You are on page 1of 3

Bawat bansa ay may maraming,problema gaya ng kawalan ng trabaho,kahirapan,edukasyon at

iba pa. Pero ang tanong ng karamihan, bakit mau korupsyon? Ano nga ba ang korupsyon?

Ang Korupsyon, katiwalian o pangungurakot sa kawalan ng integridad at katapatan. Ito ay


karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korupsiyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal na nasa
posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang
opisyal ng pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling kapakinabangan. Ang mga gawaing
pangungurakot ay ang mga: Pang-aabuso sa kapangyarihan, Ang Pang-aabuso sa diskresyon ay ang hindi
angkop na paggamit ng kapangyarihan ng isang tao at mga pasilidad ng paggawa ng desisyon. Ang mga
halimbawa ay kinabibilangan ng isang hukom na hindi angkop na nagtakwil ng isang kasong kriminal o
isang isang opisyal ng kustom na gumagamit ng kanilang diskresyon sa pagpayag ng isang ipinagbabawal
na substansiya sa pagpasok sa isang puerto. Pakikipagsabwatan, Ang Kolusyon o pakikipagsabwatan ang
kasunduan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga partido na minsang ilegal at kaya ay malihim upang
limitahan ang bukas na kompetisyon sa pamamagitan ng pandaraya, pagliliko o panloloko ng iba sa mga
karapatang nito o magkamit ng isang layuning ipinagbabawal ng batas na tipikal sa pamamagitan ng
pandaraya o pagkakamit ng hindi patas na kalamangan. Ito ay kasunduan sa mga kompanya o indibidwal
na hatiin ang pamilihan, magtakda ng mga presyo, limitahan ang produksiyon o limitahan ang mga
oportunidad. Pandaraya sa halalan, Ang pandaraya sa halalan ang ilegal na panghihimasok sa proseso ng
isang halalan. Ang mga akto ng pandaraya ay umaapekto sa mga bilang ng boto upang magdulot ng
isang resulta ng halalan. Kabilang sa mga pandarayang ito ang pagsupil at pagpaslang ng mga katunggali,
pagsabotahe ng mga balota at pagbili o panunuhol ng mga botante. Pagnanakaw sa kabang yaman ng
bansa Ang paglustay ang pagnanakaw ng mga pinagkatiwalaang pondo na pampubliko sa pamahalaan.
Ito ay pampolitika na paglulustay kung ito ay kinasasangkutan ng pera na pampubliko o pera ng taong
bayan na kinuha ng isang opisyal ng pamahalaan para sa anumang sariling paggamit na hindi itinakda
para dito gaya halimbawa, kapag ang isang opisyal ay nagtatakda sa mga empleyado ng gobyerno na
kumpunihin ang kanyang bahay. Sa batas ng Pilipinas, ang pandarambong ay inilalarawan na sinumang
opiser na pampubliko na sa kanyang sarili o pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng kanyang pamilya, mga
kamag-anak sa pamamagitan ng kasal o dugo, mga ka-negosyo, mga nasasakupan o iba pang mga tao ay
humahakot, nagtitipon o nagkakamit ng kayamanan na kinuha sa masama sa pamamagitan ng
pinagsama o sunod sunod na hayagan o mga gawaing kriminal na inilalarawan sa seksiyon 1 (tingnan sa
baba) sa tinipong halaga o kabuuang halaga ng hindi bababa limampung milyong piso (P50,000,000.00)
ay magkakasala sa krimen ng pandarambong at mapaparusahan ng reclusion perpetua hanggang
kamatayan. Panunuhol at pagtanggap ng suhol,Ang suhol ang akto ng pagbibigay ng salapi o regalo na
nagpapabago ng pag-aasal ng tumanggap nito. Ito ay inilalarawan sa Black's Law Dictionary bilang ang
pag-aalok, pagbibigay o panghihingi ng anumang bagay na may halaga upang impluwensiyahan ang mga
aksiyon ng isang opisyal o ibang tao na may pangangasiwa ng isang tungkuling pampubliko pambatas.
Ang kickback ay isang anyo ng panunuhol kung saan ang isang komisyon ay binayaran sa kumukuha ng
suhol bilang isang quid pro quo para sa mga serbisyong ginawa. Ang kickback ay iba mula sa ibang mga
uri ng panunuhol sa kadahilanang may ipinapahiwatig na pakikipagsabwatan sa pagitan ng mga ahente
ng dalawang partido sa halip na ang pangingikil ng isang partido mula sa isa. Ang layunin ng kickback ay
karaniwang hikayatin ang ibang partida na makipagtulungunan sa ilegal na gawainPagtangkilik o
Padrino, Ang Pagtangkilik o Padrino na tumutukoy sa pagpapabor sa mga tagasuporta, halimbawa sa
trabaho sa gobyerno. Ito ay maaaring lehitimo gaya kapag ang isang bagong nahalal na pamahalaan ay
nagpapalit ng mga mataas na opisyal sa administrasyon upang mapatupad ng epektibo ang mga
patakaran nito. Ito ay nakikitang isang korupsiyon kung ang mga walang kakayahang mga tao bilang
kabayaran sa pagsuporta ng administrasyon ay napili bago sa mga mas may kakayahang mga indibidwal.
Sa karamihan ng mga hindi demokrasya, ang maraming mga opisyal ng gobyerno ay kadalasang pinipili
para sa kanilang katapatan sa halip na kakayahan. Ang pagpapabor sa mga kamag-anak (nepotismo) o
personal na mga kaibigan (kronyismo) ng isang opisyal ng pamahalaan ay isang anyo ng isang hindi
lehitimikong kapakinabangang pampribado. Ito ay maaaring samahan ng panunuhol halimbawa sa
paghiling ng isang opisyal ng pamahalaan sa isang negosyo na magbigay trabaho sa isang kamag-anak ng
opisyal na kumokontrol sa mga regulasyon na umaapekto sa negosyo. Ang pinakasukdulang halimbawa
ay kung ang buong estado ay namamana gaya ng sa Hilagang Korea o Syria. Ang isang mas maliit na anyo
nito ay sa Good ol' boys sa Katimugang Estados Unidos kung saan ang mga kababaihan at minoridad ay
hindi isinasama. Ang mas katamtamang anyo ng kronyismo ay ang "old boy network" kung saan ang mga
hinirang sa mga opisyal na posisyon sa pamahalaan ay napipili lamang mula sa isang malapit at
eksklusibong network na panlipunan gaya ng mga alumni ng mga partikular na unibersidad sa halip na sa
paghirang ng pinaka may kakayahang kandidato. Pangingikil, Blackmail. Mahalaga ang tiwala sa mga
nakaupo sa posisyon sahil mayroon din silang naitutulong sa ating bayan.

Ano nga ba ang Fund Scam? Ang Fertilizer Fund Scam ay isang kontrobersiya na kinasangkutan
ng mga akusasyon na nilihis ng Ilalim na Kalihim ng Agrikultura na si Jocelyn Bolante ang P728 milyong
piso ng mga fertilizer fund sa 2004 kampanya ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ang perang ito ay
ipapambili ng mga pataba(fertilizer) na ipapamahagi sa mga lokal na opisyal. Tulad ng "Pork Barrel
Scam" Ang pork barrel, literal na "bariles ng karneng baboy", ay isang derogatoryong salita na
tumutukoy sa pagtatalaga ng paggasta ng pamahalaan na pangunahing kinuha sa kaban ng bayan upang
magpasok ng salapi sa distrito ng isang mambabatas para sa mga lokal na proyekto nito. Ang paggamit
ng salitang ito ay nagmula sa Amerikanong Ingle. Kahulugan: Sa karaniwang paglalarawan, ang "pork" ay
sumasangkot sa pagpopondo ng mga programa ng pamahalaan na ang ekonomiko o serbisyong mga
benepisyo ay nakalaan sa isang partikular na nasasakupan o lugar ngunit ang gastos ay pinapasan ng
lahat ng mga nagbabayad ng buwis. Sa Pilipinas, ang pork barrel ang nilaang malaking halaga ng
pambansang taunang badyet ng pamahalaan sa mga mambabatas ng bansa. Ang bawa't senador ay
pinaglalaanan ng 200 milyong piso at ang bawa't kinatawan ay pinaglalaanan ng 70 milyong piso kada
taon sa programang tinatawag na Priority Development Assistance Fund. Ayon kay Senador Panfilo
Lacson, ang isang kurakot na mambabatas ay maaaring makakuha ng hindi bababa sa 20 porsiyentong
komisyon sa paggamit ng kaniyang taunang itinalagang pork barrel kapalit ng pagbibigay ng kontrata sa
mga kompanya para sa imprastraktura at iba pang mga proyekto sa sobrang taas na presyo. Ayon din
kay Lacson, ito'y nangangahulugang ang isang kurakot na senador ay maaaring makapagbulsa ng 40
milyong piso kada taon, 240 milyong piso sa anim na taon at 480 milyon sa 12 taon. Ang pork barrel ay
nakikita na isang panunuhol ng mga politiko sa mga botante. Sinisiguro ng mga politiko na malalagay ang
kanilang pangalan sa mga proyektong ipinagawa bagaman ang proyekto ay pinondohan mula sa
ibinabayad na buwis ng mga mamamayan. Ang pork barrel scam ang kontrobersiya na unang nabunyag
noong Hulyo 2013 na kinasasangkutan ng 5 senador at mga 23 kinatawan na naglipat ng kanilang pork
barrel funds na may kabuuang 10 bilyong piso sa mga pekeng non-government organizations (NGOs)
para sa mga hindi umiiral na proyekto. Ayon sa Commission on Audit, ang paglilipat ng mga mambabatas
ng mga pondo sa mga NGO ay ilegal. Ang sinasabing utak ng pork barrel scam ayon sa whistleblower na
si Benhur Luy ay si Janet Lim-Napoles na CEO at presidente ng JLN Corp.

Ang modus operandi ng scam ay si Napoles at ang isang mambabatas ay may kasunduan na ang
pekeng NGO ni Napoles ang tatanggap ng pork barrel funds ng mambabatas kapalit ng mga kickback
mula kay Napoles. Ang mambabatas ay magsusumite ng talaan sa Department of Budget and
Management (DBM) ng mga proyektong ipapatupad. Ang DBM ay maglalabas ng Special Allotment
Releases Order (SARO) sa mambabatas na mag-eendorso ng napili nitong NGO ni Napoles sa ahensiya ng
pamahalaan na nagpapatupad ng proyekto. Ang kasabwat na ahensiyang nagpapatupad ng proyekto ay
hindi magsasagawa ng public bidding para sa proyekto at sa halip ay papasok sa isang kasunduan sa
NGO ni Napoles para sa pagpapatupad ng proyekto. Pagkatapos na makumpleto ang mga papeles, ang
DBM ay naglalabas ng Notice of Cash Allocation (NCA) sa nagpapatupad na ahensiya. Sa pagtanggap ng
NCA, ang ahensiyang nagpapatupad ay maglalabas ng tseke sa NGO ni Napoles na idedeposito sa
account sa bangko ni Napoles ng mga empleyado ng JLN Corp.

Ang kickback na napupunta sa bulsa ng mambabatas ay 40-60 porsiyento[6] Ang hindi bababa sa
35 porsiyento ay napupunta sa bulsa ni Napoles, ang 10 porsiyento ay napupunta sa pinuno ng kasabwat
na ahensiya ng pamahalaan na nagpapatupad ng mga pekeng proyekto, at ang natitirang porsiyento ay
napupunta sa mga chief of staff ng mga mambabatas at mga pangulo ng mga NGO ni Napoles at mga
incorporator nito. Kabilang sa mga kasabwat na ahensiya ng pamahalaan na kahati sa mga kickback ng
scam ang National Livelihood Development Corporation (NLDC), National Business Corporation
(NABCOR), Zamboanga Rubber Estate Corporation (ZREC) at Technology Resource Center (TRC).

Ang mga nasangkot na mambabatas sa pork barrel scam ang sumusunod: Mga senador
Senador Nilipat na pondo sa NGO ni Kickback na nakuha mula kay
Napoles Napoles
Bong Revilla 1.015 bilyon pesos 224,512,500 pesos
Juan Ponce Enrile 641.65 milyon pesos 172,834,500 pesos
Jinggoy Estrada 585 milyon pesos 183,793,750 pesos
Bongbong Marcos 100 milyon pesos
Gringo Honasan 15 milyon pesos

You might also like