You are on page 1of 6

NAME: Mitzen Mae L.

Sotelo

Mga Gabay na Tanong sa Pelikulang “GomBurza”


Direksyon: Sagutan ang mga tanong sa ibaba ukol sa pelikulang “Gomburza”. Isumite ang
inyong mga sagot sa ating “face to face session” sa Enero 22, 2023. (10 puntos)

1. Sino ang GomBurZa? Kailan, saan, paano at bakit sila binitay? Bakit
naging kontrobersiyal ang kanilang kamatayan? Matatawag ba silang
mga bayani at nationalist?
- Ang Gomburza ay binuo mula sa mga pangalan ng tatlong martir
na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre
Jacinto Zamora. Sila ay ipinatay sa paraan ng pagbitay noong
Pebrero 17, 1872, sa Bagumbayan (ngayon ay Luneta) sa Maynila,
sa ilalim ng pamahalaang kolonyal ng Espanya.
- Ang kanilang pagkamatay ay naging kontrobersiyal dahil ipinatay
sila bilang mga pari dahil sa pagtutol nila sa pang-aapi ng mga
prayle at kolonyal na administrasyon. Isa rin sa mga dahilan ng
kanila pagbitay ay dahil sila ay naging bahagi ng kilusang reporma
sa simbahan at pamahalaan. May mga paratang din sa kanila na
sangkot sila sa "Cavite Mutiny," isang pag-aaklas ng mga
sundalong Pilipino.
- Oo, ang Gomburza ay matatawag silang mga bayani at nationalist
dahil sa kanilang tapang na lumaban para sa katarungan at
kalayaan ng mga Pilipino. Nakatatak sa kasaysayan at napakita rin
sa pelikula na bilang mga prayle, sila ay naging boses ng
pagsalungat sa pang-aapi at pang-aabuso ng mga Kastila sa
simbahan at pamahalaan.

- Ang kanilang pagkamatay ay nagsilbing kislap ng apoy na


nagpasiklab ng inspirasyon sa pagmumulat ng damdaming
makabansa at sa pagsisikap para sa kalayaan ng ating bansa.
Dahil sa kanilang papel sa kilusang reporma, sila'y kinikilala bilang
mga taong nagmahal at nagtaguyod ng kamulatan sa sariling
pagkakakilanlan at pag-usbong ng kamalayang pambansa ng mga
Pilipino.

2. Ano ang Kilusang Sekularisasyon? Sino-sino ang mga kasapi, pinuno,


tagasuporta at kalaban nito? Ano-ano ang kanilang ipinaglalaban?

- Ang kilusang sekularisasyon ay isang kilusan na layuning isekularize o


ilayo ang simbahan mula sa pamahalaan. Ang hinahanap ng kilusan na ito
ang pagbigay Ang hinahangad ng kilusang ito ay bigyan ang mga Pilipino
ng higit na kontrol sa Pilipinas sa halip na sa Espanya o mga dayuhang
institusyon.
Kasapi, Pinuno, at Kalaban: Ang mga kasapi ng kilusang ito ay ang mga
Naliwanagan at edukadong Pilipino na naghahangad ng mas malaking
papel sa pamahalaan at simbahan. Samantalang, ang mga kalaban ay
Ang mga prayle at ang kolonyal na administrasyon. Panghuli, ang
Layunin naman ng kilusang ito ay na makamit ang sekularisasyon ng
simbahan, hustisya sa gobyerno, at isulong ang edukasyon para sa mga
Pilipino.

3. Matatawag bang isang makabansang kilusan (nationalist movement)


ang Kilusang Sekularisasyon? Kailan at paano ito naging isang
makabansang kilusan?
- Ang Kilusang Sekularisasyon ay maaaring ituring na isang kilusang
nasyonalista batay sa mga pangyayaring naganap sa Gomburza. Ang
kanilang adbokasiya para sa paghihiwalay ng simbahan at estado,
gayundin ang paglaban sa pang-aapi at pang-aabuso ng mga prayle at
kolonyal na administrasyon ay nagsilbing kislap ng alab na nagbigay
inspirasyon sa maraming Pilipino na magsikap para sa pambansang
layunin.

- Naging pambansa ang Kilusang Sekularisasyon dahil sa mga mithiin nito


para sa katarungan at kalayaan. Sa pagtataguyod ng sekularisasyon, ang
kilusang ito ay nagsilbing instrumento ng pambansang kamalayan at
pagtataguyod ng sariling pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

4. Bakit sinasabing naging martir at bayani ang GomBurZa hindi dahil sa


kanilang ipinaglalaban bilang mga pinuno at kasapi ng Kilusang
Sekularisasyon kundi dahil sa kanilang kamatayan lamang? Bakit
itinuring ng historyador na si Propesor Teodoro Agoncillo na ang
kamatayan ng GomBurZa ay ang mitsa (spark) sa pagsibol ng
kamalayang pambansa o damdaming makabansa ng mga Pilipino?
Ipaliwanag.

- Ang Gomburza, ay itinuring na mga martir at bayani hindi lamang dahil sa


kanilang pagkamatay kundi dahil din sa kanilang pakikibaka at papel sa
Kilusang Sekularisasyon.
- Ang kanilang pagkamatay ay nagdulot ng malalim na epekto sa
damdaming makabayan ng mga Pilipino, at ito ang naging pokus ng
pagsusuri ni Propesor Teodoro Agoncillo. Ayon sa kanya, ang pagbitay
kay Gomburza ang nagsilbing "mitsa" o spark na nagbukas ng pinto sa
pambansang kamalayan ng mga Pilipino. Ang kanilang pagkamatay ay
nagsilbing simbolo ng pang-aapi at pagsasamantala ng mga prayle at
kolonyal na administrasyon. Naging inspirasyon ito sa iba't ibang sektor ng
lipunan na magtulungan para sa pagbabago at kalayaan. Ang
pangyayaring ito ay naging bukal sa mata ng marami na naliwanagan sa
pangangailangang magkaroon ng sariling dignidad at karapatan. Ang
pagkamatay ng Gomburza ay nagbigay inspirasyon sa pagtataguyod ng
mga ideya ng kalayaan, katarungan, at pag-asa para sa bansa. Higit pa
rito, ang sakripisyo ng Gomburza para sa kanilang mga prinsipyo at para
sa kapakanan ng mga Pilipino ay nagbigay-inspirasyon at pumukaw sa
damdamin ng pagiging makabayan ng mga Pilipino dahil ito ang
nag-udyok sa mga kababayan na ipaglaban at ipagpatuloy ang
adbokasiya para sa pambansang pagkilala at kalayaan, na tumatak sa
kasaysayan ng Pilipinas. .
5. Ano ang kaugnayan ng Kilusang Sekularisasyon, Kilusang Repormista
at Katipunan? Paano nakaapekto ang pagbitay sa GomBurZa sa
pagkahubog ng kaisipan ng iba pang mga bayani tulad ni Paciano Rizal
at Jose Rizal? Paano nakaimpluwensiya ang pagbitay sa GomBurZa sa
Rebolusyong Pilipino ng 1896 at pagwawakas ng kolonyalismong
Espanyol sa Pilipinas, at pagtatatag ng bansang Pilipino?

Ang Kilusang Sekularisasyon, Kilusang Repormista, at Katipunan ay nagkakaisa sa


layunin na baguhin ang politikal at sosyal na kalagayan ng mga Pilipino.
- Ang Sekularisasyon ay gustong magkaruon ng hiwalay na estado at
simbahan, at bawasan ang impluwensiyang politikal ng mga prayle. Ang
Repormista naman ay nais ng reporma sa ilalim ng Espanyol sa
pamamagitan ng diyalogo. Ang Katipunan, sa kabilang banda, ay
naghahangad ng armadong pakikibaka para sa tunay na kalayaan ng
Pilipinas.

Ang pagbitay kay Gomburza, partikular na si Jose Burgos, ay malaking naging epekto
sa ibang bayani kagaya nina Paciano Rizal at Jose Rizal. Ito'y nagbigay inspirasyon sa
kanila na makipaglaban para sa pagbabago. Si Paciano, kapatid ni Jose Rizal, ay
sumama sa mga repormista, habang si Jose Rizal ay naging boses ng pangarap ng
karamihan para sa kalayaan
- Sa larangan ng pulitika, naging inspirasyon ang pagbitay sa Gomburza
para sa mga lider ng Katipunan, partikular na si Andres Bonifacio. Tinuring
ni Bonifacio ang Gomburza bilang bayani na nag-alay ng buhay para sa
kalayaan. Ang galit at pangarap na ito ay nag-udyok sa mas maraming
Pilipino na magkaisa para sa rebolusyon laban sa Espanyol.
- Ang Rebolusyong Pilipino ng 1896 ay naging bunga ng pangarap ng mga
Pilipino para sa tunay na kalayaan. Ang pagbitay sa Gomburza, ang
pangunahing balakid ng bayan, at ang inspirasyon mula kina Jose Rizal at
iba pang lider ay nagtulak sa isang matagumpay na rebolusyon na
nagbunga ng kasarinlan mula sa kolonyalismong Espanyol. Ito ang
nagtulak sa pagtatatag ng bansang Pilipino at pagwawakas ng mahabang
pananakop ng Espanya.
-
6. Sino ang “mga Pilipino” (Los Filipinos) ayon sa pelikula at sa panahon
ng kolonyalismong Espanyol? Paano nabuo ang terminong “Filipino”?
Paano mapabilang sa mga “Los Filipinos”?

- Ayon sa pelikula, ang mga maituturing na "Pilipino" (Los Filipinos) ay ang


mga tao na ipinanganak sa Pilipinas. Noong unang panahon ng
kolonyalismong Espanyol, ang terminong "Filipino" ay unang ginamit
upang tukuyin ang mga Espanyol na naninirahan sa bansa. Sa
kasaysayan, ang konsepto ng "Filipino" ay nagbago at lumabas na ito ay
hindi lamang tungkol sa kultural na pagkakakilanlan kundi pati na rin sa
pagkilala sa sarili bilang mga mamamayan ng isang bansa.

- Sa paglipas ng panahon, ang mga Katutubong Pilipino ay naging


pangunahing kinikilala bilang mga "Filipino," na nagpapakita ng isang
transpormasyon mula sa orihinal na kahulugan ng termino. Ang pagpapalit
ng kahulugan nito ay naglalarawan ng pambansang kamulatan at
pag-unlad sa pagtingin sa sarili bilang mga mamamayan ng isang
independenteng bansa.

7. Ano-anong mga aral ukol sa nasyonalismong Pilipino at katangian ng


isang makabansang Pilipino ang mahihinuha (infer) sa ipinaglalaban ng
Kilusang Sekularisasyon at pagbitay sa GomBurZa? Isa-isahin at
ipaliwanag.
- Ang Kilusang Sekularisasyon at pagbitay sa Gomburza ay naglalarawan
ng kahalagahan ng pambansang pagkakakilanlan at pagsusulong laban
sa dayuhang pang-aapi. Ipinapakita nito na ang mga Pilipino ay may
determinasyon na ipagtanggol ang kanilang karapatan at kalayaan, at
ituring ang kanilang bansa bilang isang malayang entidad. Sa ilalim ng
pamumuno nina Padre Burgos, Gomez, at Zamora, ipinapakita ng
Kilusang Sekularisasyon na ang Pilipinas ay may sariling identidad na
dapat itanghal sa mundo, malaya mula sa dayuhang impluwensiyang
naghahari.
- Ang kamatayan ng Gomburza ay nagbibigay-diin sa matibay na pagtutol
sa pang-aapi at kawalan ng katarungan. Sa kabila ng takot sa kamatayan,
ipinapakita nito ang diwa ng pagmamahal sa bayan at ang pagiging
handang magsakripisyo para sa prinsipyo. Ang Gomburza ay nagiging
inspirasyon sa iba't ibang yugto ng rebolusyon, nagtutulak sa pagtatag ng
isang malayang Pilipinas.
- Ang pagsasanib ng mga adhikain ng Kilusang Sekularisasyon, Kilusang
Repormista, at Katipunan ay nagpapakita ng pag-unlad ng kaisipang
Pilipino mula sa hangaring reporma tungo sa mas matinding laban para sa
kasarinlan. Ang kamatayan ng Gomburza ay nagdulot ng pagkakaisa at
inspirasyon sa pagsusulong ng rebolusyonaryong hakbang patungo sa
isang malayang bansa. Ang mga pangyayaring ito ay naglalarawan ng
kamalayang pambansa at ang diwa ng makabansang Pilipino na
naglalayong itaguyod ang kanyang sariling dignidad at karapatan. Higit sa
lahat, naipakita ng Gomburza ang aral ng pagmahal, pagsakripisyo, at
pagtayo bilang isang Pilipino.

You might also like