You are on page 1of 9

1

SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO SA


ARALING PANLIPUNAN 10
Kwarter 4 Linggo 7&8 Aralin 7&8
Pangalan ng Mag-aaral:

Baitang at Pangkat:

Petsa:

I. PANIMULANG KONSEPTO
Mabuting Pamamahala o Good Governance

Natutunan mo sa mga nakaraang aralin ang tungkol sa pagkamamamayan at ang mga


tungkulin at pribilehiyong kalakip sa pagiging isang mamayang Pilipino. Ilan dito ay
pakikilahok political katulad ng pagsali sa civil society, pagboto at participatory governance.
Mapapansin na malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan tungo sa
pagkamit ng isang sistematiko at epektibong pamahalaan.
Sa araling ito, bibigyang-diin ang pagtalakay sa good governance at ang ambag ng
lahat ng sektor ng lipunan lalo na ang mga mamamayan sa pagkamit nito.
Ang governance o pamamahala ayon kay Gerardo Bulatao, pinuno ng Local
Governance Citizens and Network, ay interaksiyon ng mga ahensya at opisyal ng
pamahalaan sa corporate sector, civil society organizations (CSO’s) at mga partido politikal
(ANGOC,2006).
Kung gayon, ano naman ang good governance o mabuting pamamahala?
● Para sa World Bank, isang pandaigdigang institusyong pinansiyal na nagpapautang sa
mga papaunlad na bansa o developing countries, ang good governance ay isang paraan
ng pagsasakatuparan ng kapangyarihang mangasiwasa “economic and social resources”
ng bansa para sa kaunlaran nito. (1992 Report on “Governance and Development”).
● Ayonsa IDA o International Development Association, isang kasapi ng World Bank
Group, ang indikasyon sa pagtataya ng good governance ay pananagutang pinansiyal
(financial accountability), transparency sa pagpapasya pagdating sa budget, regulatory at
procurement process, “rule of law”, at partisipasyon ng civil society sa mga pinaplano at
isasagawang estratehiyang pang kaunlaran.
● Ayon sa OCHR o Office of the High Commissioner for Human Rights (2014), ang good
governance ay tumutukoy sa proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay
naghahatid ng kapakanang pampubliko, nangangasiwa sa pag-aaring yaman ng publiko,
at tinitiyak na mapangalagaan ang mga karapatang pantao, maging Malaya sa
pang-aabuso at korapsyon, at may pagpapahalaga sa rule of law.
● Ang mabuting pamamahala ay may walong pangunahing katangian. Ito ay participatory,
consensus oriented, may pananagutan, transparent, tumutugon, mabisa at mahusay,
pantay at inklusibo at sumusunod sa tuntunin ng batas.Tinitiyak na mababawasan ang
katiwalian, ang ang mga pananaw ng minorya ay isinasaalang-alang at ang mga tinig ng
mga pinaka-mahina ay pinakikinggan at isinasaalang-alang ng lipunan sa paggawa ng
desisyon.
2
Katangian, Indikasyon at Manipestasyon ng Mabuting Pamamahala

Paano malalaman kung ang isang bansa ay may mabuting pamamahala?Ang sukatan ng
good governance ay ang mga sumusunod:
● Participation o pakikilahok ng kapwa lalaki at babae ay ang pangunahing pundasyon ng
mabuting pamamahala.Ito ay maaaring direkta o sa pamamagitan ng mga lehitimong
institusyon o mga kinatawan.
● Rule of Law- nararapat na maipatupad ang mga batas at igalang ang mga karapatang
pantao ng patas at walang kinikilingan.
● Equity o pagbibigay ng pantay na pagkakataon sa bawat mamamayan na mapaunlad o
mapanatili ang kanilang kagalingan.
● Consensus Orientation o pagpapahalaga sa pag-iral ng pangkalahatang kabutihan sa
kabila ng pagkakaiba-iba ng mga interes ng bawat isa sa lipunan.
● Strategic vision o pakikiisa ng mga opisyal ng pamahalaan at ng mga mamamayan sa
pagtukoy ng malawak at pangmatagalang pananaw para sa kabutihan ng lipunan at
pag-unlad ng tao.
● Partnership o pakikipagtulungan ng lahat, mapapubliko man o pribado sa pagkamit ng
epektibong pamamahala.
● Accountability o pananagutan ay isang pangunahing pangangailangan ng mabuting
pamamahala. Hindi lang ang mga institusyon sa gobyerno kundi pati na rin ang
pribadong sector at ang mga organisasyon ng lipunang sibil (civil society organizations)
ang may pananagutan sa publiko. Mahalagang tandaan na ang pananagutan ay hindi
maipapatupad nang walang transparency at panuntunan ng batas o rule of law.
● Transparency o katapatan ay nangangahulugan na ang mga ginawang desisyon at ang
kanilang pagpapatupad ay ginagawa sa paraan na sumusunod sa mga tuntunin at
regulasyon.
● Responsiveness o pagsusumikap na mapagsilbihan ang mga mamamayan sa loob ng
makatwirang panahon gamit ang mga institusyon at prosesong sistematiko.

3
● Effectiveness and Efficiency ay nangangahulugang ang mga proseso at ang mga
institusyon ay gumagawa ng mga resulta na nakakatugon sa pangangailangan ng
lipunan habang ginagawa ang pinakamahusay na paggamit ng mga pinagkukunan..
● Empowering o pagbibigay ng kapangyarihan at kalayaan sa mga mamamayan upang
makibahagi sa mga usaping may kinalaman ang lahat. Binibigyang boses at
pagkakataon na sila ay mapakinggan at maunawaan ang kanilang bahagi sa mga isyung
nakakaapekto sa kanilang buhay.
● Resource Prudence o pagiging maingat sa pinagkukunan o resources. Ang pagiging
maingat ay isang napakahalagang bahagi ng mabuting pamamahala lalo na sa paggawa
ng desiyon tungkol sa pinagkukunan o resources.
● Ecological Soundness o paghikayat sa lahat ng tao na paunlarin ang kanilang buong
potensyal na may paggalang at pagsasaalang-alang sa kapaligiran at mga prosesong
may kinalaman sa kalikasan upang masiguro ang pangmatagalang kaunlaran para sa
lahat.
● Legitimacy ay pagiging lehitimo o popular na pagtanggap sa isang gobyerno, o sistema
ng pamamahala. Sa pagkamit ng mabuting pamamahala, kinakailangan ang
malawakang pagtanggap ng karamihan bilang batayan ng pamamahala sa pagkat
boluntaryo o kusa ang pagsuporta at pakikibahagi ng lahat sa pamahalaan.

Kahalagahan ng Papel ng MamamayansaPagkamit ng MabutingPamamahala

Ang mabuting pamamahala o ang pagsusumikap ng bawat bansa o lipunan tungo sa


layuning sa ideyal na ito ay naging batayan ng kaunlaran sa buongmundo. Ito ay seryoso at
komprehensibong pagtutulungan at ugnayan ng iba’t ibang sektor ng lipunan, pamahalaan
at higit sa lahat ng mga mamamayan.
Paano naisusulong ang mabuting pamamahala sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan
ng mamamayan?

4
Ayon saThe Governance Brief (ADB,2015), “Civil society role is evolving from being a
watchdog to constructively engaging with the executive branch and the accountability
institutions to complement their roles and actions.”Mapapansin ang pagbabago at paglawak
ng konteksto ng papel ng mga mamamayan habang lumilipas ang panahon. Dahil dito
patuloy na nagkakaroon ng pananagutan at katapatan ang bawat isa tungo sa mabuting
pamamahala.
Dapat na maging malinaw sa lahat na ang mabuting pamamahala ay isang ideyal o
perpektong estado. Ito ay mahirap gawin at lalong mahirap na makamit kaya naman
napaka kakaunti ang mga bansa at lipunan na malapit ng makamit ang good governance sa
kabuuan nito. Gayunpaman, upang matiyak na napapanatili ang pag-unlad ng tao,
nararapat lamang na pagsumikapan ang pagkilos tungo sa pagkamit ng mabuting
pamamahala at ng layunin nito.Mahalagang maunawaan na malaki ang bahaging
ginagampanan ng pamahalaan, pampubliko at pribadong sektor at higit sa lahat, ng mga
mamamayan sa pagkamit ng inaasam na mabuting pamamahala.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELC

Napahahalagahanan ang papel ng mamamayan sa pagkakaron ng isang mabuting


pamahalaan(MELC)

Mga Tiyak na Layunin

1. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng good governance o mabuting pamamahala.


2. Naipahahayag ang kahalagahan ng papel ng mamamayan sa pagkamit ng mabuting
pamahalaan.

III. MGA GAWAIN


Gawain1. Uumpisahan Ko, Tatapusin Ko!
Panuto:Ibigay ang kahulugan ng good governance o mabuting pamamahala ayon sa a
pat na sources. Isulat ang sagot saiyong sagutang papel.

5
Gawain 2. A. Matalinong Pagpili
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat ito saiyong sagutang papel.

1. Ang impormasyon ay malayang makukuha at direktang naa-access sa mga magiging


apektado ng naturang mga desisyon at kanilang pagpapatupad.
2. Pakikilahok ng kapwa lalaki at babae ng tuwiran o sa pamamagitang ng ibang
institusyon.
3. Paghikayat sa lahat ng tao na paunlarin ang kanilang buong potensyal na may
paggalang at pagsasaalang-alang sa kapaligiran at mga prosesong may kinalaman s
akalikasan upang masiguro ang pangmatagalang kaunlaran para sa lahat.
4. Pagsusumikap na mapagsilbihan ang mga mamamayan sa loob ng makatwirang
panahon gamit ang mga institusyon at prosesong sistematiko.
5. Malawakang pagtanggap ng karamihan bilang batayan ng pamamahala ng gobyerno.
6. Pagpapatupad ng mga batas at paggalang sa mga karapatang pantao ng patas at
walang kinikilingan.
7. Pagbibigay ng pantay na pagkakataon sa bawat mamamayan na mapaunlad o
mapanatili ang kanilang kagalingan.
8. Binibigyang boses at pagkakataon ang mga mamamayan na sila ay mapakinggan at
maunawaan ang kanilang bahagi sa mga isyung nakakaapekto sa kanilang buhay.
9. Nangangahulugangang mga proseso at ang mga institusyon ay gumagawa ng mga
resulta na nakakatugon sa pangangailangan ng lipunan habang ginagawa ang
pinakamahusay na paggamit ng mga pinagkukunan.
10. Pagpapahalaga sa pag-iral ng pangkalahatang kabutihan sa kabila ng pagkakaiba-iba
ng mga interes ng bawat isa sa lipunan.

6
Gawain 2. B. DaanTungo sa Mabuting Pamamahala
Panuto: Pumili ng apat na katangian o manipestasyon ng good governance. Ipaliwanag sa
isang maikling sanaysay kung bakit ang mga ito ang napili mo tungo sa mabuting
pamamahala. Ang unang bilang ay ginawang halimbawa para sayo.

Gawain3.Photo Collage ng Mabuting Pamamahala


Panuto: Gumawa ng photo collage na nagpapakita ng kahalagahan ng papel ng mga
mamamayan sa pagkamit ng mabuting pamamahala. Gawin ito sa long bond paper.

IV. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS

Gawain 2. B. DaanTungo sa Mabuting Pamamahala


Pamantayan Pahayag Puntos
Nilalaman Nagpapahayag ng kawastuhan at malalim na pagkaunawa sa paksa 5
sa pamamagitan ng malinaw na pagpapaliwanag sa napiling
katangian ng mabuting pamamahala.
Teknikalidad Gumamit ng tamang bantas, pananda, mga salita at kaayusan ng 5
pangungusap.
KABUUANG PUNTOS 10

7
Gawain 3. Photo Collage ng Mabuting Pamamahala
Pamantayan Pahayag Puntos
Nilalaman Nagpapakita ng kawastuhan at malalim na pagkaunawa sa Gawain 10
sa pamamagitan ng pagiging malikhain at matalino sa pagpili at
disenyo ng mga larawan nakabilang sa photo collage.
Teknikalidad Gumamit ng wasto at akmang mga larawan sa pagbuo ng photo 10
collage
KABUUANG PUNTOS 20

V. SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1. Uumpisahan Ko, Tatapusin Ko (magkakaiba-iba ang sagot)

Gawain 2. A. Matalinong Pagpili

1. Transparency 6. Rule of Law


2. Participation 7. Equity
3. Ecological Soundness 8. Empowering
4. Responsiveness 9. Effectiveness and Efficiency
5. Legitimacy 10. Consensus Orientation

Gawain2. B. Daan Tungo sa Mabuting Pamamahala(magkakaiba-iba ang sagot)

Gawain 3. Photo Collage ng Mabuting Pamamahala(magkakaiba-iba ang sagot)

VI. SANGGUNIAN
Mga Aklat/ Mula sa Internet
https://bit.ly/3qWwcqI
https://www.unescap.org/sites/default/files/good-governance.pdf
Batayangaklat ng KontemporaneongIsyu
https://www.adb.org/sites/default/files/publication/172999/governance-brief-23-engaging-citizens-and-civil
-society.pdf

Mga Larawan:
https://www.canva.com/design/DAEuj5TBLRA/oatwo3tq6Tqd8S_gXYKfUw/edit#

Learning Activity Sheet (LAS)


Development Team

Writer : Janice L. Acojedo TII- Polangui GCHS


Content Editors : Imelda C. Capa MT-2, TiwiAgro Industrial High School
Nilo L. Mayor MT-1, Anislag NHS
Vivian N. Pangan MT-1, Malabog NHS
Language Editors : Nick P. Azaña P-1, Villahermosa NHS
Alejo San M. Rontas P-1, Jovellar National High School
Roy L. Nipas P-1, Camalig National High School
Lay- out Artists : Lymuel C. Sanchez T-III, TiwiAgro Industrial School
Eume Rey N. Naz T-III, Bariw National High School

8
Education Program Supervisor: Myrna Lynne G. Bueno SDO Albay
Qtr.4. LAS7&8, Grade 10

You might also like