You are on page 1of 3

Activity Sheet sa Aral. Pan.

10
Ikapitong Linggo Quarter 4

Pangalan:_______________________________ Iskor:____________________
Pangkat: ________________________________

Kasanayang Pampagkatuto: Napahahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaron ng isang mabuting


pamahalaan.

Mabuting Pamamahala o Good Governance

Ang lahat ng paraan ng politikal na pakikilahok tulad ng eleksiyon, paglahok sa civil society, at pagkakaroon
ng participatory governance ay naglalayong magkaroon ng isang mabuting pamamahala o good governance.

Ayon kay Gerardo Bulatao, ang pinuno ng Local Governance Citizens and Network, ang governance ay
interaksiyon ng mga ahensya at opisyal ng pamahalaan sa corporate sector, civil society organizations (CSOs), at
mga partido politikal (ANGOC, 2006). Ang mahusay na interaksiyong ito ay makapagdudulot ng paggawa ng mga
polisiya, pagtukoy ng mga nararapat na prayoridad, paglaan ng yaman, pagpili ng mga opisyal, at
pagsasakatuparan ng mga hakbang. Bagama't maraming bansa sa daigdig ang naghahangad na mangibabaw ang
good governance sa kani-kanilang pamahalaan, hindi maikakaila na masalimuot ang konsepto ng good governance
dahil sa iba't ibang pakahulugan at manipestasyon nito sa isang bansa.

Para sa World Bank, isang pandaigdigang institusyong pinansiyal na nagpapautang sa mga papaunlad na
bansa o developing countries, ang good governance ay isang paraan ng pagsasakatuparan ng kapangyarihang
mangasiwa sa "economic and social resources" bansa para sa kaunlaran nito (1992 Report on "Governance and
Development). Ang interes ng World Bank patungkol sa governance ay ang paghahangad nito na magkaroon ng
"sustainability" o pagpapanatili ng mga proyektong pinansiyal na tinustusan ng World Bank.

Sa huling dekada ng ika-20 siglo hanggang sa pagpasok ng ika-21 siglo, patuloy na nakapokus ang World
Bank sa isyu ng pamamahala at pagtakda ng global agenda tungkol sa kalidad ng pamamahala sa konteksto ng
mga polisiya at estratehiyang pangkaunlaran. Maaari lamang maganap ang sustainable development ng isang
bansa kung mayroon itong "predictable and transparent framework of rules and institutions" para sa mga negosyong
pampubliko at pribado.

Sa kabila ng pagbibigay-halaga sa aspektong politikal ng good governance, higit na binigyang pansin ng


World Bank ang aspektong ekonomikal, at ang good governance ay katumbas ng "mabuting pangangasiwang
pangkaunlaran" ng bansa.

Ang anim na dimension ng mabuting paniniwala mula sa mga mananaliksik ng World Bank Institute ay ang mga
sumusunod:

1. Voice and accountability which includes civil liberties and political stability
2. Government effectiveness which includes the quality o policy making and public service delivery
3. The lack of regulatory burden
4. The rule of law which includes protection of property rights
5. Independence of the judiciary; and
6. Control of corruption
(Kaufmann, Kraay and Zoido – Lobaton 1999)

Ibinilang naman ng IDA o International Development Association, isang kasapi ng World Bank Group, ang
good governance bilang isa sa apat na salik na nakaaapekto sa mabuting paggamit ng yaman o resources upang
mabawasan ang bahagdan ng poverty o kahirapan sa isang bansa.

Kung ang bansang pauutangin ay may mahinang pamamahala o "weak governance", maaaring itigil o hindi ito
mapautang ng World Bank.
Ang mga indikasyon sa pagtataya ng good governance ay pananagutang pinansiyal (financial
accountability), transparency sa pagpapasya pagdating sa budget, regulatory, at procurement processes.

Gawain 1: Tapusin Mo!

Panuto: Tapusin ang graphic organizer at ipakita ang mga katangian tungo sa pagkakaroon ng mabuting
pamamahala. Isulat ang mga kasagutan sa kahon.

Katangian ng Mabuting Pamamaha

Gawain 3: Sagutin Mo!

Panuto: Sagutin ang pamprosesong tanong sa ibaba. Isulat ang mga sagot sa speech balloons.

1. Paano
napahahalagahan ang pagsagawa ng mga mamamayan sa iba’t ibang paraan ng politikal na pakikilahok?
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Anong institusyon ang nagsabing ang good governance ay isang paraan ng pagsasakatuparan ng
kapangyarihang mangasiwa sa "economic and social resources" ng bansa para sa kaunlaran nito?
a. World Bank c. International Development Association
b. United Nations d. OHCHR o Office of the High Commissioner for Human Rights

2. Ayon sa partnership, hindi kakayanin mag – isa ng pamahalaan ang epektibong pamamahala nang hindi
kabilang ang lahat ng stakeholder nito, mapapubliko o pribado.
a. World Bank c. International Development Association
b. United Nations d. Partneship

3. Ang pakikiisa ng mga opisyal ng pamahalaan at ng mamamayan sa pagtukoy ng malawak at long term
perspective para sa kabutihan ng lipunan at pag-unlad ng tao ay tinatawag na
a. Transparency c. Strategic Vision
b. United Nations d. Partneship

4. Ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaroon ng kamalayan sa nagaganap sa


pamahalaan at makalahok sa mga gawain nito ay tinatawag na
a. Transparency c. Strategic Vision
b. United Nations d. Partneship

5. Ang ay pinahahalagahan ang pag-iral ng pangkalahatang kabutihan at kung ano ang


pinakamabuti sa isang organisasyon, komunidad o bansa sa kabuuan.
a. Transparency c. Strategic Vision
b. Consensus Orientation d. Partneship

You might also like