You are on page 1of 45

ARALIN 8

TERORISMO
Terorismo
•Suliraning pandaigdig
•Hoffman (1998) - ang terorismo ay tumutukoy sa
sadyang paglikha at pagpapalaganap ng takot sa
pamamagitan ng karahasan o ang pagbabanta ng
karahasan sa kagustuhang magkaroon ng
pagbabagong politikal.
Tatlong Anyo ng Terorismo
•1. Ayon kay Byman (2002), ang terorismong etniko
(Ethnic Terrorism) ay naiiba sa terorismong
isinasagawa sa ngalan ng ideolohiya, relihiyon, o
kaunlarang pang-ekonomiya.
•Naniniwala siya na malaki ang impluwensiya ng
relihiyon sa terorismo ngunit naiiba rito ang
terorismong etniko.
Tatlong Anyo ng Terorismo
•Sinasabi niyang ang mga etnikong terorista ay
kadalasang mas makabayan at madaling makabuo
ng pambansang pagkakakilanlan (national identity)
kaysa sa mga teroristang maka-relihiyon. Marahil,
ang ilan sa mga maituturing na etnikong terrorista ay
ang Liberation Tigers of Tamil Eelam (LITE), ang
Kurdish Workers Party (KWP), ang Irish Republican
Army (IRA), at ang Basque Fatherland and Liberty
(ETA).
Tatlong Anyo ng Terorismo
•2. Ayon kay Manalo (2004), ang Terorismong pang-
Ideolohiya ay batay sa mga hinaing at layunin ng
isang pangkat na kanilang tinutugunan sa
pamamagitan ng karahasan.
•Maaaring ang kanilang ideolohiya ay may kinalaman
sa relihiyon o sa politika. Layunin ng mga pangkat na
ito na pagkaisahin ang kanilang mga kasapi at
makipag-ugnayan sa mga komunidad na susuporta sa
kanilang laban.
Tatlong Anyo ng Terorismo
•3. Sinabi naman ni Ranstorp (2000) na ang Religious
Fanaticism ay isa sa mga pinakamatinding
motibasyon ng terorismo, tulad ng kaso ng
maraming kultong Muslim, Hudyo, at Hapon.
•Sabi niya, ang maka-relihiyong terorismo ay isang uri
ng karahasang politikal na itinutulak ng krisis-
espiritwal o kaya’y reaksiyon sa mga pagbabago sa
lipunan at politika.
Gawain#1: Terorismo
1. Ano ang layunin ng terorismo?

2. Ano ang epekto nito sa mga tao?


Estraktura ng mga Pangkat Terorista
Liderato
Kaiba sa posisyon ng mga
pinuno ng ibang mga grupo,
Ayon sa pag-aaral nina ang pinuno ng mga terorista
Cragin at Daly (2004), ay nasa gitna. Bukod sa
sinasabing ang karisma ng
pagbibigay ng mga utos sa
pinuno ng grupong
terorista ay susi sa kanilang mga kasapi, direkta
pagkakaisa ng mga kasapi rin silang kasali sa mga
nito. gawain ng kanilang
pangkat.
Estraktura ng mga Pangkat Terorista
Mga Kasapi Isa sa pinakamahalagang
gawain ng mga pangkat
Napag-alaman sa mga pag- terorista ay ang
aaral na sa Pilipinas, Japan at paghahanda sa mga
iba pang demokratikong bagong kasapi na
bansa sa Asya, ginamit ng kailangan upang palakasin
mga terorista ang kalayaang ang kanilang organisasyon
bigay ng pamahalaan sa mga at upang mapalitan ang
mamamayan sa pagtatag ng mga miyembrong nadakip,
mga NGO napapatay, o lumilisan.
Sentro ng Grupong
Terorista

Gumamit ang mga pangkat


terorista ng tinatawag na
“Command and Control Network”
Pondo

Ginagamit ang pondo upang


makabili ng makabagong
kagamitan para sa transportasyon
at komunikasyon
Terorismo sa Pilipinas
• Moro National Liberation Front
(MNLF) – Airlines BAC-111
jetliner mula sa Mindanao na
kanilang pinilit paliparin
papuntang Libya.
• Nang mga sumunod na taon,
samu’t sari pang mga pag-atake
ng MNLF at NPA ang naganap.
Terorismo sa Pilipinas
• Sa kasaysayan ng Pilipinas, maraming insidente ng
karahasan ay gawa ng MNLF. Natigil lamang ito nang
pumirma ito ng kasunduang pangkapayapaan kasama ng
pamahalaan ng Pilipinas noong 1996.
• Subalit, ang isang paksiyon ng MNLF na tinatawag na Moro
Islamic Liberation Fron (MILF) at pati ang pangkat ng Abu
Sayyaf naman ang pumalit sa MNLF sa pagpapatuloy ng
karahasan sa bansa.
New People’s Army (NPA)

Sangay-militar ng Communist
Party of the Philippines (CPP).
Itinatag noong 1969, layunin
nito ang pabagsakin ang
pamahalaan ng Pilipinas sa
pamamagitan ng dahas.
New People’s Army
(NPA)
Labis nitong tinutulan ang
pagkakaroon ng mga
Amerikanong Militar sa
Pilipinas. Noong 2002,
nagbanta sila sa lahat ng
mga Amerikanong
sundalo sa Pilipinas.
New People’s Army
(NPA)
Target din ng NPA ang
mga Pilipinong pulis at
sundalo, politiko, hukom,
impormanteng tao sa
pamahalaan, at mga
dating rebelde.
New People’s Army
(NPA)

Noong 2001, inamin ng NPA na sila ang pumatay sa


isang Pilipinong kongresista. Noong 2001, sinabi ng mga
rebelde na sila ang pumatay sa isang alkalde at isang
hepe ng pulisya, lumusob sa isang estasyon ng pulis at
nagpasabog ng mobile telecommunications transmission.
New People’s Army
(NPA)

Nakukuha ng NPA ang pondo nito mula sa mga


tagasuporta nila sa Pilipinas at sa Europe. Puwersahang
nangongolekta rin umano ito ng revolutionary tax mula
sa mga lokal na negosyante. Kung pagsasamahin,
sinasabing aabot sa 10,000 ang mga miyembro ng
CPP/NPA.
New People’s Army
(NPA) Marso 2008, sinabi ni General
Hermogenes Esperon Jr., Chief
Napabalita noong Oktubre 3, of Armed Forces of the
2011 na nilusob ng NPA ang Philippines na ang mga NPA ay
tatlong malalaking umaabot ng 4,900.
korporasyon ng minahan sa Bumaba raw ang bilang nito
Surigao Del Norte, Mindanao. mula sa 25,000 noong 1980.
Sinunog ang 10 truck, 8
backhoe, dalawang barge at
Nakipaglaban ito noon sa 69 sa
guest house nito dahil sa hindi 81 probinsya sa bansa.
raw ito nagbayad ng
“revolutionary tax”
Moro National
1971 hanggang 1996, ang
Liberation Front (MNLF)
MNLF ay nakipaglaban sa
ating pamahalaan sa
Mindanao. Sa pamumuno ni
Nur Misuari, hinangad ng
MNLF na mabawi ang lahat
ng mga lalawigan at bayan
sa Mindanao kung saan ang
nakahihigit na nakatira ay
ang mga Muslim.
Comprehensive Agreement 1997 hanggang 2012, paulit-
on the Bangsamoro ulit na nagkaroon ng usaping
pangkapayapaan sa pagitan
ng pamahalaan at mga lider
ng Moro Islamic Liberation
Front (MILF). Upang matigil
ang rebelyon sa rehiyon,
nagkaroon ng kasunduan ang
dalawang panig noong
Oktubre 15, 2012 at nilagdaan
ang Framework Agreement on
the Bangsamoro.
Comprehensive Agreement
Nakasaad dito na gagawa ng
on the Bangsamoro mga batas ang Kongreso para
maisakatuparan ang
pagpapalawak ng
March 27, 2014, matapos ang 17 nasasakupan ng ARMM at
taon ng negosasyon, ang ating
maging Bangsamoro
pamahalaan at ang Moro Islamic
Liberation Front (MILF) ay
Autonomous Government at
pumirma sa Comprehensive magkaroon din ng plebisito
Agreement on the Bangsamoro para aprubahan ito ng mga
Setyembre 9, 2013, inatake ng mamamayan sa lugar na
MNLF ang Zamboanga City. nasasakupan nito.
Abu Sayyaf Itinatag noong 1989 sa
pamumuno ni Abdujarak
Janjalani, anak ng isang
mangingisda sa isla ng
Basilan sa Mindanao.
Siya ay beterano ng giyera sa
Afghanistan kung saan
lumaban siya bilang kasapi ng
isang pangkat na mujahideen
sa ilalim ni Abdul Rasul Abu
Sayyaf.
Abu Sayyaf
Nang lisanin ng
puwersang Soviet ang
Afghanistan noong 1989,
bumalik si Janjalani sa
Basilan at itinatag ang Al
Harakut al-Islamiya na
mas kilala bilang Abu
Sayyaf.
Abu Sayyaf 1998, napatay si Janjalani sa
isang sagupaan ng Abu Sayyaf
Group at ng militar at pulis sa
Islamic Theocratic State of Lamitan, Basilan.
Mindanao (MIS).

Sa pagkamatay niya, nahati sa limang paksiyon ang samahan na


may kani-kaniyang pinuno at agenda.
Si Khadafi Janjalani, kapatid ng napaslang na si Abdurajak, ang
namuno sa paksiyon sa Basilan, samantalang si Galib Andang
naman sa Jolo.
Katangian Kasaysayan
Pangkatang Gawain:Mga
Pangkat Terorista sa Pilipinas
Group 1- NPA
Group 2-MILF
Group 3- Grupong Maute

Estruktura NPA Kasalukuyang


Group 4- Abu Sayyaf
kalagayan
Gawain#3: Opinyon Mo!
• Ipaliwanag ang inyong sagot.

1. Dapat bang pakinggan ang hinaing ng mga terorista? Sang-ayon ka


ba sa kanilang ipinaglalaban? Bakit?
2. Sa iyong pagtataya, ano ang pinakamabisang paraan upang masugpo
ang terorismo sa Mindanao?
3. Makakatulong ba ang mga ordinaryong mag-aaral na tulad mo para
masugpo ang gawain ng mga terorista? Paano?
Seatwork#3: Totoo o Hindi
A. Isulat sa patlang ang Totoo kung ang pahayag ay nagpapatotoo sa terorismo at Hindi kung
mali ang isanasaad nito.
1. Ang terorismo ay isang suliraning pandaigdig na gumagawa ng nakakakilabot na pagpatay.
2. Naglalayon ang mga terorista na magkaroon ng pagbabagong politikal.
3. May kinalaman ang teorismo sa paniniwala ng isang pangkat na sila ay pinagkaitan ng
kanilang mga Karapatan.
4. Sa nakaraang 40, taon hindi matiyak kung ang mga kaganapan sa pilipinas ay nagpapatunay
ng iba’t-ibang anyo ng terorismo.
5. Ang ideolohiya ng mga terorista ay batay sa kanilang hinaing at layunin na kanilang tinutugunan sa
pamamagitan ng karahasan.

6. nakatutulong ang Abu Sayyaf sa mahihirap sa Mindanao.

7. Sa simula, layunin ng NPA o New People’s Army ay tulungan ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga usaping
pangkapayapaan.

8. Ang Terorismong Etniko ay naiiba sa terorismong isinasagawa sa ngalan ng ideolohiya, relihiyon, o


kaunlarang pang-ekonomiya.

9. War Fanaticism ay isa sa mga pinakamatinding motibasyon ng terorismo, tulad ng kaso ng maraming kultong
Muslim, Hudyo, at Hapon.

10. Ang Terorismong pang-Ideolohiya ay batay sa mga hinaing at layunin ng isang pangkat na kanilang
tinutugunan sa pamamagitan ng karahasan.
THANK YOU & GOD
BLESS!
Ms. Lou Dominique Quitua
Araling Panlipunan 10

You might also like