You are on page 1of 10

POLITIKAL NA PAKIKILAHOK

 Pagtakas sa pagbabayad ng buwis


Ito ay talamak partikular na sa pribadong sektor
dahil sa pagtanggi ng mga nagnenegosyong
pribado na dapat na ideklara ang kanilang
taunang kinita at magbayad ng mga angkop na
buwis sa pamahalaan.
 Mga ghost project at pasahod
Ito ay ginagawa ng mga matataas na opisyal ng
pamahalaan kung saan ang mga hindi umiiral na
proyekto ay pinpondohan ng pamahalaan
samantalang ang mga hindi umiiral na tauhan ng
pamahalaan o mga pensiyonado ay binabayaran ng
mga sahod at allowance. Ang katiwaliang ito ay
talamak sa mga ahensiya ng pamahalaan na
nasasangkot sa pormulasyon at pagpapatupad ng
mga programa at proyekto partikular na sa
imprastruktura at sa pagbibigay ng mga sahod,
mga allowance at mga benepisyong pensiyon.
 Pag-iwas sa pagsusubasta sa publiko sa
pagkakaloob ng mga kontrata
Upang legal na maiwasan ang pagsusubasta sa
publiko ng mga kontrata, ang mga ahensiya ng
pamahalaan ng bumibili ay magsasagawa ng
isang pira-pirasong stratehiya ng pagbili kung
saan ang maliit na halaga ng mga suplay at
materyal ay bibilhin sa isang tuloy tuloy na
proseso. Sa kasong ito, ang mga kasunduan sa
pagitan ng bumibili at suplayer ay ginagawa
kung saan ang isang persentage ng halagang
presyo ay ibibigay sa namimili na minsang
nagreresulta sa sobrang presyo at pagbili ng
mga mababang uring mga suplay at materyal.
 Pagpasa ng mga kontrata mula sa isang
kontraktor sa isa pa
Sa pagtatayo ng mga proyekto ng
imprastruktura, ang mga kontraktor ay may
kasanayan ng pagpasa ng mga trabaho mula sa
isang kontraktor tungo sa isa pa. Sa prosesong
ito, ang isang persentahe ng halaga ng
proyekto ay napapanatili ng bawat kontraktor at
subkontraktor na nagreresulta sa paggamit ng
mga mababang uring materyal o hindi natapos
na proyekto.
 Nepotismo at paboritismo Ang mga matataas
na opisyal ay maaaring maglagay o humirang
mga kamag-anak at kaibigan sa mga
posisyon ng pamahlaan kahit pa hindi
kwalipikado. Ito ay isa sa mga ugat ng
kawalang kaigihan at pagdami ng mga
empleyado sa byurokrasya.
 Pangingikil
Ito ay ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan
laban sa kanilang mga kliyente sa pamamagitan ng
paghingi ng salapi, mahahalagang mga bagay o
mga serbisyo mula sa mga ordinaryong
mamamayan na nakikipagtransaksiyon sa kanila o
sa kanilang opisina. Ito ay talamak sa mga
ahensiyang nag-iisyu ng mga clearance at ibang
mga dokumento, mga nasasangkot sa pagrerecruit
ng mga tauhan o mga nagsasagawa ng mga
serbisyon na direktang pumapabor sa mga
ordinaryong mamamayan.
 Suhol o Lagay
Ang labis na mga kailangang papeles, matagal na
pagpoproseso ng mga dokumento, hindi epektibo at
hindi maiging pangangasiwa ng mga tauhan at
kawalan ng propesyonalismo sa paglilingkod sa
publiko ay nagtutulak sa mga ordinaryong
mamamayan na maglagay para sa mabilis na
pagpoproseso at pag-iisyu ng mga personal na
dokumento. Ang karaniwang paraan nito ang
pagaalok ng malaking halaga ng salapi sa isang
opisyal ng pamahalaan na makakatulong sa pag-iisyu
ng mga nais na dokumento sa mga ahensiyang nag-
iisyu ng mga lisensiya, permit, mga clearance at mga
ahensiyang nagpapasya sa mga partikular na isyu.

You might also like