You are on page 1of 1

Name: Sirajan, Sitti Wannahar T.

10-Rosalejos

GRAFT AND CORRUPTION

Base sa aking pagkakaintindi , Ang corruption (korapsiyon ) ay isang maling gawi


o kasanayang kinasasangkutan ng opisyal ng isang institusyon while ang Graft
naman ay isang anyo ng political na korapsiyon kung saan ang opisyal ng
pamahalaan ay nagkakamal ng pinansiyal na pakinabang sa hindi tapat o hindi
legal na pamaraan.

Ang Corruption ay mayroon itong anyo o uri , una ay ang Embezzlement ito ay
ang pagnanakaw ng pera ng isang taong pinagkatiwalaan nito, pangalawa ay ang
Bribery ito ay an pag-aalok,pagtanggap, pagbibigay, o paghingi ng ano mang
bagay na may halaga upang impluwensiyahan ang mga aksiyon ng mga opisyal o
empleyado ng pamahalaan. Pangatlo ay ang Fraud o pamemeke ang pagdaraya sa
layuning makalamang o makakuha ng salapi o iba pang benepisyo, halimbawa na
lamang ay ang pagkakalat ng fake na documents. At ang panghuli ay ang
Extortion isang illegal na pag gamit ng kapangyarihan,
panghuhuthot,panghihingi, o sapilitang pagkuha ng salapi ,halimbawa na lamang
ang pag blackmail. Mayroon pa rin tayong iba pang uri ng korapsiyon . Maaaring
ang mga ito kaugnay o nakapaloob sa mga pangunahing uri ng korupsiyon. Una
ay ang Tax Evation o sa pagtakas ng pagbabayad ng kaukulang buwis , pangalawa
ay ang Ghost project at Ghost Payroll ito ay hindi umiiral na proyekto subalit
pinopondohan ng pamahalaan, habang ang Ghost Payroll ay mga kunwaring
empleyado na pinapasahod ng gobyerno at binibigyan pa ng mga
allowance.Pangatlo ay ang Passing of Contracts pagpasa ng mga napanalunang
kontrata mula sa isang kontraktor sa iba. Pang-apat ay ang Nepostismo at
Paboritismo , Ang Nepostismo ay isanng may kapangyarihan sa kaniyang kamag-
anak, kaibigan, o kakilala, lalo na sa paglalagay sa kanila sa magandang posisyon.
Pang-lima ay ang Tong o Protection Money , Isang uri ng panunuhol na ggawain
ng mga taong sangkot sa ilegal na operasyon. Ang Public corruption ay hindi
tama o wastong paggamit sa kanilang posisyon, inaabuso nila ang kanilang
kapangyarihan bilang isang opisyal ng Gobyerno.Grand Corruption ay
kinnasasangkutan ng malalaking halaga ng salapi at matataas na opisyal ng
pamahalaan.Petty Corruption ay kinasasangkutan ng mas mababang halaga ng
salapi at karraniwann ay bata o bagong opisyal ng gobyerno. Admininstrative
Corruption ay ang pagpapatupad sa mga sangay ng pamahalaan.Political
Corruption ay ang pagbabalangkas ng mga batas, regulasyon, at tuntunin sa isang
institusyon na maaaring pumabor sa ilang tao o pangkat.

Mahalaga na malaman natin ang Graft at Korapsiyon upang maiwasan natin ang
pagboboto sa hinndi wastong kandidate,at upang makapag isip tayo ng paraan
upang iligtas ang ating bansa against graft and corruption.

You might also like