You are on page 1of 10

Mga Katawagan ng Katutubo sa Diskurso ng Anthropolohiya at Kasaysayan

Sabino Garcia Padilla, Jr.

Napako na sa ating isipan na ang mga mamarnayan ng Pilipinas ay binubuo ng isang mayoryang tagapatag at ng minoiyang katutubo. Kung ditto pa sa Mindanao ay may sinasabing konsepto ng tri people. Subalit kadalasan ay hindi natin nabibigyanpansin o napag-iisipan kung ano at sino ang mga katutubong ito, kung saan at kung bakit sila itinuturing na mga katutubo. Ayon kina Fox at Flory sa kanilang mapang The Filipino People (1974), may 126 na etnolingwistikong grupo sa buong Pilipinas, kasama na rito ang mga kontrobersyal na Tasaday at Taut batu. Ang mga grupong ito ay kanilang inuri alinsunod sa paniniwala: Kristiyario, Muslim at katutubong relihiyon. Ayon naman sa isang pananaliksik ng National Museum, bagamat wala pa itong opisyal na pahayag maaring umaabot sa mahigit na dalawang daang grupo ang mga wika sa Pilipirias. Kung minsan, itinuturing na katutubo ang isang grupo batay sa wika at bilang ng mga taong nagsasalita ng wikang ito. Alinsunod dito, ang mga grupong nagsasalita ng wikang ginagamit ng maliit na populasyon ay malamang na mapabilang sa grupo ng mga katutubo. Bukod sa wika maaring ang pinaninirahang lugar ay nagiging batayan din sa pagturing kung sino ang katutubo. Kadalasan itinuturing na katutubo yaong mga taong naninirahan sa marhinal o gilid-gilid na mga lugar tulad ng kabundukan. Sa pisikal na anyo, ang mga tinatawag na katutubo ay walang malaking ipinagkakaiba sa kalakhang populasyori rig Pilipinas, liban na lang marahil sa mga Negrito na naiiba dahil sa kanilang maitim na balat al kulot na buhok. Ang kasuotan ng mga katutubo ay isa pang bagay na ikinatatangi nila. May mga grupong gumagamit ng bahag na habing kamay, subalit ang makukulay na damit pang-itaas at pambaba ng mga lalaki o babae ang talagang naiiba, at lalo pang pinatitingkad ang mga ito ng mga palamuti sa katawan tulad ng iba-ibang uri ng bag, kuwintas at porselas na yari sa panuhugin (beads) at kung anu-ano pa.

Mga Katawagan sa Katutubo Nakilala ang mga katutubo sa maraming pangalan. Kapansin-pansin ito kung titingnan natin ang The Philippine Islands--1492-1898 (Blair and Robertson 1903-1909) o ang mga sinulat ni Blumentritt, An Attempt at Writing a Philippine Ethnography (isinalin ni Maceda 1980) at Phiiippine Tribes and Languages (1916). Maaari ring tunghayan ang akda ni Pardo H. de Tavera na Etimologia de los Nombres de Razas de Filipinas (1901).
S. G. Padilla, Jr. Mga Katawagan ng Katutubo

Mapapansin na ang grupong Iraya, Bukid at Kalinga ay matatagpuan sa ibaibang bahagi ng Luzon, Kabisayaan at Mindanao. Ang paulit-ulit na pagbanggit ng mga pangalang ito ay hindi na kataka-taka dahil karamihan sa mga pangalan ng katutubo ay ayon sa lugar na kanilang tinatahanan. Halimbawa, ang mga Mangyan na naninirahan sa kapatagan ay tinatawag na Mangyan Patag samantalang ang mga nasa mataas na lugar ay tinatawag namang Mangyan Buid (Bukid). Kung susuriin natin ang integrasyong pulitikal ng mga lipunan noong ika-16 na siglo, makikita natin na dinatnan ng mga Kastila sa ating kapuluan ang iba-ibang grupo na nagkakaiba lamang sa tipo ng kabuhayan. May mga komunidad sa bayabayin na nakikipagkalakalan at nangingisda, mga tagapatag na nananakahan, mga kaingero, mga grupong nagtatayo ng hagdan-hagdang palayan, at mga lagalag na mangangaso. Mga malayang komunidad ang mga ito. Kung hindi sila nag-aaway at nagpupugutan ng ulo, ang mga pamayanang ito ay pinaguugnay ng lokal at internasyonal na kalakalan. Mapapatunayan ito ng mga trade wares na matatagpuan hindi lamang sa kapatagan kundi maging sa kabundukan. Ang pagbubukod-bukod ng mga pamayanan ay bunga ng paglaganap ng Islam sa Minldanao at pananakop ng Kastila sa Luzon at Kabisayaan. Ang mga pumaloob na iba-ibang grupo sanhi ng pagpasok ng bagong paniniwala sa Mindanao ay yaong mga naging Moro, samantalang ang nanatili sa kanilang katutubong paniniwala ang tinawag na mga di-binyagan o pagano. Naging matagumpay ang kampanyang reduccion, rekonsentrasyon at kristiyanisasyon ng mga kolonyalistang Kastila sa Luzon at Kabisayaan. Ang mga tao sa mga baybayin at kapatagan ay naging mga binyagan na tuluyang tumalikod sa kanilang mga katutubung kaugalian. Tinularan nila pati na ang mga dayuhang pananamit at mga gawi. Ang mga ito ang mga naging ninuno ng kristiyanong populasyon sa kapatagan ngayon. Sa buong panahon ng pananakop ng Kastila, nagkaroon ng tatlong uri ng populasyon sa kapuluan: ang indio, Moro at mga katutubo. Ang naging relasyon ng isa't isa ay isang magandang paksa ng istorikong pananaliksik. Nagpagamit ang mga indio sa pananalakay ng Kastila sa mga teritoryo ng Moro at katutubo. Sinalakay naman ng mga Moro ang mga komunidad ng indio at katutubo para sa kanilang kalakalang alipin. Hindi rin naging ligtas ang mga indio sa pamumugot ng mga katutubo. Dagdag pa rito; mapayapang nakikipagkalakalan ang mga komunidad na ito sa isa't isa nang lingid sa pagsubaybay ng kolonyal na pamahalaan. Naging karaniwang tawag sa katutubo kapag nababanggit sila sa dokumentong Kastila ang feroces, remontados, infieles, enemigos, cimarrones at ang mas angkop na tribus independientes. Kakaiba ang naging patakaran ng pamahalaang kolonyal na amerikano. Pinagtuuuan ng pansin ng mga ito ang mga populasyong hindi nagpasailalim sa paghahari ng Kastila. Habang sinusugpo ng rehimeng Amerikano ang rebolusyonaryong kilusan sa kapatagan ng Luzon at Kabisayaan, naglunsad ito ng mga ethnological survey sa mga lugar ng katutubo, unang-una na ang Kordilyera at Mindanao.

S. G. Padilla, Jr. Mga Katawagan ng Katutubo

Itinatag ng Philippine Commission ang Bureau of Non-Christian tribes (BNCT) noong October 2, 1901 sa pamamagitan ng Act No. 253. Pangunahing layon nito ang pagaralan ang kalagayan ng mga tribung pagano at Muslim upang makagawa ng mga rekomendasyon sa pamahalaang sibil, at ang magsagawa ng mga siyentipikong pagaaral sa etnolohiya ng bansa (Barrows 1903:679). Ang BNCT ay naging Ethnological Survey of the Philippines noong 1903. Sa unang sensus na ginawa noong 1903 ng mga Amerikano, 16 na tribu na may 111 lokal na pangalan ang tinukoy ni Barrows (Census 1905), samantalang si Beyer sa kanyang Population of the Philippitre Islands in 1916 (1917) ay naglista ng 43 "recognized ethnographic groups" na may bilang na 9,429,905. Ang mga "pagano" at Moro rito ay 1,270,819 o 13.5% ng kabuuang populasyon. Upang madaling pangasiwaan ang mga tinatawag nilang mga grupoug nonchristian, wild tribes, savages at pagans, nagsagawa ang pamahalaan ng programa sa paglipat ng mga ito sa kabayanan at paglikha ng mga lupang reserbasyon tulad ng ginawa sa mga katutubong Indian ng Norte Amerika. Sa Mindoro, si Capt. R. G. Offley, ang unang Amerikanong gobernador, ang siyang nagpatupad ng mga programa sa Kamangyanan. Noong 1907, walong baryuhan at paaralan ang sinimulan sa Bangabay, Ti-i at Calamintao. Tinuruan din ang mga Mangyan na magsaka, manahi at maghabol. (Landicho1952:122-123) Ang pagkabigo ng mga programa sa mga katutubo at patuloy na hindi pagkilala sa diversity ng mamamayan ng kapuluan ng pamahalaan sa loob ng matagal na panahon ay makikita sa paglitaw ng tinatawag na Moro problem, ang pagsiklab ng rebelyon sa Mindanao. Upang tugunan ang mga pangyayari, pinagtibay ng Kougreso ang Republic Act No. 1888 na nagtatag sa Commission on National Integration (CNI) noong 22 Huuyo 1957. Ang CNI ay naatasan na: isakatuparan sa lalong madaling panahon ang pag-unlad na pangkabuhayan, panlipunan, moral at pulitikal ng mga di-Kristiyanong Filipino o pambansang minoryang kultural at ang tunay, lubos at permanenteng integrasyon ng mga nasabing pambansang minoryang kultural sa buhay pulitikal. (RA No.1888 - 1957) (Salin ng awtor) Ang dating diin ng kolonyal na pamahalaan na gawing Kristiyano ang mga dibinyagang grupo ay nauwi sa patakaran ng integrasyon at akulturasyon noong mga 1950. Kaalinsabay nito dalawang bagong termino ang lumitaw kapag mga katutubo ang pinag-uusapan. Sa unang malas ay parang walang prejudice ang mga terminong cultural minorities o national minorities ngunit maitatanong: Ang mga grupo bang ito ay itinuturing na minorya dahil napanatili nila ang kanilang kultura? Makalipas ang pitong taon, ang batas na lumikha sa CNI ay inamiyendahan sa pamamagitan ng Republic Act No. 3852. Hindi kukulangin sa Php 5 milyon ang inilaan para ipatupad ang mga programa nito sa bob ng sampung taon. Hinalinhan ng Presidential Assistance on National Minorities (PANAMIN) ang

S. G. Padilla, Jr. Mga Katawagan ng Katutubo

CNI noong 1975. Ang PANAMIN, isang dating pribadong ahensiya na pinamumunuan ni Manda Elizalde, ang naatasang mamahala sa pag-unlad ng mga katutubong diMuslim, samantalang ang Southern Philippines Development Authority (SPDA) naman naatasan sa mga grupong Muslim. Ang mga katutubo ay itinuring ng PANAMIN (1981) bilang mga orihinal na Filipino. Naging popular na tawag sa kanila ang cultural communities. terminong pinalaganap ni Imelda Marcos upang maiwasan ang masamang konotasyon ng salitang minorya. Pinagsanib ang PANAMIN at Office of Muslim Affairs (OMA) nang tumakas nang Pilipinas si Elizalde noong 1983. Ang bagong ahensiya ay ginawang Office of Muslim Affairs and Cultural Communities (OMACC) noong 1984 sa pamamagitan ng Executive Order 969. Dalawang kagawaran ang binuo sa ilalim nito: ang Bureau of National Minorities at Bureau of Muslim Affairs. Nang maging Presidente si Corazon Aquino, tinanggal niya ang OMACC at hinalinhan ng tatlong magkakahiwalay na ahensiya sa bisa ng Executive Order 122 at mga susog dito na EO 122-A, 122-B at 122-C. Ang Office for Northern Cultural Communities (ONCC) ang siyang mamamahala sa mga katutubo sa Region I, II at III. Responsable naman sa mga katutubong di- Muslim ng Region IV hanggang IX ang Office for Southern Cultural Communities (OSCC). Ang opisyal na tawag ngayon sa mga katutubo ay cultural communities, at ito ang ginagamit sa ating Konstitusyon. Madalas ding gamitin ang tribal Filipinos bilang pagtukoy sa mga katutubo bagamat ayon sa ilang antropologo, sa istriktong pakahulugan ay walang matatagpuang tribo dito sa Pilipinas. Ang terminong ito ay pulitikal at ginagamit lamang upang itangi ang mga katutubo sa mga Moro. Ang terminong indigenous peoples ang kasalukuyang ginagarnit ng karamihan. Naalala kong pinuna ako ni W. Hemy Scott noong buhay pa siya nang minsa'y gamitin ko ang katagang ito sa isa naming pag-usap. Pareho lang naman daw isinilang sa Pilipinas ang Igorot na nakatira sa kabundukan at Tagalog o Bisaya na nakatira sa kapatagan. Isang kaibigan naman ang nagsabi na hindi raw magandang pakinggan ang indigenous dahil malapit sa salitang indigent. Ang akala niya ay pareho ang Kastilang indegena na nangangahulugan ng katutubo at indegente na ang ibig sabihin naman ay nangangailangan. Ipinaliwanag sa isang report (Daes 1987) ng United Nations Working Group on Indigenous Populations (UNWGIP) noong 1972 na ang working definition ng indigenous populations ay: Indigenous communities, peoples and nations are those which, having a historical continuity with pre-invasion and pre-colonial societies that developed on their territories, consider themselves distinct from other sectors of the societies now prevailing in those territories, or parts of them. They form at present non-dominant sectors of society and are deterrnined to preserve, develop and transmit to firture generations their ancestral territories, and their ethnic identity: as the basis of their continued existence as peoples, in accordance with their own cultural patterns, social institutions and legal Systems.

S. G. Padilla, Jr. Mga Katawagan ng Katutubo

Ang Katutubo sa Anthropolohiya at Kasaysayan Tradisyunal na paksa ng antropolohiya ang mga tinatawag na primitive people o sa madaling salita ang mga katutubo. Ang mga ito ay pinagaaralan sa etnograpiya o etnolohiya. Ang etno ay galing sa salitang Griyego na ibig sabihin ay "ibang tao o di greko." Kaya sa literal na pagsasaliii ang etnograpiya ay paglalarawan ng mga ibang tao. Ang diin ng mga pag-aaral sa mga katutubo ng Pilipinas ay ang Kordilyera at Mindanao. Masasabing naging prioridad ito ng mga Amerikano. Karamihan sa mga pag-aaral noong 1901-41 ay deskriptibo at historikal. (Lynch at Hoinsteiner 1961). Hindi kataka-taka dahil malakas noon ang impluwensiya ng historical particularism ni Franz Boas at diffusionism. Sabi nga ni Keesing (1949), mayaman subalit walang pagaaral sa larangan. Tampok ang mga Negrito sa mga historikal na paglalarawan dahil ayon sa paniniwala ay sila ang unang alon ng migrasyon sa pagdagsa ng mga tao ng kapuluan. Si Blumentritt ang isa sa mga unang nagpahayag ng haka-hakang ito na ginawa namang iskemang pormal ni Beyer bilang "wave migration theory." Sinundan ito ng mga disipulo ng diffusionism at kahit walang ebidensiya ay nagmistulang katotohanan sa ating mga aklat ng kasaysayan. Bukod sa iskemang ito, hindi na nabanggit sa kasaysayan natin ang mga katutubo. Sa antropolohiya, kadalasang makikilala mananaliksik ayon sa grupong kaniyang pinag-aaralan. Ang isang resulta nito ay nagkakaroon ng maraming pangalan ang isang grupo dahil sa kakulangan ng pagsusuri. Gawin natin halimbawa ang mga Mangyan ng Mindoro. Iniulit ni David P. Barrows, hepe ng Bureau of Non-Christian Tribes sa sensus ng 1905, na ang Mangyan ay pinaghalong Negrito at ibang katutubo. Idinagdag din nito na posibleng may nanaig na dugo ng mga puti (Census 1905: 468-477, 547-548). Kabilang ang Mangyan sa 16 na tribo at 111 lokal na pangalang itinala ng pambansang sensus. Lumitaw sa mga lokal na klasipikasyon ng tribong di-Kristijyano ang Bangon, Batanganes, Buquit, Manggian, at No Cristianos. Walang pagkakaiba rito ang paglalarawan ni H. Otley Beyer (1917: 19, 54-55) sa Mangyan sa kanyang Population of the Philippine Islands in 1915. Iniulat ni Beyer na may dalawang grupo ang Mangyan. May 12,250 ang tinatayang polpulasyon nila. Ang nasa timog ay may 7,250 samantalang ang mga nasa hilaga ay 500 lamang. Ang popular na pangalang Hanunoo sa isang banda ay lumitaw sa literaturang antropolohikal noong 1939. Ginamit ito sa isang artikulo nina Fletcher Gardner at Ildefonso Maliwanag sa kanilang paglalarawan ng mga sulat Mangyan.

S. G. Padilla, Jr. Mga Katawagan ng Katutubo

Noong matapos ang WWII, isang ulat ang sinulat in Harold Conklin tungkol sa Mangyan (1949). Ginamit rin inya ang Hanunuo para tukuyin ang mga Mangyan sa Bulalacao at Mansalay. Siyam ang tinukoy ni Conklin na grupo ayon sa wika. Masasabing siya ang nagpatanyag ng katagang ito nang lumabas ang kanyang aklat hinggil sa agrikultura ng Mangyan (Conklin 1957). Pinagtuunan ng pansin ng ilang pag-aaral (Tweddel 1958; 1969; Fox at Flory 1974; Barbian 1977a; 1977b; McFarland 1988; Gibson 1986; Postma 1988) ang pagkakaibaiba ng mga Mangyan. Ang mga nabanggit na pag-aaral ay tumalakay sa distribusyon ng Mangyan ayon sa teritoryong sakop ng grupo. Ang siyam na grupo ng Mangyan ni Conklin ay anim na lamang ngayon. Ang mga antropologo at lingwista ay nagkakaisa na ang Ratagnon ang pampitong grupong etnolingwistika sa Mindoro ay hindi Mangyan. Magandang tingnan natin kung paano ginagamit ng mga katutubo sa Mindoro ang mga katagang Mangyan, Hanunoo, Buhid at Bangun. Para sa mga Mangyan Patag ang kanilang mga kapitbahay ay Buhid ang pangalan. Sila ang gumagawa rig mga palayok na kanilang kinakalakal noong araw. Ang mga grupong nasa labas ng teritoryo ng Buhid ay mga Bangun o Taubuhid sa pagaaral ni Pennoyer at Batangan naman sa pananaliksik ni Tweddell (1969). Sa kasalukuyan iyong mga gumagamit ng kwako na naninirahan sa Ayufay, kahit kapwa- Buhid ay tinatawag ng mga Buhid na Bangun (Gibson 1986). Parang misteryoso ang lugar ng Bangun para sa mga Patag at Buhid dahil sa kalayuan nito. Sa tingin nila ang mga Bangun ay marurungis at mangangalakal ng baboy. Madalas na maging paksa ng kanilarig mga kwento at mga patawa ang mga Bangun. Sa kabuuan, tanggap na ng mga katutubo na ang kanilang pangkalahatang pangalan bilang tribo (popular na paggamit rin ng salita) ay Mangyan. Sa Buhid (o Bukid) ang mga Hanunoo ni Conklin ay Mangyan ang tawag. Hihdi sila tinatawag na Hanunuo. Naipagpapalit ito sa Mangyan Patag. Ang ibig sabihin ng Hanunuo sa salitang Mangyan ay tunay. Kaya ang Hanunoo Mangyan ay tunay na Mangyan sa literal na salin. Ganito rin ang nangyari sa mga Agta ng silangang Sierra Madre at baybaying Pasipiko. May grupo na ngayon ay tinatawag na Dumagat pero ang mga ito ay Agta. Tuwing tag-araw ay pumupunta sila sa baybay-dagat at tabi ng ilog kaya dumagat. Kung tag-ulan naman ay nagtatanim sila at nangangaso kaya ebuked.

Marhinalisasyon ng Katutubo Marahil, ang ikinakaiba ng mga katutubo sa kalakhang populasyon ng kapuluan ay ang kanilang pagkaka-etsapwera sa kasaysayan ng Pilipinas. Sino ang may sala?

S. G. Padilla, Jr. Mga Katawagan ng Katutubo

Tulad ng kababaihan, marami ang naniniwala na sila ay nabibilang sa tinatawag na ispesyal na sektor at dapat na pag-ukulan ng pansin sa antropolohiya. Ang mga katutubo at kababaihan ay kadalasang labas sa mainstream na diskurso ng ibang agham paidipunan. Madaling intindihin sa pananaw ng mga feministang siyentipiko sa agham palilipunan ang marhinalisasyon ng paksang kababaihan dahil sa male bias o dominasyon ng kalalakihan sa pananaliksik. Sa antropolohiya, sinabi in Moore (1988) na ang di-pantay na pag-unawa sa kababaihan ay may tatlong magkakapatong na dahilan: ang dala-dalang mga assumption at ekspektasyon ng mga antropologo hinggil sa relasyon ng kalalakihan at kababaihan; ang pagtingin na ang kababaihan ay mababa sa kalalakihan, at ang pagtingin sa asimetrikal na relasyon ng sekses sa ibang lipunan bilang di-pantay at hirarkikal dahil sa kanluraning karanasan ng mga antropologo sa gender relations. Ang marhinalisasyon ng katutubo sa kasaysayan ay maaari ring iugnay sa lowland bias at pagiging Tagalog-centric ng ating kasaysayan. May bahagi din ang antropolohiya sa suliraning ito. Hindi bat ang etnohistorya ang dapat na magsulat ng kasaysayan ng mga lipunang walang panulat? Sa kasalukuyan iilan pa lamang ang nasulat na etiiohistorya ng mga katutubo. Dapat bigyang papugay samakatuwid sina: Ocampo sa kanyang Katutubo, Muslim, Kristiyano: Palawan 1621-1901 (1985); Lopez, The Mangyans of Mindoro: An Ethnohistoty (1976); Gloria, The Bagobos: Their Ethnohistory and Acculturation (1987); Scott, The Discovery of the Igorots (1962) at History on the Cordillera (1975).

S. G. Padilla, Jr. Mga Katawagan ng Katutubo

SANGGUNIAN Barbian, Karl-Joseph. The Tribal Disfribution of the Mangyans. Philippine Ouarterly of Culture and Society '5 (1-2): 5-11. Cebu City: University of San Carlos, 1977. Barbian, Karl-Joseph. English-Mangyan. Philippine Ouarterly of Culture and Society 5 (1-2): 5-11. Cebu City: University of San Carlos, 1977. Beauolrek, John and Jeremy Narby with Janet Townsend. Indigenous Peoples: A Fieldguide for Development. U.K.: Oxfarm, 1988. Beyer, H. Otley. Population of the Philippine Islands in 1916 (Poblacion de las Islas Filipinas en 1916). Manila: Philippine EducationCo. Inc.. 1917. Blumentritt, Ferdinand. An Attempt at Writing a Philippine Ethnography. Salin in Marcelino N. Maceda mula sa orihinal na 1882 tekstong Aleman. Marawi City: University Research Center Mindanao State University, 1980. Philippine Progress Prior to 1896. Philippine Tribes and Language. Vol. 1. Inedit nina Austin Craig at Conrado Benitez. Manila: Philippine Education Co., Inc., 1916 Bodley, John H. Victirns of Progress. California: Mayfield Publishing Co. Palo Alto, 1982. Tribal Peoples and Development Issues: A Global Overview. California: Mayfield Publishing Co. Palo Alto, 1988. Careri, Giovanni Francesco Gemelli. "Voyage to the Philippines in 1696." Sa Collection of Voyages and Travels. (1896). Manila: Filipiniana Book Guild., 1988. Colin, Francisco. "Labor Evangelica (1663)." Sa Emma Helen Blair at James Alexander Robertson, The Philippine Islands. 1493-1898 Vol.40.. Manila: Cacho Hermanos Inc., 1973. Concepcion, Juan de la. "Historia General Filipinas (1788)." Sa Emma Helen Blair at James Mexander Robertson. The Philippine Islands: 1493-1896. Vol. 41. Manila: Cacho Hermanos Inc., 1973. Congress of the Philippines. Republic Act Na 1888 (As Amended by Republic Act Na 3852) Creating the Commission on National Integration. Manila, 1964. Conklin, Harold C. "Preliminary Report on Fieldwork on the Islands of Mindoro and Palawan, Philippines." American Anthropologists 51(2): 268-273,1947.

S. G. Padilla, Jr. Mga Katawagan ng Katutubo

The Relation of Hanunuo Culture to the Plant World. Ph.D. Dissertation (Microfilms). Michigan, Ann Arbor: Yale University, University International, 1954. Hanunno Agriculture: A Report on an Integral System of Shifting Cultivation in the Philippines. Food and Agriculture Organization of the United Nation. Rome, 1957. The Study of Shifting Cultivation. Union Panamericana. Washington, D.C., 1963. Daes, Erica-frene. "Native Peoples Rights." IWGIA Yearbook 1986. Copenhagen. 95-108, 1987. Dardaer, Fletcher. "Letter to Merton L. Miller." In H. 0. Beyer, Etimography of the Mindoro-Palawan Peoples: A Collection of Original Sources. (Microfilm). U.P., 1904. Gibson, Thomas. Primitive communism Among the Buhids. Paper presented at the London School of Ecomics Anthropology Seminar. November 3, 1983 Landicho, Macario. The Mindoro Yearbook. Manila: Yearbook Publishing, 1952. Lopez, Violeta B. The Mangyans of Mindoro: An Ethnohistory. Quezon City: University of the Philippine Press, 1976. Peasant in the Hills. Quezon City: University of the Philippine Press, 1966. Lynch, Frank and Mary R. Hollnsteiner. "Sixty Years of Philippine Ethnology," Science 2:11, 1961. McFarland, Curtis D. A Linguinic Atlas of the Philjppines. Manila: Linguistic Society of the Philippines, 1983. Medina, Fray Juan de. Historia de la Orden de S. Agustin de estas Islas Filipinas (l630). Sa Emma Helen Blair at James Alexander Robertson, The Philippine Islands: 1493-1898. VoL 23. Manila: Cacho Hermanos Inc., 1973. Miyamoto, Masaru. "The Hanunuo-Mangyan: Society, Religion and Law Among a Mountain People of Mindoro Island, Philippines." Senri Ethnological Studies 22. Japan: National Museum of Ethnology, 1983. Moore, Henrietta L. Feminism and Anthropology. Cambridge: Polity Press, 1992. Ocampo, Nilo S. Katutubo, Muslim, Kristiyano: Palawan 1621-1901. Bakas. Alemanya: Kolonya, 1985. Okainura, Jonathan Y. "The Politics of Neglect." Tribal Forum 8 (4): 5-30. 1987.
S. G. Padilla, Jr. Mga Katawagan ng Katutubo

Pennoyer, F. Douglas. "Leadership and Control in a Sumagni River Bangon Settlement" Philippine Sociological Review 26: 49-55. 1978. "The Taubind of Mindoro, Philippines." Philippine Quarterly of Culture and Society 5: 21.37, 1971. Scott, Willam Henry. History on the Cordillera. Baguio City: Baguio Printing and Publishing Co., Inc., 1975. Senate Committee on National Minorities. Report on the Problems of Philippines Cultural Minorities. Manila: Congress of the Philippines, 1963. Tweddel, Colin E. "The Identity and Distribution of the Mangyan Tribe in Mindoro." Anthropological Linguistics 12 (6): 189-207. 197

S. G. Padilla, Jr. Mga Katawagan ng Katutubo

10

You might also like