You are on page 1of 28

Welcome to A.P. 5 Class!

Ms. Unielyn A. Despogado


Guro
Partisipasyon ng Katipunan at Sekularisasyon
sa Pagsulong ng Kamalayang Pambansa

Ang Layunin:
1. Nakatatalakay ng partisipasyon ng Katipunan at
Sekularisasyon sa pagsulong ng kamalayang pambansa
Pambungad na Kanta at Panalangin
Pagganyak
Ang Partisipasyon ng Katipunan at Sekularisasyon sa
Pagsulong ng Kamalayang Pambansa
A. Kilusang Sekularisasyon
 Sekularisasyon ang tawag sa pagtatalaga ng mga Paring
Sekular na nangasiwa ng mga parokya.
Pagtatalakay
Uri ng Pari sa bansa sa panahon ng Espanyol:
1. Paring Regular - tawag sa mga paring Espanyol at miyembro
ng mga ordeng relehiyoso tulad ng Agustino, Pransiskano,
Recolito, Heswita at Dominikano na ang layunin ay magtatag
ng mga misyon at magpalaganap ng
relihiyong katoliko at may
karapatang humawak ng mga
parokya.
Pagtatalakay
2. Pareng Sekular - tawag sa mga paring Pilipino na nag-aral at
nagsanay sa bansa at hinirang sa parokya upang mapangalagaan
ang ispiritual na kapakanan ng
mga tao. Obispo at Arsobispo ang
namumuno sa kanila katulong
lamang sila ng mga Paring Regular.
Pagtatalakay
 Dahil sa mabilis na pagdami ng katoliko sa bansa inutos ni
Papa Pio na pahawakin ang mga Paring Sekular ng mga
parokya na hindi nagustuhan ng mga Pareng Regular dahil
wala daw ang mga ito ng kasanayan sa pamamahala kaya sa
bisa ng Atas noong 1776 ipinalabas ng Hari ng Espanya na
ibalik sa mga Regular o Prayle ang pamamahala ng mga
parokya na sobrang nag-
malabis sa kanilang kapangyari-
han na tinutulan ng mga paring
Pilipino dahil ito daw ay isang…
Pagtatalakay
…diskriminasyon sa mga pari.
 Noong Nobyembre 9, 1874 nagpalabas ng Atas ang Hari ng
Espanya na nag-uutos sa sekularisasyon ng mga parokya at
sinanay nang mabuti ang mga Paring Sekular.
 Mahigpit namang tinutulan ito ng mga Paring Regular at
sinabing ang mga Paring Sekular ang namuno sa mga pag-
aalsa sa Cavite o Cavite Mutiny na ang sangkot dito ay si
Lamadrid isang sarhentong
Pilipino at mga manggagawa sa…
Pagtatalakay
…arsenal ng Cavite na ang layunin ay pabagsakin ang mga
Espanyol. Muling nagpalabas ng Atas noong 1861 na ibigay ang
mga Parokya sa mga Heswita, ang Parokya sa Mindanao at sa
Paring Rekolito, ang mga Parokya sa Mindanao.
Mga Dahilan ng Pakikipaglaban ng
mga Paring Sekular o Paring Pilipino:
1. Diskriminasyon sa mga pari
2. Pagtanggal sa mga Paring Pilipino sa 2 pinakamayamang
parokya sa Pilipinas sa mga…
Pagtatalakay
…Prayle.
a. Parokya ng Antipolo
b. Parokya ng San Rafael sa Bulacan.
Mga Paring Pilipinong Kabilang sa Kilusang Nagtaguyod ng
Kanilang Karapatan:
1. Padre Pelaez 2. Mariano Gomez
Pagtatalakay
3. Jose Burgos 4. Jacinto Zamora

 Si Gobernador Heneral Izquierdo ang humatol ng


kamatayan sa 3 Pari sa pamamagitan ng garrote sa
Bagumbayan (Luneta Park) noong Pebrero 17,1872 at
humiling na tanggalin ng 3 pari ang...
Pagtatalakay
…kanilang abito bago sila patayin pero ito ay tinanggihan ni
Arsobispo Martinez at sa halip pinatugtog ang Plegaria ng
Kampana ng mga simbahan sa Maynila bilang simbolo ng
pakikipagdalamhati sa 3 paring martir na sina Mariano
Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora.
Pagtatalakay
 Ang pagkamatay ng 3 paring martir ang dahilan ng
pagkagising ng diwang makabansa ng mga Pilipino.
B. Kilusang Katipunan
 Ang Kataas-taasang, Kagalang-gala-
ngang Katipunan ng mga Anak ng Bayan mas kilala bilang
Katipunan at KKK ay isang lihim na samahan na itinatag sa
Pilipinas ni Andres Bonifacio na may layuning palayain ang
bansa sa ilalim na ng mga mananakop na Espanyol sa
pamamagitan ng dahas o rebolusyon.
Pagtatalakay
 Hulyo 7, 1892 ng itatag ang Katipunan o KKK dahil sa
pagkabigo ng Kilusang Propaganda, pagpatapon kay Rizal sa
Dapitan at paghatol ng kamatayan sa 3 paring martir.
 Kasama sina Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Valentin Diaz at
Jose Dizon, itinatag nila ang KKK sa bahay ni Deodato
Arellano sa #72
kalye Azcarraga sa Tondo,
Maynila
Pagtatalakay
 Mga Halal na Pinuno ng Katipunan:
1. Deodato Arellano - Pangulo o supremo
2. Andres Bonifacio - Tagapamahala
3. Ladilao Diwa - Piskal
4. Valentin Diaz - Ingat –yaman
5. Teodoro Plata - Kalihim
Pagtatalakay
 Mga Alyas na Ginamit ng mga Katipuneros:
1. Magdiwang –Andres Bonifacio
2. Magdalo – Emilio Aguinaldo
3. Vibora – Antonio Ricarte
4. Pingkian – Emilio Jacinto
 Ang mga Katipunero o Kasapi ng Katipunan ay nagmula sa
iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng mga manggagawa, mga
guro o mga negosyante.
 Kartilya ng Katipunan – tawag sa katipunan ng mga aral ng
Katipunan na binubuo ng 13 utos at ito…
Pagtatalakay
…ay sinulat ni Emilio Jacinto na
tinaguriang Utak ng Katipunan.
 Dekalogo ng Katipunan – nakapaloob
ang 10 alituntunin na mahigpit ipinapa-
tupad sa mga kasapi at ito ay sinulat ng Ama ng Katipunan
na si Andres Bonifacio.
 Kalayaan – tawag sa pahayagan ng Katipunan na si Emilio
Jacinto ang nagging patnugot pero upang iligaw ang mga
Kastila si Marcelo H. Del Pilar ang inilagay at ang pook
palimbagan ay Yokohama, Japan na nagkaroon ng malaking…
Pagtatalakay
…ambag sa paglaganap ng
Katipunan.
Emilio Jacinto
 Kinilalang Utak ng Katipunan at Himag-
sikan si Emilo Jacinto sapagkat siya
ang naghanda at sumulat ng mga aral
na dapat sundin ng mga kasapi sa katipunan, Ang Kartilya ng
Katipunan.
 Siya rin ang pangunahing sanggunian ni Andres Bonifacio.
Ang mga mungkahi niya ay lubos napinahahalagahan ni
Bonifacio.
Pagtatalakay
 Nabunyag ang lihim ng samahan dahil sa pangungumpisa ni
Teodoro Patino kay
Padre Mariano Gil nang sila ay magkaroon
ng hidwaan ni Apolonio dela Cruz.
 Noong ika-23 ng Agosto 1896 ipinatawag ni
Bonifacio ang mga pinuno ng Katipunan at
napagkasunduang simulan ang paghihimagsik.
 Si Emilio Aguinaldo ang namuno sa
mga Katipunero sa Cavite.
Pagtatalakay
 Sa kumbensiyon sa Tejeros ay itinatag ang isang
Rebolusyonaryong Pamahalaan noong Marso 22, 1897.
 Napakalaki ng ginampanan ng
kababaihan noong panahon ng
himagsikan tulad nina Melchora
Aquino, Gregoria Montoya, Agueda Kahabagan, at iba pa.
 Lumaganap ang himagsikan sa
pagitan ng mga Katipunero at
Espanyol sa iba’t ibang panig ng bansa.
Paglalapat
Isulat kung TAMA o MALI ang isinasaad ng sumusunod na
pangungusap.
___________ 1. Napakalaki ng papel na ginampanan ng
kababaihan noong panahon ng himagsikan.
___________ 2. Ang Katipunan ay isang lihim na samahan na
naglalayong makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng dahas.
___________ 3.Nakatulong ang pagpatay kina Bonifacio at
Procofio sa Himagsikang Pilipino.
___________ 4. Kasama sina Teodoro Plata, Ladislao Diwa,
Valentin Diaz at Jose Dizon, itinatag nila…
Paglalapat
…ang KKK sa bahay ni Deodato Arellano sa
#72 kalye Azcarraga sa Tondo, Maynila.

___________ 5. Hindi nagtagumpay ang mga Katipunero dahil sa


hindi pagkaka-unawaan ng bawat kasapi nito.
Paglalahat
 Sekularisasyon ang tawag sa pagtatalaga ng mga Paring
Sekular na nangasiwa ng mga parokya.
 Ang Kataas-taasang, Kagalang-gala-
ngang Katipunan ng mga Anak ng Bayan mas kilala bilang
Katipunan at KKK ay isang lihim na samahan na itinatag sa
Pilipinas ni Andres Bonifacio na may layuning palayain ang
bansa sa ilalim na ng mga mananakop na
Espanyol sa pamamagitan ng dahas
o rebolusyon.
Pagtataya
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang nagbunsad sa Katipunan upang gumamit ng dahas sa
paghihimagsik laban sa mga Espanyol?
A. Sapagkat likas na magaling sa pakikipaglaban ang mga
pinunong nagtatag nito.
B. Sapagkat may sapat na kakayahan at armas na ang mga Pilipino
noon kaya’t kayang-kaya nilang makipagsabayan sa mga
Espanyol.
C. Sapagkat nakita nilang hindi naging matagumpay ang
dalawang naunang samahang gumamit ng mapayapang paraan sa
paghingi ng mga reporma.
Pagtataya
D. Lahat ng sagot ay tama.
2. Anong katangian ang ipinakita ni Teodoro Patino ng ibinunysg niya
ang lihim ng Katipunan sa isang pari?
A. Magagalitin at mapaghiganti sa maling nagawa ng kapwa
B. Matapat at masunuring kasapi ng samahan
C. Mapagkumbaba at malawak ang pag-iisip
D. Mapagmahal sa samahan
3. Ito ay lihim na samahan na itinatag ng mga Katipunero na may
hangaring makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng dahas.
A. Sekularisasyon B. Katipunan
Pagtataya
C. Propaganda D. GOMBURZA
4. Ano ang naging bunga ng pagpatay kay Andres Bonifacio?
A. Humina ang kilusan at nagkawatak-watak ang mga
miyembro nito
B. Nagalit ang maraming rebolusyonaryo kay Aguinaldo
C. Higit na nagkaisa ang mga rebolusyonaryo
D. Ang pagkapatay ni Bonifacio ay nagdulot ng tagumpay sa
samahan upang labanan ang mga Kastila.
Pagtataya
5. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pakiki-
paglaban ng mga Paring Sekular o Paring
Pilipino?
A. Diskriminasyon sa mga pari
B. Pagtatanggal ng karapatan sa mga paring Pilipino na mabuhay
ng marangal
C. Pagpatay sa tatlong Paring Martir
D. Sapilitang pagpatrabaho sa mga Paring Sekular
Takdang-Aralin
Basahin at sagutin. (10 puntos)
1. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga
Katipunero, gagawin mo rin ba ang paraan ng pakikipaglaban
ng mga Katipunero? Bakit?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________________________

You might also like