You are on page 1of 5

IKAAPAT NA MARKAHAN – IKAWALONG LINGGO

MABUTING PAMAMAHALA O GOOD GOVERNANCE

MELC: Napahahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng isang mabuting


pamahalaan

1. Naipaliliwanag ang mga katangian tungo sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala;


2. Nakagagawa ng poster na nagpapakita sa pakikilahok ng mga mamamayan sa
participatory governance;
3. Napahahalagahan ang pagsasagawa ng mga sa iba’t ibang paraan ng politikal na
pakikilahok.

Ang participatory governance ay isang mahalagang paraan ng mamamayan


para maisakatuparan ang ating iginigiit na pagbabago sa pamahalaan. Ito ay isang uri ng
pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng
pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan. Dito
ay aktibong nakikipag-ugnayan ang mamamayan sa pamahalaan upang bumuo ng mga
karampatang solusyon sa mga hamon ng lipunan.

Ang ganitong uri ng pamamahala ay isang tahasang pagtaliwas sa tinatawag na ‘elitist


democracy’ kung saan ang desisyon para sa pamamahala ay nagmumula lamang sa mga
namumuno. Ngunit, may mga namumuno sa pamahalaan na ang iniisip lamang ay ang
kanilang sariling interes at hindi ng buong bayan. Kung ang kapangyarihan ng isang estado
ay tunay na nagmumula sa mga mamamayan, mahalagang makisangkot ang mga
mamamayan sa pamamahala dahil mas magiging matagumpay ang isang proyekto kung
malaki ang partisipasyon dito ng mamamayan(Koryakov & Sisk, 2003). Ang participatory
governance ay magdudulot ng pagbuo ng social capital o nanunungkulan sa pamahalaan civil
society at mga mamamayan, na isang mahalagang elemento sa isang demokrasiya at
mabuting pamamahala.

Maraming paraan ang participatory governance na maaaring gawin upang


mapaunlad ang isang bansa. Isang paraan ng pagsasagawa ng participatory governance ay
ang pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan. Ang mga halimbawa nito
ay pagdalo sa mga public hearing at pagsasagawa ng mga survey. Maituturing rin bilang
paraan ng participatory governance ang pagsama sa mga mamamayan sa mga consultation
tungkol sa mga isyung mahalaga para sa bayan. Dito ay hinihingi ng pamahalaan ang opinyon
ng mamamayan sa napapanahong mga isyu at sa mga programang ipatutupad nito. Ayon sa
ilang mga eksperto, mas magiging aktibo ang paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan
kung sila ay kasama mismo sa pagbuo ng mga programa at paggawa ng mga desisyon ng
pamahalaan. Sa paraang ito, hindi lamang hinihingi ng pamahalaan ang opinyon ng
mamamayan kundi ay magkatuwang nilang ginagawa ang mga programa nito. Sa kabila nito,
maituturing na ang pinakamataas na paraan ng pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala
ay kung kasama sila ng pamahalaan sa mismong pagpapatupad ng mga programa nito
(Koryakov & Sisk, 2003).
Mabuting Pamamahala o Good Governance

Ang lahat ng paraan ng politikal na pakikilahok tulad ng eleksiyon, paglahok sa civil


society, at pagkakaroon ng participatory governance ay naglalayong magkaroon ng isang
mabuting pamamahala o good governance.

Ano ba ang governance o pamamahala? Ayon kay Gerardo Bulatao, ang pinuno ng Local
Governance Citizens and Network, ang governance ay interaksiyon ng mga ahensya at
opisyal ng pamahalaan sa corporate sector, civil society organizations (CSOs), at mga partido
politikal (ANGOC, 2006). Ang mahusay na interaksiyong ito ay makapagdudulot ng paggawa
ng mga polisiya, pagtukoy ng mga nararapat na priyoridad, paglaan ng yaman, pagpili ng mga
opisyal, at pagsasakatuparan ng mga hakbang.

Bagama’t maraming bansa sa daigdig ang naghahangad na mangibabaw ang good


governance sa kani-kanilang pamahalaan, hindi maikakaila na masalimuot ang konsepto ng
good governance dahil sa iba’t ibang pakahulugan at manipestasyon nito sa isang bansa.

Para sa World Bank, isang pandaigdigang institusyong pinansiyal na nagpapautang sa


mga papaunlad na bansa o developing countries, ang good governance ay isang paraan ng
pagsasakatuparan ng kapangyarihang mangasiwa sa “economic and social resources” ng
bansa para sa kaunlaran nito (1992 Report on “Governance and Development). Ang interes
ng World Bank patungkol sa governance ay ang paghahangad nito na magkaroon ng
“sustainability” o pagpapanatili ng mga proyektong pinansiyal na tinustusan ng World Bank.

Sa huling dekada ng ika-20 siglo hanggang sa pagpasok ng ika21 siglo, patuloy na


nakapokus ang World Bank sa isyu ng pamamahala at pagtakda ng global agenda tungkol sa
kalidad ng pamamahala sa konteksto ng mga polisiya at estratehiyang pangkaunlaran. Maaari
lamang maganap ang sustainable development ng isang bansa kung mayroon itong
“predictable and transparent framework of rules and institutions” para sa mga negosyong
pampubliko at pribado. Lumilitaw na ang katuturan ng good governance para sa World Bank
ay ang pagkakaroon ng isang bansa ng bukas at malinaw na polisiyang pangkaunlaran, may
mataas na kalidad ng propesyonalismo sa burukrasya, at mapanagutang pamahalaan sa mga
aksyon nito. Sa kabila ng pagbibigay-halaga sa aspektong politikal ng good governance, higit
na pinagtutuonan ng pansin ng World Bank ang aspektong ekonomikal, at ang good
governance ay katumbas ng “mabuting pangangasiwang pangkaunlaran” ng bansa.

Makikita sa talahanayan ang anim na dimensiyon ng good governance mula sa mga


mananaliksik ng World Bank Institute.
1. Voice and accountability, which includes civil liberties and political stability;
2. Government effectiveness, which includes the quality of policy making and public service
delivery; 3. The lack of regulatory burden;
4. The rule of law, which includes protection of property rights;
5. Independence of the judiciary; and
6. control of corruption. (Kaufmann, Kraay and Zoido-Lobaton 1999)

Ibinilang naman ng IDA o International Development Association, isang kasapi ng World


Bank Group, ang good governance bilang isa sa apat na salik na nakaaapekto sa mabuting
paggamit ng yaman o resources upang mabawasan ang bahagdan ng poverty o kahirapan sa
isang bansa. Kung ang bansang pauutangin ay may mahinang pamamahala o “weak
governance”, maaaring itigil o hindi ito mapautang ng World Bank. Ang mga indikasyon sa
pagtataya ng good governance ay pananagutang pinansiyal (financial accountability),
transparency sa pagpapasya pagdating sa budget, regulatory, at procurement processes,
“rule of law”, at partisipasyon ng civil society sa mga pinaplano at isasagawang estratehiyang
pangkaunlaran.

2
Maliban sa World Bank at IDA, inilahad din ng OHCHR o Office of the High
Commissioner for Human Rights (2014) ang pakahulugan nito sa good governance.
Tumutukoy ito sa proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay naghahatid ng
kapakanang pampubliko, nangangasiwa sa pag-aaring yaman ng publiko, at tinitiyak na
mapangalagaan ang mga karapatang pantao, maging malaya sa pang-aabuso at korapsyon,
at may pagpapahalaga sa rule of law. Ang tunay na manipestasyon ng pagkakaroon ng good
governance ay ang antas ng pagpapaabot ng mga pangako ng mga karapatang pantao sa
lahat ng aspekto: sibil, kultural, ekonomiko, politikal, at sosyal.

Paano matitiyak ng mamamayan kung nananaig ang good governance sa isang lipunan
o bansa? Matutunghayan sa kasunod na diyagram ang ilan sa mga katangian ng good
governance.

Sa pagkamit ng good governance, mahalagang katangian ang partisipasyon ng lahat


ng mamamayan, tuwiran man o sa pamamagitan ng mga institusyong kanilang kinakatawan.
Sarule of law, nararapat na maipatupad ang mga batas at igalang ang karapatang pantao
nang patas at walang kinikilingan. Binibigyang-pansin din sa good governance ang equity o
pagbibigay sa bawat mamamayan ng pagkakataon na mapaunlad o mapanatili ang kanilang
kagalingan. Sa consensus orientation, sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga interes ay
pinahahalagahan ang pag-iral ng pangkalahatang kabutihan at kung ano ang pinakamabuti
sa isang organisasyon, komunidad o bansa sa kabuuan. Sa strategic vision, nakikiisa ang
mga opisyal ng pamahalaan at ng mamamayan sa pagtukoy ng malawak at long term
perspective para sa kabutihan ng lipunan at pag-unlad ng tao. Ayon sa partnership, hindi
kakayanin mag-isa ng pamahalaan ang epektibong pamamahala nang hindi kabilang ang
lahat ng stakeholder nito, mapapubliko o pribado.

Bukod sa tinalakay na mga katangian ng good governance, mahalaga ring pagtuunan


ng pansin ang dalawa sa katangian ng good governance: ang kapananagutang politikal at
katapatan. Ipinakikita ritong may pananagutan ang mga opisyal ng pamahalaan at maging
ang pribadong sektor at mga organisasyon ng civil society sa mamamayan pagdating sa
mga pagpapasyang nakaaapekto sa pangkalahatang interes ng isang pamayanan at ng
bansa sa kabuuan.

Binibigyang-linaw ng kapananagutanang taglay na kapangyarihan at katungkulan ng


mga pinuno upang gampanan ang responsibilidad na nakaatang sa kanila. Sa
pagkakataong ito, madaling matukoy kung sino ang responsable at may pananagutan sa
komunidad. Ipinahayag din ni Bulatao na kabilang sa may pananagutang ito ang lahat ng
stakeholder tulad ng mga negosyante at community-based organization ngunit higit ang
pananagutan ng mga inihalal at hinirang na mga opisyal ng pamahalaan.

Ang katapatan naman ay tumutukoy sa malayang daloy ng impormasyon sa lahat ng


transaksiyon, proseso, desisyon, at ulat ng pamahalaan. Sa pagkakaroon ng transparency,

3
binibigyan ng pagkakataon ang mamamayan na magkaroon ng kamalayan sa nagaganap
sa pamahalaan at makalahok sa mga gawain nito.

Binigyang-diin ang kapanagutan at katapatan ng mga pampublikong opisyal ng


pamahalaan sa Artikulo XI ng Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas na pinamagatang
“Kapanagutan ng mga Pinunong Pambayan.” Nakasaad sa loob ng kahon ang tungkol sa
Seksiyon 1 ng naturang artikulo.

PAGSASANAY 1A: Panuto: Suriin ang mga sinalanguhitang salita o mga salita sa
pangungusap ukol sa mga katangian ng good governance kung ito ay tama o mali. Isulat
ang T kung ito’y tama; M naman kung mali.
1. Sa rule of law, nararapat na maipatupad ang mga batas at igalang ang karapatang pantao
nang patas at walang kinikilingan.
2. Sa consensus orientation, nakikiisa ang mga opisyal ng pamahalaan at ng mamamayan sa
pagtukoy ng malawak at long term perspective para sa kabutihan ng lipunan at pag-unlad
ng tao.
3. Sa strategic vision, sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga interes ay pinahahalagahan ang
pag-iral ng pangkalahatang kabutihan at kung ano ang pinakamabuti sa isang
organisasyon, komunidad o bansa sa kabuuan.
4. Ayon sa partnership, hindi kakayanin mag-isa ng pamahalaan ang epektibong pamamahala
nang hindi kabilang ang lahat ng stakeholder nito, mapapubliko o pribado.
5. Ang equity o pagbibigay sa bawat mamamayan ng pagkakataon na mapaunlad o mapanatili
ang kanilang kagalingan.

PAGSASANAY 1B: Panuto: Suriin ang bawat katanungan at piliin ang tamang sagot.
1. Alin sa ibaba ang hindi nagpapakita ng maayos na pamamahala?
a. Mahusay na interaksyon ng mga ahensya at opisyal ng pamahalaan.
b. Ang hindi pakikilahok ng mga mamayan sa mga gawaing politikal.
c. Pagkakaroon ng pakialam ng mga tao sa eleksiyon, paglahok sa civil society, at
pagkakaroon ng participatory governance.
d. Paghahangad na magkaroon ng “sustainability” o pagpapanatili ng mga proyektong
pinansiyal na tinustusan ng World Bank.

2. Paano magaganap ang sustainable development ng isang bansa?


a. Patuloy na “corruption” ng mga nasa matataas na opisyal sa gobyerno.
b. Mga hindi natapos na programa ng gobyerno gaya ng mga di tapos na konkretong
daanan.
c. Hindi maayos na pangangasiwa sa national budget ng isang bansa.
d. Pagkakaroon ng predictable and transparent framework of rules nd institutions.

4
3. Ang mga sumusunod ay mga indikasyon sa pagtataya ng good governance maliban sa:
a. Weak governance
b. Pananagutang pinansiyal
c. Transparency sa pagpapasya pagdating sa budget, regulatory, at procurement process
d. Partisipasyan ng civil society sa mga pinaplano at isasagawang estratehiyang
pangkaunlaran.
4. Ano ang good governance ayon sa Office of the High Commissioner for Human Rights
(2004)?
a. Isa sa apat na salik na nakakaapekto sa mabuting paggamit ng yaman o resources
upang mabawasan ang bahagdan ng kahirapan sa isang bansa.
b. Tumutukoy ito sa isang proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay
nahahatid ng kapakanang pampubliko, at tinitiyak na mapapangalagaan ang mga
karapatang pantao, maging malaya sa pangangabuso at korapsyon, at may Tayahin 11
pagpapa-halaga sa rule of law.
c. Isang paraan ng pagsasakatuparan ng kapangyarihang mangasiwa sa “economic and
social resources” ng bansa.
d. Wala sa nabanggit

5. Ano ang nakasaad sa Artikulo XI ng Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas?


a. Pakikilahok ng mga mamayan sa pampolitikang Gawain
b. Kapanagutan ng mga Pinunong Pambayan
c. Kapanagutan ng mga mamayan
d. Lahat ng nabanggit

GAWAING PAGGANAP 4: Panuto: Gumuhit ng poster na nagpapakita ng pakikilahok ng


mga mamamayan tungo sa pagkamit ng mabuting pamamahala.

You might also like