You are on page 1of 6

CHRISTIAN SCHOOL OF POLOMOLOK

Corner Rosal-Cadena de Amor Street


Barangay, Poblacion, Polomolok, South Cotabato

KORAPSYON
Isang Pananaliksik na iniharap para kay:
NHOT U. ALI

Bilang pagtupad sa pangangailangan ng


Aralin sa Pananaliksik sa
Asignaturang Filipino

Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik (Filipino)
Ni:
RAIZ A. BUCALI
INTRODUKSIYON

Isa sa mga pinakamalaking sakit ng ating bansa at maging sa ibang bansa rin
ayang patuloy na isyu ng korapsyon o katiwalian. Ang korapsyon ay nakaukit na sa
loob ng ating sistema, at naisasagawa sa pang-ekonomiya at panlipunang mga
kadahilanan na may pansariling interes at isang baluktot na kahulugan ng katapatan
sa mga kaibigan at kamag-anak.

NILALAMAN
Ang korupsiyon, korapsiyon, katiwalian o pangungurakot
ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan. Ito ay karaniwang
tumutukoy sa pampolitika na korupsiyon na nangyayari kapag ang isang indibidwal
na nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa
kanyang kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan para sa hindi nararapat na sariling
kapakinabangan. Sa pilosopikal, teolohikal, o moral na talakayan, ito ay tumutukoy
sa espiritwal o moral na kawalang puridad at paglihis sa anumang kanais-nais na pag-
aasal. Ang korapsyon ay laganap na sa buhay ng mga tao. Nakikita ito sa
gobyerno, sa kapulisan, at maging sa sistema ng hustisya na mayroon ang isang
bansa. May iilan ngang hindi naibabalita, at may ilan namang naidadala naman sa
awa at pangungutya lamang. Makikita rin ang korapsyon sa pang-aabuso sa
kapangyarihan, pakikipagsabwatan, pandaraya sa halalan, pagnanakaw ng kabang
yaman ng bansa, panunuhol at pagtanggap ng suhol.

Mapapansin natin na ang korapsyon ay likas sa tao, lalo na kung


ikaw ay uhaw na uhaw sa mga luho o kaya sa mga magagandang bagay sa
mundo. Sa tingin ko hindi lang kasalanan ng opisyal na maging gahaman
nang makuha ang gustong posisyon sa pamahalaan. Mayroon malaking
kontribusyon ang taong bayan; ang taong bayan ay may kapangyarihang
bumoto at pumili ng taong tama para sa posisyon kaso ang nangyayari
nagpapabili sila o kaya yung iba walang tamang kaalaman sa pagboto lalo
na ang mga mahihirap. Naiintindihan naman natin na masarap tumanggap
ng pera pero dapat natin tandaan na yung pera na natanggap mo ay galing
sa buwis ng mga taxpayer.
Ang korapsyon o pagnanakaw sa pondo ng bayan ay gawaing
karumal-dumal. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit hanggang sa
ngayon ay naghihirap ang mga Pilipino. Ito rin ang dahilan kung bakit:
Karamihan sa mga ospital sa bansa ay kulang ng nars, doktor, gamot at
makabagong kagamitan; Mababa ang kalidad ng edukasyon sa mga
pampublikong paaralan dahil sa kakulangan ng guro, aklat, silid at
pasilidad; Kakaunti ang pumapasok na negosyo sa bansa na nagiging
dahilan ng kakulangan sa trabaho at pangingibang bansa ng ating mga
kababayan. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa epekto ng korapsyon. Ito
ang napakasamang epekto ng korapsyon, oo nga masaya ang mga taong
mayaman at may kaya pero lugmok sa kahirapan ang mga Pilipinong
nagtatrabaho sa Pilipinas dahil hindi nila basta maiwan o mahiwalay sa
kanilang pamilya. At napansin naman natin na maraming Pilipino na
pinipili na maging OFW upang maibigay at masuportahan ang kanilang
pamilya kahit man ito ay mahirap.

Mga Gawaing Pangungurakot


 Pang-aabuso sa kapangyarihan
Ang Pang-aabuso sa diskresyon ay ang hindi angkop na paggamit ng
kapangyarihan ng isang tao at mga pasilidad ng paggawa ng desisyon.
Ang mga halimbawa ay kinabibilangan ng isang hukom na hindi
angkop na nagtakwil ng isang kasong kriminal o isang isang opisyal
ng kustom na gumagamit ng kanilang diskresyon sa pagpayag ng
isang ipinagbabawal na substansiya sa pagpasok sa isang puerto.
Ang Paglalako ng impluwensiya ang ilegal na kasanayan ng paggamit
ng impluwensiya ng isang tao sa pamahalaan o mga koneksiyon sa
mga taong nasa kapangyarihan upang magkamit ng mga pabor sa
ibang tao na karaniwang ay kapalit ng kabayaran. Ang mga tiwaling
pinuno ay nagtatakda rin ng mga kautusan o atas na ang layunin ay
makinabang ang sarili, mga kamag-anak o ilang mga indibidwal.
 Pakikipagsabwatan
Ang Kolusyon o pakikipagsabwatan ang kasunduan sa pagitan ng
dalawa o higit pang mga partido na minsang ilegal at kaya ay malihim
upang limitahan ang bukas na kompetisyon sa pamamagitan ng
pandaraya, pagliliko o panloloko ng iba sa mga karapatang nito o
magkamit ng isang layuning ipinagbabawal ng batas na tipikal sa
pamamagitan ng pandaraya o pagkakamit ng hindi patas na
kalamangan. Ito ay kasunduan sa mga kompanya o indibidwal na
hatiin ang pamilihan, magtakda ng mga presyo, limitahan ang
produksiyon o limitahan ang mga oportunidad. Ito ay maaaring
kasangkutan ng pagtatakda ng sahod, mga kickback o maling
pagkakatawan sa indepediyensiya ng relasyon sa pagitan ng mga
magkakasabwat na partido. Sa mga terminong legal, ang lahat ng mga
akto na naapektuhan ng kolusyon ay itinuturing na walang bisa. Ang
Pagmamanipula ng presyo (price fixing) ang kasunduan sa pagitan ng
mga kalahok sa parehong panig ng isang pamilihan na bumili o
magbenta lamang ng isang produkto o komoditad sa isang itinakdang
presyo o panatilihin ang mga kondisyon ng pamilihan sa gayong ang
presyo ay napapanatili sa isang ibinigay na lebel sa pamamagitan ng
pagkokontrol ng suplay at pangangailangan. Ang Pagmamanipula ng
alok (bid rigging) ay isang anyo ng pandaraya kung saan ang isang
kontratang pangkalakalan (commercial) ay ipinangako sa isang partido
bagaman alang alang sa hitsura, ang ibang mga partido ay
nagtatanghal rin ng isang alok. Ang anyo ng pakikipagsabwatang ito
ay ilegal sa karamihan ng mga bansa. Ito ay isang anyo ng pagtatakda
ng presyo at pagtatalaga ng pamilihan na karamihan ay sinasanay
kung saan ang mga kontrata ay tinutukoy ng isang pagtawag sa mga
nag-aalok halimabawa sa kaso ng mga kontratang konstruksiyon ng
pamahalaan.
 Pandaraya sa Halalan
Ang pandaraya sa halalan ang ilegal na panghihimasok sa proseso ng
isang halalan. Ang mga akto ng pandaraya ay umaapekto sa mga
bilang ng boto upang magdulot ng isang resulta ng halalan. Kabilang
sa mga pandarayang ito ang pagsupil at pagpaslang ng mga
katunggali, pagsabotahe ng mga balota at pagbili o panunuhol ng
mga botante.
 Pagnanakaw sa Kabang Yaman ng Bansa
Ang paglustay ang pagnanakaw ng mga pinagkatiwalaang pondo na
pampubliko sa pamahalaan. Ito ay pampolitika na paglulustay kung
ito ay kinasasangkutan ng pera na pampubliko o pera ng taong bayan
na kinuha ng isang opisyal ng pamahalaan para sa anumang sariling
paggamit na hindi itinakda para dito gaya halimbawa, kapag ang
isang opisyal ay nagtatakda sa mga empleyado ng gobyerno na
kumpunihin ang kanyang bahay. Sa batas ng Pilipinas,
ang pandarambong ay inilalarawan na sinumang opiser na
pampubliko na sa kanyang sarili o pakikipagsabwatan sa mga kasapi
ng kanyang pamilya, mga kamag-anak sa pamamagitan ng kasal o
dugo, mga ka-negosyo, mga nasasakupan o iba pang mga tao ay
humahakot, nagtitipon o nagkakamit ng kayamanan na kinuha sa
masama sa pamamagitan ng pinagsama o sunod sunod na hayagan o
mga gawaing kriminal.
 Panunuhol at Pagtanggap ng Suhol
Ang suhol ang akto ng pagbibigay ng salapi o regalo na nagpapabago
ng pag-aasal ng tumanggap nito. Ito ay inilalarawan sa Black's Law
Dictionary bilang ang pag-aalok, pagbibigay o panghihingi ng
anumang bagay na may halaga upang impluwensiyahan ang mga
aksiyon ng isang opisyal o ibang tao na may pangangasiwa ng isang
tungkuling pampubliko pambatas. Ang kickback ay isang anyo ng
panunuhol kung saan ang isang komisyon ay binayaran sa
kumukuha ng suhol bilang isang quid pro quo para sa mga
serbisyong ginawa. Ang kickback ay iba mula sa ibang mga uri ng
panunuhol sa kadahilanang may ipinapahiwatig na
pakikipagsabwatan sa pagitan ng mga ahente ng dalawang partido sa
halip na ang pangingikil ng isang partido mula sa isa. Ang layunin ng
kickback ay karaniwang hikayatin ang ibang partida na
makipagtulungunan sa ilegal na gawain.
 Pagtangkilik o Padrino
Ang Pagtangkilik o Padrino na tumutukoy sa pagpapabor sa mga
tagasuporta, halimbawa sa trabaho sa gobyerno. Ito ay maaaring
lehitimo gaya kapag ang isang bagong nahalal na pamahalaan ay
nagpapalit ng mga mataas na opisyal sa administrasyon upang
mapatupad ng epektibo ang mga patakaran nito. Ito ay nakikitang
isang korupsiyon kung ang mga walang kakayahang mga tao bilang
kabayaran sa pagsuporta ng administrasyon ay napili bago sa mga
mas may kakayahang mga indibidwal. Sa karamihan ng mga hindi
demokrasya, ang maraming mga opisyal ng gobyerno ay kadalasang
pinipili para sa kanilang katapatan sa halip na kakayahan. Ang
pagpapabor sa mga kamag-anak (nepotismo) o personal na mga
kaibigan (kronyismo) ng isang opisyal ng pamahalaan ay isang anyo
ng isang hindi lehitimikong kapakinabangang pampribado. Ito ay
maaaring samahan ng panunuhol halimbawa sa paghiling ng isang
opisyal ng pamahalaan sa isang negosyo na magbigay trabaho sa
isang kamag-anak ng opisyal na kumokontrol sa mga regulasyon na
umaapekto sa negosyo.

KONKLUSYON

Dahil ang wika ay isang makapangyarihang instrumento sa


paglaganap ng mga bagay-bagay, korapsyon ang isa sa mga naging palasak.
Hindi magkakaroon ng mga salitang may kinalaman sa korapsyon kung
hindi natin makikita sa pang-araw-araw na pamumuhay o sa kultura na ng
Pilipino ang mga katiwaliang ito. Nagiging negatibo ang pagtingin ng tao sa
korapsyon, ngunit sa panahong ito ay kaya’t nagagawang biro na lamang
ang ‘korapsyon’, lalo na sa mga ‘comedy shows’ sa telebisyon, na nagiging
kakatwa ang eleksyon, gobyerno, at iba pa. Ginawang kakatwa ang
korapsyon upang mailihis ang negatibong pagtingin rito at upang mapagaan
ang pananaw, dahil masyadong mabigat ang isyu ng pagnanakaw, at
pangingikil. Hindi maipagkakaila na dumarami na rin naman at patuloy na
nararagdagan ang mga salitang korapsyon dahil sa patuloy na pagkakaroon
ng makabagong pagpapakahulugan sa ilang salita, at sa pag-iimbento ng
iba mula sa mga kaso.

You might also like