You are on page 1of 3

PARTICIPATORY GOVERNANCE

Ang participatory governance ay isang anyo ng civic participation kung saan


ang mga mamamayan ay katuwang ng pamahalaan upang bumalangkas at
magpatupad ng mga solusyon sa kanilang mga problema, na nagpapahintulot sa
kanila na bumuo ng mga karampatang solusyon sa mga hamon ng lipunan.

Kung ang kapangyarihan ng isang Estado ay tunay na nagmumula sa mga


mamamayan, mahalagang makisangkot ang mga mamamayan sa pamamahala
dahil mas magiging matagumpay ang isang proyekto kung malaki ang
partisipasyon dito ng mamamayan (Koryakov & Sisk, 2003). Participatory
governance ay magdudulot ng pagbuo ng social capital o tiwala sa pamahalaan,
civil society at mamamayan na isang mahalagang elemento sa demokrasya at
mabuting pamamahala.

Mga Halimbawa ng Participatory Governance


• Pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan. Maaari itong
isagawa sa pamamagitan ng pagdalo sa mga public hearing at pagsasagawa
ng mga survey.

• Pagsama sa mga mamamayan sa mga consultation tungkol sa mga isyung


mahalaga para sa bayan. Dito ay hinihingi ng pamahalaan ang opinyon ng
mamamayan sa napapanahong mga isyu at sa mga programang ipatutupad
nito.
Mga Halimbawa ng Participatory Governance
• Pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan. Maaari itong
isagawa sa pamamagitan ng pagdalo sa mga public hearing at pagsasagawa ng
mga survey.
• Pagsama sa mga mamamayan sa mga consultation tungkol sa mga isyung
mahalaga para sa bayan. Dito ay hinihingi ng pamahalaan ang opinyon ng
mamamayan sa napapanahong mga isyu at sa mga programang ipatutupad nito.

Mabuting Pamamahala o Good Governance


Ano ba ang governance o pamamahala? Ayon kay Gerardo Bulatao, ang pinuno
ng Local Governance Citizens and Network, ang governance ay interaksiyon ng mga
ahensiya at opisyal ng pamahalaan sa corporate sector, civil society organizations at
mga partido politikal (ANGOC, 2006).
Ano ba ang governance o pamamahala? Ayon kay Gerardo Bulatao, ang pinuno
ng Local Governance Citizens and Network, ang governance ay interaksiyon ng
mga ahensiya at opisyal ng pamahalaan sa corporate sector, civil society
organizations at mga partido politikal (ANGOC, 2006).

1. Ang World Bank ay isang internasyonal na institusyong pampinansyal na


nagpapahiram ng pera sa mga umuunlad na bansa, at ang interes nito sa
pamamahala ay upang matiyak ang pagpapanatili ng mga proyektong
pinansyal na tinustusan ng Bangko. Ang mabuting pamamahala ay
mahalaga para sa pamamahala ng mga mapagkukunang pang-ekonomiya
at panlipunan para sa pag-unlad. (1992 Report on Governance and
Development).Nagtakda ang World Bank ng anim na dimensyon ng good
governance:
a. voice and accountability
b. government effectiveness
c. lack of regulatory burden
d. rule of law
e. independence of the judiciary
f. control of corruption
2. Para naman sa International Development Association (IDA), ang good
governance ang isa sa mga salik na nakaaapekto sa mabuting paggamit ng
yaman o resources upang mabawasan ang bahagdan ng kahirapan sa isang
bansa. Ang mga indikasiyon sa pagtataya ng good governance ay:
a. pananagutang pinansiyal;
b. transparency sa pagpapasya pagdating sa budget, regulatory at
procurement processes.
c. rule of law; at
d. partisipasyon ng civil society sa mga pinaplano at isasagawang
estratehiyang pangkaunlaran.
3. Ayon sa Office of the High Commissioner for Human Rights (OHCHR),
ang mabuting pamamahala ay ang proseso kung saan ang mga
pampublikong institusyon ay naghahatid ng mga pampublikong kalakal,
namamahala sa mga mapagkukunan, at tinitiyak na ang mga karapatang
pantao ay protektado, malaya sa pang-aabuso at katiwalian, at may
paggalang sa tuntunin ng batas. Ito ay ang lawak kung saan ang mga
karapatang pantao ay pinalawak sa lahat ng aspeto.

Walong Katangian ng Mabuting Pamamahala ayon sa United Nations


Development Programme (UNDP)
Ang mabuting pamamahala ay nakikilahok (participatory), nakatuon sa
pagkakasundo (consensus oriented), may pananagutan (accountable), transparent,
tumutugon (responsive), mabisa (effective and efficient), pantay-pantay at
nakapaloob (equitable and inclusive) at sumusunod sa pananaig ng batas (rule of
law). Sa pamamagitan nito, nasisigurong nababawasan ang katiwalian,
nabibigyang- pansin ang pananaw ng minorya at naririnig ang boses ng mga nasa
laylayan ng lipunan sa pagbuo ng mga mahahalagang desisyon.
Walong Katangian ng Mabuting Pamamahala ayon sa United Nations
Development Programme (UNDP)
1. Pakikilahok (participation)
2. Pananaig ng batas (rule of law)
3. Transparency
4. Pagtugon (responsiveness)
5. Nakatuon sa pagkakasundo (consensus oriented)
6. Katarungan at napapabilang (equity and inclusiveness)
7. Mabisa (effectiveness and efficiency)
8. Pananagutan (aacountability)

Mga Katangian ng Good Governance


1. Kapanagutang Politikal.
2. Katapatan
Binigyang-diin ang kapanagutan at katapatan ng mga pampublikong
opisyal ng pamahalaan sa Artikulo XI ng Saligang Batas ng 1987 na
pinamagatang Kapanagutan ng mga Pinunong Pambayan.
Seksyon 1. Ang pagtitiwala ng bayan ay angkin ng katungkulang
pambayan. Ang mga pinuno at mga kawaning pambayan ay kinakailangang
mamalaging nananagutan sa mga taong bayan, maglingkod sa kanila na
taglay ang pinakamataas na pakundangan, dangal, katapatan, at
kahusayan, manungkulan na taglay ang pagka-makabayan at katarungan
at mamuhay nang may pagpapakumbaba.

You might also like