You are on page 1of 2

99999999999999999999KAPANGYARIHAN (kaunting recall)

- Ang kapangyarihan ay kakayahan upang ipatupad ang isang pasiya, kapasidad upang maka-
impluwensiya sa saloobin at pag-uugali ng iba, at lumikha ng panukala na makabubuti sa lahat.
Maipamamalas ito sa pamamagitan ng posisyon organisasyon at pagiging lider ng isang grupo.

BRIBERY

- Ang bribery o panunuhol ay isang gawain ng pagbibigay ng kaloob o handog sa anyo ng salapi o
regalo pamalit sa pabor na ibinigay ng tumanggap. Ang mga suhol na ito ay bahagi ng pagtatakip
sa ginawang katiwalian ng isang taong may puwesto sa pamahalaan.

- Ito ay isang krimen. Ang iba pang mga halimbawa nito ay pagbibigay ng malaking tip, regalo,
diskuwento (discount), libreng tiket, pagkain, espesyal na anunsiyo, pamamasyal sa iba’t ibang
lugar, kickback/payback, paglalaan ng malaking pondo sa isang proyekto, magandang alok sa
kontrata, donasyon, mga kampanya para sa kontribusyon, fundraising at sponsorship, lihim na
komisyon at promosyon (mataas na posisyon o ranggo).

MAYROONG DALAWANG PANGUNAHING URI NG BRIBERY: ACTIVE BRIBERY AT PASSIVE BRIBERY

ACTIVE BRIBERY

- Ito ay nangangailangan ng aktibong aksyon mula sa nagbibigay ng pera o benepisyo upang


magkaroon ng pabor. Ito ay kadalasang nangyayari sa mga transaksyon sa negosyo at politika.
Halimbawa, ang pagbibigay ng pera sa isang opisyal ng gobyerno upang magkaroon ng kontrata
sa isang proyekto.

PASSIVE BRIBERY

- Ito ay nangyayari kapag ang tumatanggap ng pera o benepisyo ang nag-iinitiate ng transaksyon
upang magkaroon ng pabor. Ito ay kadalasang nangyayari sa mga kaso ng korupsyon sa
gobyerno. Halimbawa, ang pagtanggap ng pera ng isang opisyal ng gobyerno upang magbigay ng
pabor o proteksyon.

• Sa active bribery, ang nagbibigay ng pera ay aktibong nag-iinitiate ng transaksyon upang magkaroon ng
pabor. Ito ay maaaring mangyari sa mga transaksyon sa negosyo, tulad ng pagbibigay ng pera upang
magkaroon ng kontrata, o sa politika, tulad ng pagbibigay ng pera upang magkaroon ng boto sa
eleksyon.
• Sa passive bribery, ang tumatanggap ng pera ang nag-iinitiate ng transaksyon upang magkaroon ng
pabor. Ito ay maaaring mangyari sa mga kaso ng korupsyon sa gobyerno, tulad ng pagtanggap ng pera
ng isang opisyal ng gobyerno upang magbigay ng proteksyon o pabor sa isang negosyante

- Ang bribery o pagtanggap ng suhol ay isang krimen kung ito ginawa ng isang pampublikong
opisyal o empleyado. Corruption of public officials naman ang katapat nitong kaso sa nanuhol.

MAY DALAWANG URI NG BRIBERY: DIRECT AT INDIRECT BRIBERY.

- Sa direct bribery, sumang-ayon ang opisyal o empleyado ng pamahalaan na gagawin ang


pinapagawa ng nanuhol (o pigilan ang isang bagay ayon sa utos ng nanuhol) kapalit ng pera,
regalo, at iba pang mga pabor.

- Sa indirect naman, hindi kailangan na may kasunduan ang dalawa. Sapat nang tinanggap ng
empleyado ang regalo o suhol kahit wala itong kapalit na napagkasunduan. Hindi kailangang
may pabor na hihingin ang nanuhol. Ang pinarurusahan ng batas ay ang pagtanggap lamang sa
suhol na ibinigay sa empleyado dahil sa posisyon nito.

EXPLANATION HOW BRIBERY BECAME AN ISSUE SA PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN

- Isang moral na isyu ang panunuhol dahil ito ay isang unethical practice. Pinatataas ng panunuhol
o bribery ang hindi pagkakapantay-pantay ng kayamanan at sinusuportahan ang mga tiwaling
rehimen o gawi. Bilang isang immoral na gawa, dapat lamang na pinaparusahan sa batas ang
suhol kahit sa mga bansa kung saan ito ay isang katanggap-tanggap na kasanayan. Ang mga
negosyo at pamahalaan ay dapat isaalang-alang na mga moral na entidad na pumapasok sa
isang kontrata sa lipunan.

HOW IMPORTANT IT IS TO AVOID BRIBERY

- Ang bribery ay labag sa batas sa maraming bansa, at maaaring magdulot ng malubhang parusa
tulad ng pagkakakulong at pagkakansela ng lisensiya o prangkisa. Ito ay nakakapagdulot ng
negatibong epekto sa lipunan tulad ng kawalan ng tiwala sa mga institusyon, kawalan ng
oportunidad para sa mga mahihirap, at kawalan ng katarungan.

You might also like