ang lektyur ay isang paraan ng pagtalakay na
ginagawa sa pamamagitan ng walang tigil na pagsasalita ng dalubguro. Higit na
naging detalyado ang depinisyon nina Percival at Ellington (1988) sa konseptong ito
na nagsabi na ito raw isang pamamaraan ng pagtuturo (didactic instructional method)
na kinasasangkutan ng linyar na komunikasyon mula sa aktibong tagapagsalita tungo
sa mga pasibong tagatanggap ng impormasyon.
Wala pang nahahanap na alternatibong pamamaraan sa metodong lektyur sa
mga kolehiyo, Pamantasan o unibersidad bagamat marami ang pumupuna sa
pamamaraang ito ng pagtuturo dahil na ron sa isa lamang ang daluyan nito (one way)
bilang proseso ng komunikasyon na kung saan ang pagkatuto ay matatamo sa isang
pasibong pamamaraan. Tumataliwas sa aktibong pamamaraan (active learning) ang
paggamit ng lektyur.

Pantas-aral o Seminar
Ito ay isang pormal na akademikong instruksyon na maaaring ibigay ng
unibersidad o Pamantasan, mga komersyal o propesyunal na organisasyon.
Tungkulin nito na lipunin ang isang maliit na pangkat para sa mahalagang pag-uusap
sa isang paksa na kung saan ang bawat participant ay inaasahang makilahok sa
anumang paraan. Ang magsasagawa ng pagtalakay ay karaniwang naghahanda
upang epektibong talakayin ang paksa na iniaatas o ibinigay sa kaniya.
Ang seminar na marahil ang pinakakaraniwang gawain inoorganisa ng isang
indibidwal na maaaring isakatuparan sa loob ng isa o kahit na kalahating araw lamang.
Upang matagumpa na maisakatuparan ang gawaing ito, mahalaga na maging
pamilyar sa sumusunod na sangkap:
(1) Layunin;
(2) Paksa;
(3) Tagapagsalita;
(4) Manunood o dadalo;
(5) Pahdarausan

Worksyap (Workshop)
Ang worksyap o workshop ay kinabibilangan ng mga elementong taglay ng
isang pantas-aral o seminar, bagamat ang malaking bahagi nito ay nakapukos sa
“hand-on-practice.” Ito ay idinisenyo upang aktwal na magabayan ng tagapagsalita o
Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 29
tagapangasiwa ang mga participant sa pagbuo ng isahang awtput na bahagi ng
pagtalakay.
Ang training workshop ay isang uri ng interaktibong pagsasanay na kung saan
ang mga participant ay sumasailalim sa mga gawaing huhubog sa kanilang kasanayan
sa hali na ang maging mga pasibong tagapakinig lamang. Ayon kay Jolles (2005) ang
training workshop ay mayroong dalawang anyo (1) general workshop – na kung saan
ang gawain ay ibinibigay sa magkakaibang participant, at (2) ang closed workshop na
kung saan ang training ay inihanda batay sa pangangailngan ng espisipikong pangkat
ng tao.
Kakanyahan ng Worksyap
Isa itong maiksing programang pang-akademiko na idinisenyo upang turuan
ang mga participant ng praktikal na ksanayan, pamamaraan o ideya na maaari nilang
gamitin sa kanilang trabaho o pang-araw-araw na pamumuhay. Taglay nito ang
sumusunod na kakanyahan:
(1) Binubuo ito ng maliit na bilang ng mga participant (karaniwan ay nasa 6
hanggnang 15) upang mabigyan ng personal na atensyon at pagkakataon na
sila ay mapakinggan ng tagapamahala o tagapagsalita.
(2) Ito ay nakadisenyo para sa mga taong pare-parehong interes o kaya ay nasa
parehong sangay ng pag-aaral.
(3) Inihanda ito para sa mga participant na aktwal na karanasan sa paksa ng
talakayan.
(4) Hindi limitado sa iisang tao ang pangangasiwa ng worksyap. Maaari siyang
magsama ng katulong na tagapangasiwa na makapagbibigay ng malaking
suporta sa kanya para sa ikapagtatagumoay ng worksyap. Ang pagkakaroon
ng katulong na tagapangasiwa ay nakabatay sa disenyo ng worksyap batay sa
paghahanda na isinagawa para rito.
(5) Kinasasangkutan ito ng mga aktibong partispant na maaaring
makaimpluwensya sa direksyon ng worksyap.
(6) Impormal ang pagtalakay sa worksyap na kinasasangkutan ng malayang
pagpapalitan ng impormasyon ng mga partisiant sa halip na dominasyon ng
ideya ng tagapagsalita o tagapangasiwa.
(7) Limitado sa ilang seksyon ang worksyap bagamat may ilan na nagpapasya na
isagawa ito sa maraming sesyon.
(8) Karaniwan itong nagtatapos sa presentasyon ng awtput na nabuo sa loob ng
sesyon ng worksyap.
Kahalagahan ng Worksyap
Ang gawaing ito ay maaarng makatulong nang malaki sa mga partisipant sa
sumusunod na pamamaraan:
(1) Makapagbigay ng intensibong karanasan sa edukasyong larangan sa loob ng
maikising panahon ang worksyap na hindi kayang ibigay kung walang sapat na
oras para sa talakayan.
(2) Isa itong magandang pagkakataon na masubukan ng partisipant na aktwal na
gamitin ang natutunang teorya nang walang dapat na ipangamba para sa

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 30

pagkakamali. Ang aktwal na presensya ng tagapangasiwa o tagapagsalita at
iba pang partisipant sa worksyap ay malaking salik upang mawala ang
pangamba na magkamali sa ginawang awtput sapagkat batidniya na may taong
gagaby sa kanya sa buong proseso ng pagbuo ng awtput. Ang pagbibigay ng
ng feedback o mungkahi buhat sa mga tagapangasiwa o tagapagsalita ay
makatutulong nang malaki sa mga partisipant upang maunawaan ang buong
proseso ng kanyang ginagawa at nang sa ganoon ay maiwasan ang
pagkakamali sa aktwal na buhay.
(3) Pagkakataon din ng partisipant na ibahagi sa ibang partisipant ang kanyang
mga ideya at metodo na sa kaniyang palagay ay napakahalaga
(4) Ang worksyap ay isa ring paraan upang matutunan ng partisipant ang
kahalagahan ng pagkakaisa ng pangkat upang makabuo ng isang awtput.

Simposyum (Sympusium)
Ang simposyum ay isang pormal na pagtitipon sa akademikong tagpuan na
kung saan ang mga partisipant ay mga paham o eksperto sa kani-kanilang larangan.
Tinatalakay ng mga eksperto o paham ang kanilang mga opinion o pananaw partikular
na paksa ng pagtalakay. Karaniwan na nagkakaroon ng pagtatalakayam matapos na
ang tagapagsalita ay makapagbahagi na ng kanyang saloobin sa pamamagitan ng
kanyang talumpati. Ang kakanyahan ng gawaing ito ay maipapakita sa serye ng
pagtalakay sa isang paksa na karaniwang ibinibigay ng eksperto o paham sa loob
lamang ng iisang araw.

Komperensya (Conference)
Ang komperensya ay tumutukoy sa isang pormal na pagpupulong na kung saan
ang mga kasali o partisipant ay binibigyan ng pagkakataon na makapagbigay ng kani-
kanilang pagtalakay sa iba’t ibang paksa. Ang komperensya ay maaaring ganapin sa
iba’t ibang larangan at hindi naman kailangan na palaging nakasentro sa larangan ng
akademya. Ang komperensya ay mayroong higit na malawak na delegado kung
ihahambing sa simposyum.
Ang pagpaplano sa pagkakaroon ng komperensya ay isang gawaing hindi
madaling isakatuparan kung isaalang-alang ang lawak ng sakop ng pagtatalakay sa
mga usaping nakapaloob dito, bagamat maaaring pagbatayn ang sumusunod na
mungkahing hakbang sa pagbuo nito:
(1) Pagpapasya sa tema;
(2) Magpasya sa mga maaaring makasama sa pangkat;
(3) Ihanda ang plano para sa budget at mga paggugulan nito;
(4) Paghahanap ng isponsor na makatutulong para sa mga gastusin ng gawain;
(5) Pagpapasya para sa araw at lugar na pagdarausan ng gawain;
(6) Pagpapasya para sa mangangasiwa ng pagkain;
(7) Pagpili ng tagapagsalita;
(8) Pagpapatala at promosyon

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 31

Bawat komperensya ay nangangailangan ng isang tema na magiging batayan
ng mga tagapagsalita sa kanilang gagawing pagtalakay. Dapat taglayin ng tema ang
sumusunod na katangian:
(a) Kaakit-akit;
(b) Nakauugnay ang lahat;
(c) Nakapupukaw ng damdamin;
(d) Nakapanghihikayat para sa isang talakayan.
Ang pagbuo ng isang komperensya ay hindi kakayaning isakatuparan ng isang
indibidwal lamang. Kailangan niya ng makatutulong mula sa pagbuo ng konsepto,
logistics, at aktwal na implementasyon ng plano. Kailangan niya ng mga taong may
pusp na maisasakatuparan ang mga espisikong gawain na nakalaan para sa kaniya.
Maaaring gumawa ng istruktura upang siya ang mamahala sa mahahalagang aspekto
ng komperensya:
(a) Komite sa pagpaplano
(b) Komite para sa administrasyon – ito ang nakaatang sa budget para sa gawain;
rehistrasyon; pagbebenta ng tiket; pagtanggap ng mga katanungang may
kaugnayan sa gawain.
(c) Komite para sa promosyon ng gawain
(d) Komite para sa mga mamamahala sa isponsor
(e) Komite para sa dokumentasyon
(f) Komite para sa ebalwasyon
(g) Komite para sa seguridad
Napakahalaga ng sistema ng pagbu-budget sa usapin ng pagbuo ng
komperensya sapagkat sa budget nakasalalay ang buong implementasyon ng
proyekto. Kung walang sapat na budget, mahihirapan ang komite na isakatuparan ang
plano.
Maaaring isaalang-alang ng mga namamahala ng komperensya ang
sumusunod sa paggawa ng budget para sa gawain:
(a) Lugar na pagdarausan;
(b) Akomodasyon para sa mga dadalo at mga tagapagsalita;
(c) Transportasyon;
(d) Bayad para sa tagapagsalita;
(e) Promosyon;
(f) Bayad para sa mga namahala.
Maaari ring makatulong sa ikapagtatagumpay ng komperensya ang kakayahan
ng pangkat na kumuha ng sponsor para sa nakalaang gawain. Kung ang mga gastusin
ng gawaing ito ay iaasa lamang sa bayad ng partisipant, malaki ang posibilidad na
hindi ito maging sapat dahil sa laki ng pangangailangan sa gawaing ito.
Ang pagpapasya sa araw at lugar na pagdarausan ng komperensya ay mga
esesnyal din na bagay sa larangan ng pagbuo ng gawaing ito.
Ang pinakakritikal na aspekto ng komperensya ay ang pagpili ng mga
tagapagsalita sapagkat ito ay nagiging pamantayan ng mga partisipant sa kanilang

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 32

desisyon ng pakikilahok sa gawain. Hanggat maaari pumili ng pinakamahusay na
tagapagsalita sa larangan na may kaugnayan sa paksa.

Round Table Discussion (Pabilog na Talakayan)

Ang bilog na hapag ay naglalarawan ng pagkakapantay-pantay ng mga
partisipant sa gawaing ito. bawat isa sa kanila ay may kani-kanilang karapatan na
mapakinggan at maging bahagi ng pagtalakay bagamat mayroong isang pangunahing
tagapagsalita (key-note speaker). Malaking bahagi ng gawaing ito ang talakayan o
diskusyon.

Komunikasyon sa Isang Maliit na Pangkat (Small-group Communication)

Ayon kay Tubbs (2012) sa aklat ni Tubbs (2013), ang komunikasyong ito ay
kinasasangkutan ng tatlo o higit pang kasapi na ang layunin ay impluwensyahan ang
iba gamit ang berbal at di-berbal na komunikasyon. Sinasabi na ang antas ng
komunikasyon ng mga kasangkot dito ay higit na mababa kumoara sa interpersonal
na komunikasyon. Ang pangkatang gawain sa loob ng klase ay isang halimbawa ng
isang maliit na pangkat.

Komunikasyon Gamit ang Teknolohiya

Kasabay ng pagbabago o pag-unlad ng mundo ay ang pagbabago sa metodo
o pamamaraan ng pakikipag-usap. Naging higit na madali sa ngayon ang proseso ng
paghahatid ng mensahe at pagtanggap ng mensahe gamit ang telepono, e-mail, text
messaging at iba pa.

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 33

Gawain #5 ukol sa Mga Gawaing Pangkomunikasyon
(Halaw ang ilang katanungan sa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino ni
Dr. Mario H. Maranan)
Pangalan: __________________________ Time/Schedule: _____________
Year/Course/: _______________________
I. Panuto: Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang tabi ng bawat bilang.
______ 1. Ang ________ ay isang pormal na pagtitipon sa akademikong tagpuan na
kung saan ang mga partisipant ay mga paham o eksperto sa kani-kanilang larangan.
a. lecture
b. panayam
c. simposyum
d. talakayan
______ 2. Inilalarawan ng gawaing pangkomunikasyon na ito ang pagkakapantay-
pantay ng mga partisipant.
a. colloquim
b. lecture
c. round table discussion
d. seminar
______ 3. Layunin ng gawaing pangkomunikasyon na ito na aktwal na maranasan ng
partisipant ang pagbuo ng kaniyang inaasahang awtput batay sa tinatalakay na teorya
ng tagapangasiwa o tagapagsalita.
a. conference
b. panayam
c. seminar
d. workshop
______ 4. Dito nakasalalay ang mga pagpapasya sa maraming bagay katulad ng
pagpili sa tagapagsalita, lugar na pagdarausan, programa at imbitasyon.
Kinakailangan din itong napananahon at maaaring magbigay ng malalim na
kontribusyon sa espisipikong larangan.
Anong sangkap ng pantas-aral o seminar ang binibigyang kahulugan sa taas?

a. layunin
b. manunood o dadalo
c. paksa
d. pagdarausan

______ 5. Ang gawaing ito ng komunikasyon ay ginamit nang inihalal si Pope Francis
bilang Santo Papa.
a. bangkete
b. conclave
c. papuri
d. workshop

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 34

II. Essay

Panuto: Komprehensibong sagutan ang sumusunod, magbigay ng paliwanag kung

kinakailangan.

1. Sa mga naitalakay na mga gawaing pangkomunikasyon, alin sa mga ito ang

mainam na gamitin kung magsasagawa ng isa para sa iyong kurso?
Komprehensibong ipaliwanag ang iyong sagot.

_________________________________________________________________

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 35

2. Sa pagbabago ng mundo, sumasabay na rin ang paraan ng komunikasyon. Bilang
isang millennial, ano-ano ang maibibigay mong payo sa iyong kapwa kabataan o
sa tamang paggamit ng mga kagamitang ito? (Halimbawa: cellphone at social
media).
Magbigay paliwanag sa bawat payo na iyong ibibigay.

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 36

SANGGUNIAN

Almario, V. S. (2014). Madalas itanong hinggil sa wikang pambansa. Komisyon sa

Wikang Filipino.

Bernales, R. A. et, al., (2009). Akademinkong Filipino sa Kompetitibng Pilipino. Mutya

Publishing House, Inc.

Bernales, R. A. et. al., (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultutang

Pilipino. Mutya Publishing House, Inc.

Bernales, R., et. al (2018). Malayuning Komunikasyon sa Lokal at Global na

Konteksto. Mutya Publishing House, Inc.

Maranan, Mario H. (2018). Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino.

MINDSHAPERS CO., INC.

San Juan, D.M, Acerit, M., Manalang, V. F., Caja, C. A., Medina, B. O., Panganiban,

P. C., Conti, T. o., Del Mundo, S. J., & Unciano, M. J., (2018). Piglas-diwa

kontekstuwalisadong komunikasyon sa Filipino (Teksbuk sa bagong

asignaturang Filipino sa kolehiyo). Mutya Publishing House, Inc.

Ito ay para lamang sa mga mag-aaral ng CatSU 37

You might also like