You are on page 1of 32

Terorismo

ARALIN 8
Ano ang Terorismo?

Ang terorismo ay isang


suliraning pandaigdig .

.
• Ayon kay Bruce Hoffman (1998), isang political analyst, ang
terorismo ay tumutukoy sa sadyang paglikha at
pagpapalaganap ng takot sa pamamagitan ng KARAHASAN
o PAGBABANTA ng karahasan sa kagustuhang magkaroon
ng pagbabagong politikal.

• Ang layunin ng terorismo ay mag tanim ng sikolohikal na


takot sa publiko, pamahalaan o sa mga grupong kalaban ng
lahi o relihiyon

• Sa Pamamagitan ng paglaganap ng balita ng karahasang


kanilang idinudulot umaasa ang mga teroristang itong
magkaroon sila ng impluwensiya at kapangyarihan.
May tatlong anyo ng
Terorismo
1. Ayon kay byman (2002), ang terorismong etniko(ethnic terrorism)
ay naiiba sa terorismong isinasagawa sa ngalan ng idelohiya, relihiyon,
o kaunlarang pang ekonomiya. Naniniwala sya na malaki ang
impluwensiya ng relihiyon sa terorismo ngunit naiiba rito ang
terorismong etniko. Ang mga etnikong terorista ay kadalasang
makabayan at madaling makabuo ng pambansang pagkakakilanlan
(national identity ) kesa sa mga teroristang maka relihiyon. Ang ilan sa
mga maituturing na etnikong terorista ay ang liberation tigers of tamil
ealam (LITE) , kurdish workers party (PKK), ang irish republican
army (IRA), at ang basque fatherland and liberty (ETA).
2. Ayon kay manalo (2004), ang terorismong
pang-ideolohiya ay batay sa mga hinaing at
layunin ng isang pangkat na kanilang
tinutugunan sa pamamagitan ng karahasan. Ang
kanilang ideolohiya ay may kinalaman sa
relihiyon o politika. Ang layunin nila ay
magkaroon ng pagkakaisa ang kanilang kasapi
at makipag ugnayan sa mga komunidad na
susuporta sa kanilang mithiin.
3. Ayon kay Ranstorp (2002), ang
religious fanaticism ay isa sa mga
pinakamatinding motibasyon ng
terorismo, tulad ng kaso ng maraming
kultong muslim, hudyo at hapon. Ang
makarelihiyong terorismo ay isang uri ng
karahasang politikal na itinutulak ng
krisis-espiritwal o kaya ay reaksiyon sa
mga pagbabago sa lipunan at politika.
Ang estrucktura ng mga pangkat terorista:
liderato:
Ang pinuno ng mga terorista ay nasa gitna.
Bukod sa pag bibigay utos ng kanilang
kasapi direkta rin silang kasali sa mga
gawain ng kanilang pangkat. Ayon kay
cragin at daly (2004), ang karisma ng
pinuno ng grupong terorista ay susi sa
pagkakaisa ng mga kasapi nito
mga kasapi:
Isa mga pinakamahalagang gawain ng terorista ay ang pagganyak sa mga
bagong kasapi na kailangan upang palakasin ang kanilang organisasyon at
upang mapalitan ang mga miyembrong nadakip, napapatay o lumilisan.
Ang pilipinas, japan at iba pang demokratikong bansa sa asia ginamit ng
mga terorista ang kalayaang bigay ng pamahalaan sa mga mamamayan sa
pag tatag ng mga non govermental organization (NGO). Ang mga ito ay
ginagamit o tumatayong front companies lamang para sa ilegal na gawain
ng mga terorista, tulad ng pagso-solicit ng pera, pag bili ng armas,
pakikipag -ugnayan at pagsasanay sa mga kasapi. Isang halimbawa nito ay
international islamic relief organization (IIRO) Na itinatag sa pilipinas ng
bayaw ni osama bin Laden Nasi mohammed jamal khalifa(1998). Itinatag
ang IIRO para sa gawaing pangkawanggawa at panrelihiyon ngunit ang
totoo ay nangalap at namahagi ito ng pondo para sa mga pangkat na
extremist tulad ng Islamic wisdom worldwide mission (IWWM).
ang sentro ng grupong terorista:
Gumagamit ang mga pangkat terorista ng
tinatawag na command and control network.
Dito sila nagplaplano at nag- oorganisa para sa
mga isinisagawang pag atake. Binibigyan nilang
proteksiyon ang kanilang pugad at galamay.
Halimbawa ng kampong pinangangalagaan ng
husto ay ang camp abubakar ng abu sayyaf.
Matagal bago ito nalusob at nasakop ng mga
sundalo.
pondo:
Hindi matitigil ang terorismo kung hanggang
ngayon ay may nagpopondo sa mga grupong ito.
Lalakas ang mga pangkat ng terorista dahil
meron silang pandaigdigang koneksiyon na
napagkukuhaan nila ng kasapi, armas at iba
pang kagamitan. Halimbawa ang Abu sayyaf ay
may matatag na koneksiyon sa al-qaeda sa
afghanistan, ito ay tumutulong sa kanila upang
makapagtayo ng mga training camp sa
mindanao.
Terorismo sa Pilipinas:
Sa nakaraang apat na dekada nakaranas ang ating bansa ng ibat ibang
klaseng /anyo ng terorismo. Pagkidnap, pambobomba at ang pag-hijack.
Mula taong 1990 hanggang 1995 nakarananas ang pilipinas ng pinaka
matinding karahasang dulot ng terorismo sa buong southeast asia.

New people’s army (NPA)


Ang new people’s army (NPA) O bagong hukbong bayan ay ang sangay -
militar ng communist party of the ph (CPP). Ito ay itinatag noong 1969.
Layunin nito ang labanan ang pamahalaan ng pilipinas sa pamamagitan ng
dahas. Tinutulan nito ang pagkakaroon ng mga amerikanong militar sa
pilipinas noong 2002, nagbanta sila sa lahat ng mga amerikanong sundalo
sa pilipinas at sinabing ang sinuman sakanila ang magkamaling pumasok
sa lugar na nasakop ng NPA ay mapapahamak. Target din NPA ang mga
pilipinong pulis, sundalo, politiko, hukom, mga importanteng tao sa
pamahalaan at mga dating rebelde. Si jose maria sison ang nagtatag ng
NPA. Siya ay nakatira sa netherlands.
Noong hunyo 2001, inamin ng NPA na sila ang pumatay sa isang pilipinong
kongresista, Noong setyembre 2002 sinabi ng mga rebelde na sila ang pumatay sa
isang alkalde at isang hepe ng pulisya.
Nakukuha ng NPA ang pondo nito mula sa tagasuporta nila sa pilipinas at sa
europe. Puwersahang nangongolekta rin ito ng Revolutionary tax mula sa mga
lokal na negosyante.
Idenklara ng united states noong agosti 2003 ang CPP-NPA bilang foreign terrorist
organization at itinala ni sison bilang specially designated global terrorist (SDGT) .
Bunsod nito, hinarangan ng mga awtoridad ng netherlands ang kaniyang mga bank
acc at pinutol ang kaniyang mga benepisyo mula sa pamahalaan.
Noong marso 2008, sinabi ni general hermogenes esperon, jr. hepe ng armed forces
of the Philippines. Na ang mga miyembro ng NPA ay umaabot sa 4,900. Bumababa
raw ang bilang nito mula 25,000 noong 1980. Nakipaglaban ito sa halos 69 na
probinsya. Sinabi rin na umabot sa 4,009 ang napatay sa kanilang pakikipaglaban
simula nooong 1969
Napabalita noong oktubre 3,2011 na nilusob ng NPA ang tatlong
malalaking korporasyon ng pag mimina sa surigao del norte sa
mindanao. Sinunog nila ang 10 truck, walong back hoe, dalawang
barge, at guest house dahil sa hindi raw nito nag babayad ng
Revolutionry tax.
Noong marso 22,2014 nadakip sa cebu ang sinasabing lider ng
NPA nasi benito tiamzon, chairperson ng communist party of the
philippines. Nadakip rin ang kanyang asawa nasi wilma tiamzon,
ang secretsry general ng CPP-NPA.
Noong august 9,2018 nagkaroon ng sagupaan at napatay ang NPA
ang tatlong sundalo sa cawayan, masbate. Naging matindi ang
labanan at tinatayang may mga napatay ring miyembro ang
NPA.
Moro national liberation front (MNLF)
Mula 1971 hanggang 1996, ang MNLF ay
nakipaglaban sating pamahalaan sa
mindanao. Sa pamumuno ni nur misuari,
hinangad ng mnlf na mabawi ang lahat
ng mga lalawigan at bayan sa mindanao
kung saan ang naka hihigit na nakatira
ay mga muslim, ayon sa MNLF ang mga
labanan ay bungsod ng:
-pagpapabaya ng pamahalaan sa ekonomiya ng mindanao
at ang pang-aabuso nito sa likas na yaman upang maging
pabor sa pagpapaunlad ng hilaga at gitnang bahagi ng
pilipinas.
-unti- unting pagkawala ng mga minanang lupa(ancestral
lands) ng mga muslim dahil sa pag dagsa ng mga
kristiyano sa mindanao ( na inanyayahan ng pamahalaan
upang mabalanse ang populasyon noong 1935)
-paulit-ulit na pag subok na sakupin ng maka-
kristiyanong sistemang politikal ang mga lokal na
komunidad na muslim.
Nakakuha ng matinding suporta sa ilang lalawigan ng mindanao
ang MNLF dulot na rin ng malalang sitwasyong panlipunan at
pang ekonomiya sa rehiyon.
Ang kahirapan ng mga taga mindanao lalo na ang lugar kung
saan maraming muslim ang naging dahilan ng kanilang
kahirapan.
Taong 1996 nang kapwa pinirmahan nina dating pangulong fidel
V. Ramos at Nur Misuari ang kasunduang davao consensus.
Itinatag ng kasunduan ang autumomous region in muslim
mindanao (armm) . Ito ay nagbigay ng limitadong
kapangyarihan para sa lokal na pamahalaan upang makinabang
sa likas na yaman, edukasyon, relihiyon at pag papatupad para
sa kaunlarang panlipunan at pang ekonomiya ng 14 na lalawigan
at siyam na lungsod na mag populasyong muslim na ang tawag
ay Special Zone for peace and Development (SZOPAD)
Comprehensive agreement on the bangsamoro:
Mula 1977 hanggang 2012, paulit ulit na nagkaroon ng usaping
pangkapayapaan sa pamamagitan ng pamahalaan at lider ng
moro islamic liberation front (MILF) . Upang matigil ang
rebelyon sa rehiyon nag karoon sila ng kasunduan noong
oktubre 15,2012.
Noong setyembre 9,2013 inatake ng MNLF ang zamboanga city.
Ayon sa sa balita ng GMA news online (page 233 to 234)
Nagkaroon ng 19-day war ang armed forces of the Philippines at
ang moro national liberation front sa zamboanga city
Noong march 37,2014 pagkatapos ng 17 taong negosasyon ang ating
pamahalaan at ang moro islamic liberation front ay pumirma sa
comprehensive agreement on the bangsamoro.
Ang grupo ng abu sayyaf:
Ang abu sayyaf group (ASG) ay itinatag noong 1989 sa pamumuno ni
abdurajak abubakar janjalani, siya ay isang anak ng mangingisda sa isla
ng basilan sa mindanao. Beterano din ito sa pakikipaglaban.
Nang lisanin ng puwersang soviet ang afghanistan noong 1989, bumalik
si janjalani sa basilan at itinatag ang al harakut al- islamiya na mas
kilalang abu sayyaf. Kasama ang mga nakakabatang miyembro ng
MNLF natutol sa negosasyon ng nasabing grupo sa pamahalaan ng
pilipinas.
Naganyak ni Janjalani na sumali ang kanyang mga kabataang muslim
na galing sa saudi arabia, libya, pakistan at egypt.
Noong 1998, namatay si janjalani dahil sa isang sagupaan ng ASG at ng militar at
pulis sa lamitan, basilan. Naapektuhan ng husto ang mga miyembro ng ASG.
Sa pag kamatay ni janjalani nahati sa limang paksiyon ang samahan na may kani-
kaniyang pinuno o agenda. Si khadaffy Janjalani kapatid ng napaslang nasi
abdurajak ang namuno sa paksiyon sa basilan, si galib andang (alyas kumader
robot) naman ang namuno sa jolo.
Naapektuhan din ang suportang ibinibigay sa ASG ng mga koneksiyon nito sa
labas ng pilipinas.
Dahil sa karamihan sa mga gawain ng ASG ay pambobomba sa ibat ibang lugar,
kidnapping o pandurukot at extortion, sinabe ng marami na para silang kriminal.
Noong 200 ang pangongolekta nila ng ransom ay umabot ng 20 milyong dolyar.
Ayon kay Gracia Burnham isa sa mga amerikanong dinukot nila at binihag ng
matagal, sa kabila ng mga sinasabi ng ASG tungkol sa relihiyon pera parin ang
kanilang motibasyon para sa kanilang mga gawain.
Nakilala sa buong mundo ang Abu sayyaf hindi lamang sa pandurukot ng mga tao
ngunit pati narin sa pag bihag sa pamahalaan ng pilipinas.
Madali noong una para sa Abu sayyaf ang pagganyak ng mga bagong kasapi dahil
sa mga alok tulad ng:
-50,000 monthly salary
-modernong baril
Sa basilan at sa ibang mahihrap na bayan sa mindanao sila kumkuha.
Ginamit nila ang mabundok at liblib na bahagi ng mindanao at ginawa
itong kampo, sinamantala rin nila ang media upang mag tanim ng takot
sa mga tao.
Mga ginawa ng ASG:
2012-
•pebrero 1- binihag ng ASG ang mga birdwatcher na sina lorenzo
vinciguerra, isang swiss at ewold horn at marami pang iba.
•december 6, 2014- nilusob nila ang hukbo ng joint task force ng sulu.
Taong 2013
-mayo 27- hindi bababa sa pitong militante at pitong marini ang pinatay
nila nang subukan ng mga puwersa ng pamahalaan iligtas ang anim na
hostage nila.
Taong 2014
- abril 2: naulit ang ginawang pagsalakay
ng abu sayyaf sa isa pang hangganan ng
sulu sea kasama ang mga bihag na tsino
at pilipino.
Taong 2017:
•mayo 23- inatake nila ang marawi, at
limang buwan ang itinigal ng labanan.
1. Pagtatag ng mga programang panlipunan at pang ekonomiya.
Ex: sa pilipinas, ang 1996 davao consensus na nag tatag ng
limatadong autunomous region of muslim (armm) ay may
katambal na mas malawak na special zone for peace and
development (SZOPAD)
2. Pagpapahina ng suporta ng mga mamamayan sa grupo ng
terorista
Ex: hindi pag bigay pansin at bigyan ng sapat na pondo ang mga
target na lugar upang sila ay makapag handa.
3. Mga pagbabago sa pamahalaan
Ex: kahit na nag tagumpay ang pamahalaan ng pilipinas na
mawala ang mga lider ng mga pangkat ng terorista kailangan
paren ng komprehensibong pagbabago. Kailangan paring mag-
ingat.
4. Pakikipagtulungan sa ibang bansa
Ex: para meron tayong mapaghihingian ng tulong tulad ng
armas, kagamitan at pwersa.
5. Pag sasaayos ng priyoridad ng pamahalaan.
Ex: pagpapatupad ng mga batas, lumikhq ng batas at ipasa sa
kongreso upang masiguro ang kaparusahan ng mga terorista.
6. Pagkakaisa ng mga ahensiya ng pamahalaan.
Ex: mas mapapadali ang paghahanda kapag lahat ng ahensiya
ay nag kakaisa.
7. Pakikipagkaisa sa mga samahan ng bansa.
Ex. Mahalaga ang papel ng association of southeast asian nations
(ASEAN) sa pag sugpo ng terorismo sa rehiyon.
8. Pag kakaroon ng isang sentrong pang intelehensiya kontra
terorismo
Ex: kailangan ng isang sentrong ahensiya na may sasama-sama
ng mga datos na magagamit ng mga ahensiya ng pamahalaan na
lumalaban sa terrorismo .
MGA HAKBANG NG
MGA BANSA
LABAN SA
TERORISMO
Pagtatag ng mga programang
Panlipunan at Pang-
ekonomiya
- Sa ulat ni Kim Cargin at Peter Chalk (2003) na
pinamagatang TERRORISM AND DEVELOPMENT
USING SOCIAL AND ECONOMIC DEVELOPMENT TO
INHIBIT A RESURGENCE OF TERRORISM, tinalakay
nila ang gianawang pagkilos ng israel,pilipinas at united
kingdom kontra terorismo.
- Ginamit ng mga bansang ito ang pagpapaunlad sa
lipunan at ekonomiya bilang counterterrorism tool:
PAGPAPAHINA NG SUPORTA NG
MGA MAMAYANAN SA GRUPO
NG TERORISTA
a) Napahihina nito ang pagsuporta ng mga local na mamayanan sa mga
Gawaing may kinalaman sa terorismo.
b) Nababawasan nito ang insentibo para sa mga bagong miyembro na sumali
sa grupong terorista.
c) Paglalaan ng sapat na pondo upang matugunan ang pangangailangan ng
mga mamamayan sa mga target na lugar.
d) Pakikipagpulong sa mga local na pinuno upang malaman kung ano-ano ang
pangangailangan ng komunidad.
e) Pagtatag ng malinaw na sistemang Malaya sa kahit na anong katiwalian.
f) Pagtatambal sa mga programang pangkabuhayan ng mas malawak na
nagpapaunlad ng politika , military ,at ugnayang pangkomunidad.
MGA PAGBABAGO NG
PAMAHALAAN
Kahit matagumpay ang pamahalaan nh pilipinas na mawala ang mga
lider ng mga pangkat ng terorista, kinakailangan pa rin ng
komprehensibong pagbabago para matugunan ang mga politikal.,
pangkabuhayan, at panlipunang hinaing ng mga muslim sa Mindanao.
PAKIKIPAGTULUNGA
N SA IBANG BANSA
PAGSASAAYOS NG
PRIYORIDAD NG
PAMAHALAAN
a. PAGGAMIT NG LAKAS/PUWERSA – naniniwalang ang
pakikipaglaban sa terorismo ay nangangailanganan ng malakas na
puwersang panseguridad na may modernong kagamitan.
b. PAGLALAAN NG BUDGET – Kailangan ding isipin ng
pamahalaan kung malaking badyet ang ilalaan para sa mga
military at depensa ng bansa.
c. PAGPAPATUPAD NG PATAKARANG “NO CONSESSIONS”
d. PAGPAPATUPAD NG MGA BATAS
PAGKAKAISA NG MGA
AHENSIYA NG PAMAHALAAN
Kailangan tukuyin ang tiyak na papel at Gawain
ng local na pamahalaan sa pagtugon sa isyu ng
terorismo.
PAKIKIPAGKAISA SA MGA
SAMAHAN NG MGA BANSA
(ASEAN) – ASSOCIATION OF
SOUTHEAST ASIAN NATIONS

-Nakikinabang ang pilipinas sa mga


kasunduang multilateral at bilateral sa
pagitan ng mga bansang ASEAN sa harap
ng mga banta ng mga pangkat terorista.
PAGKAKAROON NG ISANG
SENTRONG PANG-
INTELEHENSIYA KONTRA
• TERORISMO
Ang tagumpay sa laban sa terorismo ay
nakasalalay sa impormasyon tungkol sa mga
pangkat terorista.

• Kailangan ng isang sentrong ahensiya na


magsasama-sama ng mga datos na magagamit
ng mga ahensiya ng pamahalaan na lumalaban
sa terorismo.

You might also like