You are on page 1of 3

KAS 1 WFW2 TAKDANG-ARALIN 1 Prop.

Lapar
Lee, N
TALASALITAAN/BUKABULARYO

Ang salitang-ugat ng kasaysayan ay saysay. Isang kahulugan ng saysay ay na ito ay ang


kahalagan or kabuluhan ng isang bagay o tao. Isa pang depinisyon ng saysay ay salaysay o
kuwento. Sa kalahatan, ang salitang kasaysayan ay ang pagsasalin sa Filipino ng Ingles na
salitang “history”. Ito ay ang pag-aaral ng nakaraan. Pero pwede rin ito depinisyon para sa mga
mahaba, epikong kwento o salaysay. Mahalaga ang kasaysayan dahil ito ay ang mga dokumento
ng mga dating tao, importanteng pangyayari, at iba pa. Kung nawala ang kasaysayan,
mawawalan tayo ng bahagi ng ating kultura, ang mga paliwanag kung bakit ganito ang
kasalukuyang panahon, ang mga kuwento at pangyayaru ng mga bayani at dating pinuno natin, at
iba pa.

Ang salitang-ugat ng “history” ay “histor”. Ang kahulugan ng “histor” ay isang


edukadong tao o hukom. Ang history ay may salitang-ugat din sa Griyego (“historia”) at Latin
(“histoire”). Ang kahulugan ng historia at histoire ay pagtatanong o ang pagkilos ng paghahanap
ng kaalaman (Steinmetz, 2017). Ang kahulugan ng “history”, katulad ng kasaysayan, ay na ito ay
ang pag-aaral ng nakaraan. Mahalaga ang history at kasaysayan dahil ito ang mga tala ng
nakaraan. Sa pamamagitan ng “history”, makikita natin kung ano ang mga ugali at kasanayan ng
mga dating tao. Makikita rin natin ang mga mali na ginawa ng mga dating tao para sana hindi rin
natin gumawa parehong pagkakamali.

Ang salitang-ugat ng eurocentrism ay “euro” at “center”. Ang “euro” ay maikling salita


para sa salitang Europe. Ang depinisyon ng eurocentrism ay na ito ay ang saloobin o “mindset”
na ang Europe ay ang pinakamagaling sa buong mundo. Ito ay dahil sa tingin ng mga tao sa
Europe, mas moderno ang mga teknolohiya nila at mas maganda ang pamumuhay nila kumpara
sa mga katutubong tao sa ibang bansa o lugar. Ito ay nabibigay ng mga tao sa Europe ng saloobin
ng kahigitan sa ibang tao na hindi nagmula sa Europe (Sundberg, 2009). Ito ay importante dahil
ito ay isang dahilan kung bakit ang mga taong Pilipino ay inapi ng mga Espanyol sa panahon ng
pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Malalaman natin kung bakit sinakop ng Europe ng
maraming bansa at lugar sa mundo. Mahalaga ito dahil ito ay ang paraan kung paano
nabigyang-katarungan ng mga tao ng Europe sa karahasan na ginawa nila sa ibang tao.
Importante na malaman natin ito dahil mayroon pang saloobin na ganito pero sa ibang anyo lang
at makikita natin ito sa social media.

Walang salitang-ugat ang Taong Callao. Pinangalang lang ito Taong Callao kasi
natuklasan ang mga fossils na ito sa Callao Cave sa Cagayan. Ang Taong Callao ay
pinaka-unang tao na nakatira sa kapuluan ng Pilipinas. Ang mga fossils na ito ay tinatayang nasa
67,000 taon na tanda at ngayon ay ang pinaka matandang fossil na nahanap sa rehiyon ng Asya
Pasipiko (Garma, 2015). Importante ito kasi dahil dito nalaman natin kung saan nakatira ang mga
sinaunang tao sa Pilipinas, kung ano ang pamumuhay nila, at kung saan sila nanggaling. Ito rin
ay isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas dahil konti lang ang alam natin sa mga
sinaunang panahon ng Pilipinas.

Pinangalan ang Taong Tabon ng Tabon dahil ito ay nadiskubre sa Tabon Cave sa
Palawan. Ang Taong Tabon ay ang dating pinaka-matandang tao sa Pilipinas bago ang pagtuklas
ang Taong Callao. Ang Taong Tabon ay tinatayang 20,000 taong tanda (Taong Tabon, 2015).
Katulad ng Taong Callao, ito ay mahalaga dahil nalalaman natin kung saan nakatira ang mga
sinaunang tao sa Pilipinas at kung ano ang pamumuhay nila. Pero ang nakakaiba sa Taong Tabon
ay mayroon din nahanap ng mga kagamitang bato at luwad o “earthenware” sa kuweba na
na-diskubre ang Taong Tabon. At katulad din ng Taong Callao, ito ay isang importante bahagi ng
kasaysayan ng Pilipinas.

Austronesyano ay pinagmulan sa salitang Latin na “austro” at ang salitang Griyego na


“nesos”. “Austro ay timog, at ang “nesos” ay pulo o isla sa wikang Tagalog. Ang austronesyano
ay ang pamilya ng wika na sinasalita sa mga lugar ng Madagascar, Taiwan, at halos lahat ng
timog-silangang Asya tulad ng Philippines (Blust, 2023). Ang ibig sabihin nito ay lahat ng mga
wika sa mga lugar ng Madagascar, Taiwan, at timog-silangang Asya ay nanggaling sa isang
sinaunang wika. Mahalaga ito kasi maaari natin malaman kung paano nabuo ang wika at
diyalekto sa Pilipinas. Ito ay mahalaga kasi ito ay ang dahilan kung bakit kung kawangki ang
mga wika at diyalekto sa Pilipinas at mas mauunawaan natin kung ano sa kasaysayan ng mga
wika at diyalekto.

Ang mga salitang-ugat ng paleolitiko ay nagmumula sa salitang Latin na “palaios” at sa


salitang Griyego na “lithos” at “ikos”. Ang ibig sabihin ng palaios ay luma o sinaunang. Ang
“lithos” naman ay bato sa Griyego, at ang kahulugan ng “ikos” ay sa paraan ng o nauukol sa
(paleolithic, 2019). Kaya, ang depinisyon ng paleolitiko ay ito ang panahon kung saan
nagsisimula ang mga tao sa paggawa ng ng mga kasangkapang ginawa sa krudo na bato
(Brittanica, 2020). Sa panahon ng Paleolitiko nagsimula din ang sining at wika. Importante ang
paleolitiko dahil dito natin malaman kung paano nag-”develop” ang mga sinaunang tao.
Malalaman natin kung ano ang pamumuhay ng mga sinaunang tao bago nakatira lang sila sa
isang lugar sa panahon ng neolitiko.

Ang mga salitang-ugat ng neolitiko ay katulad lang sa paleolitiko. Ang naiiba lang ang
unang bahagi ng salita kasi neo- ang unang bahagi at hindi paleo-. Ang “neo” ay pinagmula sa
salitang Griyego na “neos” na nangangahulugang bago o kamakailan. Ang neolitiko ay ang
panahon pagkatapos ng paleolitiko. Sa neolitikong panahon, nagsimula ang pag-aamo ng mga
hayop tulad ng aso at agrikultura. Ilan sa mga sinaunang tao ay ang nagsimulang manirahan sa
isang lugar kumpara sa dati, kung saan mayroon silang lagalag o “nomadic” na pamumuhay
(Giotto, n.d.). Importante ang neolitiko dahil pwedeng sabihin ito ang unang hakbang tungo sa
modernong sibilisasyon. Hindi na kailangan ng mga tao na laging lumpiat sa iba’t ibang lugar
para makuha ng pagkain. Katulad ng sinabi ko sa paleolitiko, ito ay para malaman natin kung
ano ang daloy ng pag-unlad ang mga pamumuhay ng mga sinaunang tao. At mahalaga ang
paleolitiko at neolitiko dahil naa-”appreciate” ko kung gaano kalayo nakarating ang
sangkatauhan hanggang ngayon sa kasalukuyang panahon.

Sanggunian:

Blust, R. (2023, February 15). Austronesian languages. Encyclopædia Britannica. Nakuha mula
sa https://www.britannica.com/topic/Austronesian-languages.

Garma, A. (2015, February 9). Tabon Man & Callao man. prezi.com. Nakuha mula sa
https://prezi.com/zz8o-vqul3ou/tabon-man-callao-man/.

Giotto. (n.d.). The New Stone Age (Neolithic Era). Penfield. Nakuha mula sa
https://www.penfield.edu/webpages/jgiotto/onlinetextbook.cfm?subpage=1525826#:~:text=The
%20New%20Stone%20Age%20(Neolithic%20Era)&text=Like%20the%20Old%20Stone%
20Age,Neolithic%20means%20%22New%20Stone.%22.

Paleolithic. (2019, December 16). Online Etymology Dictionary. Nakuha mula sa


https://www.etymonline.com/word/paleolithic.

Paleolithic period summary. (2020, May 2). Encyclopædia Britannica. Nakuha mula sa
https://www.britannica.com/summary/Paleolithic-Period#:~:text=Paleolithic%20Period%2C%20
or%20Old%20Stone,made%20by%20the%20earliest%20humans.

Steinmetz, K. (2017, June 23). This Is Where the Word 'History' Comes From. Time. Nakuha
mula sa
https://time.com/4824551/history-word-origins/#:~:text=The%20Greek%20word%20historia%2
0originally,what%20we%20might%20call%20stories.

Sundberg, J. (2009). Eurocentrism. ScienceDirect. Nakuha mula sa


https://www.sciencedirect.com/topics/social-sciences/eurocentrism.

Taong Tabon. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National
Commission for Culture and the Arts. Nakuha mula sa
https://philippineculturaleducation.com.ph/taong-tabon/.

You might also like