You are on page 1of 3

SANAYSAY HINGGIL SA

WIKA SA PANAHON NG
REBOLUSYONG
PILIPINO

IPINASA NI: JAMELLA VABHNA MORENO

IPINASA KAY: BINIBINING MARIVIC CUBERO


ANG KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA SA
PANAHON NG REBOLUSYON PILIPINO

Marami ang nangyari bago naging Filipino ang wikang Pambansa ng Pilipinas. Ano
nga ba ang mga importanteng pangyayari sa kasaysayan ng pambansang wika sa panahon
ng Rebolusyon? Ano ang wikang gamit nila sa pakikipag komunikasyon, sa pag gawa ng mga
pahayagan, talumpati at sanaysay? Sino-sino ang mga importanteng tao sa panahon ng
Rebolusyon? Masasagutan natin ang mga tanong na iyan dahil atin itong tatalakayin sa
sanaysay na ito.
Tayo ay nasa kolonya ng mga Kastila sa loob ng 333 taon (1565 hanggang 1898). Sa
panahong ito ay madami ang Pilipinong namulat sa kaapihang kanilang dinaranas mula sa
mga Kastila. Sila ay nakaramdam ng matinding pagmamahal sa kanilang bansa o sa madaling
salita ay naging matindi ang kanilang damdaming Nasyonalismo. Sa panahon ng Rebolusyon
ng Pilipino ay sumisibol sa mga Pilipinong maghihimagsik ang kaisipang “Isang bansa, Isang
Diwa” laban sa mga manananakop na mga Kastila.
Taong 1872 noong nagkaroon ang mga propagandista ng kilusan noong siyang
naging simula ng kamalayan sa mga mamamayang Pilipino upang maghimagsik laban sa mga
mananakop. Ang kilusang uto ay ang KILUSANG PROPAGANDA, ito ay isang kilusan sa
Barcelona, Espanya noong 1889 hanggang 1892. Sa panahong iyon ay ginamit nila ang
pagsusulat upang ipahayag ang kanilang reklamo at pagtutol tungkol sa di-makatarungang
pamamahala ng mga Kastila. Pinili nila ang Tagalog sa pagsusulat ng mga sanaysay, tula,
kuwento at ang kadalasang pamagat sa kanilang mga akda ay ang masidhing damdamin
laban sa mga Espanyol. Isa sa kanilang mga nagawang akda ay ang sikat na nobela ni Rizal na
Noli Me Tangere At El Filibusterismo, ang pangunahing ideya na ipinapahiwatig ng kanyang
akda ay ang masamang pamamalakad ng mga Kastila. Dito rin nabuo ang pahayagang LA
SOLIDARIDAD kung saan narito ang mga akda ng ilan sa mga kasapi, rito ay naipahayag nila
ang kanilang saloobin tungkol sa mga dayuhang Kastila.
Nang si Rizal ay nakabalik mula sa “Perlas ng Silanganan” noong 1892, itinatag niya
ang LA LIGA FILIPINA o ang samahan ng mga Pilipino. Ang pagtatag nito ay hindi nagustuhan
ng mga Kastila marahil ay nakasaad sa kasulatan ng Liga na naghihikayat at ng “pagtatanggol
laban sa kaharasan at kawalang-karunungan” at noong ika-6 ng Hulyo ay nadakip ng mga
Kastila si Rizal at sinabi na sya ay ipapatapon sa Dapitan.
Ang KKK o Kataastaasang Kagalan-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan ay
naitatag sa pamumuno ni Andres Bonifacio noong ika-7 ng Hulyo, 1892 sa isang pagtitipon
matapos mabalitaang ipapatapon si Jose Rizal at ipagbabawal na ang kanyang mga akda sa
bansa. Ang KKK ay naglayon ng isang rebolusyon upang makamit at maipaglaban ang
kalayaan ng bawat Pilipino mula sa mga Kastila.
Noong madiskubre ng mga Espanyol ang katipunan noong Agosto 19, 1896.
Napakaraming inaresto at ikinulong na mga pinaghihinalaan na kasapi ng Katipunan.
Sinimulan ng mga katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio ang himagsikan sa
pamamagitan ng pagpunit ng Cedula. Ang kanilang pagpunit ng Cedula ay sumasagisag sa
pagpapalaya ng mga Pilipino sa kapangyarihan ng Espanya. “Mabuhay ang Filipinas!
Mabuhay ang Katipunan!”, si Andres at ang mga Katipunero. Ang pagpunit na ito ay nakilala
sa kasaysayan sa tawag na "Sigaw sa Pugadlawin" - ito ang pagsisimula ng Himagsikan ng
Pilipinas laban sa mga Espanyol. Dito ipinakita ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol na
handa silang magbuwis ng buhay para sa kapayapaan at kalayaan ng Pilipinas. Ito rin ang
nagbigay daan sa pagkilala ng Pilipinas bilang kauna-unahang republika sa Asya.
Kilalanin ang mga propagandistang nakipaglaban sa mga espanyol. Si Andres
Bonifacio ay ang nagtatag ng Katipunan, wikang Tagalog ang ginagamit nila sa mga
kautusan at pahayagan. Si Jose Rizal ay naniniwala na ang wika ay malaking Bagay upang
mapagbuklod ang kanyang mga kababayan. Ang nobela ni Rizal ay tumatalakay sa mga
kinagisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng Espanya. Binabatikos din ng
nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at ang kapangyarihang taglay ng
Simbahang Katoliko. Si Graciano Lopez-Jaena ang Pilipinong mamamahayag, tagapagsalita,
rebolusyonaryo, at editor sa kilalang pahayagan na LA SOLIDARIDAD. Antonio Luna ay isang
Pilipinong parmasiyotiko at lumaban sa panahon ng rebulosyon sa pamamagitan ng sulat,
merong impresyon na inaambag sa LA SOLIDARIDAD sa ilalim ng pangalang “Taga-ilog”.
Marcelo H. Del Pilar o mas mahusay na kilala bilang PARIDEL, ay isang Pilipinong manunulat,
abugado, at mamamahayag.
Noong 1899, Itinatag ni Emilio Aguinaldo ang unang republika kung saan isinasaad
sa konstitusyonal na ang pag gamit ng wikang Tagalog ay opsyonal. Sa mga nangangailangan
lamang ng wikang Tagalog ito gagamitin. Sa parehong taon ay itinatag ni Emilio ang
konstitusyon ng Biak-na-bato kung saan ginawang opisyal na wika ang Tagalog, ngunit
walang isinasaad na ito ang ang magiging wikang pambansa ng republika.
Masasabi natin na maraming mahahalagang pangyayari sa panahaon ng Rebolusyon
isa na rito ang pananakop sa atin ng mga kastila sa loob ng 333 na taon, pagkabuo ng
Kilusang Propaganda, pagkabuo ng La Liga Filipina, pagkabuo ng KKK, ang pagpunit ng
cedula ng mga katipunero at pagsisimula ng himagsikan. Nalaman natin na Tagalog ang
wikang ginagamit ng panahon ng Rebolusyon. Atin ding nakilala ang mga matatapang na
propagandista na nakipaglaban sa mga Kastila.
Mahalagang pag aralan natin ang ating kasaysayan, mapa lugar, wika o mga
panitikan ng ating bansa, lalo na ang papel na ginampanan ng ating mga bayani para sa
hinaharap ng Pilipinas. Ito ay upang ating malaman ang katangian ng bansa o lipunang
meron tayo at upang mas maunawaan ang kasalukuyang natin ngayon. Sabi nga ng ating
pambansang bayani na si Rizal “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi
makararating sa paroroonan”.

You might also like