You are on page 1of 12

AP

LAS 5-6
1
Araling Panlipunan
MGA KONTEMPORARYONG ISYU
Ikaapat na Markahan
GAWAING PAGKATUTO BILANG 5
AKTIBONG PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN:
POLITIKAL AT SIBIL

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawain sa Pagkatuto

Manunulat: ADONIS M. BAÑAS


Master Teacher I (Camarines Sur National High School)
Chairperson LAS AP10 Special Committee

Tagalapat: JASTIN D. JALECO, TI – AP (Camarines Sur National High School)


ADONIS M. BAÑAS, MTI – AP (Camarines Sur National High School)

Tagasuri: NELIA F. HERNANDEZ, TIII – AP (Naga City Science High Schoo


MARILYN L. AZAÑA, MT II – AP (Concepcion Pequeňa National High School
EVANGELINE V. MAGALONA, HT VI-AP (Camarines Sur National HS)
JARME D. TAUMATORGO, EPS-AP-SDO Naga City

1
ARALING PANLIPUNAN 10
MGA KONTEMPORARYONG ISYU
IKAAPAT NA MARKAHAN
GAWAING PAGKATUTO BILANG 5
AKTIBONG PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN: POLITIKAL AT SIBIL

Pangalan: Seksiyon: Petsa:

Most Essential Learning Competency (MELC)


Natatalakay ang mga epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing
pansibiko sa kabuhayan, politika, at lipunan.
Tiyak na Layunin:
1. Naisa-isa ang iba’t bang uri ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa larangan ng
pampolitika at panlipunan
2. Naipaliwanag ang mga epekto ng aktibong pakikilahok.
3. Nakagawa ng pagsusuri tungkol sa epekto ng aktibong pakikilahok sa lipunan

Panimulang Konsepto

Bakit mahalaga sa isang bansa


ang aktibong pakikilahok ng mga
mamamayan sa mga gawaing pansibiko,
pangkabuhayan at pampolitika?
Ang pagiging isang “engaged
citizen” ay nangangahulugang paglahok,
pagiging aktibo at pagkakaroon ng
pakialaman sa iyong lipunan. Ito ay
maituturing na isang produktibong
bahagi ng lipunan na hindi lamang
shorturl.at/gRZ15
kumikilos ayon sa kanyang kagustuhan
kundi ginagamit din ang kanilang oras sa
mga makabuluhang bagay tulad ng
pagpapaunlad sa sarili at pagganap sa
kanilang tungkulin at obligasyon.
Ikaw? Bilang mag-aaral, handa
ka na rin ba na maging aktibo sa
pakikilahok para sa ating bayan?
Halika na! Tuklasin natin ang
paksa sa Learning Activity Sheet (LAS)
na ito.

2
Maikling Talakayan: Pakikilahok sa Eleksiyon

Artikulo V, Saligang Batas ng 1987 Omnibus Election Code, Artikulo 12,


(maaring makaboto) Seksiyon 116
(diskwalipikadong bumoto)
a. Mamamayan ng Pilipinas 1. Mga taong nasentensiyahan na
makulong nang hindi bababa sa isang
b. Hindi diskwalipikado ayon sa taon
isinasaad ng batas. 2. Mga taong nasentensiyahan ng hukuman
sa mga kasong;
c. 18 taong gulang pataas * rebelyon
* sedisyon
d. Tumira sa Pilipinas nang kahit * paglabag sa anti-subversion at
isang taon at sa lugar kung saan firearms law
niya gusting bomoto nang hindi * anumang krimeng laban sa seguridad
bababa sa anim na buwan bago ng bansa
mag-eleksiyon Ang mga nabanggit sa bilang 1 at 2 ay
maari lamang makaboto muli pagkaraan
ng limang taon pagkatapos niyang matapos
ang parusang inihatol sa kaniya.
3. Mga taong idineklara ng mga eksperto
bilang baliw

Paglahok sa Civil Society – tumutukoy sa isang sektor ng lipunan na binubuo


ng mga mamamayang nakikilahok sa sa mga kilos protesta, lipunang
pagkilos at mga Non-Governmental Oganizations/People’s Organization
“The state encouraged non-governmental, community based, or sectoral
organizations to effective and reasonable participation at all levels of
social, political, and economic decision making” (Saligang-Batas ng 1987)

Non-Governmental People’s Organizations Mahahalagang Tungkulin ng


Organization (NGO’s) (PO’s) NGO at PO
Itinuturing na
grassroot support Itinuturing na
organizations na grassroot organizations Ang paglulunsad ng mga
naglalayong na naglalayong proyektong naglalayong
suportahan ang mga protektahan ang interes paunlarin ang kabuhayan ng
programa ng PO’s ng mga miyembro nito. mamamayan na kadalasan
ay hindi natutugunan ng
1. TANGO’s PACO (Professional, pamahalaan.
(Traditional NGO’s) – academic, and civic
nagsasagwa ng mga organization) – binubuo Nagsasagawa ang mga
proyekto sa mga ng ma propersyonal at NGO ng mga pagsasanay at
mahihirap ng mga galing sa sektor pananaliksik tungkol sa sa
ng akademiya. adbokasiyang kanilang
2. FUNDANGO’s ipinaglaban upang magising
(Funding-Agency GRIPO (Government ang kamalayan ng
NGO’s) -nagbibigay -run and initiated PO’s mamamayan.
tulong pinansiyal sa na binuo ng
mga PO’s pamahalaan

3
Non-Governmental People’s Organizations Mahahalagang Tungkulin ng
Organization (NGO’s) (PO’s) NGO at PO
3. Direktang pakikipag-
3. DJANGOs 3. GUAPO (Genuine, ugnayan sa pamahalaan
(Development, Justice autonomous Pos) – ito upang maiparating sa
and Advocacy NGOs) ay mga Pos na itinayo kanilang hinaing ng kanilang
– nagbibigay suporta mula sa inisyatibo ng sektor at mga naiisip na
sa komunidad sa mamamayan at hindi ng programa at batas na
pamamagitan ng legal pamahalaan naglalayon mapagbuti ang
at medical na mga ang kalagayan ng
serbisyo mamamayan.

BAKIT MAHALAGA ANG AKTIBONG PAKIKILAHOK SA USAPING PAMPOLITIKA


AT PANLIPUNAN?

Nangbibgay mandato sa mga opisyal para mabuti ang


Fr. Jaoquin Bernas pagpapaunlad sa estado at malupig ang mga nagpapahirap
sa bayan

Mahalaga ang pagbuo ng mga organisasyon ng


Horacio Morales (1990) mamamayan dahil ito ang nagiging katuwang ng
pamahalaan sa pagbuo ng mga program para sa ikauunlad
ng bayan

Ang mamamayan ang pinanggagalingan ng soberanya ng


Randy David (2008)
isang estado at ang mithiin nito ang nagiging batayan ng
buong estado sa pamamahala ng isang bansa.

Constantino-David (1998) Bilang tugon ng mamamayan sa kabiguan ng pamahalaan


na tugunan ang mga suliranin nila at pananaw na ang
pamahalaan ay ang isa sa mga dahilan ng paghihirap nila.

Mas napapahusay ng mamamayan ang kanilang kakayahan


para sa aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlipunan at
Larry Diamond (1994) ang pagiging aktibong mamamayan ay isang mahalagang
katangian sa isang demokrasya.

Sa pamamagitan ng pag-enganyo sa mga mamamayan sa


mga gawain ng civil society, masisiguro na magkakaroon ng
Bello, 2000
pananagutan ang bawat opisyal ng pamahalaan sa kanilang
tungkulin.

4
Mga Gawain

Gawain 1: Tukoy-Salita
Panuto: Tukuyin ang mga inilalarawan sa bawat pangungusap. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Ito ay ang sektor ng lipunan na binubo ng mga nakikilahok sa mga kilos protesta,
lipunang pagkilos, at mga boluntaryong organisasyon.
2. Ang samahang ito ay naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro nito.
3. Nilalayon ng samahang ito na suportahan ang mga programa ng mga grassroots
organization.
4. Ipinapakita ng batas na ito ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga
NGO at PO.
5. Ito ang batas na nagsasaad ng mga kwalipikadong botante.
6. Ito ay uri ng NGO na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga POs para tumulong sa
mga nangangailangan.
7. Ito ay nagbibigay suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng
legal at medikal na serbisyo.
8. Ito ang batayan kong saan nagsasaad kong sino ang mga mamamayan
diskwalipikadong bumoto.
9. Ito ay binubuo ng mga propesyonal at mga galing sa sektor ng akademiya.
10. Dito kabilang ang mga sectoral group na kinabibilangan ng kababaihan, kabataan,at
mga cause-oriented groups.

Gawain 2: Suriin Natin!


Panuto: Suriin ang iba’t ibang pahayag kong bakit mahalaga ang aktibong pakikilahok ng
mamamayan sa larangang pampolitika at panlipunan (makikita ito sa maikling talakayan).
Pumili ng isang pahayag at punan ang mga patlang.

Ipaliwanag
_ _
_ _
_ _ _

iyong paliwanag.
_ _

_
Kongklusyon:
May akda

May akda

5
Gawain 3: Case Study: Final Task

Panuto: Gumawa ng pakikipagpanayam sa inyong mga barangay kong saan kayo nakatira.
Sa patnubay ng inyong mga magulang, humingi ng pahintulot na makapagpanayam sa mga
opisyal ng NGO/PO sa pamamagitan ng phone, messenger or facebook interview bilang
pagsunod sa health standard protocol. Mahigpit na ipinagbabawal ng face to face interview.

Rubrik sa Pagmamarka

Gawain 2 at 3:
Nilalaman 25
Organisasyon ng paksa 15
Paglahad ng kongklusyon 10
Kabuuan 50pts.

Susi sa Pagwawasto

*Nakabatay sa Rubrik ang pagmamarka

Sanggunian

LIBRO:
* Modyul sa Araling Panlipunan 10 (Draft)
Artikulo:
* https://tinyurl.com/2jxl4k6h

6
Araling Panlipunan
MGA KONTEMPORARYONG ISYU
Ikaapat na Markahan
GAWAING PAGKATUTO BILANG 6
MABUTING PAMAMAHALA

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawain sa Pagkatuto

Manunulat: ELOISA S. APIN


Teacher III (Camarines Sur National High School)

Tagalapat: JASTIN D. JALECO, TI – AP (Camarines Sur National High School)


ADONIS M. BAÑAS, MTI – AP (Camarines Sur National High School)

Tagasuri: NELIA F. HERNANDEZ, TIII-AP (Naga City Science High School)


MARILYN L. AZAÑA, MT II – AP (Concepcion Pequeňa National High School)
EVANGELINE V. MAGALONA, HT VI-AP (Camarines Sur National HS)
ADONIS M. BAÑAS, MTI – AP (Camarines Sur National High School)
JARME D. TAUMATORGO, EPS-AP-SDO Naga City

1
ARALING PANLIPUNAN 10
MGA KONTEMPORARYONG ISYU
IKAAPAT NA MARKAHAN
GAWAING PAGKATUTO BILANG 6
MABUTING PAMAMAHALA

Pangalan: Seksiyon: Petsa:

Pampagkatuto

Most Essential Learning Competency (MELC)


Napahahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaron ng isang mabuting pamahalaan.
Tiyak na Layunin:
1. Nabigyang kahulugan ang mabuting pamamahala.
2. Naipaliliwanag ang mga katangian ng mabuting pamamahala.
3. Nakabuo ng isang “One Minute Essay” tungkol sa pakikilahok sa pagkakaroon ng
mabuting pamamahala.

Panimulang Konsepto

Ang aktibong pakikilahok ng mga


mamamayan sa iba’t ibang aspekto ng
ating lipunan ay may mabuting idinudulot
hindi lang sa mga nakikilahok sa
nasabing mga gawain bagkos sa ating
lipunan sa kabuuan.

Kaakibat rin nito ay ang patuloy na


paggiit ng mga mamamayan ng kanilang
mga karapatan sa ating lipunan kung
saan ito ang isa sa mga dahilan upang lalo
pang umunlad at mapabuti ang ating
pamumuhay sapagkat ito ang nag-
uudyok sa ating pamahalaan upang
gumawa at magpanukala ng mga batas at
polisiya para sa ikabubuti ng mga
mamamayan.

Maikling Talakayan:

2
Maikling Talakayan:

Mabuting Pamamahala o Good Governance

World Bank International Office of the High Commissioner


Development for Human Rights

ito ay isang paraan ito ay isa sa apat na tumutukoy ito sa proseso kung saan
ng salik na nakaaapekto ang mga pampublikong institusyon
pagsasakatuparan sa mabuting paggamit ay naghahatid ng kapakanang
ng kapangyarihang ng yaman o resources pampubliko, nangangasiwa sa pag-
mangasiwa sa upang mabawasan aaring yaman ng publiko, at tinitiyak
“economic and ang bahagdan ng na mapangalagaan ang mga
social resources” ng poverty o kahirapan karapatang pantao, maging malaya
bansa para sa sa isang bansa. sa pangaabuso at korapsyon, at
kaunlaran nito. may pagpapahalaga sa rule of law.

Mga Katangian ng Mabuting Pamamahala o Good Governance

Rule of Law nararapat na maipatupad ang mga batas at igalang ang karapatang
pantao nang patas at walang kinikilingan.
Equity pagbibigay sa bawat mamamayan ng pagkakataon na mapaunlad o
mapanatili ang kanilang kagalingan.
Consensus sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga interes ay pinahahalagahan ang
Orientation pag-iral ng pangkalahatang kabutihan at kung ano ang pinakamabuti sa
isang organisasyon, komunidad o bansa sa kabuuan.
Strategic Vision nakikiisa ang mga opisyal ng pamahalaan at ng mamamayan sa
pagtukoy ng malawak at long term perspective para sa kabutihan ng
lipunan at pag-unlad ng tao.
Partnership hindi kakayanin mag-isa ng pamahalaan ang epektibong pamamahala
nang hindi kabilang ang lahat ng stakeholder nito, mapapubliko o
pribado.
Accountability ipinakikita ritong may pananagutan ang mga opisyal ng pamahalaan at
maging ang pribadong sektor at mga organisasyon ng civil society sa
mamamayan pagdating sa mga pagpapasyang nakaaapekto sa
pangkalahatang interes ng isang pamayanan at ng bansa sa kabuuan.
Transparency binibigyan ng pagkakataon ang mamamayan na magkaroon ng
kamalayan sa nagaganap sa pamahalaan at makalahok sa mga
gawain nito.

3
Mga Gawain

Gawain 1: Tukuyin Mo
Panuto: Magbigay ng isang halimbawa ng mga katangian ng mabuting pamamahala na
iyong nakikita o naoobserbahan sa inyong komunidad.

Halimbawa:
Partnership Naga City People’s Council
Rule of Law

Equity

Consensus Orientation

Strategic Vision

Partnership

Accountability

Transparency

Gawain 2: Larawan Suri


Panuto: Suriin ang mga larawan at magbigay ang iyong obserbasyon tungkol sa papel ng
mabuting pamamahala sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

4
Gawain 3: One Minute Essay

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na naglalalaman ng iyong maaaring maging ambag


bilang isang mamamayan tungo sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala.

_ _

Rubrik sa Pagmamarka

Gawain 2 at 3:

Nilalaman 10
Organisasyon ng paksa 10
Paglahad ng opinyon 10
Kabuuan 30pts.

Susi sa Pagwawasto

*Nakabatay sa obserbasyon ng mag-aaral ang pagmamarka.

Sanggunian

LIBRO:
* Modyul sa Araling Panlipunan 10 (Draft)
LARAWAN:
*PinoyPulse.com

You might also like