You are on page 1of 5

ILANG GRUPO SA PILIPINAS NA MAY NATATANGING KULTURA

May mga katanungan marahil ang ilan sa pag-usbong ng iba’t ibang grupo o pangkat na
may natatanging pinapaniwalaan na iba sa karaniwang mga samahan o pangkat na kilala na sa
buong Pilipinas tulad ng Rotary, Lions, Samahan ng mga magsasaka at marami pang iba. Ang
kakaibang grupong ito ay may kaugalian na taliwas kung minsan sa mga sinusunod ng iba.
Naririto ang iilan sa kanila.
3.1. Ang mga rizalian sa lungsod ng Dapitan
- mula sa pananaliksik nina: Ana Rheza B. Blasé, Mary Cris E. Maniangit at Precious I.
Salaveria
Sino ang mga Rizalian?
Sila ang tagasunod at naniniwala na isang diyos si Dr. Jose Rizal, sila ay matatagpuan sa
lunsod ng Dapitan. Sila rin ay may sariling kultura na umusbong sa samahan na may-roon sila at
ang kanilang paniniwala ay nakasuporta sa interpretasyon ng bibliya.
Rizal - nagmula sa mga Espanyol na ang kahulugan ay “Ricial”, ibig sabihin ay “Field where
wheat is cut while still green, and sprout again.”
Dona Teodora Alonzo at Don Francisco Mercado – mayamang mag-asawa na umampon kay
Jose Protacio Rizal.
Filemon O. Reambonanza - Tagahatid ng mensahe ni Rizal at Kilala bilang “The last Adam”
Arceno De Guzman - Kaklase ni Rizal, namumuno sa grupong binuo sa maynila.
Tatlong propesiya ni Jose Rizal:
1. Mapalaya ang nakulong niyang ina.
2. Gumawa siya ng rebulto ng sarili niyang imahen na nagpapahiwatig na sa hinahanarap
ang lahat ng bayan sa Pilipinas ay gagawa ng kanyang imahe o rebulto para kilalanin ang
kanyang pangalan
3. Tinawag niyang Philippine in Century Hills o ang Pilipinas sa ikasandaang taon.

Pitong Espiritu:
Ang espiritu na makikita kay Filemon.
 Ang banal nia dugo ni Hesus, utak o katarungan.
 Limang pandama at;
 Kagustuhan ng gobyerno
Bahagi ng Bibiliya:
 Kasaysayan
 Agham
 Matematika
 Propesiya
Mga taong pinaniniwalaang pinasukan ng Espiritu:
 Adam
 Abraham – “Father of all Nations”
 Noah – kilala sa paggawa ng Arko
 Hesus – anak ng Diyos
 Humabon – hari ng Cebu
 Tiberius Claudius Caesar Augustus Germanicus
 Jose Rizal – siya ang “Third Witness of God”
 Nagdeklarang “The Land of Promise” ang Mindanao.
Hulyo 27, 1975 – petsa na kung saan ibinahagi ni Filemon ang kanyang kaalaman.
Agosto 5, 1975 – araw ng pagkilala ng mga nanampalataya kay Rizal, tinawag itong “watawat
ng lahi”.
1982 – 1992 – pagdami ng mananampalataya o tagasunod ni Filemon.
The Land of Promise – itinawag sa Mindanao, dahil pinaniniwalaang susunod na banal na lugar
na magiging langit sa hinaharap.
King James Version – batayan na ginamit sa kanilang paniniwala, isang bibliya na gawa ng
katoliko.
Rizalian o Kingdom of God – tawag sa organisasyon ng mga tagasunod o naniniwala kay Rizal.

3.2. Gospel ministry of salvation


- mula sa pananaliksik nina Angelica Dumasapal, Fatma M. Jamali, Josa Marie M. Labis at
Princess L. Tado.
Kingdom Filipina Hacienda
Isang puting palasyong bahay sa barangay Pala-o, Iligan city sa Lanao del Norte,
Mindanao. Sa bahay na ito nakabase ang pinaka-opisina ng isang Monarchy government.
Monarchy Government
 Isang sistema ng pamahalaan na nagtatalaga sa isang tao bilang ulo ng estado ng
panghabangbuhay o hanggang siya ay pwersahan na mapaalis o kusang umalis sa
puwesto.
 Ito ang karaniwang anyo ng pamahalaang sa mundo noong luma at gitnang panahon.
 Tinatawag ang gobyernong ito na Gospel Ministry of Salvacion (salvation).
Dr. Salvacion Legaspi - ang nagmamay-ari sa Kingdom Filipina Hacienda. Siya ay kilala sa
tawag na “Majesty”. Ayon sa kanya hinanda daw siya ng panginoon upang tulungan at iligtas
ang mga tao sa mundo.
Alden Kerubin – ang punong direktor ng kanilang opisina. Siya ang pinakamataas na hukom sa
lahat ng hukom. Siya rin ang nakapanayam ng mga mananaliksik.
Sinabi ni Alden Kerubin na “Ang opisinang ito ang pinaka-opisina, kahit pa nakaayon ito
sa palasyong nakabase sa England. Ang ilan sa mga bakanteng kwarto ng palasyong ito ay
nakalaan sa mga magiging trabahante o sa mga magtatrbaho sa palasyo” Layunin ng hukom na
pag-isahin at gawing isang barangay ang buong mundo, mayron silang sariling watawat, pera,
pasaporte at plaka ng kotse. Bukod pa rito, plano ng hukumang ito na gumawa ng sariling
bangko na kung saan doon magiging epektibo ang kanilang ginagawang pera.
Ang pitong sagradong katawagan kay Majesty:
1. Queen of Salvation 5. Queen of Flowers
2. Queen of South 6. Queen of Motherland
3. Queen of Islam 7. Alpha and Omega
4. Queen of Light
“Ang kanilang adhikain ay nakabatay sa nakasulat sa bibliya at sa Efra Law (tumutukoy sa
batas sa mga lupain)”. Sinasabi ng mga grupong ito na ang Iligan ay ina ng lahat ng kalupaan sa
mundo.
Watawat ng grupo - Sumisimbolo sa layunin at responsibilidad na ibinigay ng diyos kay
majesty.
Iligan – tinatawag noon na Garden of Eden.
Tribunal Bank – ang ngalan ng bangkong ipapatayo ni majesty.
ID card – isang mahalagang gamit na magagamit ng tao upang makapasok at makalabas sa
bansa.
Sa panahon na ito wala ng mga taong maghihirap sapagkat ang pera ay hindi na po-
problemahin ng mga tao at mawawala narin ang pagsingil ng tax dahil ayon kay majesty tax ang
nagpapahirap sa tao. Ito ang lahat ng paniniwala ng miyembro ng grupo nila.

3.3 Ilaga: Ang mga militanting kristiyano sa Mindanaw


- Isinalin sa Filipino ng may-akda mula sa internet sa panayam kay Dennis Arcon, News5,
2013).
Ang ilaga sa Visayas ay nangangahulugang daga sa Filipino. Ngunit sa Mindanao ang
mga ilaga ay militants (grupong kristiyano na lumalaban sa mga ekstrimist o islamist).
Nagsimula ang grupo noong 1970 at lalong nakilala noong 1971 nang maibalita ang
pinakamadugong ginawa nila sa pagpatay sa animnapu’t limang (65) Sicilian sa isang moske.
 Isa sa pangunahing adhikain nila ang protektahan ang mga kristiyanong komunidad sa
pag-atake ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at New People’s
Army (NPA). Sinasabing ang kilusan ay isang Kelton, may talisman o anting-anting, di
tinatablan ng bala at higit sa lahat, kumakain ng tao.
 Ginamit daw sila ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos sa pagsugpo ng
karahasan sa Mindanaw dahil sa kakulangan ng sangay ng mga sundalo. Ngunit nang
makialam na ang ibang bansa, pinatigil na ng dating pangulo ang kilusan. Unti-unti na
itong tumamlay at nawala ang popularidad nito nang lubusan.
 Noong 2013, binuhay ang kilusan ni Mike Santiago, isang kumander sa North Cotabato
at naging tagapaglista rin nila. Tinawag ang dating ilaga na Reform Ilaga Movement na
may 45,000 na miyembro sa buong Mindanaw.
 Ilan sa mga dating kilalang mga lider nila ay sina Kumnder “Bukay” ng M’lang-North
Cotabato at Kumander “Toothpick” ng Upi-Maguindanaw.

3.4 Ang mga Moncadista


- Isinalin sa Filipino ng may akda mula sa Ethnic Group of the Philippines, 2016.
Isla ng Samal - napakagandang isla na mikikita sa gulpo ng Davao. Ito ay kilala sa napakaganda
dahil sa kulay asul nitong karagatan na may putting buhangin.
Hilario Moncado - ang bumuo ng isang sektong panrelihiyon na tinawag niyang Filipino
Crusaders Word Army (FCWA). Ang punong Kumander ng kanyang nasasakupan.
Moncadista - tinatawag sa mga kasapi ng relihiyon na ito. Hindi sila kumakain ng karne ng
hayop lalo na iyong may apat na paa.
Babak at Limao - dito naninirahan ang mga moncadista at pinatayuan nila ng White house.
Dr. Nerissa L. Hufana - dating moncadista ang asawa at pamilya niya. Itinatag niya ang
Filipino Federation of America noong 1925, na naging pugad ng pagtitipon ng lahat ng mga
migranting Pilipino sa buong America at Hawaii.
Equifrilibricum World Religion at ang Moncadian Church - dalawang grupong panrelihiyon
ang bumuo sa Filipino Federation of America.

3.5 Philippine Benovelent Missionaries Association


Isinalin ng may-akda sa Filipino mula sa https//:wikipedia.org>wika>phil
Philippine Benevolent Missionaries Association
Isang non-sectarian at non-profit and charitable religious fraternal organization para sa
mga kalalakihan at kababaihan sa Pilipinas na itinatag ni Ruben Edera Ecleo Sr. (Disyembre 09,
1934) sa Isla ng Dinagat sa Pilipinas, Baybayin ng Mindanao.
Narehistro ito sa Securities & Exchange Commission (SEC) sa Makati, Philippines
noong Oktubre 19, 1965 sa ilalim ng Rehistrasyon blg. 28042.
Mga Paniniwala:
 Ayon sa doktrina ng sekta, si Ecleo Sr. ay sinamay ng “mga boses” upang mahusay na
magbasa at magsulat ng Arabic, Hebrew, Sanskrit at Aramaic.
 May mga hula siya sa mga darating pa na mga pangyayari.
 Katulad ni kristo na makapagbubuhay ng patay.
 Ang mga misyonaryong gawa niya ay umabot sa Agusan del sur at samar.
Mode ng Operasyon:
 Ang mga miyembro ng PMBA ay tinatawag na “Missioners” at obligadong gumawa ng
mga gawaing misyonero, alinman bilang isang “transiet” o isang “resident” missioner.
 Ang mga transient missioners ay yaong mga naglalakbay sa iba’t ibang lugar sa
pagsasakatuparan ng mga layunin ng organisasyon.
 Ang mga resident missioners ay ang mga nananatili sa bahay ngunit ginagawa parin
ang kanilang misyon.
Layunin ng Association:
1. Charity
1. Upang maglingod nang tapat
2. Upang tumulong nang may kabutihan
3. Magbigay ng kusang loob

2. Upang isulong ang pandaigdigang kapayapaan at pagkakaisa ay lubos na marangal at


gradyosong layunin.

3. Upang magtrabaho para sa kapwa at makipagkaibigan sa lahat ng bansa sa mundo na


magtataguyod ng tunay na diwa at mga prinsipyo ng demokrasya.

Ruben Ecleo Jr. – anak ni Ecleo Sr. na pumalit sa kanya


Alona Bacolod – asawa ni Ruben Ecleo Jr

SANGGUNIAN
Hufana, N. L., et. al (2018). Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan (pp. 43-54). Mutya Publishing
House Inc.

You might also like