You are on page 1of 9

Aralin 4.

3
Katiwalian: Iwasan at Solusyunan

Ano ang pumapasok sa iyong isipan sa tuwing maririnig mo ang salitang


korapsiyon? Marahil ilang beses mo nang narinig o nabasa ang salitang ito. Sa
kasalukuyan, ang Pilipinas ay dumaranas ng talamak at malawakang
korupsiyon sa pamahalaan nito. Ito ay mula pa sa mga nakaraang Pangulo ng
Pilipinas hanggang sa mga lokal na unit ng pamahalaan. Ano nga ba ang
epekto nito sa atin bilang mamamayan at sa ating bansa? Bilang isang
kabataan, paano tayo makatutulong sa paglutas nito? Sa pagtatapos ng ating
diskusyon, inaasahang masagot ang mga katanungang ito.

Ang korupsiyon, katiwalian o pangungurakot (corruption) ay maaaring


ituring na krimeng tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan na
isinasagawa ng isang tao o organisasyong may hawak na kapangyarihan o
awtoridad upang makakuha ng pansariling benepisyo. ANO NGA BA ANG
KORAPSYON?
Gawain 4.3

Pagsubok sa Dangal

Minsan sa ating buhay ay sinusubok tayo ng pagkakataon. Suriin ang mga


sumusunod na sitwasyon. Ilahad ang maaari mong gawin kapag ikaw ay naharap sa
ganitong mga pangyayari.

Nawalan ng hanapbuhay ang iyong ama.


Pinakiusapan ka niya na yumigil muna ng pag-aaral.
Nasa ikaapat na taon ka na at malapit nang
magtapos. Isang kaibigan mo ang nagbibigay sa iyo
ng tulong, Nalaman mo na ikaw ay kanyang
pinagtitinda ng shabu sa inyong paaralan. Ayon sa
kanya hindi mo kailangan pang tumigil sa pag-aaral
dahil ito rin ang pinangtutustos niya sa sarili. Ano May kumakalat na reviewer
ang maaari mong gawin? para sa inyong achievement test sa
isang asignatura. Binigyan ka ng isa sa
iyong barkada. Sa panahon ng
pasusulit, napansin mo ang reviewer at
ang pagsusulit ninyo ay iisa. Pagkatapos
ng pagsusulit, tinanong mo ang iyong
barkada kung saan nanggaling ang
reviewer. Umamin ang isa sa iyong
barkada na kiunuha nila nang palihim
ang isa sa kopya ng tset nang makita
nila ito sa mesa ng inyong guro.
Natuklasan na rin ng guro na nawawala
ang isang kopya ng pagsusulit at
nagsisimula na siyang mag-Imbestiga
ukol dito. Ano ang iyong gagawin?
Kailangan mong gumawa ng research
paper para sa isang asinatura. Isa itong
mahalagang bahagi ng iyong kurso. Nabalitaan
mo na may mga nabibiling gawa nang research
paper malapit sa inyong paaralan. Kaya lang ay
medyo mahal ito. Kaunti na rin lamang ang
panahon mo para ipasa ito sa oras. Ano ang
maari mong gawin?
BUKSAN ANG SARILI SA PAGKATUTO

Ano ang Korapsyon?

Ang korupsiyon, korapsiyon, katiwalian o pangungurakot (Ingles: corruption)


ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan.
Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika
na korupsiyon na nangyayari kapag ang isang
indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan o isang
empleyado ng pamahalaan ay umaasal sa kanyang
kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan para sa
hindi nararapat na sariling kapakinabangan.
Sa pilosopikal, teolohikal, o moral na
talakayan, ito ay tumutukoy sa espiritwal o moral na
kawalang puridad at paglihis sa anumang kanais
nais na pag-aasal.

Mga Gawaing Korapsyon o Pangungurakot


• Pang-aabuso sa kapangyarihan

Ang Pang-aabuso sa diskresyon ay ang hindi angkop na paggamit ng


kapangyarihan ng isang tao at mga pasilidad ng paggawa ng desisyon. Ang
mga halimbawa ay kinabibilangan ng isang hukom na hindi angkop na
nagtakwil ng isang kasong kriminal o isang isang opisyal ng kustom na
gumagamit ng kanilang diskresyon sa pagpayag ng isang ipinagbabawal na
substansiya sa pagpasok sa isang puerto.

Ang Paglalako ng impluwensiya ang ilegal na kasanayan ng paggamit


ng impluwensiya ng isang tao sa pamahalaan o mga koneksiyon sa mga taong
nasa kapangyarihan upang magkamit ng mga pabor sa ibang tao na
karaniwang ay kapalit ng kabayaran. Ang mga tiwaling pinuno ay nagtatakda
rin ng mga kautusan o atas na ang layunin ay makinabang ang sarili, mga
kamag-anak o ilang mga indibidwal.

• Pakikipagsabwatan

Ang Kolusyon o pakikipagsabwatan ang kasunduan sa pagitan ng


dalawa o higit pang mga partido na minsang ilegal at kaya ay malihim upang
limitahan ang bukas na kompetisyon sa pamamagitan ng pandaraya, pagliliko
o panloloko ng iba sa mga karapatang nito o magkamit ng isang layuning
ipinagbabawal ng batas na tipikal sa pamamagitan ng pandaraya o pagkakamit
ng hindi patas na kalamangan.

Ito ay kasunduan sa mga kompanya o indibidwal na hatiin


ang pamilihan, magtakda ng mga presyo, limitahan ang produksiyon o
limitahan ang mga oportunidad. Ito ay maaaring kasangkutan ng pagtatakda
ng sahod, mga kickback o maling pagkakatawan sa indepediyensiya ng
relasyon sa pagitan ng mga magkakasabwat.

• Pandaraya sa Halalan

Ang pandaraya sa halalan ang ilegal na panghihimasok sa proseso ng


isang halalan. Ang mga akto ng pandaraya ay umaapekto sa mga bilang ng
boto upang magdulot ng isang resulta ng halalan. Kabilang sa mga
pandarayang ito ang pagsupil at pagpaslang ng mga katunggali, pagsabotahe
ng mga balota at pagbili o panunuhol ng mga botante.

• Pagnanakaw sa Kabang Bayan ng Bansa

Ang Paglustay ang pagnanakaw ng mga pinagkatiwalaang pondo na


pampubliko sa pamahalaan. Ito ay pampolitika na paglulustay kung ito ay
kinasasangkutan ng pera na pampubliko o pera ng taong bayan na kinuha ng
isang opisyal ng pamahalaan para sa anumang sariling paggamit na hindi
itinakda para dito gaya halimbawa, kapag ang isang opisyal ay nagtatakda sa
mga empleyado ng gobyerno na kumpunihin ang kanyang bahay.

Ang Pandarambong, sa batas ng Pilipinas, ay inilalarawan na


sinumang opiser na pampubliko na sa kanyang sarili o pakikipagsabwatan sa
mga kasapi ng kanyang pamilya, mga kamag-anak sa pamamagitan ng kasal
o dugo, mga ka-negosyo, mga nasasakupan o iba pang mga tao ay humahakot,
nagtitipon o nagkakamit ng kayamanan na kinuha sa masama sa pamamagitan
ng pinagsama o sunod sunod na hayagan o mga gawaing kriminal sa tinipong
halaga o kabuuang halaga ng hindi bababa limampung milyong piso
(P50,000,000.00). Ang mapatunayan sa salang pandarambong ay maaring
mapaparusahan ng reclusion perpetua hanggang kamatayan

• Panunuhol at Pagtanggap ng Suhol

Ang suhol ang akto ng pagbibigay ng salapi o regalo na nagpapabago


ng pag-aasal ng tumanggap nito.

Ito ay inilalarawan sa Black's Law


Dictionary bilang ang pag-aalok,
pagbibigay o panghihingi ng anumang
bagay na may halaga upang
impluwensiyahan ang mga aksiyon ng
isang opisyal o ibang tao na may
pangangasiwa ng isang tungkuling
pampubliko pambatas.

Ang kickback ay isang anyo ng panunuhol kung saan ang


isang komisyon ay binayaran sa kumukuha ng suhol bilang isang quid pro
quo para sa mga serbisyong ginawa. Ang kickback ay iba mula sa ibang mga
uri ng panunuhol sa kadahilanang may ipinapahiwatig na pakikipagsabwatan
sa pagitan ng mga ahente ng dalawang partido sa halip na ang pangingikil ng
isang partido mula sa isa. Ang layunin ng kickback ay karaniwang hikayatin ang
ibang partida na makipagtulungunan sa ilegal na gawain.

• Pagtangkilik o Padrino

Ang Pagtangkilik o Padrino na tumutukoy sa pagpapabor sa mga


tagasuporta, halimbawa sa trabaho sa gobyerno. Ito ay maaaring lehitimo gaya
kapag ang isang bagong nahalal na pamahalaan ay nagpapalit ng mga mataas
na opisyal sa administrasyon upang mapatupad ng epektibo ang mga
patakaran nito. Ito ay nakikitang isang korupsiyon kung ang mga walang
kakayahang mga tao bilang kabayaran sa pagsuporta ng administrasyon ay
napili bago sa mga mas may kakayahang mga indibidwal.

Mga Kondisyong Pumapabor sa Korapsyon

Ikinatwiran na ang mga sumusunod na kondisyon ay pumapabor sa korupsiyon:

• Kakulangan ng impormasyon
• Kawalan ng batas ng kalayaan ng impormasyon.
• Kawalan ng ulat na pag-iimbestiga ng lokal na media.
o Kawalang respeto o kapabayaan sa pagsasanay ng kalayaan ng
pagsasalita at kalayaan ng press

• Kawalan ng kontrol sa pamahalaan.


o Kawalan ng lipunang sibiko at mga organisasyong hindi pampamahalaan na
nagmomonitor ng pamahalaan.
o Mahinang serbisyong sibil at mabagal na usad ng reporma ng serbisyong
sibil sa mga umuunlad na bansa.
o Mahinang pagpapatupad ng batas gaya halimbawa ng mga napatunayang
tiwaling politiko o opisyal ng pamahalaan na hindi napaparusahan ayon sa
batas o nabibigyan lamang ng isang magaan na parusa.
o Mahinang kalayaan ng hukuman.
o Kawalan ng proteksiyon sa mga whistleblower o naglalantad ng korupsiyon.
o Kawalan ng benchmarking na isang patuloy na detalyadong ebalwasyon ng
mga pamamaraan at paghahambing sa ibang gumagawa ng mga parehong
bagay sa parehong pamahalaan o sa ibang pamahaalan sa partikular na ang
paghahambing ng kung sino ang gumagawa ng pinakamahusay na
pagtatrabaho.

• Mga pagkakataon at pabuya


o Ang mga indibidwal na opisyal ay rutinang humahawak ng cash sa halip na
paghawak sa mga kabayaran sa pamamagitan ng giro o sa isang hiwalay na
cash desk. Ang mga hindi lehitimong mga pagwiwithdraw ng mga salapi mula
sa pinangangasiwaang mga akawnt ng bangko ay mas higit na mahirap
ikubli.
o Ang mga pondong pampubliko ay sentralisado sa halip na ipinamamahagi.
Halimbawa, kung ang pondong P1,000 ay nilustay mula sa isang ahensiyang
lokal na may pondong P2,000, mas madali itong mapansin kesa sa isang
pambansang ahensiya na may pondong P2,000,000.
o Malalaki at hindi napangangasiwaang mga pamumuhunan.
o Pagbebenta ng pag-aari ng estadong ari-arian at pribatisasyon.
o Maliit na sahod sa mga opisyal ng pamahalaan.
o Ang matagalang pagtatrabaho sa parehong posisyon ay maaaring lumikha
ng mga relasyon sa loob at labas ng pamahalaan na humihikayat at
nakakatulong na magkubli ng koruspiyon at paboritismo. Ang pag-iikot o
paglilipat ng mga opisyal ng pamahalaan sa iba't ibang mga posisyon at mga
lugar ay maaaring makatulong na makapigil dito. Halimbawa, ang ilang mga
matataas na ranggong opisyal sa mga serbisyong pampahalaan ng Pransiya
(e.g. treasurer-paymasters general) ay dapat palitan ng ibang indibidwal kada
ilang mga taon.
• Mga kondisyon sa lipunan
o Mga may sariling interes na mga malalapit na pangkat o clique at mga old
boy network.
o Kawalang batas laban sa mga dinastiyang pampolitika.
o Ang istrukturang panlipunan na nakasentro sa pamilya at angkang na may
tradisyon ng katanggap tanggap na nepotismo at paboritismo.

Mga Uri ng Korapsyon na Nakikita sa Lipunang Pilipino

• Sa Politika

Ang pampolitika na korupsiyon ang pag-abuso ng pampublikong


kapangyarihan, opisina o mga pinagkukunan ng mga hinalal na opisyal
ng pamahalaan para sarili nitong pakinabang gaya halimbawa ng pangingikil,
paghimok sa paggawa ng mga ilegal na gawain, o pag-
aalok ng mga suhol.

• Sa kapulisan

Ang korupsiyon ng kapulisan ay isang


spesipikong anyo ng maling pag-aasal sa kapulisan na
ginagawa upang magkamit ng mga benepisyong
pansalapi, iba pang kapakinabangan o pagpapasulong
ng kanilang karera

• Sa Hudikatura

Ang korupsiyon ay nangyayari rin sa


sistemang hudikatura ng isang bansa. Ang mga
kurakot na hukom (judge) na tumatanggap
ng suhol ay magbababa ng desisyong pabor sa
nanuhol at sa gayon ay nasisira ang integridad ng
hustisya at pagiging patas ng sistemang korte.
• Sa pamamahayag

Ang korupsiyon ay nangyayari rin sa pamamahayag (media). Kabilang


sa mga korupsiyon sa pamamahayag ang:

o Pagtanggap ng suhol kapalit


ng pananahimik o hindi
paglalantad ng katiwalian ng
isang indibidwal o kompanya.
Sa ibang kaso, ang suhol ay
hinihingi o kinikikil ng
mamamahayag kapalit ng
pananahimik sa paglalantad
ng katiwalian o paglalantad ng hindi totoong kuwento na makasisira sa
isang indbidwal o kompanya. Ang tawag dito ay blackmail.
o Pagtanggap ng suhol kapalit ng pagsusulat ng papuri o mga hindi
totoong kuwento tungkol sa isang indibidwal o isang produkto o serbisyo
upang makinabang ang isang kompanya.

• Sa Sarili

Mayroon ding mga katiwalian sa ating pansariling buhay. Ang mga


pangyayaring nagaganap sa ating lipunan ay isang malinaw na repleksyon ng
iba’t-ibang pansariling katiwalian.

May mga pagkakataon na sinusubok ng buhay ang ating katapatan at dignidad


bilang tao. Dapat natin labanan ang mga pagsubok na ito kung gusto nating mapanatili
ang ating mabuting pangalan. Bukod sa nagdudulot ng kaayusan at katiwasayan ng
isip at kalooban ang pagiging marangal na tao, nagbubunga rin ito ng paggalang ng
iba. Sikapin nating pairalin ang katapatan at ingatan natin ang ating karangalan sa
lahat ng bagay, maliit man o malaki. Iwasang
magpadala sa udyok ng iba upang sumama sa
mga gawaing tiwali at mapanlinlang gaya ng
panloloko, pagsisinungaling at
pangungurakot/pangungupit. Sa anumang
pagkakataon, mahalagang pagsikapan nating
iwasan at sugpuin ang mga ito. Kinakailangan na
tayo ay manindigan para sa katapatan.
Napakikinang at nagpapataas ito ng dangal ng tao.
Tatlong (3) Hakbangin ng Pagpapatibay ng Katatagang Moral

1. Pagtanggap sa Sariling Limitasyon. Ito ang


pinakabatayan ng anumang proseso ng pagbabaging-
anyo at pagpapatibay ng katatagang moral. Kapag
natanggap mo ang pansariling katiwalian at limitasyon,
ikaw ay makapagsisimulang makapagbalangkas ng mga
plano para sa pagpapatibay ng iyong katatagang moral.

2. Pagtawag sa Isang Moral na Tagapayo. Sapagkat tayo


ay may limitasyon sa ating katatagang moral, kailangan
natin ang isang tagapayo na gagabay sa atin. Tandaan natin na ang Diyos ang
tagapagpagaling sa mga pansarili nating katiwalian at kasalanan.

3. Pagsasabuhay at Pagkakaroon ng Panghabambuhay na Paninigigan sa


Kabutihan. Ito ang pinakamahalagang hakbangin na dapat isagawa. Malaki
ang impluwesya ng mga umiiral na kalakasan at pambansang pangyayari sa
ating lipunan at tayo ay tunay na naaapektuhan ng mga ito

PAGLALAGUM NG NATUTUHAN

Ang korupsiyon, korapsiyon, katiwalian o pangungurakot ay tumutukoy sa


kawalan ng integridad at katapatan. Sa pilosopikal, teolohikal, o moral na
talakayan, ito ay tumutukoy sa espiritwal o moral na kawalang puridad at
paglihis sa anumang kanais nais na pag-aasal.
Mga gawaing korapsyon o pangungurakot
• Pang-aabuso sa kapangyarihan
• Pakikipagsabwatan
• Pandaraya sa halalan
• Pagnanakaw sa kabang-bayan ng bansa
o Paglustay
o Pandarambong
• Panunuhol at Pagtanggap ng suhol
• Pagtangkilik o Padrino System
Mga kondisyon pumapabor sa korapsyon
• kakulangan ng impormasyon
• kawalan ng batas ng kalayaan ng impormasyon
• kawalan ng ulat na pag-iimbestiga ng likal na midya
• kawalan ng kontrol sa pamahalaan
• mga pagkakataon at pabuya
• mga kondisyon sa lipunan
Tatlong hakbangin sa pagpapatibay ng katatagang moral
• Pagtanggap sa sariling limitasyon
• Pagtawag sa isang moral na tagapayo
• Pagsasabuhay at pagkakaroon ng panghabambuhay na
paninindigan sa kabutihan
PAGTATAYA 4.3

Magtala ng mga katiwalian sa sarili at mga nakikita sa pamayanan. Magbigay ng


mga mungkahi kung paano maiiwasan ang mga ito. Gawing malikhain at maaaring
isagawa ang mga solusyon ng mga suliraning ito.

Katiwalian Mga Sanhi Posibleng Mga


Solusyon kakailanganin

Sa Sarili
Halimbawa:

Pangongopya sa Di handa handa Mag-aral Vacant time


test

1.

2.

Sa pamayanan

Halimbawa:

Pagpipili ng Pamumulitika Isumbong sa Legal na payo


bibigyan ng kinauukulan
ayudang pera ng Pagkamakapamilya
pamahalaan

1.

2.

You might also like