You are on page 1of 3

Mga uri ng korupsiyon sa Pilipinas

Ang pitong mga korupsiyon na isinasagawa sa Pilipinas ang pagtakas sa pagbabayad ng buwis, mga ghost
projects at payroll, pagtakas o pag-iwas sa subasta sa publiko ng pagkakaloob ng mga kontrata, pagpasa
ng mga kontrata, nepotismo at paboritismo, pangingikli, salaping proteksiyon at panunuhol.

Pagtakas sa pagbabayad ng buwis

Ito ay talamak partikular na sa pribadong sektor dahil sa pagtanggi ng mga nagnenegosyong pribado na
dapat na ideklara ang kanilang taunang kinita at magbayad ng mga angkop na buwis sa pamahalaan.

Mga ghost project at pasahod

Ito ay ginagawa ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan kung saan ang mga hindi umiiral na
proyekto ay pinpondohan ng pamahalaan samantalang ang mga hindi umiiral na tauhan ng pamahalaan
o mga pensiyonado ay binabayaran ng mga sahod at allowance. Ang katiwaliang ito ay talamak sa mga
ahensiya ng pamahalaan na nasasangkot sa pormulasyon at pagpapatupad ng mga programa at
proyekto partikular na sa imprastruktura at sa pagbibigay ng mga sahod, mga allowance at mga
benepisyong pensiyon.

Pag-iwas sa pagsusubasta sa publiko sa pagkakaloob ng mga kontrata

Ang paglisan ng mga mga opisina ng pamahalaan partikular na ang mga komite ng mga subasta at
pagkakaloob ng mga kontrata sa pamamagitan ng subasta sa publiko o pagkakaloob ng mga kontrata sa
mga pinaborang mga negosyo o kontraktor na makapagbibigay sa kanila ng mga personal na benepisyo.
Upang legal na maiwasan ang pagsusubasta sa publiko ng mga kontrata, ang mga ahensiya ng
pamahalaan ng bumibili ay magsasagawa ng isang pira-pirasong stratehiya ng pagbili kung saan ang
maliit na halaga ng mga suplay at materyal ay bibilhin sa isang tuloy tuloy na proseo. Sa kasong ito, ang
mga kasunduan sa pagitan ng bumibili at suplayer ay ginagawa kung saan ang isang persentage ng
halagang presyo ay ibibigay sa namimili na minsang nagreresulta sa sobrang presyo at pagbili ng mga
mababang uring mga suplay at materyal.

Pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor sa isa pa

Sa pagtatayo ng mga proyekto ng imprastruktura, ang mga kontraktor ay may kasanayan ng pagpasa ng
mga trabaho mula sa isang kontraktor tungo sa isa pa. Sa prosesong ito, ang isang persentahe ng halaga
ng proyekto ay napapanatili ng bawat kontraktor at subkontraktor na nagreresulta sa paggamit ng mga
mababang uring materyal o hindi natapos na proyekto.

Nepotismo at paboritismo

Ang mga matataas na opisyal ay maaaring maglagay o humirang mga kamag-anak at kaibigan sa mga
posisyon ng pamahlaan kahit pa hindi kwalipikado. Ito ay isa sa mga ugat ng kawalang kaigihan at
pagdami ng mga empleyado sa byurokrasya.

Pangingikil

Ito ay ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan laban sa kanilang mga kliyente sa pamamagitan ng
paghingi ng salapi, mahahalagang mga bagay o mga serbisyo mula sa mga ordinaryong mamamayan na
nakikipagtransaksiyon sa kanila o sa kanilang opisina. Ito ay talamak sa mga ahensiyang nag-iisyu ng mga
clearance at ibang mga dokumento, mga nasasangkot sa pagrerecruit ng mga tauhan o mga
nagsasagawa ng mga serbisyon na direktang pumapabor sa mga ordinaryong mamamayan.

Suhol o Lagay

Ang sistemang lagay o suhol na akto na ang mga mamamayan ay nanunuhol o naglalagay sa mga opisyal
ng pamahalaan ay tumatagal dahil sa byurokratikong red tape. Ang labis na mga kailangang papeles,
matagal na pagpoproseso ng mga dokumento, hindi epektibo at hindi maiging pangangasiwa ng mga
tauhan at kawalan ng propesyonalismo sa paglilingkod sa publiko ay nagtutulak sa mga ordinaryong
mamamayan na maglagay para sa mabilis na pagpoproseso at pag-iisyu ng mga personal na dokumento.
Ang karaniwang paraan nito ang pagaalok ng malaking halaga ng salapi sa isang opisyal ng pamahalaan
na makakatulong sa pag-iisyu ng mga nais na dokumento sa mga ahensiyang nag-iisyu ng mga lisensiya,
permit, mga clearance at mga ahensiyang nagpapasya sa mga partikular na isyu. Ang isa pang paraan
nito ang paggamit ng mga fixer kung saan ang mga tao ay nagbabayad sa ilang mga indbidwal na maaari
o hindi maaaring mga empleyado ng pamahalaan na magproseso o magtamo ng mga kinakailangang
dokumento para sa kanila.
Mga pampolitika na dinastiya

Ang mga dinastiyang pampolitika sa Pilipinas ay naglilimita sa pantay na oportunidad para sa lahat ng
mamamayan at naglilimita rin sa pagbabago sa palpak na sistema sa bansa dahil napapanatili ng mga
pamilyang ito ang sistema na nagbibigay pakinabang sa kanila. May mga panukalang batas na anti-
Dinastiya sa Kongreso ng Pilipinas ngunit wala pa ring naipapasa hanggang ngayon at hindi alam kung
may maipapasa sa hinaharap dahil ang karamihan ng mga kasapi ng Kongreso ng Pilipinas sa parehong
kapulungan ay kasapi ng dinastiyang pampolitika. Dahil may kaunting tsansa na maipasa ang isang
panukalang batas anti-Dinastiya sa Kongreso ng Pilipinas, ang paraan lamang na magkaroon ng batas na
ito ay sa pamamagitan ng isang reperendum at upang maisagawa ang reperendum ay kailangang
lumikom ng mga lagda na hindi bababa sa 10 porsiyento ng lahat ng mga rehistradong botante at hindi
bababa sa 3 porsiyento sa bawat distritong lehislatibo gaya ng inaatas ng Republic Act 6735 o Initiative
and Referendum Act. May tinatayang mga 250 pamilyang pampolitika sa Pilipinas na nasa mga posisyon
sa lahat ng mga lebel ng byurokrasya. Ang mga pamilyang ito ay kabilang sa mga nakaaangat at ang ilan
ay umaasal bilang mga tagapaggawa ng patakaran o mga patron ng mga politikong nagsasabwatan
upang magkamit ng mas malaking kapangyarihang ekonomika. Bukod sa nalilikhang korupsiyon ng mga
dinastiyang pampolitika sa Pilipinas, ang isang pamilya na nasa kapangyarihan ay maaaring hindi
magpondo ng mga proyekto ng pamahalaan sa mga lugar na kinokontrol ng mga katunggali nito. Sa
maraming mga kaso, ang mga nasa kapangyarihan ay kumikilos lamang tuwing may halalan. Sinisiguro
ng mga nasa kapangyarihan na alam ng mga botante kung sino ang nasa likod ng pagpapagawa ng mga
imprastruktura at iba pang serbisyo ng pamahalaan.[3]

Mga katawan o ahensiyang nilikha upang sugpuin ang korupsiyon sa Pilipinas

Ang 1987 Saligang Batas ng Pilipinas ay lumikha ng mga katawan na konstitusyonal upang sugpuin ang
graft at korupsiyon at epektibong maipatupad ang mga probinsiyan ng pagpapanagot na pampubliko.
Ang mga katawang ito ay pinagkalooban ng kapangyarihang piskal upang masiguro ang kanilang
kalayaan at ang kanilang mga aksiyon ay maapela lamang sa Kataas-taasang hukuman.

Ang Office of the Ombudsman (OMB) na nag-iimbestiga at kumikilos sa mga reklamong inihain laban sa
mga opisyal at empleyadong pampubliko at nagisislbi bilang mga “people’s watchdog” ng pamahalaan.
Ang Ombudsman at mga diputado nito (Overall Deputy Ombudsman, Deputy Ombudsman for the
Military, One Deputy Ombudsman each for Luzon, Visayas and Mindanao) ang mga "protektor ng mga
tao". Ang opisinang ito ay nangangasiwa sa pangkalahatan at spesipikong pagganap ng mga
katungkulang opisyal upang ang mga batas ay angkop na mailapat. Ito ay sumisiguro sa patuloy at
maiging paghahatid ng mga serbisyong pampubliko. Ito ay nagpapasimula ng mga pagpipino ng mga
pamamaraan at kasanayang pampubliko at nag-aatas ng mga sanksiyong administratibo sa mga
nagkakasalang opisyal at empleyado ng pamahalaan at naglilitis sa kanila para sa mga paglabag ng batas
kaparusahan. Ang nakaraang Ombudsman na si Merceditas Gutierrez ay na-impeach dahil sa kawalang
pagkilos sa mga kasong inihain laban sa korupsiyon.

Ang Civil Service Commission (CSC) ang sentral na ahensiya ng tauhan ng pamahalaan na inatasang
magtatag ng isang serbisyong karera at magtaguyod ng moral, kaigihan, integridad, pagtugon, pagsulong
at kagandahang loob sa serbisyong sibil. Ito ay nagpapalakas rin ng sistemang merito at mga gantimpala,
pagpapaunlad ng mapagkukunang pantao at pananagot na pampubliko. Ito ay may hurisdiksiyon sa mga
kasong administratibo kabilang ang graft at korupsiyon na inihain dito sa apela.

Ang Commission on Audit (COA) ang bantay ng mga operasyong pangsalapi ng pamahalaan. Ito ay
binigyang kapangyarihan upang siyasatin, tasahin o iaduit at bayaran ang lahat ng mga account na
nauukol sa kinita o nalikom na buwis, mga resibo at mga gastos o paggamit ng mga pondo at ari-arian sa
ilalim ng kustodiya ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga instrumentalidad. Ito ay magpapalaganap ng
mga patakarang accounting at auditing at mga regulasyon para sa pagpipigil at hindi pagpayag sa mga
iregular, hindi kinakailangan, malabis, maluho o hindi makatwirang mga gastusin o paggamit ng mga
pondo at ari-arian ng pamahalaan.

Ang Sandiganbayan ay isang hukumang anti-graft sa Pilipinas. Ito ay may hurisdiksiyon sa mga kasong
sibil at kriminal na kinasasangkutan ng mga kasanayang graft at corrupt at ibang gayong mga paglabag
na ginawa ng mga opiser at empleyadong pampubliko. Ito ay nangangasiwa sa pagpapanatili ng
moralidad, integridad at kaigihan sa serbisyong pampubliko.

Mga sagabal sa pagsugpo ng korupsiyon sa Pilipinas


Ang mga sagabal sa pagsugpo ng korupsiyon sa Pilipinas ay itinuturo sa mga sumusunod na paktor:

Ang spesipikong kultura ng mga Pilipino nagpapalakas ng paglaganap ng graft at korupsiyon. Ang mga
malalakas na ugnayang pampamilya ay nagbibigay dahilan o katwiran sa pagbibigay ng mga benepisyo
sa mga hindi kwalipikadong tumatanggap nito na napaka-ebidente sa pagbibigay trabaho at
pagkakaloob ng mga kontrata. Ang phenomenon na ito sa lipunan ng Pilipinas ay mapanganib na
umaapekto sa propesyonalismo, kaigihan at pagiging epektibo ng serbisyo sa pamahalaan gayundin sa
pagpapapatayo ng mga publiong imprastruktura at pagkakamit ng mga suplay at materyal ng
pamahalaan na minsang mababang uri at labis na mataas ang presyo.

Ang kulturang Pilipino ng pagbibigay regalo ay nagbibigay katwiran sa paglalagay o panunuhol at


pangingikil na gumagawang mahirap para sa pagpapatupad ng batas at mga ahensiyang anti-korupsiyon
na sugpuin ang problema. Ang kasanayang panlipunang ito ay gumagawang inutil sa batas na
nagbabawal sa pagbibigay regalo at kaya ay karagdagang nagpapalakas ng kasanayang korupsiyong ito.

Ang mga ahensiya sa Pilipinas na inatasan na labanan ang graft at korupsiyon ay hindi mahusay na
pinopondohan ng pamahalaan. May kawalan rin ng pagkilala, mga merito, mga gantimpala at mga
pabuya na ibinibigay ang pamahalaan ng Pilipinas para sa mga pagsisikap ng mga ahensiyang anti-
korupsiyon. Ang mga tauhan ng mga ahensiyang anti-korupsiyon na ito ay marupok sa mga panunuhol
dahil sa kawalan ng suportang pangsalapi, integridad at propesyonalismo. Ang mga patakaran ay dapat
ipakilala sa pagrerecruit ng mga tauhang anti-korupsiyon upang masiguro na ang mga ito ay nag-aangkin
ng moralidad, katapatan, integridad at dedikasyon sa tungkuling ito.

Ang transparency o pagiging bukas ay hindi sinusunod partikular na sa mga transaksiyon ng pamahalaan.
Ang publiko ay tinatanggihan na magkaroon ng kaalaman sa mga aktibidad ng mga opisyal ng
pamahalaan. Hindi pinapaalam sa mga mamamayan ang detalye ng bahagi sa pambansang badyet ng
mga kagawarang ehekutibo (pangulo), lehislatura (kongreso) o hudikatura (korte) at kung paanong
ginugugol ng mga kagawarang ito ang kanilang mga pondo.

Ang epektibong pagmomonitor ng mga programa at proyekto ng pamahalaan gayundin ang mga
gastusin ay hind seryosong isinasagawa ng mga ahensiya o tauhan na inatasang magmonitor ng mga ito.
Ang mga ito ay marupok rin sa panunuhol at hindi aktuwal na nagsasagawa ng buong inspeksiyon ng
mga ito ngunit umaasa lamang sa mga impormasyong nakalap.

Ang mga Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN na mekanismo sa pagsugpo ng graft at
korupsiyon ay isinusumite ng lahat ng mga opisyal pampubliko. Gayunpaman, walang ahensiya ng
pamahalaan ng Pilipinas na inatasan na siyasatin ang pagiging totoo ng mga datos na ipinasok dito. Ang
mga tiwaling opisyal ng pamahalaan ay maaaring magtago ng kanilang nalikom na hindi maipaliwanag
na kayamanan habang nasa panunungkulan sa pamahalaan sa pamamagitan ng hindi tapat na
pagdedeklara nito sa kanilang SALN.

Mga pananaw

Ayon sa isang akademikong pag-aaral, nais ng nakararaming mga Pilipino na ipatupad ang parusang
kamatayan sa mga kurakot na opisyal ng pamahalaan. Bukod sa parusang kamatayan, ang mga Pilipino
ay nagmungkahi rin na ang mga whistleblower o naglalantad ng korupsiyon, ay bigyan ng bahagi ng
salaping kinukurakot ng mga opisyal bilang pabuya sa mga it

You might also like