You are on page 1of 3

ARALIN 4: ANG GRAFT AT CORRUPTION: KONSEPTO, URI, AT PAMAMARAAN

Ang korapsiyon (corruption) ay isang maling gawiokinasasangkutan ng opisyal o mga opisyal ng isang
institusyon. Ito ay pang-aabuso sa hawak na posisyon upang magkaroon ng kapakinabangan. Ito ay nagaganap
hindi lamang sa pampublikong sector kung hindi maging sa pribadong sector.

Maraming anyo ang corruption, subalit ang mga pangunahin ay ang paglustay (embezzlement), panunuhol
(bribery), pandaraya (fraud) at pangingikil (extortion).

Samantala, ang graft ay isang anyo ng politikal na korapsiyon


kungsaan ang opisyal o mga opisyal ng gobyerno ay nagkakamal ng pinansiya
na pakinabang sa hindi tapat o hindi legal na pamamaraan.

Karaniwang pinagsasama ang graft at corruption bilang isang termine


sapagkat ang mga ito ay magkaugnay. Upang makita ang kaibahan ng
dalawang konsepto, masasabing ang corruption ay may mas malawak na
kahulugan at ang graft ay nasa ilalim lamang ng isang kategorya nito
ang - political corruption. Ang corruption ang pangkalahatang tawag sa lahat
ng uri ng pandarayang ginagawa ng isang opisyal o mga opisyal at nasa
ilalim nito ang tinatawag na graft.

ILANG KATEGORYA NG CORRUPTION:

Ang sumusunod ay ang mga pangkaraniwang kategorya ng corruption. Bagaman ang mga ito ay inilista bilang
magkakaibang kategorya, huwag pagtakhan kung ang mga ito ay magkakaugnay at magkakasanib
(overlapping).

1. Public Corruption -- ang hindi wasto o hindi matapat na paggamit ng kapangyarihan o pag-abuso nito bilang
isang opisyal ng gobyerno.

2. Grand Corruption - kinasasangkutan ng malalaking halaga ng salapi at matataas na opisyal ng gobyerno.

3. Petty Corruption -- kinasasangkutan ng mas mababang halaga ngsalapi at karaniwan ay bata o bagong opisyal
ng gobyerno.

4. Administrative Corruption may kinalaman sa pagpapatupad ng mga tuntunin sa mga sangay ng gobyerno.
Ang halimbawa ay ang paggawad ng lisensiya sa mga hindi kuwalipikado kapalit ng ilang pakinabang.

5. Political Corruption -- may kinalaman sa pagbabalangkas ng mga batas, regulasyon, at tuntunin sa isang
institusyon na maaaring pumabor sa ilang tao o pangkat.
MGA URI NG CORRUPTION

Dahil sa lawak ng kahulugan ng terminong corruption, bukod sa tinatawag na kategorya ay mayroon din itong
mga anyo o uri. Ang sumusunod ay ang apat na pangunahing uri ng corruption.

1. Embezzlement o Paglustay - Ito ay pagnanakaw ng pera ng isang taong pinagkatiwalaan nito. Karaniwang
ito ay nagagawa sa pamamagitan ng paglustay o maling paggamit (misappropriation) ng pondo ng gobyerno ng
mga pinunong may kapangyarihang mamahala nito.

May mga opisyal ng gobyerno na nakasuhan embezzlement. Ang pangkaraniwang ipinapataw na parusa sa na
ng ganito ay panghabambuhay na pagkakulong.

2. Bribery o Lagay System - Ang paglalagay o panunuhol ay isang uri din ng corruption. Ito ay ang pag-aalok,
pagbibigay, pagtanggap, o panghihingi ng anumang bagay na may halaga upang impluwensiyahan ang mga
aksiyon ng isang opisyal o empleyado ng gobyerno.

Sa Pilipinas, masasabing sa matagal na panahon ay pahirapan at may kabagalan ang pagpoproseso ng mga
dokumento mula sa mga sangay ng gobyerno. Ang ganitong sitwasyon ay nagreresulta ng paglalagay o
pagbibigay ng pera (o anumang suhol o pampadulas) sa mga kawani ng gobyerno makapagpapadali ng mga
proseso. Ang isang hayag na halimbawa sa ilalim ng uring ito ay ang sistema ng mga fixer-mga taong
nangangakong mapabibilis ang pagkuha at pagproseso ng mga dokumento kapalit ng bayad sa Ang paglalagay
o panunuhol ay isang uri din ng korapsiyon kanila.

3. Fraud o Pamemeke - Ito ay tumutukoy sa pandaraya o panlilinlang (deception) sa layuning makalamang o


makakuha ng salapi o iba pang benepisyo. Ang ilang halimbawa nito ay ang paggamit ng mga palsipikadong
dokumento o paglikha ng scam (mapanlinlang na pamamaraan)

4. Extortion o Pangingikil - Isang ilegal na paggamit ng kapangyarihan ng isang opisyal ng gobyerno, ang
extortion ay tumutukoy sa panghuhuthot, panghihingi, o sapilitang pagkuha ng salapi. Sa extortion, karaniwang
ginagamit ang blackmailing o pangunguwalta sa pamamagitan ng pananakot.

Ang extortion ay sinasabing nagaganap pangkaraniwan na sa mga sangay ng gobternong nagkakaloob ng


clearance, permit, o lisensiya, at sa mga departamentong nagpapatupad ng batas at nanghuhuli ng mga
lumalabag sa mga kautusang-bayan.

Ang sumusunod naman ay ang iba pang uri ng corruption. Maaaring ang mga ito ay kaugnay o nakapaloob sa
mga pangunahing uri ng corruption na tinalakay na.
1. Tax evasion o Pagtakas sa pagbabayad ng kaukulang buwis

Sinasabing malaganap ang tax evasion o ang pag-iwas sa pagdaragdag sa ginastos o expenses, at hindi pag-file
ng tax returns ng mga kinitang dapat buwisan. Sa Pilipinas, may ilang kilalang artista at tanyag na tao na
nasampahan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong tax evasion dahil sa pagdedeklara ng taliwas sa
tunay na halaga ng kanilang kinita upang maiwasang magbayad ng kaukulang buwis sa gobyerno.

2. Ghost project at Ghost payroll

Ang mga ghost project ay yaong mga hindi umiiral na proyekto subalit pinopondohan ng gobyerno. Ang ghost
payroll naman ay tumutukoy sa mga kunwaring empleyado na pinasasahod ng gobyerno at binibigyan pa ng
mga allowance. Ito ay sinasabing masusumpungan sa mga ahensiya ng gobyerno lalo na sa mga may kinalaman
sa mga proyektong pang-impraestruktura at namamahala sa pagpapasahod at pagkakaloob ng benepisyo. May
kinalaman din sa mga ghost project ang ilan sa mga isinampang kaso laban sa negosyanteng si Janet Lim
Napoles na kilala sa tawag na Pork Barrel Scam. May mga ghost project na kunwaring inimplementa ng mga
pekeng NGO niya na pinondohan naman ng PDAF o pork barrel ng ilang politiko.

3. Evasion of public bidding in the awarding of contracts

Ito ay ang pag-iwas sa pampublikong pag-bid (pagtatawaran) sa pagkakaloob ng mga kontrata sa mga
transaksiyon ng gobyerno Sa maling gawaing ito, ang mga Bids and Awards Committee (BAC) ng mga opisina
ng gobyerno ay umiiwas na maisubasta ang mga kontrata ng proyekto sa publiko kaya sila ay gumagawa ng
paraan na ito ay maibigay sa mga kontraktor na magkakaloob sa kanila ng benepisyo at porsiyento o kickback
sa mga proyekto.

Kung minsan, maaaring nagsasagawa ng bidding para sa isang proyekto subalit ito ay upang maipakita lamang
na nagsagawa g ding. Sa katotohanan, mayroon nang nakatalagang panalong kontraktor para sa proyekto bago
pa man magsagawa ng bidding.

You might also like