You are on page 1of 13

Ang Pakikipaglaban

ng mga Pilipino sa
Pag-usbong ng
Nasyonalismong
Pilipino
ARALING PANLIPUNAN 5
QUARTER 3
WEEK 6
Panuto: Magbigay ng dalawang (2)
pagbabago sa ating lipunan,
pamumuhay at kultura sa panahon ng
pananakop ng mga Espanyol na
hanggang ngayon ay tinatangkilik natin.
Sino-sinong mga bayani
ang kilala mo na nasa
larawan? Ano ang
kanilang ginawa upang
makamit natin ang
Kalayaan?
Ang mga Espanyol ang maituturing na pinakamatagal na
sumakop sa Pilipinas. Sa simula pa lamang, ay nagpakita na ng
pagtutol si Lapu-Lapu sa kanilang pagsakop sa bansa, itinaas
ang unang labanan sa Mactan na isinagawa ng mga katutubo
sa pamumuno ni LapuLapu na nagpakita ng pagmamahal sa
ating bansa. Pinagbuklod ng karanasang pagtutol sa mga
dayuhan, mula kay Lapu-Lapu hanggang sa himagsikan laban
sa pamamahala ng mga Espanyol na siyang gumising at nag-
udyok sa damdaming makabayan ng mga Pilipino.
A. Konsepto ng Nasyonalismo
Ang nasyonalismo ay isang kamalayan sa lahi na nag-uugnay sa pagkakaroon
ng isang relihiyon, wika, kultura, kasaysayan at pagpapahalaga sa ikauunlad at
ikabubuti. Ito ay marubdob at mataas na pag-ibig o pagmamahal sa bayang
sinilangan. Sa kasaysayan ang pagka-buo ng ganitong damdamin ay
kaalinsabay ng masidhing hangaring magkabuklod at maging malaya sa
pananakop ng Espanya. Ang ideya ng nasyonalismo bilang isang ideolohiyang
politikal ay lumaganap sa England noong ika-18 siglo kung saan ang
pagkakakilanlan ng isang tao ay kanyang idinikit o ibinabahagi sa kanyang
nasyon o lugar na pinagmulan o kinabibilangan.
B. Mga Dahilan ng Pag-usbong ng Nasyonalismo
Nang matapos ang pamamayagpag ng
kalakalang galyon at paglipas ng merkantilismo
ang mga pangyayari sa labas ng Pilipinas ay
naimpluwensyahan ang mga Pilipino na
makibaka at umusbong ang nasyonalismo.
Pagbubukas ng Suez Canal
Binuksan sa pandaigdigang kalakalan ang Suez Canal na matatagpuan sa
Egpyt na pinag-uugnay ng Mediterranean Sea at Red Sea noong ika-17 ng
Nobyembre 1869. Umaabot ng isang buwan ang paglalakbay mula Europa
patungong Maynila. Dumami ang mga dayuhang naglakbay sa Pilipinas
gayundin ang mga Pilipinong nakapaglakbay palabas ng Pilipinas. Nakarating
ang mga pahayagan, aklat at mga babasahing mula sa Europa at Amerika na
naglalaman ng kaisipang liberal na may kaugnayan sa kalayaan,
pagkapantaypantay at pagkakapatiran.
Pag-usbong ng Panggitnang uri
Lumago ang agrikultura at nagbukas ang kalakalang pandaigdigan sa Pilipinas.
May mga ilang mangangalakal, magsasaka at propesyunal na umunlad ang
pamumuhay. Sila ang bumuo sa panggitnang uri sa lipunan ng Pilipinas.
Kinabibilangan ng mga Chinese at Spanish mestizo ang panggitnang uri at
nakamit ang kasaganaan kaya nag-karoon sila ng kakayahang mapag-aral ang
kanilang mga anak sa Maynila o sa Europa, partikular na sa Espanya. Nakamit
ng mga “naliwanagang” kabataan, o illustrados ang liberal na edukasyon na
nagmulat sa tunay na kalagayan ng Pilipinas.
Liberal na Pamumuno
Sumiklab ang himagsikan sa Espanya noong ika-19 ng Setyembre 1868, nag-ugat ang
himagsikan sa pagpapalit ng pamamahala ng Espanya mula konserbatibo tungo sa mga
liberal. Naging gobernador-heneral sa Pilipinas si Carlos Maria de la Torre. Sa pamumuno
ni de la Torre, naranasan ng mga Pilipino ang kalayaan sa pamamahayag ng kanilang sarili,
pinatigil din niya ang pag-eespiya sa mga pahayagan at ipinagbawal ang paghahagupit
bilang parusa at siya ay nakihalubilo sa mga mamamayan. Naniniwala siya na pantay-
pantay ang lahat ng mga tao. Umabot ng dalawang taon ang panunungkulan ni de la Torre,
pinalitan siya ni Gobernador-heneral Rafael de Izquierdo ang pinaka malupit na namuno sa
Pilipinas na nagbigay daan sa mga Pilipino ng pagnanais ng pagbabago at kasarinlan.
Sekularisasyon at ang Tatlong Pari
Ang sekularisasyon ay ang pagbibigay sa mga paring sekular ng kapangyarihan na
pamunuan ang mga parokya. Ang mga paring Espanyol ay mga paring regular sa
mga samahang relihiyoso tulad ng Agustinian, Franciscan, Recollect, Jesuit at
Dominican. Paring sekular ang tawag sa mga Pilipinong pari. Tinutulan ng mga
paring regular na pamunuan ng mga paring sekular ang mga parokya sapagkat ang
pagiging pinuno ng parokya ay kaakibat na malawak kapangyarihan, impluwensiya
at ang yamang mula sa kaban ng simbahan kaya muling ibinalik ang pamamahala
sa mga pareng regular ang pamumuno sa mga parokyang pinamumunuan ng mga
paring sekular.
Sekularisasyon at ang Tatlong Pari
Dito nagsimula ang kilusan sa pamumuno ni Padre Pedro Pelaez dahil sa mga hinaing
ng paring sekular sa diskriminasyonang ginawa nilang pagtanggal sa kanilang tungkulin.
Sumiklab ang pag-aalsa sa Cavite noong 1872 sa pamumuno ni Fernando La Madrid na
isang sarhentong Pilipino dahil tinanggal ang ilan sa kanilang pribilehiyo tulad ng hindi
pagbabayad ng buwis at hindi pagsali sa sapilitang paggawa. Nasugpo ng mga
Espanyol ang mga nag-aalsa at hinuli ang tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose
Burgos, at Jacinto Zamora kilala sa tawag na GomBurZa. Sila ay nalitis at isinakdal ng
mga bayarang testigo, piskal at abogado . Nahatulan sila ng kamatayan at ginarote
noong ika-17 ng Pebrero 1872. Sa pagkamatay ng tatlong pari ay lalong nagpaigting sa
damdaming makabansa ng mga Pilipino na ipaglaban ang karapatan at kalayaan.
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at
MALI kung ito naman ay hindi. Isulat ang iyong sagot sa kahon.
Panuto: Kulayan ng PULA ang puso kung ang pahayag
ay wasto, ITIM naman kung hindi.
1.Nakatulong ang nasyonalismo upang maging malaya sa pananakop
ng mga dayuhan.
2.Walang naging epekto sa mga paring sekular ang pagtanggal sa
kanila bilang pinuno ng parokya.
3.Naganap ang unang labanan sa Mactan sa pamumuno ni Lapu-Lapu.
4.Ang ideya ng nasyonalismo ay nagsimulang ipalaganap noon ika -19
na siglo sa England.
5.Ang nasyonalismo ay ang pagkakakilanlan ng isang tao ay kanyang
idinidikit o ibinabahagi sa kanyang lugar na pinagmulan.

You might also like