You are on page 1of 13

Participatory Governance

sa Pilipinas

Group 7
June Rey Lata
Jhon Rey Ledonio
Ang konsepto ng participatory governance ay hindi
bago sa ating mga Pilipino. Sa katunayan, ang Local
Government Code of 1991 ay isang testament sa pagkilala
sa papel ng mamamayan sa pamamahala (Blair,2012).
Ayon sa batas na ito, ibinaba ng pambansang
pamahalaan sa mga local na pamahalaan ang ilang
tungkulin sa pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan tulad
ng mga may kinalaman sa kalusugan, edukasyon at iba
pang serbisyo tulad ng mga imprastruktura kung saan
kabilang ang pagpapatayo ng mga kalsada at mga
pampublikong pamilihan.
Kinikilala ng batas na ito ang kahalagahan ng
papel ng mga people’s organization at non-
governmental organization sa pamamahala ng mga
bayan o lungsod. Binigyang-diin ng mga batas na ito
na ang papel ng mga Pilipino sa pamamahala ay
hindi limitado tuwing araw lamang ng eleksyon sa
halip ay isang pang-araw-araw na tungkulin ng bawat
isa sa atin. Binigyang-anyo ng LGC ang mekanismo
kung paano maaaring maging aktibong kabahagi ang
mamamayan sa pamamahala.
Isa sa magandang halimbawa ng participatory
governance sa bansa ay ang Lungsod ng Naga na
pinasimulan ng dating alkalde nito, ang yumaong Kng.
Jesse Robredo. Noong 1995, nagpalabas ng isang
ordinansa ang local na pamahalaan ng Naga na nag-
aanyaya sa lahat ng mga NGO sa bayan na lumahok sa
itatatag na Naga City People’s Council (NCPC). Mula sa
mga miyembro ng mga NGO na lumahok sa NCPC ay pipili
ang konsehong panlungsod at labing-apat na espesyal na
kawanihan ng local na pamahalaan. Binubuo nito ang 25%
ng mga miyembro sa mga nabanggit na sangay ng local na
pamahalaan, bukod pa sa mga konsehal na iinilahal ng
taumbayan.
Tungkulin ng mga miyembro ng NCPC na
makilahok sa talakayan, bomoto at magpanukala ng
mga batas at ordinansa sa mga komite ng konseho
(Blair, 2012). Dahil sa pagkakaroon ng papel sa local na
pamahalaan ng mga samahang kumakatawan sa iba’t
ibang interes ng mamamayan, binigyan ng sistemang ito
nang mas malawak na boses ang mga mamamayan ng
Naga sa pagpapanukala ng mga ordinansa at programa
na makatutulong sa kanila.
Naging bahagi rin ng mahahalagang sangay ng
local na pamahalaan tulad ng Invesment Board at
Urban Development Housing Board ang mga
miyembro ng NCPC. Ang Naga, katulad ng Porto
Alegre, ay nagpapatupad din ng participatory
budgeting kung saan ang NCPC naman ang
katuwang ng local na pamahalaan sa pagpaplano at
alokasiyon ng badyet ng Naga (Blair, 2012). Sa
kabuuan, nagdulot ng transparency sa pamahalaan
at mutual trust sa pagitan ng participatory
governance sa Naga (ANGOC, 2006).
Bukod rito, nagpatupad pa ang local na pamahalaan
ng mga programang mas nagpalakas sa mekanismo ng
participatory governance sa lungsod. Ang isa rito ay ang
productivity improvement program na nag-ayos sa
benepisyong nakukuha ng mga kawani ng local na
pamahalaan. Nagpatupad din ang local na pamahalaan ng
private sector human resource management techniques
para sa mga empleyado ng pamahalaang lungsod na may
layuning mas mapaayos ang serbisyong kanilang ibibigay
sa mamamayan ng Naga. Pinatatag niya ang Merit &
Promotion Bread ng lungsod upang maalis ang patronage
system o ang sisemang padrino.
Naging tanyag din ang lungsod dahil sa Naga
City Citizens Charter, isang gabay na aklat na
nagbibigay-impormasyon sa mamamayan tungkol
sa mga serbisyong pinagkaloob ng local na
pamahalaan tungkol sa mga serbisyong proseso
(Asian MGO Coalition for Agrarian Reform and
Rural Development) (ANGOC,2006).
Ang participatory governance ng lungsod ng Naga ay nakaangkla sa
sumusunod na prinsipyo (ANGOC, 2006):
• Progressive development perspective- tumutukoy ito sa paniniwalang
kayang mabago ang mga lumang sistema ng pamahalaan para sa ikabubuti
ng mamamayan. Binubuo ito ng pagbuo at pagkuha ng tiwala ng
mamamayan, pagpapatatag ng mga Nagueño sa kanilag sarili.
• Functional partnerships- walang monopoly ang lokal na pamahalaan lalo na
ang mga opisyal nito sa pagbuo ng mga programa para sa mamamayan ng
lungsod. Kaya naman isinangkot ang NGO at PO para sa mas produktibong
serbisyo sa mga Nagueño.
• People’s participation- kinikilala nito ang napakahalagang papel ng
mamamayan sa pamamahala. Hindi magiging matagumpay ang anumang
programa kung walang suporta ng mamamayan.
ANG UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN
RIGHTS AT ANG BILL OF RIGHTS
• Bibigyang pansin sa bahaging ito ang mga dokumento ng Universal
Declaration of Human Rights at ang Bill of Rights ng ating SaligangBatas ng
1987.Ipaliliwanag dito ang kahalagahan ng mga ito sa ating papel bilang
mabuting mamamayan sa lipunan.
• Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa mahalagang
dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat
indibiduwalna may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao.Kabilang
sa mga ito ang karapatang sibil, political,ekonomiko,sosyal,at kultura.
• Nang itatag ang United Nations noong Oktubre 24,1945,binigyang-diin ng
mga bansang kasapi nito na magkaroon ng kongkretong balangkas upang
matiyak na maibabahagi ang kaalaman at maisakatuparan ang mga
karapatang pantao sa lahat ng bansa.Ito ay naging bahagi sa adyenda ng
UN General Assembly noong 1946.
• Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang tagapangulo ng Human Rights
Commission ng United Nations si Eleanor Roosevelt –ang biyuda ni dating
Pangulong Frankin Roosevelt ng United States.Binalangkas ng naturang
komisyon ang talaan ng mga pangunahing karapatang pantao at tinawag
ang talaang ito bilang Universal Declaration of Human Rights.
• Malugod na tinanggap ng UN General Assembly ang UDHR noong
disyembre 10,1948 at binansagan ito bilang “International Magna Carta for
all Mankind.”Sa kauna-unahang pagkakataon,pinagsama-sama at
binalangkas ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal sa isang
dokumento.Ito ang naging pangunahing batayan ng mga demokratikong
bansa sa pagbuo ng kani-kanilang Saligang batas.
• Umabot ng halos dalawang taon bago nakumpleto ang mga artikulong
nakapaloob sa UDHR.Sa Preamble at Artikulo 1 ng UDHR,inilahad ang
likas na karapatan ng lahat ng tao tulad ng pagkakapantay-pantay at
pagiging malaya.Binubuo naman ng mga karapatang sibil at pulitikal
ang Artikulo 3 hanggang 21.Nakadetalye sa Artikulo 22 hanggang 27
ang mga karapatang ekonimiko,sosyal,at kultura.Tumutukoy naman
ang tatlong tao na itaguyod ang mga karapatan ng ibang tao.
• Makikita sa kasunod na diyagram ang buod ng mga piling karapatang
pantao sa nakasaad sa UDHR.

You might also like