You are on page 1of 9

Case Study #1: Porto Alegre, Brazil: Ang Participatory Budgeting

Bilang Anyo ng Participatory Governance(Minos, 2002)

Ang itinuturing na nagpasimula ng participatory governance sa mundo


bilang modelo ng pamamahala ay ang lungsod ng Porto Alegre sa Brazil.
Bago ipatupad ang participatory governance, nakaranas ang lungsod ng
maraming suliraning nakaaapekto sa buhay ng mga mamamayan nito.
Hindi sapat ang badyet ng pamahalaan para tugunan ang kanilang
pangangailangan tulad ng serbisyong medikal at imprastruktura.
Taong 1989 nang simulan ng pamahalaang lokal ng Porto Alegre
ang pagkakaroon ng participatory governance, partikular na ang
participatory budgeting. Sa prosesong ito, isinama ng lokal na pamahalaan
ang mga mamamayan ng lungsod sa pagbalangkas ng badyet.
Layunin ng prosesong ito na magkasamang balangkasin ng
pamahalaan at ng mamamayan ang badyet ng lungsod. Sa pamamagitan
nito, naipararating ng taumbayan ang kanilang mga
pangangailangangnararapat paglagakan ng sapat na badyet. Nagiging
magandang lugar ito ng pag-uusap o deliberasyon sa pagitan ng dalawang
panig kung paano mas mapagbubuti ang mga serbisyo ng pamahalaan.
Nagkaroon ng boses ang taumbayan sa pamamahala. Taliwas ito sa
tradisyonal na proseso na ang mga nasa pamahalaan lamang ang
nagdedesisyon kung anong mga proyekto ang dapat paglaanan ng sapat
na pondo.
Upang maisagawa ang prosesong ito ay hinati ng pamahalaan ang
lungsod salabing-anim na regional assemblies at mga thematic
assemblies. Ang una ay batay sa rehiyon ng Porto Alegre at ang huli
naman ay mga asembliyang nakatuon sa partikular na aspekto ng lipunan:
pampublikong transportasiyon, kultura, pagbubuwis at kaunlaran,
edukasiyon, urban at social development, at kalusugan.

Proseso ng Participatory Budgeting


Maraming hakbang ang isinasagawa sa proseso ng participatory
budgetingsa Porto Alegre, Brazil. Mayroon itong tatlong mahahalagang
elemento: ang Regional/Thematic Assemblies, Fora of Delegates, at
Council of Participatory Budgeting (COP).Makikita sa tatlong ito ang papel
ng mamamayan sa pagbuo ng badyet ng Porto Alegre.
Sa mga Regional at Thematic Assembliestinataya ang mga
Investment Plan ng nakaraang taon. Dito rin tinutukoy ang mga priyoridad
na proyekto ng bawat regional at thematic assembly. Sa puntong din ito
nagkakaroon ng mga halalan ng magiging miyembro ng Fora of Delegates
at Council of Participatory Budgeting. Ang mga nahalal na miyembro ng
Fora of Delegates ay ang magsisilbing tagapamagitan sa mga
mamamayan at sa Council of Participatory Budgeting (COP). Kanila ring
susubaybayan ang pagpapatupad ng inaprubahang investment
plan.Tungkulin naman ng mga miyembro ng COP ang pagtatakda ng mga
pamantayan sa pag-alam kung saan ilalagak ang pondo ng kanilang
lungsod. Ang mga miyembro ng COP ang may tungkuling makipag-
negosasyon sa lokal na pamahalaan sa pagbalangkas ng badyet ng
kanilang lungsod.
Nagdulot ang inisyatibong ito ng Porto Alegre ng pag-unlad ng antas
ng pamumuhay ng kanilang mamamayan mula sa malalang suliranin ng
kahirapan sa bayan. Nakapagbigay rin ng mas maraming serbisyo ang
pamahalaang lokal sa mamamayan nito tulad nang mas maayos na
pangongolekta ng basura, pagkakaroon ng malinis na tubig, at paglalagay
ng mga ilaw sa daan. Bumaba ang antas ng infant mortality at maging ang
bilang ng mga batang natigil sa pag-aaral. Sa kabuuan, nakabuti sa
pamumuhay ng mga taga-Porto Alegre ang sistema ng participatory
budgeting dahil ang pondo ng bayan ay nailalagak sa mga proyektong
pinakakailangan ng mamamayan. Ito ay naging posible dahil sa
mahalagang papel na ginampanan ng mamamayan sa paglalagak ng
badyet.

Case Study # 2: Participatory Governance sa Pilipinas


Ang konsepto ng participatory governance ay hindi bago sa ating mga
Pilipino. Sa katunayan, ang Local Government Code of 1991 ay isang
testamento sa pagkilala sa papel ng mamamayan sa pamamahala(Blair,
2012). Ayon sa batas na ito, ibinaba ng pambansang pamahalaan sa mga
lokal na pamahalaan ang ilang tungkulin sa pagbibigay ng serbisyo sa
mamamayan tulad ng mga may kinalaman sa kalusugan, edukasyon at iba
pang serbisyo tulad ng mga imprastruktura kung saan kabilang ang
pagpapatayo ng mga kalsada at mga pampublikong pamilihan.
Kinikilala ng batas na ito ang kahalagahan ng papel ng mga people’s
organization at non-governmental organization sa pamamahala ng mga
bayan o lungsod. Binigyang-diin ng batas na ito na ang papel ng mga
Pilipino sa pamamahala ay hindi limitado tuwing araw lamang ng eleksiyon
sa halip ay isang pang-araw-araw na tungkulin ng bawat isa sa atin.
Binigyang-anyo ng LGC ang mekanismo kung paano maaaring maging
aktibong kabahagi ang mamamayan sa pamamahala.
Isa sa magandang halimbawa ng participatory governance sa bansa
ay ang Lungsod ng Naga na pinasimulan ng dating alkalde nito, ang
yumaong Kng. Jesse Robredo. Noong 1995, nagpalabas ng isang
ordinansa ang lokal na pamahalaan ng Naga na nag-aanyaya sa lahat ng
mga NGO sa bayan na lumahok sa itatatag na Naga City People’s Council
(NCPC). Mula sa mga miyembro ng mga NGO na lumahok sa NCPC ay
pipili ang konseho ng mga magiging miyembro ng iba’t ibang komite ng
konsehong panlungsod at labing-apat na espesyal na kawanihan ng lokal
na pamahalaan. Binubuo nito ang 25% ng mga miyembro sa mga
nabanggit na sangay ng lokal na pamahalaan, bukod 417 pa sa mga
konsehal na inihalal ng taumbayan. Tungkulin ng mga miyembro ng NCPC
na makilahok sa talakayan, bomoto at magpanukala ng mga batas at
ordinansa sa mga komite ng konseho(Blair, 2012). Dahil sa pagkakaroon
ng papel sa lokal na pamahalaan ng mga samahang kumakatawan sa iba’t
ibang interes ng mamamayan,binigyan ng sistemang ito nang mas
malawak na boses ang mga mamamayan ng Naga sa pagpapanukala ng
mga ordinansa at programa na makatutulong sa kanila.
Naging bahagi rin ng mahahalagang sangay ng lokal na pamahalaan
tulad ng Investment Board at Urban Development and Housing Board ang
mga miyembro ng NCPC. Ang Naga, katulad ng Porto Alegre, ay
nagpapatupad din ng participatory budgeting kung saan ang NCPC naman
ang katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpaplano at alokasiyon ng
badyet ng Naga (Blair, 2012). Sa kabuuan, nagdulot ng transparency sa
pamahalaan at mutual trust sa pagitan ng mamamayan at ng mga lokal na
opisyal ang sistemang ito ng participatory governance sa Naga (ANGOC,
2006).
Bukod dito, nagpatupad pa ang lokal na pamahalaan ng mga
programang mas nagpalakas sa mekanismo ng participatory governance
sa lungsod. Ang isa rito ay ang productivity improvement programna nag-
ayos sa benepisyong nakukuha ng mga kawani ng lokal na pamahalaan.
Nagpatupad din ang lokal na pamahalaan ng private sector human
resource management techniques para sa mga empleyado ng
pamahalaang lungsod na may layuning mas mapaayos ang serbisyong
kanilang ibibigay sa mamamayan ng Naga. Pinatatag niya ang Merit &
Promotion Board ng lungsod upang maalis ang patronage system o ang
sistemang padrino. Naging tanyag din ang lungsod dahil saNaga City
Citizens Charter, isang gabay na aklat na nagbibigay-impormasyon sa
mamamayan tungkol sa mga serbisyong pinagkakaloob ng lokal na
pamahalaan at ang kalakip nitong mga proseso(Asian NGO Coalition for
Agrarian Reform and Rural Development (ANGOC), 2006)

Ang participatory governance ng lungsod ng Naga ay nakaangkla sa


sumusunod na prinsipyo (ANGOC, 2006):
 Progressive development perspective – tumutukoy itosa paniniwalang
kayang mabago ang mga lumang sistema ng pamahalaan para sa
ikabubuti ng mamamayan. Binubuo ito ng pagbuo at pagkuha ng tiwala ng
mamamayan, pagpapatatag ng kakayahan ng pamahalaan at ang
pagmamalaki ng mga Nagueño sa kanilang sarili.
 Functional partnerships – Walang monopolyo ang lokal na pamahalaan
lalo na ang mga opisyal nito sa pagbuo ng mga programa para sa
mamamayan ng lungsod. Kaya naman isinangkot ang mga NGO at PO
para sa mas produktibong serbisyo sa mga Nagueño.
 People’s Participation – Kinikilala nito ang napakahalagang papel ng
mamamayan sa pamamahala. Hindi magiging matagumpay ang anumang
programa kung walang suporta ng mamamayan.
Mini Task No. 2
Compare and Contrast Matrix
Kompletuhin ang compare and contrast matrix tungkol sa paraan ng
participatory governance na ginawa sa Porto Alegre, Brazil at sa Lungsod
ng Naga, Pilipinas. Gamitin ang mga criteriana nasa unang kolum sa
paghahambing sa dalawang paraan ng participatory governance.
PORTO ALEGRE LUNGSOD NG NAGA
(BRAZIL) (PILIPINAS)
Layunin Ang layunin nito ay Ang layunin nito ay
magkasamang magkaroon ng
balangkasin ng pakikilahok an gang
pamahalaan at ng mga mga governmental
mamamayan ang organization at non-
badyet ng lungsod. governmental
organization upang
maisaayos ang
alokasyon ng badyet.
Paraan ng Ang naging paraan nila Ang naging paraan nila
Participatory ay naglagay ng tatlong ang pagkilala sa mga
Governance elemento ito ang mahahalagang papel
Regional/Thematic ng people’s
Assemblies, Fora of organizational at non-
Delegates at Council of governmental
Participatory Budgeting organization (NGO).
(COP). Ang mga Ang local na
elementong ito ay may pamahalaan ng Naga
kanya-kanyang papel ay nagbigay ng
sa pagbuo ng badyet paanyaya sa mga NGO
ng Porto Alegre. na lumahok sa NCPC
na kung saan
magkakaroon ng
konseho na magiging
miyembro ng komite.
Epekto Ang epekto nito ay Nakapagdulot ito ng
nagkaroon ng pag- transparency sa
unlad ang antas ng pamahalaan at
pamumuhay ng nakabuo ng isang
kanilang mamamayan. mutual trust sa pagitan
Nakapagbigay din ito ng mamamayan at mga
ng mas maraming lokal na opisyal ng
serbisyo katulad ng participatory
maayos na governance.
pangongolekta ng
basura, malinis na tubig
at paglalagay ng ilaw
sa daan. Bumaba ang
antas ng infant mortality
at maging ang bilang
ng mga batang tumigil
sap ag-aaral.
Nakapagdulot ito ng
maayos na
pamumuhay sa buong
Porto Alegre.
Papel ng Mamamayan Ang mga mamamayan Ang mga Pilipino ay
ay nagsasabi ng binigyan ng isang pang-
kanilang mga nais araw-araw na tungkilun
sabihin tungkol sa upang sila ay maging
kanilang mga aktibong kabahagi ang
pangangailangan mga mamamayan sa
upang mapaglagakan pamahalaan.
ito ng sapat na badyet.
Papel ng Pamahalaan Ang papel ng Ang papel ng
pamahalaan ay pamahalaan ng
magtakda ng mga Pilipinas ay katulad ng
paraan at serbisyo sa Naga na kung saan
upang maisaayos ang naglulunsad ng mga
badyet ng lungsod paraan at serbisyo
katulad ng paglulunsad upang mapabuti ang
ng participatory badyet katulad ng Naga
budgeting. ay nagkaroon ng
participatory budgeting.

You might also like