You are on page 1of 2

A.

Liberal na Pamumuno

https://www.facebook.com/APKasaysayanNgPilipinas/photos/a.1395555740466250.1073741839.978981438790351/1395555833799574

Sumiklab ang isang himagsikan sa Espanya noong ika-19 ng


Setyembre 1868. Nagsimula ang himagsikang ito sa pagpapalit ng
papamahala ng Espanya mula sa kamay ng konserbatibo tungo sa
liberal. Sa panahong ito, ipinadala si Carlos Maria de la Torre bilang
bagong gobernador-heneral sa Pilipinas.
Madaling nakuha ni de la Torre ang pagtitiwala ng mg Pilipino.
Nakilala siya sa kaniyang liberal na pamamahala sa bansa. Nakinig siya
sa mga suliranin ng mga mamamayan at nakikisalamuha siya sa mga
Espanyol o Pilipino man. Ipinagbawal din niya ang paghahagupit bilang
parusa, winakasan ang pag-eespiya sa mga pahayagan, at hinikayat niya
ang malayang pamamahayag. Naniwala din siya na pantay-pantay ang
lahat ng mamamayan. Sa kanyang panunugkulan, naranasan ng mga
Pilipino ang kalayaan sa paghayag ng kanilang saloobin.
Pagkatapos ng dalawang taong panunungkulan ni de la Torre,
pinalitan siya ni Rafael de Izquierdo bilang bagong gobernador-heneral.
Siya ay nakilala bilang isa sa pinakamalupit na namuno sa bansa. Sa
panahong ito, lalong sumidhi ang paananais ng mga tao na makamit ang
pagbabago at kasarinlan.

B. Sekularisasyon at ang Tatlong Paring Martir

https://www.facebook.com/APKasaysayanNgPilipinas/photos/a.1395555740466250.1073741839.978981438790351/1395555833799574
Noong ika-19 na siglo, isa pang pangyayari ang naging salik sapag-
usbong ng kamalayang Pilipino, ang sekularisasyon. Ito ay ang pagbibigay ng
paring sekular ng kapangyarihang pamunuan ang parokya.
Uri ng Paris a Panahon ng Espanyol:
1. Paring Regular. Ang mga paring regular ay ang mga paring Espanyol na
pabilang sa ordeng relihiyoso tulad ng Agustinian, Franciscan, Recollect,
Jesuit at Dominican.
2. Paring Sekular naman ang tawag sa mga Pilipinong pari na hindi
maaring mapabilang sa alinmang ordeng relihiyoso.

Nag-ugat ang suliranin mula sa pagtutol ng mga paring regular na


pamunuan ng mga paring sekular ang mga parokya. Malawak ang
kapangyarihan at impluwensiya ng mga paring regular. Ibinalik sa mga paring
regular ang mga parokyang hawak ng mga paring sekular. Hinaing ng mga
Pilipinong pari, diskriminasyon ang ginawang pagtanggal sa kanilang
katungkulan. Bunsod nito, nagsimula ang isang kilusan sa pamumuno ni
Padre Pedro Pelaez.
Isang pag-aalsa ang sumiklab noong 1872 sa Cavite na kinabibilangan ng
mga sundalong Pilipino na naglilingkod sa isang arsenal dito. Pinangunahan
ito ni Fernando La Madrid na isang sarhentong Pilipino. Nag-aklas ang mga
sundalo nang tanggalin ang ilan sa kanilang mga pribilehiyo tulad ng hindi
pagbabayadng buwis at hindi kasali sa sapilitang paggawa.
Ang pag-aalsang ito ay agad nasugpo ng mga Espanyolat dinakip ang mga
napagbintangang pinuno nito, kabilang ang mga paring sina Mariano Gomez,
Jose Burgos at Jacinto Zamora.
Nilitis ang tatlong pari at isinakdal ng mga bayarang testigo, piskal at
abogado. Hinatulan sila ng kamatayn at ginarote noong ika-17 ng Pebrero
1872. Sa pangyayaring ito, napaigting ang damdaming makabansa ng mga
Pilipino laban sa mga mananakop.

You might also like