You are on page 1of 11

10

ARALING PANLIPUNAN
Kwarter II – Linggo 3
Ang Kalagayan at Suliranin
sa Paggawa sa Bansa

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Araling Panlipunan – Baitang 10
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter II – Linggo 3: Naipaliliwanag ang Kalagayan, Suliranin at Pagtugon sa Isyu
ng Paggawa sa Bansa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Teddy G. Aquino Jr
Pangnilalamang Patnugot: Rodney M. Ballaran
Editor: Jouilyn O. Agot
Tagawasto: Nimfa V. Alaska
Tagasuri: Marites L. Arenio, Nimfa V. Alaska, Ma. Lea A. Magbanua,
Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin

Tagaguhit: Karl Grabriel G. Buenafe


Tagalapat: Teddy G. Aquino Jr

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD. ASDS
Cyril C. Serador PhD. CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Marites L. Arenio, EPS-Araling Panlipunan
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon,


Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin,
Jouilyn O. Agot
Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)
Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone Number.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Pangalan: Baitang at Seksyon:

Aralin 1
Ang Kalagayan at Suliranin
sa Paggawa sa Bansa
MELC: Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at patugon sa isyu ng paggawa sa bansa

Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang iba’t ibang kalagayan at suliranin sa paggawa sa bansa
2. Natutukoy ang suliranin sa paggawa sa bansa
3. Naipaliliwanag ang kalagayan at suliranin sa paggawa sa bansa

Ating Alamin at Tuklasin

Ang mababang pasahod, kawalan ng seguridad sa


Paghawan ng pinapasukang kompanya, hindi tugmang kasanayan sa
Balakid trabahong pinapasukan o “Job-Skills Mismatch” ay ilan lamang
sa iba’t ibang kalagayan at suliranin sa paggawa sa bansa.
Employment – isang
Ang manggagawang Pilipino ay isa sa may pinakamurang
kalagayan sa pagawa pasahod at limitadong mga benepisyo sa paggawa sa Asya.
kung saan ang isang
tao ay may May nakikita ka bang mga kalagayan at hamon na
hanapbuhay o kinakaharap ng mga mangagagawa sa iyong komunidad, sa
buong bansa sa panahon ng pandemya?
trabaho. Maaari din
itong tumukoy sa
kakayahan ng isang Mayroon ka bang Oo, ang Unemployment
bansa na magbigay natatandaan sa mga at Underemployment ay
kalagayan at suliranin malaking suliranin sa
ng trabaho sa bawat
sa paggawa ng mga paggawa ng mga
mamamayan.
Pilipino? Pilipino sa bansa.

Natatandaan mo pa ba ang nakaraang aralin? Nawa’y iyong nabatid ang malaking


hamong dulot ng globalisasyon sa mga Pilipino dahil sa mga makabagong pagbabago sa
ibat-ibang larangan. Higit na nagiging bukas ang Pilipinas sa ibat ibang oportunidad
ngunit kailangan din makasabay ang bawat mangagawang Pilipino sa pagtuklas ng
sariling potensiyal at kakayahan na makipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon.

Ang Hamon ng Globalisasyon


Kasama ng mabilis na mga pagbabago sa paggawa sa bansa ay ang hamong kaakibat
nito sa pagtugon ng bansa sa suliraning naidudulot ng globalisasyon. Ang manggagawang
Pilipino ay higit na napag-iiwanan na sa buong mundo at ang patuloy pa na paglala ng
kalagayang paggawa sa bansa.

1
Kakayahan na Maka-angkop sa Global Standards sa Paggawa
Ang antas ng pamantayan sa paggawa sa workplace ay nagbunga ng pagtatakda ng
mga pandaigdigang samahan tulad ng World Trade Organization (WTO) na ang layunin ay
siguradong global standard ang mga kakayahan at kasanayan para sa mga manggagawa.
Talahanayan 1
Mga Kasanayan at Kakayahan na Kakailanganin
na Hinahanap ng mga Kompanya
(Halaw mula sa Productivity and Development Center)
Kasanayan Antas ng Edukasyon
Elementary Secondary
Basic writing, reading, arithmetic 
Health and Hygiene  
Theoretical Knowledge 
Practical Knowledge 
Human Relations 
Work Habits 
Will to Work 
Sense of Responsibility 
Social Responsibility 
Ethics and Morals 

Talahanayan 2
Apat na Haligi para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa (DOLE, 2016)
Employment Pillar Tumutukoy na may tiyak na paglikha ng mga sustenableng
trabaho.
Worker’s Rights Pillar Layunin na palakasin ang karapatan ng mga manggagawa.
Social Protection Pillar Paghikayat na makiisa ang pamayanan sa karapatan ng mga
manggagawa.
Social Dialogue Pillar Palakasin ang linya ng komunikasyon ng gobyerno,
manggagawa, at mga kompanya.

Talahanayan 3
Kalagayan ng mga Manggagawa sa Ibat-ibang Sektor
Mga Kalagayan ng mga Manggagawa Suliranin ng Manggagawa
Sektor sa
Paggawa
• Kasunduan sa GATT, WTO, IMF- • Mahirap na gawain sa
WB, at iba pang pandaigdigang pagsasaka sa bansa ngunit
institusyong pinansyal na murang naibebenta ang mga
Agrikultura nagpalumpo sa mga lokal na dayuhang produkto sa kung
magsasaka dahil sa pagpasok ng ikukumpara sa lokal na
mga produktong banyaga. produkto.
• Malayang pagpapasok ng mga • Pang-aabuso sa karapatan
kompanya at mamumuhunan ng mga manggagawa tulad
sa industriya ng konstruksiyon, ng kawalan ng sapat na
Industriya at telekomunikasyon gaya ng seguridad para naaaksidente
call center companies. o nasasawi.
• Malaya ang kalakalan ng bansa • Mababang pasahod sa mga
sa mga dayuhang kompanya o manggagawang over-worked,
Serbisyo TNCs sa pagpasok ng mga sakit na nakukuha mula sa
produkto at serbisyo mula sa trabaho at di-normal na oras
TNCs. ng pagtatrabaho.

2
Iskemang Subcontracting
Tumutukoy sa mga kompanya na komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na
subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon. May
dalawang anyo ng subcontracting ito ay ang:
 Ang Labor-only Contracting ay may subcontractor na walang sapat na
puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo ay nagpapasok ng
manggagawa na may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompaya.
 Ang job-contracting naman ang subcontrator ay may sapat na puhunan para
maisagawa ang trabaho at mga gawain na walang direktang kinalaman sa
mga gawain ng kompanya.

Unemployment at Underemployment
Kaugnay ang bilang ng mga job-mismatch sa bahagdan ng hindi nakakasabay na
mga college graduate sa demand na kasanayan at kakayahan na entry requirement ng mga
kompanya at estudyanteng “working student” para tustusan at patapusin ang sarili sa pag-
aaral.
 Unemployment o Unemployed. Kalagayan kung saan walang mahanap na
trabaho o hanapbuhay.
 Underemployment o Underemployed. Hindi tugma o sakto ang kasanayan at
kakayahan sa pinasukang trabaho.

Mura at Flexible Labor


Ito ay isang paraan ng mga “capitalists” o mamumuhunan na palakihin ang kanilang
kinikita at tinutubo sa pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon
ng paggawa ng mga manggagawa upang sila ay makaiwas sa pagbibigay ng benepisyo.

Epekto ng Kontraktuwalisasyon sa mga Manggagawa


Ayon sa International Labor Organization o ILO (1992) at DOLE (2016). Sa pagitan
ng 1992 at 1997, sa sektor ng industriya pa lamang - sa bawat isang manggagawang
regular na nakaempleyo, lima ang kontraktuwal/kaswal o mas kilala sa salitang “Endo” o
End of Contract na patuloy na umiiral na Sistema ng paggawa sa bansa.

Pagbangon ng mga Manggagawa at ang Kilusang Manggagawa


Ang suweldo ng mga nagtatrabaho sa Pilipinas ay hindi pa din maitaas sa
kasalukuyan, hindi maipagkaloob ang kasiguraduhan sa trabaho, at madagdagan ang
benepisyo ng mga manggagawa sa bansa sapagkat mahihirapan ang mga namumuhunan,
negosyante at may-ari ng negosyo na ipagkaloob ang mga ito.

Nalaman mo sa bahaging ito ang iba’t ibang isyu sa paggawa na kung saan
binago ng globalisasyon ang market place at daloy ng paggawa sa bansa na lalong
nagpalala sa kawalan at kakulangan ng hanapbuhay, kontraktuwalisasyon, mura
at flexible labor. Dahil sa mga isyu at hamong ito ay patuloy ang pangangampaya
ng mga manggagawang Pilipino tungo sa isang disente at marangal na trabaho.

(Pinagkunan: "Araling Panlipunan 10 Mga Kontemporaryong Isyu-Learning Module,”


Learning Resource Management Development System, accessed May 10, 2020,
https://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/1270.)

3
Tayo’y Magsanay
Gawain 1
Panuto: Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang at piliin ang sagot mula sa talahanayan
na tugma sa bawat sitwasyon. Isulat ang TITIK ng tamang sagot sa patlang bago
ang bawat aytem.

A. Ang hamon ng globalisasyon


B. Kakayahan na maka-angkop sa global standards sa paggawa
C. Kalagayan ng mga manggagawa sa ibat-ibang sektor
D. Iskemang subcontracting
E. Unemployment at underemployment
F. Mura at flexible fabor
G. Epekto ng kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa
H. Pagbangon ng mga manggagawa at ang kilusang manggagawa

_____1. Ang ama ni Milagros ay hirap na makahanap ng trabaho dahil ang kanyang
kasanayan ay di-sapat sa pandaigdigang pamantayan.
_____2. Si Juanita na isang casual worker sa City Hall ay hindi permanente sa kanyang
trabaho dahil hanggang elementarya lamang ang tinapos.
_____3. Namumuhunan ang mga dayuhang Tsino sa bansa upang mas palakihin at
palaguin ang kanilang kinikita.
_____4. Hindi natanggap si Diego sa call center dahil hindi sapat ang kanyang
karanasan.
_____5. Ang ama ni Inday ay isang magsasaka na napipilitang magbenta ng kanyang
aning bigas sa mas murang halaga upang makasabay sa mga dayuhang
produkto.

Gawain 2
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay
may katotohanan at MALI kung wala.

_____1. Maraming Pilipino ang hindi nakakahanap ng trabahong angkop sa kanilang


kasanayan.
_____2. Isa sa suliranin sa paggawa sa kasaluyang panahon ay ang mababang pasahod
at di-sapat na benepisyo.
_____3. Ang unemployed ay tawag sa di-tugma ang kakayahan at kasanayan sa
trabaho.
_____4. Isa sa mga suliranin sa paggawa sa sektor ng serbisyo ay ang masyadong
mataas na pasahod.
_____5. Kasama ang basic writing skills sa mga kasanayan sa antas ng sekondarya ang
hinahanap ng mga kompanya.

Sa iyong naitalang mga kalagayan at suliranin ng mga manggagawa sa


bansa, bakit kaya patuloy na nararanasan ang mga ito sa kasalukuyang
panahon?

4
Ating Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Natutuhan mo na ang ibat ibang kalagayan at suliranin na kinakaharap ng mga
manggagawang Pilipino. Ngayon, ay tukuyin mo kung saang sektor ng paggawa
matatagpuan ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot sa
kahon at isulat sa patlang.

A. AGRIKULTURA B. INDUSTRIYA C. SERBISYO

____________1. Ang presyo ng bell pepper ay mas mura sa siling labuyo.


________________2. Ang mga produktong banyaga ay mas tinatangkilik ng mga Pilipino.
________________3. Mas mababa ang sahod ng mga Pilipinong nurse sa ibang bansa.
________________4. Dumadami ang bilang ng mga call center company sa Pilipinas dahil sa
mas mababang pagbubuwis at pasahod.
________________5. Pinipili ng maraming graduate students sa probinsya ang magtrabaho sa
Maynila sa halip na magsaka.
Gawain 2
Panuto: Sagutin ang tanong base sa iyong natutunang konsepto ng mga kalagayan at
suliranin sa paggawa sa bansa.

1. Ano-ano sa mga kalagayan at suliranin sa paggawa ang nakikita mo na nararanasan ng


mga manggawa sa iyong komunidad?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Paano nakakapekto sa buhay ng mga manggagawang Pilipino ang mga


katangian ng mga sektor ng paggawa na lubos at patuloy na laganap sa
bansa?

5
Ang Aking Natutuhan

Ating Tayahin
Panuto: Unawain mo ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang .

_____1. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa kasanayang pang-sekondarya na


hinahanap ng mga kompanya na kakailanganin ng isang manggagawa?
A. Work habits B. Will to work C. Human Relations D. Basic writing

_____2. Binago ng globalisasyon ang market place at daloy ng paggawa MALIBAN sa isa,
ano ito?
A. Nagpalala ng kawalan at kakulangan sa hanapbuhay sa bansa.
B. Naglalayong hikayatin lahat ng dayuhang namumuhunan
C. Naglalayong ipagsawalang bahala ang mga mangagawang naaapi
D. Naglalayong tiyakin ang kapakanan at benepisyo ng mga manggagawa

_____3. Anong kalagayan sa paggawa nabibilang si Arlyn na isang nursing graduate na


nagtatrabaho sa isang pabrika ng bag?
A. Employment
B. Underemployment
C. Job-skills mismatch
D. Job-skills matching

6
_____4. Alin sa haligi o pillar ng disente at marangal na paggawa ang may layunin na tiyak
na paglikha ng trabaho?
A. Employment
B. Worker’s rights
C. Social protection
D. Social dialogue

_____5. Ang lungsod ng Puerto Princesa ay kumontrata ng mga ahensiya na may direktang
kakayahan at kasanayan sa mga gawain at layunin nito?
A. Contract B. Sub-contract C. Job-contract D. Contractual

_____6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng mga hamon at suliranin sa
paggawa?
A. Pagkalugi ng mga dayuhang nagnenegosyo sa Pilipinas
B. Mataas na pasahod ng mga employer sa mangagawa sa bansa
C. Patuloy na paglaki ng bilang ng mga working students
D. Umiiral na sistema ng kontraktuwalisasyon sa paggawa

_____7. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng kalagayan at suliranin ng manggagawa


sa bansa?
A. Mura at Flexible labor
B. Pagtangkilik sa Iskemang Sub-contracting
C. Pagtaas ng bilang ng Unemployment at Underemployment
D. A, B at C

_____8. Ang mga magulang ni Luke ay hindi kasali sa makatatanggap ng benepisyo sa


darating na pasko?
A. Regular B. Permanente C. Kontraktuwal D. Intern

_____9. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng kahulugan ng


employment?
A. Hanapbuhay na disente at marangal sa bawat manggagawa.
B. Hanapbuhay na nais isawalang bahala ang karapatan sa paggawa.
C. Patakaran sa paggawa na pabor lamang sa mga employer
D. Hindi pagkakaloob ng mga benepisyo sa manggagawa

_____10. Ano-ano ang mga sektor ng paggawa kung saan nakasentro ang kalagayan at
suliranin ng mga manggagawang Pilipino?
A. Agrikultura, Industriya, Edukasyon
B. Agrikultura, Industriya, Serbisyo
C. Serbisyo, Pamumuhunan, Pamilihan
D. Industriya, Pabrika, Pribadong kompanya

7
Susi sa Pagwawasto

Ang Aking
Natutuhan Tayo’y Magsanay
Gawain 1
GLOBALISASYON
UNDEREMPLOYED 1. A
SUBCONTRACTING 2. B
INDUSTRIYA 3. F
CAPITALISTS 4. E
5. C
Ating Tayahin
Gawain 2
1. D
2. D 1. TAMA
3. C 2. TAMA
4. A 3. MALI
5. B 4. MALI
6. B 5. MALI
7. D
8. C Ating Pagyamanin
9. A .
10. B Gawain 1
1. A. AGRIKULTURA
2. A. AGRIKULTURA
3. C. SERBISYO
4. B. INDUSTRIYA
5. A. AGRIKULTURA

Sanggunian

Website

Learning Resource Management Development System. "Araling Panlipunan 10: Mga


Kontemporaryong Isyu-Learning Module.” Accessed May 10, 2020.
https://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/1270.

8
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like