You are on page 1of 6

Lecture #4_G10

Ikaapat na Markahan – Modyul 4:


Mabuting Pamamahala

Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting


Pamamahala

Dalawang (2) Mahahalagang Pag-aaral tungkol sa Estado ng Demokrasya sa Bansa


1. Democracy Index-binubuo ng Economist Intelligence Unit. Pinag-aaralan nito ang
kalagayan ng demokrasya sa buong mundo. Limang kategorya ang pinagbabatayan ng
index na ito:
a. electoral process
b. civil liberties
c. functioning of government
d. political participation
e. political culture
Estado ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay panglimampu’t apat sa buong mundo batay sa 2019 Democracy


Index. Itinuturing na isang flawed democracy ang umiiral sa Pilipinas kahit na tayo ay
isang demokratikong bansa. Ibig sabihin, may mga aspekto ng demokrasya ang
nakararanas ng suliranin tulad ng pamamahala at mahinang politikal na pakikilahok ng
mamamayan sa kabila ng pagkakaroon natin ng malayang halalan at pagrespeto sa
karapatan ng mga mamamayan nito.

2. Corruption Perceptions Index-naglalaman ng pananaw ng mga eksperto tungkol sa lawak


ng katiwalian sa isang bansa. Ang isang bansa ay maaaring makakuha ng marka na 0
(pinakatiwali) hanggang 100 (pinakamalinis na pamahalaan). Sa kanilang ulat noong
2019, ang mga bansang Denmark at New Zealand ang may pinakamataas na markang
nakuha na 87/100, na sinusundan ng Finland (86), Singapore (85), Sweden (85) at

1
Switzerland (85). Ang bansang Somalia naman ang nakakuha ng pinakamababang marka
na 9/100.

Estado ng Pilipinas

Isa sa mga pinakamalaking hamon na kinakaharap ng mga Pilipino sa kasalukuyan


ay ang katiwalian. Batay ito sa pag-aaral na isinagawa ng Transparency International,
isang pangkat na lumalaban sa katiwalian. Ang korapsiyon o katiwalian ay tumutukoy sa
paggamit ng posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes.

Noong 2019, nakakuha ang Pilipinas ng markang 34/ 100 at nasa ika113 puwesto sa
buong mundo. Karamihan ng mga bansa sa Asya-Pasipiko ay nasa pinakamababang
ranggo. Makikita sa listahan na karamihan ng mga bansa sa rehiyon ay nakakuha
lamang ng average na markang 45 mula sa pinakamataas na marka na 100.

Ayon sa pagsusuri ng Transparency International sa datos na ito, ang sumusunod ang


maituturing na dahilan ng mababang markang ito sa AsyaPasipiko:
a. hindi pagiging accountable ng pamahalaan;
b. kawalan ng sistema ng pagtingin sa gawain ng pamahalaan; at
c. lumiliit na espasyo para sa civil society.

Ang Global Corruption Barometer naman ng Transparency International ay ang nag-


iisang pandaigdigang survey na nagtatanong sa opinyon ng mga tao tungkol sa katiwalian
sa kanilang bansa. Ayon sa kanilang ulat noong 2013:
• 19% ng mga respondent ang nagsabing lumala nang husto ang katiwalian sa
Pilipinas;
• 12% ang nagsasabing lumawak nang kaunti ang katiwalian;
• 31% ang nagsabi na walang pinagbago sa katayuan ng katiwalian sa bansa;
• 35% ang nagsabing nabawasan nang kaunti; at
• 2% ang nagsabing malaki ang ibinaba ng katiwalian.
2
Sa kabila ng mga resultang ito, alam ng mga respondent na malaki ang kanilang
papel na gagampanan para labanan ang katiwalian.

Hindi natin maipagkakailang malaki ang problema ng ating bansa kung demokrasya
ang pag-uusapan. Kaya naman mahalagang kumilos ang mamamayan para tugunan ang
mga isyu at suliraning ito. Nararapat na hingin ng mamamayan sa pamahalaan ang
pagbabagong ating hinahangad.

Participatory Governance

Ang participatory governance ay isang mahalagang paraan ng mamamayan para


maisakatuparan ang ating iginigiit na pagbabago sa pamahalaan. Ito ay isang uri ng
pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng
pamahalaan sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan.
Binibigyan ng pagkakataon dito na aktibong makipag-ugnayan ang mga mamamayan sa
pamahalaan upang bumuo ng karampatang solusyon sa mga hamon ng lipunan.

Kung ang kapangyarihan ng isang Estado ay tunay na nagmumula sa mga mamamayan,


mahalagang makisangkot ang mga mamamayan sa pamamahala dahil mas magiging
matagumpay ang isang proyekto kung malaki ang partisipasyon dito ng mamamayan (Koryakov
& Sisk, 2003). Ang participatory governance ay magdudulot ng pagbuo ng social capital o ang
pagbuo ng tiwala sa pagitan ng pamahalaan, civil society at mga mamamayan na isang
mahalagang elemento sa isang demokrasya at mabuting pamamahala.

Mga Halimbawa ng Participatory Governance

• Pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan. Maaari itong isagawa sa


pamamagitan ng pagdalo sa mga public hearing at pagsasagawa ng mga survey.

• Pagsama sa mga mamamayan sa mga consultation tungkol sa mga isyung mahalaga para
sa bayan. Dito ay hinihingi ng pamahalaan ang opinyon ng mamamayan sa
napapanahong mga isyu at sa mga programang ipatutupad nito.

Ayon sa ilang eksperto, mas magiging aktibo ang paraan ng pakikilahok ng mga
mamamayan kung sila ay kasama mismo sa pagbuo ng mga programa at paggawa ng mga
desisyon ng pamahalaan. Sa paraang ito, hindi lamang hinihingi ng pamahalaan ang opinyon ng
mamamayan kundi ay magkatuwang nilang ginagawa ang mga programa nito.

Mabuting Pamamahala o Good Governance


Ang lahat ng paraan ng politikal na pakikilahok tulad ng eleksiyon, paglahok sa civil society,
at pagkakaroon ng participatory governance ay naglalayong magkaroon ng isang mabuting
pamamahala o good governance.

Ano ba ang governance o pamamahala? Ayon kay Gerardo Bulatao, ang pinuno ng Local
Governance Citizens and Network, ang governance ay interaksiyon ng mga ahensiya at opisyal ng
3
pamahalaan sa corporate sector, civil society organizations at mga partido politikal (ANGOC,
2006). Ang mahusay na interaksiyong ito ay makapagdudulot ng paggawa ng mga polisiya,
pagtukoy ng mga nararapat na prayoridad, paglaan ng yaman, pagpili ng mga opisyal, at
pagsasakatuparan ng mga hakbang. Bagama’t maraming bansa sa daigdig ang naghahangad na
mangibabaw ang good governance sa kani-kanilang pamahalaan, hindi maikakaila na
masalimuot ang konsepto ng good governance dahil sa iba’t ibang pakahulugan at
manipestasyon nito sa isang bansa.

1. Para sa World Bank, isang pandaigdigang institusyong pinansiyal na nagpapautang sa


mga papaunlad na bansa o developing countries, ang good governance ay isang paraan ng
pagsasakatuparan ng kapangyarihang mangasiwa sa economic at social sources ng bansa
para sa kaunlaran nito (1992 Report on Governance and Development). Ang interes ng
World Bank tungkol sa governance ay ang paghahangad nito na magkaroon ng
sustainability o pagpapanatili ng mga proyektong pinansiyal na tinustusan ng World
Bank. Nagtakda ang World Bank ng anim na dimensyon ng good governance:
a. voice and accountability
b. government effectiveness
c. lack of regulatory burden
d. rule of law
e. independence of the judiciary
f. control of corruption

2. Para naman sa International Development Association (IDA), ang good governance ang isa
sa mga salik na nakaaapekto sa mabuting paggamit ng yaman o resources upang
mabawasan ang bahagdan ng kahirapan sa isang bansa. Ang mga indikasiyon sa
pagtataya ng good governance ay:
a. pananagutang pinansiyal;
b. transparency sa pagpapasya pagdating sa budget, regulatory at procurement
processes;
c. rule of law; at
d. partisipasyon ng civil society sa mga pinaplano at isasagawang estratehiyang
pangkaunlaran.

3. Binigyan din ng pakahulugan ng Office of the High Commissioner for Human Rights
(OHCHR) ang good governance. Tumutukoy ito sa proseso kung saan ang mga
pampublikong institusyon ay naghahatid ng kapakanang pampubliko, nangangasiwa sa
pag-aaring yaman ng publiko, at tinitiyak na mapangalagaan ang mga karapatang
pantao, maging malaya sa pang-aabuso at korapsiyon, at may pagpapahalaga sa rule of
law. Ang tunay na manipestasyon ng pagkakaroon ng good governance ay ang antas ng
pagpapaabot ng mga pangako ng mga karapatang pantao sa lahat ng aspekto:
sibil, kultural, ekonomiko, politikal, at sosyal.

Walong Katangian ng Mabuting Pamamahala ayon sa United Nations Development


Programme (UNDP)
Ang mabuting pamamahala ay nakikilahok (participatory), nakatuon sa pagkakasundo
(consensus oriented), may pananagutan (accountable), transparent, tumutugon (responsive),
mabisa (effective and efficient), pantay-pantay at nakapaloob (equitable and inclusive) at
sumusunod sa pananaig ng batas (rule of law). Sa pamamagitan nito, nasisigurong
nababawasan ang katiwalian, nabibigyang- pansin ang pananaw ng minorya at naririnig ang
boses ng mga nasa laylayan ng lipunan sa pagbuo ng mga mahahalagang desisyon.

4
1. Pakikilahok (participation). Ang pakikilahok ng mga lalaki at babae ay isang mahalagang
pundasyon ng mabuting pamamahala. Lahat ay dapat magkaroon ng pagkakataong
mapakinggan sa pagbuo ng desisyon.

2. Pananaig ng batas (rule of law). Ang pagpapatupad ng mga batas ay nararapat lamang na
pantay-pantay, walang mayaman at walang mahirap, lalo’t higit ang mga batas ukol sa
karapatang pantao.

3. Transparency. Ang transparency ay


nakaugat sa malayang
pagdaloy ng mga impormasyon. Ang mga
proseso o hakbangin, institusyon at
impormasyon ay nararapat lamang bukas
sa kung sinuman ang nais
tumingin dito, at naglalaman nang sapat na
impormasyon upang maunawaan ang mga
nilalaman nito.

4. Pagtugon (responsiveness). Ang mga


institusyon at mga proseso ay dapat na nakatutugon sa mga pangangailangan ng tao sa
loob ng isang takdang panahon.

5. Nakatuon sa pagkakasundo (consensus oriented). Ang mabuting pamamahala ay


namamagitan sa magkakaibang mga interes upang makabuo ng isang desisyong
makabubuti sa interes ng lahat ng grupo at, kung maaari, sa mga polisi-ya at hakbangin.

6. Katarungan at napapabilang (equity and inclusiveness). Lahat ng lalaki at babae ay dapat


mabigyan ng pagkakataon na mapanatili o mapagbuti ang kanilang kagalingan.

7. Mabisa (effectiveness and efficiency). Ang mga hakbangin o proseso at institusyon ay


nakabubuo ng resultang makatutugon sa mga pangangailangan ng tao gamit lamang ang
matalinong paggamit sa limitadong yaman ng lipunan.

8. Pananagutan (aacountability). Ang lahat ng gumagawa ng desisyon ay may pananagutan


sa publiko.

Mga Katangian ng Good Governance


1. Kapanagutang Politikal. May pananagutan ang mga opisyal ng pamahalaan at maging
ang pribadong sekor at mga organisasyon ng civil society sa mamamayan pagdating sa
mga pagpapasyang nakaaapekto sa pangkalahatang interes ng isang pamayanan at ng
bansa sa kabuuan. Binibigyang-linaw ng kapanagutang taglay na kapangyarihan at
katungkulan ng mga pinuno upang gampanan ang responsibilidad na nakaatang sa
kanila. Sa pagkakataong ito, madaling matukoy kung sino ang responsable at may
pananagutan sa komunidad.

2. Katapatan. Ito ay tumutukoy sa malayang daloy ng impormasyon sa lahat ng


transaksiyon, proseso, desisyon, at ulat ng pamahalaan. Sa pagkakaroon ng
transparency, binibigyan ng pagkakataon ang mamamayan na magkaroon ng kamalayan
sa nagaganap sa pamahalaan at makalahok sa mga gawain nito.
5
Binigyang-diin ang kapanagutan at katapatan ng mga pampublikong opisyal ng
pamahalaan sa Artikulo XI ng Saligang Batas ng 1987 na pinamagatang Kapanagutan ng mga
Pinunong Pambayan.
Seksyon 1. Ang pagtitiwala ng bayan ay angkin ng katungkulang pambayan. Ang mga
pinuno at mga kawaning pambayan ay kinakailangang mamalaging nananagutan sa mga taong
bayan, maglingkod sa kanila na taglay ang pinakamataas na pakundangan, dangal, katapatan,
at kahusayan, manungkulan na taglay ang pagka-makabayan at katarungan at mamuhay nang
may pagpapakumbaba.

Hindi magiging posible ang


pagkakaroon ng isang mabuting
pamamahala kung walang
kapanagutan at katapatan sa panig
ng pamahalaan at
mamamayang laging mulat sa
mga gawain ng pamahalaan. Kaya
naman mahalagang
magsagawa ang mamamayan
ng iba’t- ibang paraan ng politikal
na pakikilahok gaya ng pagboto,
pagsali sa civil society, at
pakikilahok sa participatory
governance.
Kung ang mamamayan ay laging naggigiit sa mga opisyal ng pamahalaan na magkaroon ng
kapanagutan sa kanilang tungkulin at maging bukas sa pagpapatupad ng mga ito, malaki ang
posibilidad na mabawasan kung hindi man tuluyang mawala ang mga suliranin ng pamahalaan
tulad ng katiwalian.

You might also like