You are on page 1of 11

Pagnanakaw

sa Kaban ng
Bayan
Kadalasan na ang tiwalang ibinigay ng taong bayan sa
mga pulitiko na kanilang inuluklok sa pwesto upang
mamahala sa bayan ay nawawalan ng saysay dahil sa
pagkasilaw sa mga kayamananng dapat sana ay
ilalaan upang mapagsilbihan nang wasto ang taong
bayan. Ang suliraning ito ay matagal nang
kinahaharap ng maraming bansa sa mundo na
pinaniniwalaang ugat ng pagkakalugmok sa kahirapan
ng bawat mamamayan. Sa Pilipinas, hindi na rin
bagong maituturing ang usaping ito. Maraming isyu o
usapin ng katiwalian at pagnanakaw sa kaban ng
bayan ang ipinukol sa mga pulitikong pinagkatiwalaan
ng bawat Juan.
Halimbawa ng
Pagnanakaw
sa Kaban
ng Bayan
KORAPSYON
Ano nga ba ang Korapsyon?
Ang Korapsyon,ay katiwalian o pangugurakot ay
tumutukoy sa kawalan ng integridad at
katapatan.Ito ay karaniwang tumutukoy sa
pampolitika na korupsiyon na nangyayari kapag
ang isang indibidwal na nasa posisyon sa
pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan
ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang opisyal
ng pamahalaan para sa hindi nararapat na
sariling kapakinabangan.
Halimbawa ng Korapsyon
ang kurapsyon sa ating bansa ay dahil na rin sa mga pulitikang
namumuno sa ating bansa, kagaya ng mga pulitikang nagnakaw
sa ating mga pera na sina Bong Revilla, Juan Ponce Enrile,
Jinggoy Estrada, at ang isa sa mga isyu ay si Janet Lim napoles .
Si Janet Napoles ay isa sa mga nagnakaw sa kaban ng bayan na
tinawag na “Pork Barrel Scam”. Hindi natin maililihim na kahit
saang sakop ng gobyerno ay gumagawa ng karumal-dumal na
pagnanakaw. Ninanakaw nila ang pera na dapat ay mapunta sa
ikakabuti ng ating bansa. Ninanakaw nila ang kaban o pundo ng
ating bansa na para sana sa ikakaunlad ng mamamayang Pilipino,
ngunit napupunta sa sariling bulsa ng mga opisyales ng
gobyerno. Kaya naman dahil dito nararamdaman natin ang krisis.
Ang simpleng pagbibigay ng lagay para makalusot at mapabilis
ang transaksyon, ang simpleng pagkuha ng office supply, ang
simpleng paglapastangan sa public property, ito ay maliit na form
ng kurapsyon.
PLUNDER O
PANDARAMBONG
Ano nga ba ang Plunder o Pandarambong
Ang pandarambong o plunder ay mariing kinukundina sa
sistema ng pamamahala sa Pilipinas. Sa bias ng RA 7080 ay
itinuturing na isang krimen ang akto ng opisyal ng gobyerno
na direkta, o sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan sa mga
kasapi ng pamilya, mga kamag- anak sa pamamagitan ng
kasal o sa dugo, mga kasama sa negosyo, mga nasasakupan
o iba pang tao ay humahakot, nagtitipon o nagkakamit ng
kayamanan na kinuha sa masama gamit ang pinagsama o
sunud-sunod na hayagan o mga gawaing criminal na
inilalarawan sa batas (RA 7080) sa tinipong halaga o
kabuuang halaga ng hindi bababa limampung milyong piso
(P50,000,000.00).
Halimbawa ng Plunder
Joseph Ejercito Estrada, nahatulan siyang maysala ng
Sandigangbayan sa kasong pandarambong o plunder noong
2007. Ito ay para sa kanyang paglabag sa Republic Act no. 7080
nang tumanggap ang dating Pangulo ng mahigit 545-milyong
piso na protection money sa jueteng operation sa Pilipinas,
pagtanggap ng mahigit 180-milyong pisong kickback mula sa
Belle Corporation para sa pagbili ng GSIS at ng SSS ng
tumataginting na mahigit 1.8 bilyong pisong halaga ng share sa
stocks, kwestyonableng pag-divert ng tobacco excise tax share
ng Ilocos Sur na aabot sa 130 milyong piso. Hinatulan ring
maysala sa kasong pagtiwali sa pampublikong opisyal si Charlie
Ang, para sa kanyang paglilipat ng 130 milyong pisong perang
nakuha sa tobacco excise tax sa mga property ni Pangulong
Estrada, at nagbulsa ng mahigit 25 milyong piso galing sa
nasabing excise tax.

You might also like