You are on page 1of 24

GRAFT AND

CORRUPTION
GRAFT
 Ay isang uri ng korupsyon kung saan ang ang isang politiko ay
ginagamit ang kanyang awtoridad at kapangyarihan upang isulong
ang kanyang pansariling kapakanan.

CORRUPTION O KORUPSYON
- Ay ang kawalan ng kalinisan, integridad at katapatan ng isang taong
nanunungkulan.
MGA KARANIWANG URI AT
PAMAMARAAN NG GRAFT
AND CORRUPTION
 Tax evasion
 Ghost project at ghost employer
 Pag-iwas sa public bidding sa pagkakaloob ng Kontrata
 Pagpapasa-pasahan ng mga kontrata ng mga Contractors
 Nepotisimo
 Pangingikil o extortion
 Pagbibigay ng Protection Money o Tong
 Pagbibigay ng Lagay o Pampadulas
TAX EVASION
 Ito ay ang hindi matapat na pagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
 Laganap ito sa pribadong sector ng lipunan o sa mga negosyong malalaki
atmaliliit. Ito ay isinasagawa sa pamamaraang hindi pagdeklara ng taunang
kita ng negosyo. Maaring ideklara na maliit ang kinita ng negosyo uapang
maliit rin ang kanilang buwis na babayaran o tuwirang hindi nagbabayad ng
buwis.
 Dahil dito nawawalan ng panustos ang pamahalaan sa mga proyekto at
serbisyong ipapatupad nito. Kung maliit ang pondo ng pamahalaan ay
umuutang ito sa WB (World Bank) at International Monetary Fund (IMF)na
siya naman sasaluhin pa rin ng mga mamamayang palagiang nagbabayad ng
buwis sa pagkaltas na kanilang sahod kada buwan uapang ito ay mabayaran.
GHOST PROJECTS AT GHOST
EMPLOYEES
 Ito ay talamak sa malalaking ahensiya at mga local na pamahalaan ang mga
ghost projects at ghost employees.

GHOST PROJECTS
Ay isang pekeng proyektong pinopondohan gamit ang buwis ng taumbayan. Sa
halip na mapupunta sa totoong proyekto ang pondo ay ibinubulsa ito ng mga
opisyal ng pamahalaang sangkot sa paggawa ng ghost project kasama na rin
ang mga contractor o napiling tagapagpatuapad ng proyektong gagwin.
Isa pang halimbawa aya ng sabwatang nagaganap sa pagitan ng mga opisyal ng
pamahalaan at sa mga contructors na gumagawa ng proyektong pang
imprastraktura.
GHOST EMPLOYEES
Ito naman ay ang pagdaragdag ng mga pekeng tao sa
listahan ng mga empleyado ng isang ahesiya ng
pambansang pamahalaan o sa lokal na pamhalaan.
Ang mga pangalang ito ay pinpasahod at binibigyan
ng mga bonus kahit wala talagang gaanong
nagtatrabaho sa pmahalaan.
PAG-IWAS SA PUBLIC
BIDDING SA PAGKAKALOOB
NG KONTRATA
Ito ang pagbubukas sa publiko ng
pagkakataong makakuha ng kontrata
mula sa pamahalaan ukol sa paggawa
ng proyekto o pagbili nito ng ma gamit.
 Ito ay ang proyekto ng pamahalaan na dapat sumailalim sa
public bidding upang ipagkaloob ang paggawa at
pagpapatupad ng proyekto sa contractor na pinakamahusay
at may kasanayang gumawa nito.
 Upang makaiwas sa public bidding ang mga ahensiya ng
pamahalaan ay gumagamit ng estratehiya kung saan ito ay
bibili nang paisa-isa o patingi-tingi na suplay at mga
kagamitan imbes na bilhin ito nang isanag bagsakan o
maramihan upang hindi umabot ang halaga sa presyong
itinatalga ng batas na dapat sumailalim sa public bidding.
PAGPAPASA-PASAHAN NG
MGA KONTRATA NG MGA
CONTRACTORS
 Contractor
Ito ay isang kompanya na nakakuha ng kontrata mula sa
pamahalaan upang gawin o isagawa ang isang proyekto.
Karaniwang nagpapasahan ng mga kontrata ang mga
contractor. Habang nagaganap ang pagpapasahan ay
nakapagtatago ng isang maliit na porsyento ng halaga ng
proyekto ang bawat pinagpasahang contractor.
NEPOTISMO
 Ito ay ang pagbibigay ng oportunidad at prebilehiyo sa
mga kamag-anak o kapamilya at mga kaibigan lalo na ang
pagbibigay ng trabaho sa mga ito sa pamahalaan.
 Ang pagpasok ng kaibigan o kamaganak ng isang opisyal
sa pamahalaan ay maaaring hindi patas para sa iba dahil
maaaring walang sapat na kakayahan o kasanayan ang
isang kapamilya o kaibigan upang gampanan ang
tungkuling ibinigay sa kanya.
PANGINGIKIL O EXORTION
Ito ay ang sapilitang paghingi ng pera,
mahahalagang kagamitan o kaya naman ay serbisyo
mula sa mga ordinaryong mamamayan kapalit ang
serbisyong sana ay ipinagkakaloob nang libre o
mura.
PAGBIBIGAY NG PROTECTION
MONEY O “TONG”
Patong o tong ang tawag sa uri ng suhol na ibinibigay
ng mga mamamayan sa mga tagapagpatupad ng batas
upang sila ay maprotektahan mula sa mga iligal na
gawain.
PAGBIBIGAY NG LAGAY O
“PAMPADULAS”
 Ang lagay ay isang uri ng suhol na ibininigay ng mga
mamamayan sa mga opisyal ng pamahalaan upang laong
mapabilis ang proseso ng paghahatid ng serbisyo.
 Ang mabagal na proseso ng paghahatid ng serbisyo ay
dulot ng red tape o ang tawag sa napakaraming pormal na
prosesong kailangang ayusin upang maaprubahan ang
isang dokumento o kahilingan.
UGNAYAN NG
GRAFT AND
CORRUPTION SA
ASPEKTONG
PANLIPUNAN
ANG NGA SUMUSUNOD AY
ILANG PAG-UUGALI NG MGA
PILIPINO NA MAARING
MAKAPAGPALALA NG
SULIRANIN NG KORAPSYON
SA PILIPINAS
UTANG NA LOOB
Mabuti ang pagtanaw ng utang na loob ngunit
minsan ay nalalagay ito sa mali. Isang halimbawa
ay ang pagboto sa isang kandidato sa halalan dahil
nagbigay ito ng mga pagkain, tulong pinansyal, o
relief goods sa mga taong nangangailangan.
PAGBIBIGAY NG REGALO AT
PAGMAMASAMA SA
PAGTANGGI
• Kultura
• Mahilig tumanggap ng mga regalo ang Pilipino. Ito ay
isang paraan ng pagpapasalamat at pagpapakita ng taos-
pusong pakikipagkapwa sa isang tao. Subalit may mga
pagkakataon kung kalian ito ay nagiging masama.
• Kapag ang isang Pilipino ay inalok at tumanggap ng isang
bagay, kadalasan ay hindi niya ito tuwirang tatangihan
kahit na ayaw niya itong tanggapin.
MAHIGPIT NA PAGBUBUKLOD
NG PAMILYA
Immediate family
Extended family
Conduit
Special treatment
SEATWORK:
ANO ANG IYONG GAGAWIN KUNG IKAW ANG NASA
SA MGA SUMUSUNOD NA SITWASYON?
1. Nagmamaneho ang iyong ama upang ihatid
ka sa paaralan. Pinara siya ng isang pulis at
hinuli dahil bawal ang kotse niya sa daan dahil
labag sa color coding ang plate number ng
iyong kotse. Nakita mong mag-aabot ang iyong
ama ng limandaang piso sa pulis upang hindi
siya mabigyan violation ticket.
2. Sa isang pagsusulit, narinig
mong magtanong sa iyo ng mga
sagot ang iyong kaibigan na palagi
kang tinutulungan. Alam mo ang
mga sagot sa pagsusulit.
3. Inilibre ka ng iyong kaibigan na treasurer
ng inyong klase sa isang fastfood
restaurant. Nang tinanong mo siya kung
bakit siya nanglibre, ang sabi niya ay sobra
ang nakolekta niyang pondo mula sa klase
kaya doon niya kinuha ang panlibre sa iyo.
4. Kailangan mo ng ID mula sa
barangay para sa isang application.
Nagulat ka nang singilin ng limandaang
piso ka ng isang opiyal upang iproseso
ang iyong ID samantalang ito ay libre
dapat.
5. Ikaw ang napiling maging editor-in-chief o punong
patnugot ng inyong yearbook ngayong taon. Inatasan
ka ng inyong guro na pumili ng mga kamag-aral na
mahusay sa pgsulat at sining na silang bubuo ng
yearbook. Nagmamakaawa ang iyong kaibigan na
isama mo siya kahit alam mong may kahinaan siya sa
pagsulat at sining.
Assignment in Araling Panlipunan no. 1 and 2
1.
Bilang estudyante , paano ka makakatulong para
maiwasan ang korupsyon? 10 pts
Ano ang epekto ng korupsyon sa moralidad ng tao? 5
pts
Bakit nanatiling hadlang sa kaunlaran ang korupsyon
sa Pilipinas? Gumawa ng isang sanaysay na hindi
bababa sa 300 salita. Isulat ang sanaysay sa isang
buong papel. 20 pts

You might also like