You are on page 1of 4

LESSON: GAWAING SIBIKO

Hindi natatapos sa pag-alam, pag-angkin at pagtanggol ng ating


mga karapatang pantao ang ating mga gampanin bilang mga aktibong
mamamayan. Kaakibat ng mga karapatang ipinagkaloob sa atin bilang tao at
maging ng Estado ang mga pananagutan natin bilang mga Pilipino. Ang ating
pakikisangkot sa mga gawaing pansibiko ay isang mahalagang hakbang
tungo sa pagkakamit ng tunay na demokrasya Bakit mahalaga ang aktibong
pakikilahok ng mga mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabuhayan,
politika at lipunan?
“ISA SA MGA MALING PANANAW NATING MGA PILIPINO ANG LUBUSANG
UMASA SA PAMAHALAAN”
Bilang mga aktibong mamamayan nito, nasa ating mga kamay ang mga
kasagutan sa mga usaping matagal nang namiminsala sa bayan.

Malinaw na binibigyang- pansin sa ating Saligang Batas ang papel na


ginagampanan ng mga mamamayan.
"Ang Pilipinas ay isang demokratiko at Republikanong Estado. Nasa mga
mamamayan ang kapangyarihan nito at nagmumula sa kanila ang buong
pamunuan ng pamahalaan."
- Artikulo II, Seksiyon 1, Saligang Batas ng 1987
Patunay lamang ito na ang ganap na kapangyarihan ng Estado ay hindi
nagmumula sa pamahalaan, kundi sa mga mamamayan nito.
GAWAING SIBIKO
- Ang salitang sibiko ay mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay
“mamamayan”
- Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang ito upang pormal na tukuyin
ang mga mamamayang bumubuo ng lipunan.
Kadalasan nang ikinakabit sa salitang ito ang mga katagang kagalingan o
welfare. Tinutukoy ng civic welfare o kagalingang pansibiko ang
pinakamataas na kabutihang makakamit at mararanasan ng mga
mamamayan.

1. GAWAING PANSIBIKO SA KABUHAYAN


- Ayon sa pag-aaral na inilabas ng Inter- America Development Bank noong
2016, ang mga social enterprises sa Pilipinas ay nakapokus sa pagtulong sa
mga mahihirap.
- Karamihan sa mga ito ay kinabibilangan ng mga low income at
marginalized na grupo ng mga producers at suppliers.
- Sa isang pag-aaral na inilabas ng British Council at ng Philippine Social
Enterprise Network, tinatayang 164, 473 ang mga social enterprises na
gumagana sa bansa na kung saan ang mga pangunahing layunin ay lumikha
ng trabaho, mapababa ang antas ng kahirapan at mapabuti at mapalakas
ang mga lokal na marginalized na mga pamayanan.
-SOCIAL ENTERPRISE
- "isang panlipunang organisasyon sa anyo ng isang samahan, isahang
pagmamay-ari, sosyohan, korporasyon, kooperatiba, people's organization,
non-stock non-profit at people's organizations o iba pang mga legal na uri
ng negosyo na nagsasagawa ng mga gawaing pangkabuhayan na nagbibigay
ng mga produkto at/o serbisyo na may pangunahing layuning mapabuti ang
pamumuhay ng mga:
• MAHIHIRAP
• BASIC SECTOR
• MARGINALIZED NA SEKTOR
2. GAWAING PANSIBIKO SA POLITIKA
- Ang pakikilahok sa eleksiyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng
mamamayan.
- Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na
ginagarantiyahan ng Saligang Batas ng 1987.

Artikulo V ng Saligang-Batas ng 1987 ang mga maaaring makaboto ay:


a. mamamayan ng Pilipinas;
b. hindi diskuwalipikado ayon sa isinasaad ng batas;
c. 18 taong gulang pataas; at
d. tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung saan niya
gustong bumoto nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag-eleksiyon.

3. GAWAING PANSIBIKO SA LIPUNAN PAGBUO NG MGA SAMAHANG


DIREKTANG MAKIKIPAG-UGNAYAN SA PAMAHALAAN UPANG IPARATING
ANG PANGANGAILANAGN NG MAMAMAYAN.
- SA KABUUAN, ANG CIVIL SOCIETY AY NAKABUBUTI SA ISANG
DEMOKRASYA.
Layunin:
1. Natutukoy ang kahulugan ng governance o pamamahala
2. Naiisa-isaang walong katangian ng mabuting pamamahala.
3.Napahahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng isang
mabuting pamahalaan.

LESSON: Mabuting Pamamahala o Good Governance


Ang aktibong pakikilahok sa mga gawaing pansibiko sa larangan ng
kabuhayan, politika at lipunan ay isang tanda ng pagiging mabuting Pilipino.
Gaya ng Kodigo ng Pagkamamamayan at Kagandahang Asal, ikaw bilang
isang kabataang Pilipino ay may magagawa upang patuloy na maging
kabalikat ng pamahalaan sa pagsusulong ng kabutihang panlahat at
pambansang kaunlaran.
Ayon kay Gerardo Bulatao, ang pinuno ng Local Governance Citizens and
Network, ang governance ay interaksiyon ng mga ahensiya at opisyal ng
pamahalaan sa corporate sector, civil society organizations at mga partido
politikal (ANGOC, 2006).
1. Para sa World Bank
- isang pandaigdigang institusyong pinansiyal na nagpapautang sa mga
papaunlad na bansa o developing countries, ang good governance ay isang
paraan ng pagsasakatuparan ng kapangyarihang mangasiwa sa economic at
social sources ng bansa para sa kaunlaran nito.
2. Para naman sa International Development Association (IDA)
- ang good governance ang isa sa mga salik na nakaaapekto sa mabuting
paggamit ng yaman o resources upang mabawasan ang bahagdan ng
kahirapan sa isang bansa.
3. Binigyan din ng pakahulugan ng Office of the High Commissioner for
Human Rights (OHCHR) ang good governance.
- Tumutukoy ito sa proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay
naghahatid ng kapakanang pampubliko, nangangasiwa sa pag-aaring yaman
ng publiko, at tinitiyak na mapangalagaan ang mga karapatang pantao,
maging malaya sa pang-aabuso at korapsiyon, at may pagpapahalaga sa rule
of law.
Ang mabuting pamamahala ay nakikilahok (participatory), nakatuon sa
pagkakasundo (consensus oriented), may pananagutan (accountable),
transparent, tumutugon (responsive), mabisa (effective and efficient),
pantay-pantay at nakapaloob (equitable and inclusive) at sumusunod sa
pananaig ng batas (rule of law).

1. Pakikilahok (participation).
Ang pakikilahok ng mga lalaki at babae ay isang mahalagang pundasyon ng
mabuting pamamahala. Lahat ay dapat magkaroon ng pagkakataong
mapakinggan sa pagbuo ng desisyon.

You might also like