You are on page 1of 8

Introduction

Ang korupsiyon, korapsiyon, katiwalian o pangungurakot (Ingles: corruption)


ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan.

Ito ay karaniwang tumutukoy sa pampolitika na korupsiyon na nangyayari


kapag ang isang indibidwal na nasa posisyon sa pamahalaan o isang empleyado ng
pamahalaan ay umaasal sa kanyang kapasidad bilang opisyal ng pamahalaan para sa
hindi nararapat na sariling kapakinabangan.

Ang Pilipinas ay dumaranas ng talamak at malawakang korupsiyon sa


pamahalaan nito. Kabilang sa mga paraan ng korupsiyon na isinasagawa sa Pilipinas
ang graft, panunuhol, paglustay ng salapi, mga kasunduan sa likurang
pintuan, nepotismo, padrino. Ito ay mula sa mga nakaraang Pangulo ng
Pilipinas hanggang sa mga lokal na unit ng pamahalaan. Ayon sa Ombudsman’s
Finance and Management Information Office, ang kabuuang 3,852 kaso ay inihain
laban sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan noong 2011. Sa mga ito, ang 633 ay
inihain sa Luzon, 600 sa Visayas at 544 sa Mindano. Ang Philippine National Police
(PNP) ang ikalawa sa dami ng mga kasong inihain laban dito sa Ombudsman noong
2011. Kabilang sa mga kasong inihain laban sa mga sumusunod na kagawaran ng
pamahalaan noong 2011: Department of Education (562 kaso), Philippine Information
Agency (490 kaso), Bureau of Internal Revenue (416 kaso), Armed Forces of the
Philippines (304 kaso), Bureau of Customs (177 kaso), Department of Environment
and Natural Resources (155 kaso), Department of Social Welfare and Development
(148 kaso), Department of Justice (98 kaso).[1] Noong 2012, ang Pilipinas ay may
ranggong 105 na may 3.4 CPI sa talaan ng Transparency International na rumaranggo
ng 176 mga bansa at teritoryo batay sa kung kaagano silang katiwali ayon sa
publikong sektor. Ang Pilipinas ay karanggo ng mga bansang Algeria, Armenia,
Bolivia, Gambia, Kosovo, Mali, at Mexico. Ang mga 30 % ng pambansang badyet ng
Pilipinas ay iniulat na nawawala dahil sa graft at korupsiyon kada taon.

Body
Pang-aabuso sa kapangyarihan. Ang Pang-aabuso sa diskresyon ay ang hindi
angkop na paggamit ng kapangyarihan ng isang tao at mga pasilidad ng paggawa ng
desisyon. Ang mga halimbawa ay kinabibilangan ng isang hukom na hindi angkop na
nagtakwil ng isang kasong kriminal o isang isang opisyal ng kustom na gumagamit ng
kanilang diskresyon sa pagpayag ng isang ipinagbabawal na substansiya sa pagpasok
sa isang puerto. Ang Paglalako ng impluwensiya ang ilegal na kasanayan ng paggamit
ng impluwensiya ng isang tao sa pamahalaan o mga koneksiyon sa mga taong nasa
kapangyarihan upang magkamit ng mga pabor sa ibang tao na karaniwang ay kapalit
ng kabayaran. Ang mga tiwaling pinuno ay nagtatakda rin ng mga kautusan o atas na
ang layunin ay makinabang ang sarili, mga kamag-anak o ilang mga indibidwal.

Pakikipagsabwatan. Ang Kolusyon o pakikipagsabwatan ang kasunduan sa


pagitan ng dalawa o higit pang mga partido na minsang ilegal at kaya ay malihim
upang limitahan ang bukas na kompetisyon sa pamamagitan ng pandaraya, pagliliko o
panloloko ng iba sa mga karapatang nito o magkamit ng isang layuning
ipinagbabawal ng batas na tipikal sa pamamagitan ng pandaraya o pagkakamit ng
hindi patas na kalamangan. Ito ay kasunduan sa mga kompanya o indibidwal na hatiin
ang pamilihan, magtakda ng mga presyo, limitahan ang produksiyon o limitahan ang
mga oportunidad. Ito ay maaaring kasangkutan ng pagtatakda ng sahod,
mga kickback o maling pagkakatawan sa indepediyensiya ng relasyon sa pagitan ng
mga magkakasabwat na partido. Sa mga terminong legal, ang lahat ng mga akto na
naapektuhan ng kolusyon ay itinuturing na walang bisa. Ang Pagmamanipula
ng presyo (price fixing) ang kasunduan sa pagitan ng mga kalahok sa parehong panig
ng isang pamilihan na bumili o magbenta lamang ng isang produkto o komoditad sa
isang itinakdang presyo o panatilihin ang mga kondisyon ng pamilihan sa gayong ang
presyo ay napapanatili sa isang ibinigay na lebel sa pamamagitan ng pagkokontrol
ng suplay at pangangailangan. Ang Pagmamanipula ng alok (bid rigging) ay isang
anyo ng pandaraya kung saan ang isang kontratang pangkalakalan (commercial) ay
ipinangako sa isang partido bagaman alang alang sa hitsura, ang ibang mga partido ay
nagtatanghal rin ng isang alok. Ang anyo ng pakikipagsabwatang ito ay ilegal sa
karamihan ng mga bansa. Ito ay isang anyo ng pagtatakda ng presyo at pagtatalaga ng
pamilihan na karamihan ay sinasanay kung saan ang mga kontrata ay tinutukoy ng
isang pagtawag sa mga nag-aalok halimabawa sa kaso ng mga kontratang
konstruksiyon ng pamahalaan.
Pandaraya sa halalan. Ang pandaraya sa halalan ang ilegal na panghihimasok
sa proseso ng isang halalan. Ang mga akto ng pandaraya ay umaapekto sa mga bilang
ng boto upang magdulot ng isang resulta ng halalan. Kabilang sa mga pandarayang ito
ang pagsupil at pagpaslang ng mga katunggali, pagsabotahe ng mga balota at pagbili o
panunuhol ng mga botante.
Pagnanakaw sa kabang yaman ng bansa. Ang paglustay ang pagnanakaw ng
mga pinagkatiwalaang pondo na pampubliko sa pamahalaan. Ito ay pampolitika na
paglulustay kung ito ay kinasasangkutan ng pera na pampubliko o pera ng taong
bayan na kinuha ng isang opisyal ng pamahalaan para sa anumang sariling paggamit
na hindi itinakda para dito gaya halimbawa, kapag ang isang opisyal ay nagtatakda sa
mga empleyado ng gobyerno na kumpunihin ang kanyang bahay. Sa batas ng
Pilipinas, ang pandarambong ay inilalarawan na sinumang opiser na pampubliko na sa
kanyang sarili o pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng kanyang pamilya, mga kamag-
anak sa pamamagitan ng kasal o dugo, mga ka-negosyo, mga nasasakupan o iba pang
mga tao ay humahakot, nagtitipon o nagkakamit ng kayamanan na kinuha sa masama
sa pamamagitan ng pinagsama o sunod sunod na hayagan o mga gawaing kriminal na
inilalarawan sa seksiyon 1 (tingnan sa baba) sa tinipong
halaga o kabuuang halaga ng hindi bababa limampung milyong piso
(P50,000,000.00) ay magkakasala sa krimen ng pandarambong at mapaparusahan ng
reclusion perpetua hanggang kamatayan.

Panunuhol at pagtanggap ng suhol. Ang suhol ang akto ng pagbibigay ng


salapi o regalo na nagpapabago ng pag-aasal ng tumanggap nito. Ito ay inilalarawan
sa Black's Law Dictionary bilang ang pag-aalok, pagbibigay o panghihingi ng
anumang bagay na may halaga upang impluwensiyahan ang mga aksiyon ng isang
opisyal o ibang tao na may pangangasiwa ng isang tungkuling pampubliko pambatas.
Ang kickback ay isang anyo ng panunuhol kung saan ang isang komisyon ay
binayaran sa kumukuha ng suhol bilang isang quid pro quo para sa mga serbisyong
ginawa. Ang kickback ay iba mula sa ibang mga uri ng panunuhol sa kadahilanang
may ipinapahiwatig na pakikipagsabwatan sa pagitan ng mga ahente ng dalawang
partido sa halip na ang pangingikil ng isang partido mula sa isa. Ang layunin ng
kickback ay karaniwang hikayatin ang ibang partida na makipagtulungunan sa ilegal
na gawain.
Pagtangkilik o Padrino. Ang Pagtangkilik o Padrino na tumutukoy sa
pagpapabor sa mga tagasuporta, halimbawa sa trabaho sa gobyerno. Ito ay maaaring
lehitimo gaya kapag ang isang bagong nahalal na pamahalaan ay nagpapalit ng mga
mataas na opisyal sa administrasyon upang mapatupad ng epektibo ang mga
patakaran nito. Ito ay nakikitang isang korupsiyon kung ang mga walang kakayahang
mga tao bilang kabayaran sa pagsuporta ng administrasyon ay napili bago sa mga mas
may kakayahang mga indibidwal. Sa karamihan ng mga hindi demokrasya, ang
maraming mga opisyal ng gobyerno ay kadalasang pinipili para sa kanilang katapatan
sa halip na kakayahan. Ang pagpapabor sa mga kamag-anak (nepotismo) o personal
na mga kaibigan (kronyismo) ng isang opisyal ng pamahalaan ay isang anyo ng isang
hindi lehitimikong kapakinabangang pampribado. Ito ay maaaring samahan
ng panunuhol halimbawa sa paghiling ng isang opisyal ng pamahalaan sa isang
negosyo na magbigay trabaho sa isang kamag-anak ng opisyal na kumokontrol sa mga
regulasyon na umaapekto sa negosyo. Ang pinakasukdulang halimbawa ay kung ang
buong estado ay namamana gaya ng sa Hilagang Korea o Syria. Ang isang mas maliit
na anyo nito ay sa Good ol' boys sa Katimugang Estados Unidos kung saan ang mga
kababaihan at minoridad ay hindi isinasama. Ang mas katamtamang anyo ng
kronyismo ay ang "old boy network" kung saan ang mga hinirang sa mga opisyal na
posisyon sa pamahalaan ay napipili lamang mula sa isang malapit at eksklusibong
network na panlipunan gaya ng mga alumni ng mga partikular na unibersidad sa halip
na sa paghirang ng pinaka may kakayahang kandidato.

Pagtakas sa pagbabayad ng buwis. Ito ay talamak partikular na sa pribadong


sektor dahil sa pagtanggi ng mga nagnenegosyong pribado na dapat na ideklara ang
kanilang taunang kinita at magbayad ng mga angkop na buwis sa pamahalaan.

Mga ghost project at pasahod,. Ito ay ginagawa ng mga matataas na opisyal ng


pamahalaan kung saan ang mga hindi umiiral na proyekto ay pinpondohan ng
pamahalaan samantalang ang mga hindi umiiral na tauhan ng pamahalaan o mga
pensiyonado ay binabayaran ng mga sahod at allowance. Ang katiwaliang ito ay
talamak sa mga ahensiya ng pamahalaan na nasasangkot sa pormulasyon at
pagpapatupad ng mga programa at proyekto partikular na sa imprastruktura at sa
pagbibigay ng mga sahod, mga allowance at mga benepisyong pensiyon.

Pag-iwas sa pagsusubasta sa publiko sa pagkakaloob ng mga kontrata. Ang


paglisan ng mga mga opisina ng pamahalaan partikular na ang mga komite ng
mga subasta at pagkakaloob ng mga kontrata sa pamamagitan ng subasta sa publiko o
pagkakaloob ng mga kontrata sa mga pinaborang mga negosyo o kontraktor na
makapagbibigay sa kanila ng mga personal na benepisyo. Upang legal na maiwasan
ang pagsusubasta sa publiko ng mga kontrata, ang mga ahensiya ng pamahalaan ng
bumibili ay magsasagawa ng isang pira-pirasong stratehiya ng pagbili kung saan ang
maliit na halaga ng mga suplay at materyal ay bibilhin sa isang tuloy tuloy na proseo.
Sa kasong ito, ang mga kasunduan sa pagitan ng bumibili at suplayer ay ginagawa
kung saan ang isang persentage ng halagang presyo ay ibibigay sa namimili na
minsang nagreresulta sa sobrang presyo at pagbili ng mga mababang uring mga
suplay at materyal.

Nepotismo at paboritismo. Ang mga matataas na opisyal ay maaaring


maglagay o humirang mga kamag-anak at kaibigan sa mga posisyon ng pamahlaan
kahit pa hindi kwalipikado. Ito ay isa sa mga ugat ng kawalang kaigihan at pagdami
ng mga empleyado sa byurokrasya.

Mga batas na ipinasa upang sugpuin ang korupsiyon sa Pilipinas.

Ang Artikulo XI ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas na


pinamagatang Pagpapanagot ng mga Opiser na Pampubliko ay nagsasaad sa
Seksiyon 1 na ang opisinang pampubliko ay isang pagtitiwalang pampubliko. Ang
mga opiser at empleyadong pampubliko ay dapat managot sa lahat ng mga panahon
sa mga tao, magsilbi sa kanila ng may sukdulang responsibilidad, integridad,
katapatan, kaigihan, akto ng patriotismo at hustisya at mamuhay ng mga
katamtamang pamumuhay.

Ang Seksiyon II ng parehong Artikulo ay nagsasaad na ang Pangulo,


Pangalawang-Pangulo, mga kasapi ng mag komisyong konstitusyonal
at ombudsman ay maaaring alisin sa opisina nito sa impeachment para sa panunuhol
at graft at korupsiyon.

Ang Republic Act No. 3019 na kilala rin bilang Anti-Graft and Corrupt
Practices Act of 1960 ay nagtatala ng lahat ng mga kasanayang tiwali ng anumang
opiser na pampubliko, nagdedeklarang sa mga ito na hindi naayon sa batas at
nagbibigay ng mga kaukulang parusa ng pagkabilanggo (sa pagitan ng 6 hanggang 15
taon), walang katapusang diskwalipikasyon mula sa pagtakbo sa opisinang
pampubliko, at pagsamsam ng hindi maipaliwanag ng kayamanan ng pabor sa
pamahalaan.

Ang Artikulo XI Seksiyon 17 ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 at


Seksiyon 8 ng Republic Act No. 6713 na "Kodigo ng Pag-aasal at mga Pamantayang
Etikal para sa mga Opisyal at Empleyadong Pampubliko" ay nag-aatas na magsumite
ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) kada taon.

Ang Executive Order No. 292 o Administrative Code of 1987 ay umuulit sa


mga probinsiyon na nasa Seksiyon I, Artikulo XI ng 1987 Saligang Batas ng
Pilipinas. Ito ay nagbibigay rin ng kapangyarihan sa Pangulo ng kapangyarihan na
magpasimula ng mga paglilitis upang mabawi ang mga ari-arian ng mga opisyal at
empleyadong pampubliko na nakamit ng mga ito nang hindi naayon sa batas.

Ang Republic Act No. 6713 na kilala rin bilang Code of Conduct and Ethical
Standards for Public Officials and Employees of 1989 ay nagtataguyod ng isang
mataas na pamantayan ng etika at nag-aatas sa lahat ng mga tauhan ng pamahalaan na
gumawa ng isang tumpak na mga pahayag ng ari-arian at liabilidad, ibunyag ang
kanilang net worth at mga ugnayang pang salapi. Ito ay nag-aatas rin sa mga bagong
opisyal na pampubliko na magbawas ng pag-aari ng anumang mga pribadong negosyo
sa loob ng 30 araw mula sa pag-upo sa opisina upang maiwasan ang alitan ng interes.

Ang Republic Act No. 6770 na kilala rin bilang Ombudsman Act of 1989 ay
nagbibigay ng organisasyong pangtungkulin at pang-istruktura ng Opisina ng
Ombudsman.

Ang Republic Act No. 7055 na kilala rin bilang An Act Strengthening Civilian
Supremacy over the Military ay lumilikha ng dalawang mga pakikitungo sa paglilitis
ng mga nagkakasalang mga kasapi ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at ibang mga
kasaping nasa ilalim ng mga batas militar. Ang mga krimeng pinaparusan ng Revised
Penal Code at ibang mga special na batas ng kaparusahan at mga ordinansa ng lokal
na pamahalaan ay lilitisin sa mga hukumang sibil. Ang mga korteng militar ay dapat
kumilala lamang sa mga nakatuon sa serbisyong krimen.

Ang Republic Act No. 7080 na kilala rin bilang Act Defining and Penalizing
the Crime of Plunder ay nagpaparusa sa sinumang opiser na pampubliko na sa
kanyang sarili o pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng kanyang pamilya, mga kamag-
anak sa ugnayan o kadugo, mga ka-negosyo ay lumilikom o nagkakamit ng
masamang nakuhang kayamanan sa pamamagitan ng isang pagsasama ng sunod
sunod na mga pangyayari ng aktong kriminal na may kabuuang halaga ng hindi
bababa sa 50 milyong piso (P50,000,000).

Ang Republic Act No. 8249 na kilala rin bilang Act Further Defining the
Jurisdiction of the Sandiganbayan ay umuuri sa Sandiganbayan bilang isang espesyal
na hukuman at naglalagay rito na katumbas ng Hukuman ng Apela.

Mga katawan o ahensiyang nilikha upang sugpuin ang korupsiyon sa Pilipinas.

Ang 1987 Saligang Batas ng Pilipinas ay lumikha ng mga katawan na


konstitusyonal upang sugpuin ang graft at korupsiyon at epektibong maipatupad ang
mga probinsiyan ng pagpapanagot na pampubliko. Ang mga katawang ito ay
pinagkalooban ng kapangyarihang piskal upang masiguro ang kanilang kalayaan at
ang kanilang mga aksiyon ay maapela lamang sa Kataas-taasang hukuman.

Ang Office of the Ombudsman (OMB) na nag-iimbestiga at kumikilos sa mga


reklamong inihain laban sa mga opisyal at empleyadong pampubliko at nagisislbi
bilang mga “people’s watchdog” ng pamahalaan. Ang Ombudsman at mga diputado
nito (Overall Deputy Ombudsman, Deputy Ombudsman for the Military, One Deputy
Ombudsman each for Luzon, Visayas and Mindanao) ang mga "protektor ng mga
tao". Ang opisinang ito ay nangangasiwa sa pangkalahatan at spesipikong pagganap
ng mga katungkulang opisyal upang ang mga batas ay angkop na mailapat. Ito ay
sumisiguro sa patuloy at maiging paghahatid ng mga serbisyong pampubliko. Ito ay
nagpapasimula ng mga pagpipino ng mga pamamaraan at kasanayang pampubliko at
nag-aatas ng mga sanksiyong administratibo sa mga nagkakasalang opisyal at
empleyado ng pamahalaan at naglilitis sa kanila para sa mga paglabag ng batas
kaparusahan. Ang nakaraang Ombudsman na si Merceditas Gutierrez ay na-
impeach dahil sa kawalang pagkilos sa mga kasong inihain laban sa korupsiyon.

Ang Civil Service Commission (CSC) ang sentral na ahensiya ng tauhan ng


pamahalaan na inatasang magtatag ng isang serbisyong karera at magtaguyod ng
moral, kaigihan, integridad, pagtugon, pagsulong at kagandahang loob sa serbisyong
sibil. Ito ay nagpapalakas rin ng sistemang merito at mga gantimpala, pagpapaunlad
ng mapagkukunang pantao at pananagot na pampubliko. Ito ay may hurisdiksiyon sa
mga kasong administratibo kabilang ang graft at korupsiyon na inihain dito sa apela.

Ang Commission on Audit (COA) ang bantay ng mga operasyong pangsalapi


ng pamahalaan. Ito ay binigyang kapangyarihan upang siyasatin, tasahin o iaduit at
bayaran ang lahat ng mga account na nauukol sa kinita o nalikom na buwis, mga
resibo at mga gastos o paggamit ng mga pondo at ari-arian sa ilalim ng kustodiya ng
mga ahensiya ng pamahalaan at mga instrumentalidad. Ito ay magpapalaganap ng
mga patakarang accounting at auditing at mga regulasyon para sa pagpipigil at hindi
pagpayag sa mga iregular, hindi kinakailangan, malabis, maluho o hindi makatwirang
mga gastusin o paggamit ng mga pondo at ari-arian ng pamahalaan.

Ang Sandiganbayan ay isang hukumang anti-graft sa Pilipinas. Ito ay may


hurisdiksiyon sa mga kasong sibil at kriminal na kinasasangkutan ng mga kasanayang
graft at corrupt at ibang gayong mga paglabag na ginawa ng mga opiser at
empleyadong pampubliko. Ito ay nangangasiwa sa pagpapanatili ng moralidad,
integridad at kaigihan sa serbisyong pampubliko.

You might also like