You are on page 1of 4

PINAGMULAN NG DAIGDIG

AYON SA BIBLIYA
Origin Belief
Mga paniniwala at salaysay ukol sa pinagmulan ng kalawakan, ng ating daigdig, ng buhay at
maging ng sangkatauhan ayon sa relihyon.
Maliban sa relihiyon, maari rin mangaling ang mga paliwanag sa pinagmulan sa mga pagsusuri
ng siyentipiko at mga pagmumunimuning metapisikal
nilikha ng Diyos na si Yahweh ang mundo sa loob ng 6 na magkakasunod na araw 1000 taon na
ang nakalilipas
Unang Araw:
Liwanag

Ikalawang Araw:
Langit at Lupa

Ikatlong Araw:
Bagay sa Kalawakan, butuin, buwan, atbp
Ikaapat na Araw:
Mga Halaman at Puno

Ikalimang Araw:
Mga Hayop

Ikaanim na Araw:
Tao


AYON SA MGA ALAMAT/ MITO
Creationism
isang sistema ng paniniwala na ang lahat ng mga bagay at materyak sa kalawakan ay nilikha ng
isang diyos o ng isa o higit pang makapangyarihan at matalinong nilalang mula sa kalawakan
pamamaraang kahima-himala (supernatural), makadiyos (theistic), o maalamat (mythological)
Genesis (Jew), o sa Qur'an (Muslim)

Ayon sa BibliyaCreation Myth
paniniwala at salaysay ukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay alinsunod sa kultura ng isang
grupo ng tao
Ang katagang ito ay hindi angkop at nakapagpapababa ng tingin sa mga kuwentong
pinaniniwalaan ng karamihan dahil sa katagang mito o myth (hindi kapani-paniwala at hindi
makatotohanan).

Kasaysayan ng Mundo: Isang Pagbabalik-tanaw

" Life can be understood backwards, but it must be lived forward."

Sinasabi na ang tanging daan upang maunawaan ang kasalukuyan, para sa ikagaganda ng
kinabukasan ay sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Ang pagsilip sa mahaba at
masalimuot na kasaysayan ng bawat nilalang sa daigdig na ito ang makapagpapaliwanag sa lahat
ng pangyayaring dumadatal sa ating buhay dito sa mundo.

Tayo ay nasa yugto ng kasaysayan ng mundo na tinatawag na Makabagong Panahon, o Modern
Age. Ngunit bago marating ng tao at ng mundo ang bahaging ito ng kanyang kasaysayan,
marami ng mga pangyayari ang gumimbal sa mga elemento ng oras at panahon dito sa daigdig.
Nagsimula ang lahat sa pagkakabuo ng daigdig, sa pamumuhay ng mga pre-historikong nilalang
kasama ang ebolusyon ng tao, ang pag-unlad ng mga kabihasnan buhat sa mga kultural na
paniniwala, sa pagyabong ng mga kaalaman, kultura at pamamaraang lalong nagpaunlad sa
pamumuhay ng tao, ang pagpapalawak sa kanilang "daigdig" na ginagalawan, pagsinay ng
kasakiman at pagkakaisa sa sangkatauhan, hanggang sa marating ang mundo sa labas ng Earth, at
maabot ang kasalukuyang panahon. Sa mahigit 4.6 bilyong taong kasama ang mundo sa
kalawakan, iba't iba nang pangyayari at kaganapan at humubog sa kasaysayan nitong planetang
itinuturing ng sangkatauhan bilang pinakamahalaga.

Sa mga pangyayaring nagaganap ngayon sa daigdig, na hindi lubusang maintindihan ng mga tao
dito sa mundo, maaaring ang tanging daan upang maunawaan ito ay sa pagbabalik sa nakaraan,
sa kasaysayan ng mundo, at maaaring ito ang magbigay liwanag sa madilim na kasalukuyan
tungo sa maliwanag na kinabukasan. Ang mga bagay-bagay na nangyari noon ang tanging
magbibigay-ilaw sa mga bagay-bagay na nangyayari ngayon, at marahil sa nakaraan natin
maapuhap ang daan tungo sa kaunlarang kasundo ng bawat nilalang dito sa daigdig.

Ngunit, kahit na nasa kasaysayan ang kasagutan, hindi tama na mabuhay na lamang tayo sa
nakaraan. Anong saysay ng pagkakadalubhasa sa mga pangyayari 'noon' kung hindi naman
magagamit upang maayos ang 'ngayon?' Tunay ngang mahalaga ang nakaraan, ngunit hindi
dapat doon na lamang matigil ang kasaysayan, dapat ang bawat araw na dumaraan ay maging
kasaysayan, ang mundo ay magpatuloy sa pag-ikot at ang tao kasama na ang lahat ng nilalang ay
magpatuloy sa pag-unlad.

Tunay nga ang kasabihang ang buhay ay mauunawaan sa pamamagitan ng kasaysayan, ng
nakaraan, ngunit dapat ay isabuhay sa direksyon ng hinaharap.
Kasaysayan ng Mundo: Isang Pagbabalik-tanaw

Kami, mga mag-aaral sa Pamantasan ng Regina Carmeli, ay lumikha ng Blog na ito bilang
proyekto sa Araling Panlipunan III - Kasaysayan ng Mundo.

Layunin ng blog na ito na:
1. Makabuo ng pinagsama-samang aralin mula ng Unang Markahan hanggang sa Ikatlong
Markahan ng panuruang taon sa Kasaysayan ng Mundo
2. Maihatid ang mga araling may kaugnayan sa pag-aaral ng Kasaysayan ng Mundo at iba pang
bagay na may kinalaman dito.
3. Mabuksan ang isipan ng mga kabataan ukol sa Kasaysayan ng Mundo tungo sa isang
magandang kinabukasan

Mahalagang matimo sa puso't isip ng bawat kabataan ang mga pangyayaring humubog sa
kasaysayan ng tao at ng mundong kanilang ginagalawan, upang sila'y maging mga tunay at
ganap na mamamayan ng mundong ito na lilikha ng bagong kasaysayan.

Mas lalo naming masusukat kung gaano kaepektibo ang blog na ito kung magbibigay kayo ng
mga komento/suhestiyon. Maraming salamat!



2 MODYUL 3ANG MGA UNANG KABIHASNAN
Sa naunang modyul, natuklasan mo kung paanong ang heograpiyang pisikal aynaging
bahagi ng paglinang ng tao ng sinaunang kabihasnan. Sa sinaunang panahondin
natuklasan ng tao ang gamit ng apoy, paggamit ng bato at metal,
pagtatanim,pangangaso, pagbasa, at pagsulat.Sa modyul na ito, pagtutuunan mo ng
pag-aaral kung paano nabuo ang mgaunang pamilya, pamayanan, bayan, lungsod,
kaharian o imperyo, at relihiyon. Ito angmga bumubuo ng mga unang kabihasnan.May
apat na araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:
Aralin 1: Mga Unang Kabihasnan sa Mesopotamia
Aralin 2: Kabihasnan sa Sinaunang Ehipto
Aralin 3: Kabihasnan sa Sinaunang India
Aralin 4: Kabihasnan sa Sinaunang TsinaPagkatapos mong mapag-aralan ang modyul
na ito, inaasahang malilinang saiyo ang mga sumusunod na kasanayan:
1. Matatalakay ang heograpiyang pisikal sa pagyabong ng mga unang kabihasnan;
2. Maipaliliwanag ang pagsulong ng mga unang kabihasnan sa Asya
(Sumer,Mesopotamia, India, Tsina, at Aprica); at3. Mapahahalagahan ang kontribusyon
sa daigdig ng mga unang kabihasnan.Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang
mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa
pag-aaral na inihanda parasa iyo.

You might also like