You are on page 1of 7

Mga Isyu Tungkol sa Paggamit

ng Kapangyarihan
(Hango mula sa Goodness in Spirit Year IV)
Panimula:
Ang katiwalian at korapsyon ay ang hindi tapat at
mapanlinlang na gawain ng mga nasa kapangyarihan. Ito ay
direktang paglabag sa kanilang sinumpaang tungkulin na
maglingkod ng buong puso at may pagtitiwala. Hindi na lingid
sa atin na ang ganitong kalakaran ay isang katotohanan na
nangyayari sa ating lipunan. Alamin ang iba't ibang uri nito at
paano ito nakakaapekto sa paglilingkod sa bayan.
Mga Isyu:
1. Panunuhol
Ang suhulan o panunuhol ay isang uri ng korapsyon sa
pamamagitan ng pagbibigay ng regalo, pera, o iba
pang insentibo sa isang opisyal kapalit ng pabor na
hinihingi mula sa kanya, o di kaya'y impluwensiyahan
siyang kumilos kadalasan sa paraang di-makatwiran o
tiwali, alang-alang sa kapakanan ng nagbigay. Ito ay
nangyayari sa pagitan ng dalawang tao: ang
nagbibigay ng suhol at ang tumatanggap nito. Ang
paghingi ng suhol ay karaniwang ipinipilit upang gawin
ang isang bagay na maaaring ituring na malaking
abala sa nagbibigay ng suhol, o di kaya'y upang
palagpasin ang ginawang paglabag sa batas.
Mga Isyu:
2. Pangingikil

Ang pangingikil at pagnanakaw ay


minsan ginagamit upang maningil
kapalit ng isang bagay na dapat
gawin. Halimbawa nito ay kapag
ang isang korap na opisyal ay
nananakot sa pamamagitan ng di-
makatwirang paggamit ng pwersa-
tulad ng sa pulis.
Mga Isyu:
3. Nepotismo at Cronyism

Ang hindi makatarungang pagpabor sa mga


kamag-anak - nepotismo - o sa mga kaibigan -
cronyism -- ay mga uri ng lumalalang korapsiyon
sa ating bansa. Isa sa mga halimbawa nito ay
ang pagkiling o pagpili ng isang proyekto o
negosyo para sa pamahalaan dahil ang may-ari
nito ay kamag- anak o kaibigan. Karaniwan nang
hindi dumaraan sa tamang proseso ang
ganitong uri ng transaksyon dahil sa "malakas
ang kapit" ng may-aring negosyo.
Mga Isyu:
4. Embezzlement

Ang embezzlement ay ang


paglustay o pagnanakaw ng mga
pondo o pera na ipinagkatiwala sa
isang indibidwal. Ang isang
halimbawa nito ay ang paggamit ng
pondo ng kompanya sa pansariling
kapakanan o interes.
Mga Isyu:
5. Kickback
Ang kickback ay itinuturing na isang uri
ng korapsyon. Ito ay ang "share" ng
isang opisyal mula sa mga ninakaw na
pondo na dapat sana ay mapupunta sa
isang makabuluhang proyekto o
organisasyon. Ang ganitong uri ng
korapsyon ay malinaw na isang
pagkakanulo sa tiwala ng publiko.

You might also like