You are on page 1of 1

Name: Kate Hampshire Bolos BSN 1A

Reflection Paper:
Ilang grupo sa pilipinas na may natatanging kultura may mga katanungan marahil ang ilan
sa pag-usbong ng iba’t ibang grupo o pangkat na may natatanging pinapaniwalaan na iba sa
karaniwang mga samahan o pangkat na kilala na sa buong Pilipinas. Ang kakaibang mga
grupong ito ay may mga kaugalian na taliwas kung minsan sa mga sinusunod ng iba. Naging
palaisipan sila sa hindi nakakaalam at kung makikilala naman sila ay lalong naging misteryoso
ang gawain nila sa pagtingin ng mga nag-iisip na hindi sila normal na mga indibidwal.
Aking mga naintindihan sa bawat paksa na inulat ng aking mga kaklase ay ang mga
sumusunod. Sa unang ulat tungkol Kultura ng mga Rizalian sa Barangay Talisay, Lungsod ng
Dapitan. Inalam kung ano ang mga paniniwala na kanilangsinusunod sa pamumuno ng kanilang
lider na si Filemon Reambonanza. Tagasunod sila at naniniwala na si Dr. Jose Rizal ay isang
diyos. Malakas ang paniniwala ng mga taong ito na si Rizal ang tutulong sa kanila upang
maiahon sila sa kanilang kahirapan. Sinasabing hindi magkalayo ang nagawa ni Jose Rizal sa
mga nagawa ni Hesus noong nabubuhay pa siya sa mundo at nagkatawang tao.
Sa pangalawang ulat naman ang mga naintidihan ko may sarili ring mga paniniwala ang
samahan ng Gospel ministry of salvation na pimumunoan ni Dra. Salvacion Legaspi nagmamay
ari ng Kingdom filipina hacienda at tinatawag siya bilang "majesty". Talagang na mangha ako sa
kanilang mga paninilawa dahil ayon din sa kanila, mayroon silang sariling pera, sariling batas, at
sariling watawat na kanilang sinusnunod na siyang susudin daw ng mga tao sa buong mundo
pagdating ng araw.
Sa pangatlong ulat naman Ang ilaga daga sa Filipino. Ngunit sa Mindanao, ang Ilaga na
nagsisimula sa malaking titik ay mga militanteng grupong Kristiyano na ang karamihan ay mga
magsasaka sa simula na lumaban sa mga Morong ekstrimist o Islamist. Ang pakikipaglaban ng
kilusan sa kanilang pinaniniwalaang sila lamang ang makaprotekta sa komunidad ng mga
Kristiyano.
Sa pang-apat na ulat naman ay tungkol sa mga Moncadista. Tinawag na mga Moncadista ang
mga kasapi nito na sumunod sa katuruan ng kanilang ispiritwal na lider. Pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maraming mga tao mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang
pumunta sa Samal upang maging tagasunod ng relihiyong ito at upang lalong malapit sa punong-
kwarter nila. Si Hilario Moncado na taga-Bamba, Cebu ay tinawag na punong-kumander ng
kanyang mga nasasakupan. Siya ay may di-pangkaraniwang kapangyarihan na makakakita ng di-
pangkaraniwang nilalang na siya namang pinaniniwalaan ng kanyang milyon-milyong
tagasunod.
Sa panghuling ulat naman ang aking natutunan Ang Philippine Benevolent Missionaries
Association ay isang kulto at ayon sa Manila times ang grupong ito ay nakakuha ng humigit
kumulang 35 million pesos mula sa entrance fees sa kanilang mga miyembro mula noong itoy
itinatag. Sinasabing ang mga miyembro ng PBMA ay may sariling mga sandata para
proteksyunan ang kanilang lider na si Ecleo Jr. Handa silang mamatay para sa kanya kagaya
noong madugong bakbakan nila sa 2002 laban ang mga sandatahan ng Gobyernong nais
arestuhin si Ecleo.

You might also like