You are on page 1of 7

pw

Kabanata 5 Iba pang Konsepto ng Kulturang Popular

Intended Learning Outcomes: Pagkatapos ng Yunit na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Natutukoy ang iba’t ibang konsepto ng kulturang popular
 Naipapaliwanag ang iba’t ibang kulturang dulot ng kulturang popular

Kultura ng Globalisasyon

Ang Pilipinas ay nakapailalam sa mga kasunduan at patakarang pinagkaisahan at


idinidikta ng mga economic superpowers o mga imperyalistang bansa. Kabilang dito ang mga
neoliberal na patakaran ng liberalisasyon, deregulasyon at pribatitsasyon na itinutulak ng IMF,
WB at WTO lalo na sa mga mahihirap na bansa. Sa gayon ang mga bansang katulad ng Pilipinas
ay nagsisilbing mas maluwag na palengke para sa mga produkto at serbisyo ng mga malalaking
kapitalista mula sa mayayamang bansa.

Kultura ng Turismo

Laganap ang samu’t-saring festival sa buong kapuluan ngayon sa layunin ng mga


lokalidad at ng pambansang pamahalaan na pasiglahin ang turismo sa bansa . Sa isang banda
nakabubuti ang turismo, kung bahagi ito ng edukasyon ng mga Pilipino at ng mga dayuhan na
makilala ang mayamang kultura sa ating bayan . Ngunit kung ang pangunahing layunin ay
kumita ng pera, nagiging kapital ang turismo sa komersiyalisasyon ng kultura. Bukod pa sa
pinagkakakitaan ang kultura, mas masahol ang usapin ng panghihimasok sa isang kultura at ang
artipisyal na pagpoproseso dito upang maging mabenta sa pinakamaraming tao. Madalas kaysa
hindi, nababago sa kalaunan ang isang kultura kundi man ito tuluyang nasisira. Sa praktika ng
gobyerno, ginagamit nito ang turismo bilang tugon sa kahirapan. Sa isang banda,
sinusuportahan nito ang produksyon ng mga tradisyunal na kagamitan. Ngunit ang pagpayag at
paghihikayat ng gobyerno sa pagpasok ng mining companies at sa laganap na militarisasyon na
nagtataboy sa mga kababayang tumutugon sa tradisyunal na kagamitan ay siya ring pumapatay
sa tradisyunal na produksyon.

Kulturang Artipisyal

Ang tinaguriang “kulturang popular” ba ay tunay na kultura ng masa? O nagiging


popular ito dahil pilit itong ipinamumudmod sa masa, hinuhubog ang kanilang panlasa
hanggang sa tanggapin na nila ito bilang sariling kultura? Ang mga eksena mula sa palabas na
Wowowee at iba pang gameshow ay nagpapakita ng matinding desperasyon ng napakaraming
maralitang Pilipino . Pinapalaganap nito ang pantasya na “swerte” at kagandahang-loob ng iba
ang sagot sa kahirapan ng masa. Nilalako nito ang hungkag na pag-asa sa milyon-milyong
tagapanood, kasabay ng mga produkto ng mga malalaking kumpanyang isponsor ng mga
palabas na ito, sila na kumikita ng limpak-limpak sa pagtangkilik ng masa. Gayundin, hungkag na
kaligtasan ang nilalako ng mga fantaserye at telenovela, gawa man dito o dinub mula sa ibang
bansa, Sa mga palabas na ito, hindi sistemang panlipunan o gobyerno ang ugat ng paghihirap
kundi mga masasamang nilalang. At ang katubusan ay nasa balikat ng mga indibidwal na may
kakaibang mga kapangyarihan, mga superhero, hindi sa kolektibong pakikibaka ng mga inaapi at
pinagsasamantalahan. Ito ang artipisyal na kulturang popular na “binebenta” ng industriyang
pangkultura ng mga local na naghaharing-uri at ng imperyalismo sa masang mamimili. Dahil ang
mga lokal na naghaharing uri at imperyalismo ang mayhawak ng halos lahat ng mayor na
industriya sa kultura at sining (musika, pelikula atbp.) sila ang nagtatakda kung ano ang
isinasalaksak sa isipan at panlasa ng masa. Sila ang nagtatatak na pang-masa ang ganitrong
kulturang mapang-alipin. Sila ang nagpapanatiling mababaw o tanga ang masa – habang
umaani ng tubo mula sa mga produktong kanilang ibinebenta sa masa.

Kultura ng Korapsyon
Ang korupsiyon, korapsiyon, katiwalian o pangungurakot (Ingles: corruption) ay
tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan. Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika
na korupsiyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan o
isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang opisyal ng
pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan. Sa pilosopikal, teolohikal, o
moral na talakayan, ito ay tumutukoy sa espiritwal o moral na kawalang puridad at paglihis sa
anumang kanais nais na pag-aasal.

Mga halimbawa ng korapsyon:

1.Pagtakas sa pagbabayad ng buwis

Ito ay talamak partikular na sa pribadong sektor dahil sa pagtanggi ng mga


nagnenegosyong pribado na dapat na ideklara ang kanilang taunang kinita at magbayad ng mga
angkop na buwis sa pamahalaan.

2.Mga ghost project at pasahod

Ito ay ginagawa ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan kung saan ang mga hindi
umiiral na proyekto ay pinpondohan ng pamahalaan samantalang ang mga hindi umiiral na
tauhan ng pamahalaan o mga pensiyonado ay binabayaran ng mga sahod at allowance. Ang
katiwaliang ito ay talamak sa mga ahensiya ng pamahalaan na nasasangkot sa pormulasyon at
pagpapatupad ng mga programa at proyekto partikular na sa imprastruktura at sa pagbibigay
ng mga sahod, mga allowance at mga benepisyong pensiyon.

3.Pag-iwas sa pagsusubasta sa publiko sa pagkakaloob ng mga kontrata

Ang paglisan ng mga mga opisina ng pamahalaan partikular na ang mga komite ng mga
subasta at pagkakaloob ng mga kontrata sa pamamagitan ng subasta sa publiko o pagkakaloob
ng mga kontrata sa mga pinaborang mga negosyo o kontraktor na makapagbibigay sa kanila ng
mga personal na benepisyo. Upang legal na maiwasan ang pagsusubasta sa publiko ng mga
kontrata, ang mga ahensiya ng pamahalaan ng bumibili ay magsasagawa ng isang pira-pirasong
stratehiya ng pagbili kung saan ang maliit na halaga ng mga suplay at materyal ay bibilhin sa
isang tuloy tuloy na proseo. Sa kasong ito, ang mga kasunduan sa pagitan ng bumibili at
suplayer ay ginagawa kung saan ang isang persentage ng halagang presyo ay ibibigay sa
namimili na minsang nagreresulta sa sobrang presyo at pagbili ng mga mababang uring mga
suplay at materyal.

4.Pagpasa ng mga kontrata mula sa isang kontraktor sa isa pa

Sa pagtatayo ng mga proyekto ng imprastruktura, ang mga kontraktor ay may


kasanayan ng pagpasa ng mga trabaho mula sa isang kontraktor tungo sa isa pa. Sa prosesong
ito, ang isang persentahe ng halaga ng proyekto ay napapanatili ng bawat kontraktor at
subkontraktor na nagreresulta sa paggamit ng mga mababang uring materyal o hindi natapos
na proyekto.

5.Nepotismo at paboritismo

Ang mga matataas na opisyal ay maaaring maglagay o humirang mga kamag-anak at


kaibigan sa mga posisyon ng pamahlaan kahit pa hindi kwalipikado. Ito ay isa sa mga ugat ng
kawalang kaigihan at pagdami ng mga empleyado sa byurokrasya.

6.Pangingikil

Ito ay ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan laban sa kanilang mga kliyente sa


pamamagitan ng paghingi ng salapi, mahahalagang mga bagay o mga serbisyo mula sa mga
ordinaryong mamamayan na nakikipagtransaksiyon sa kanila o sa kanilang opisina. Ito ay
talamak sa mga ahensiyang nag-iisyu ng mga clearance at ibang mga dokumento, mga
nasasangkot sa pagrerecruit ng mga tauhan o mga nagsasagawa ng mga serbisyon na direktang
pumapabor sa mga ordinaryong mamamayan.

7.Suhol o Lagay

Ang sistemang lagay o suhol na akto na ang mga mamamayan ay nanunuhol o naglalagay sa
mga opisyal ng pamahalaan ay tumatagal dahil sa byurokratikong red tape. Ang labis na mga
kailangang papeles, matagal na pagpoproseso ng mga dokumento, hindi epektibo at hindi
maiging pangangasiwa ng mga tauhan at kawalan ng propesyonalismo sa paglilingkod sa
publiko ay nagtutulak sa mga ordinaryong mamamayan na maglagay para sa mabilis na
pagpoproseso at pag-iisyu ng mga personal na dokumento. Ang karaniwang paraan nito ang
pagaalok ng malaking halaga ng salapi sa isang opisyal ng pamahalaan na makakatulong sa pag-
iisyu ng mga nais na dokumento sa mga ahensiyang nag-iisyu ng mga lisensiya, permit, mga
clearance at mga ahensiyang nagpapasya sa mga partikular na isyu. Ang isa pang paraan nito
ang paggamit ng mga fixer kung saan ang mga tao ay nagbabayad sa ilang mga indbidwal na
maaari o hindi maaaring mga empleyado ng pamahalaan na magproseso o magtamo ng mga
kinakailangang dokumento para sa kanila.

8. Pakikipagsabwatan

Ang Kolusyon o pakikipagsabwatan ang kasunduan sa pagitan ng dalawa o higit pang


mga partido na minsang ilegal at kaya ay malihim upang limitahan ang bukas na kompetisyon sa
pamamagitan ng pandaraya, pagliliko o panloloko ng iba sa mga karapatang nito o magkamit ng
isang layuning ipinagbabawal ng batas na tipikal sa pamamagitan ng pandaraya o pagkakamit
ng hindi patas na kalamangan. Ito ay kasunduan sa mga kompanya o indibidwal na hatiin ang
pamilihan, magtakda ng mga presyo, limitahan ang produksiyon o limitahan ang mga
oportunidad. Ito ay maaaring kasangkutan ng pagtatakda ng sahod, mga kickback o maling
pagkakatawan sa indepediyensiya ng relasyon sa pagitan ng mga magkakasabwat na partido. Sa
mga terminong legal, ang lahat ng mga akto na naapektuhan ng kolusyon ay itinuturing na
walang bisa. Ang Pagmamanipula ng presyo (price fixing) ang kasunduan sa pagitan ng mga
kalahok sa parehong panig ng isang pamilihan na bumili o magbenta lamang ng isang produkto
o komoditad sa isang itinakdang presyo o panatilihin ang mga kondisyon ng pamilihan sa
gayong ang presyo ay napapanatili sa isang ibinigay na lebel sa pamamagitan ng pagkokontrol
ng suplay at pangangailangan. Ang Pagmamanipula ng alok (bid rigging) ay isang anyo ng
pandaraya kung saan ang isang kontratang pangkalakalan (commercial) ay ipinangako sa isang
partido bagaman alang alang sa hitsura, ang ibang mga partido ay nagtatanghal rin ng isang
alok. Ang anyo ng pakikipagsabwatang ito ay ilegal sa karamihan ng mga bansa. Ito ay isang
anyo ng pagtatakda ng presyo at pagtatalaga ng pamilihan na karamihan ay sinasanay kung
saan ang mga kontrata ay tinutukoy ng isang pagtawag sa mga nag-aalok halimabawa sa kaso
ng mga kontratang konstruksiyon ng pamahalaan.

9. Pang-aabuso sa kapangyarihan

Ang Pang-aabuso sa kapangyarihan ay ang hindi angkop na paggamit ng kapangyarihan


ng isang tao at mga pasilidad ng paggawa ng desisyon. Ang mga halimbawa ay kinabibilangan
ng isang hukom na hindi angkop na nagtakwil ng isang kasong kriminal o isang isang opisyal ng
kustom na gumagamit ng kanilang diskresyon sa pagpayag ng isang ipinagbabawal na
substansiya sa pagpasok sa isang puerto. Ang Paglalako ng impluwensiya ang ilegal na
kasanayan ng paggamit ng impluwensiya ng isang tao sa pamahalaan o mga koneksiyon sa mga
taong nasa kapangyarihan upang magkamit ng mga pabor sa ibang tao na karaniwang ay kapalit
ng kabayaran. Ang mga tiwaling pinuno ay nagtatakda rin ng mga kautusan o atas na ang
layunin ay makinabang ang sarili, mga kamag-anak o ilang mga indibidwal.

Kulturang Super

Kapag ginamit ang unlapi (prefix) na “super,” ipinapahiwatig nito ang labis, sobra,
lampas sa ordinaryo: superman, supermarket, superpower, superstar. Ang penomenon ng
super ay kaakibat sa lumalawak na pambansang politikal at panlipunang krisis. Ginagamit ang
inobasyong moderno para ihayag ang kalabisan ng karanasang bago na nakaangkla naman sa
lehitimasyon ng kalabisan sa kapangyarihan. Ipinantatapat ang labis na paghayag sa modernong
karanasang exemplaryo ng makabagong pagkabansa sa nais itagong krisis pampolitika.

Mga halimbawa ng kulturang Super:

1.Pagtangkilik kay Superman

Pumasok si Superman sa popular na imahinasyon sa panahong lumalakas ang U.S. bago


pa man dumating ang Ikalawang Pandaigdigang Digmaan. At mula rito, peryodiko ang revival
kay Superman, parating may sinasahog na tila bago: bagong costume, artista, superpower,
special effect at kung ano-ano pa. Ipinapahiwatig nito ang superyoridad ng bansa tulad ng
estados Unidos sa kanyang mga karatig na bansa.

2.Ang Superstar

Si Nora Aunor ang tinanghal na “Superstar”ng pelikula at telebisyong pinoy dahil sa


kanyang mala-Cinderella na kwento ng pagpupunyagi at pagtatagumpay. Natatangi sa iba pang
star, si “Ate Guy” dahil sa tagalay niya ang katangian ng isang payak na Pilipinong kayang
makipagsabayan sa ibang taong nasa kapangyarihan at mataas na kaukulan sa lipunan.

You might also like